CHAPTER 17: DIRTY

3320 Words

Ala-sais na nang matapos ako sa trabaho ko. Nag-inat ako para naman ma-relax ang katawan ko. Hindi ko na rin napansin na bumalik pa ng opisina si Sir Hati. Baka dumiretso na iyon sa pag-uwi matapos ang meeting niya. Minsanan siyang nagpapadala sa akin ng mensahe at mabuti na lamang ay tungkol iyon sa trabaho na at hindi sa kalandian niya. Naghintay ako ng jeep. Mabilis na naman akong nakasakay dahil hindi na ganoong kadami ang mga sumasakay dito. Natagalan lamang ako sa byahe dahil medyo traffic pa rin sa Quezon City. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko, na kapag nakita ko ang kama ko ay kaagad akong hihilahin nito para makatulog at makapagpahinga. Hindi ko na rin nga nararamdaman ang gutom dahil mas iniisip ko ang matulog. Pagkarating ko ay si Tito Bert lamang ang naabuta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD