CHAPTER 4: AT STAKE

2779 Words
Hindi ako mapakali. Nagbihis lamang ako at umalis nang muli ng bahay. Sinabihan ko na lang si Anica na tingnan si Marc habang ako ay hahanapin si Kuya. Tumango naman iyong babae kong kapatid. Kumalma na rin naman ang bahay at sa tingin ko ay umalis iyong stepfather ko. Baka maasikaso na rin ni Mama ang mga kapatid ko. Panay ang padala ko ng mensahe sa nakatatandang kapatid kung nasaan siya. Naputol din kasi kaagad ang tawag niya sa akin kanina at base nga sa ingay sa kabilang linya ay tumatakbo ito papunta sa kung saan. Para bang may tinatakasan. Pinuntahan ko ang mga lugar na madalas niyang puntahan. Nagbabaka sakali ako na makita ko siya roon, na sana ay nagbibiro lamang siya na may nagbabalak pumatay sa kanya.  “Hindi ba napapadpad dito si Kuya Gil?” tanong ko sa mga barkada niya. Umiling sila at sumagot na hindi pa raw nila nakikita ang kapatid ko simula kahapon. Sobra na ang pag-aalala ko. Panay rin ang pagsilip ko sa aking cellphone, umaasang makakatanggap ng reply mula sa kapatid ko. Napatigil ako sa pagtakbo nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sinilip ko iyon at laking tuwa ko nang makita ko ang mensahe ni Kuya Gilbert. Kuya Gilbert: Your brother is going to die. Iyon ang sabi sa text tapos ay agad ding nagpadala ng isang litrato kung saan nakagapos at sugatan ang kapatid ko. Ginapangan ako ng takot at kaba, iniisip kung buhay pa ba ito dahil mukhang wala siyang malay sa litrato. Me: Anong kailangan niyo sa kapatid ko? Tinangka kong tawagan ang number ni Kuya Gil, ngunit hindi ito sinasagot ng mga taong may hawak sa kanya. Gusto ko silang murahin ngunit alam kong walang magagawa kung magpapadalos-dalos ako. Kuya Gilbert: Kung gusto mong iligtas ang kapatid mo. May i-send kami sa ‘yong lugar at pumunta ka roon. Baka sakaling magbago ang isip namin. Ilang minuto pa matapos nilang i-send iyon sa akin ay may panibagong mensahe ang dumating na nagbibigay ng lokasyon kung nasaan sila ngayon. Hindi ko man alam kung maganda bang ideya ang pumunta roon ngunit natatakot din akong baka mapahamak si Kuya kapag wala akong ginawa. Buong tapang akong nagpunta sa nasabing lugar. Mabigat ang paghinga ko at magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako natatakot. Gayunpaman, gusto kong masigurado na nasa maayos at ligtas ang kapatid ko. Nang makapasok ako sa tila abandonadong bodega ay nakarinig ako ng palakpak mula sa gitnang bahagi nito. Hindi naman kalakihan ang naturang bodega kaya’t nakita ko kaagad sila. Sa magkakapatong na malalaking kahon at crates ay naandoon sila. Ang kapatid ko ay nakatali at sugatan, mukhang wala ring malay. “Hindi ko akalaing pupunta ka talaga. Ikaw ang kapatid nitong Gilbert na ito, hindi ba?” tanong sa akin ng isang lalaki. Tumalon siya mula sa tuktok ng mga kahon. “Anong kailangan niyo sa kapatid ko?” Kung pera ang kailangan nila ay may ipon naman ako. Nag-iipon ako para sana sa sarili ko dahil nagbibigay naman ako kina Mama ng pera. Ngunit kung kakailanganin ng kapatid ko para makatakas dito ay hindi ko naman ikamamatay kung gagalawin ko iyon. “Gusto na kasing kumawala nitong si Gilbert sa grupo namin. Pangit ka-bonding.” May inilabas na kutsilyo iyong lalaki. Nabigla ako noong una ngunit mas pinili kong huwag ipahalatang kinakabahan ako o natatakot. Pakiramdam ko ay mas ikakatuwa lang nila iyon. “Anong kailangan niyo sa kapatid ko?” matapang na tanong ko, “pera ba? Magkano?” Wala akong malaking pera pero kung kailangan talaga ay hindi ako mahihiyang lumapit kay Ma’am Averie. Babayaran ko na lang. Lulunukin ko na ang hiya at pride ko para lamang masiguradong maililigtas ko ang kapatid ko. “Ha? Hindi naman kailangan ng pera,” natatawang sagot nito sa akin habang nilalaro ang kanyang hawak na kutsilyo. “Alam mo ba ang ginawa ng kapatid mo sa amin? Ninanakawan niya kami ng drugs. Mas grabe iyon kaysa nakawan kami ng pera. Tsk, nagalit tuloy sa kanya si boss.” Drugs? Bakit magnanakaw si Kuya ng drugs? Isa pa, bakit ba sumasama siya sa mga ganitong klase ng tao? Tumingin ako kay Kuya nang gumalaw ito. Mukhang nagkamalay na rin siya. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang may buhay pa naman ang kapatid ko. “Base sa reaksyon mo, hindi mo alam na lulong sa droga ang kapatid mo? Ang iba pa nga roon ay ninanakaw niya sa amin.” Umiling-iling ang lalaki na para bang dismayado ito. “Kung tutuusin ay hindi niya iyon dapat ginawa. Binigyan na nga namin siya ng trabaho ay ninakawan pa kami. Tapos ngayon ay aalis siya at kakawala sa grupo? Ungas!” “Adira, anong ginagawa mo rito?” nanghihinang saad ng aking kapatid. Halatang hindi pa niya nababawi ang lakas mula sa pagkakabugbog sa kanya. Hindi ako sumagot. Naaawa lamang ako sa kalagayang mayroon ang kapatid ko ngayon. Hindi ko siya kayang tingnan, hindi ko rin kayang isipin na kasali siya sa ganitong grupo. Ngayon ay naiintindihan ko na kung saan nagmumula ang pera niya. Narinig ko ang pagtawa ng lalaki. Nakuha niyang muli ang atensyon ko kaya’t tumingin ako sa kanya. Gusto ko nang malaman kung anong kailangan nila para hayaang umalis ang kapatid ko sa grupo nilang ito. “Anong kapalit para hayaan niyo ang kapatid ko na kumalas ng grupo niyo?” matapang na tanong ko.  Natatakot ako sa kanila pero alam ko na kahit papaano naman ay kaya kong depensahan ang sarili ko. Kahit papaano ay may alam naman ako sa self defense. “Hindi kami ang makakapagdesisyon niyan, eh. Kung gusto mong makipag-usap kung anong maaaring kapalit para hayaan naming umalis ang kapatid mo ay kausapin mo si boss.” Kibit balikat niya sa akin, na para bang hinahamon niya akong kausapin iyong boss nila. “Adi, huwag na huwag mong gagawin iyan. Delikado si Boss—” “Paano ko siya makakausap,” buong tapang kong tanong, hindi pinansin ang mga sinabi ng aking kapatid. Nagkatinginan ang mga lalaki na para bang namangha sa aking sinabi. Tumango ang isa bago muling tumingin sa akin ang lalaking kausap ko kanina pa. “Delfin, tawagan mo si Boss. Sabihin mong gusto siyang kausapin nitong kapatid ni Gilbert,” utos nito sa isang lalaki. Agad namang umalis ang lalaki habang may dala itong telepono. Nagpapapalit-palit ang tingin ko kay Kuya at sa lalaking ngumingisi habang pinagmamasdan din ako. Kahit papaano ay nababawasan na ang takot na nararamdaman ko. “Fidel, nasa opisina si boss. Papuntahin na lang daw iyan doon kung gustong makausap si boss.” Nang makabalik iyong Delfin ay agad niyang ibinalita ang napag-usapan niya at kung sino mang boss niya. Tumango iyong lalaking kanina ko pa kinakausap na ang pangalan pala ay Fidel. Tumingin siyang muli sa akin, nagbabalak magsalita. Inunahan ko na siya dahil alam ko kung anong dapat kong gawin. “Pupunta ako,” matigas kong tugon na para bang wala nang makakapagpabago ng aking desisyon. May mapaglarong ngiti ang kumurba sa kanyang labi. “Jaime, ikaw na ang sumama riyan. Dalhin mo iyong isang motor at dalhin mo siya kay Boss.” Inihagis niya ang susi ng sinasabi niyang motor sa isang kasamahan niya. Napatingin ako kay Kuya nang mapansin ko ang paggalaw niya. “Sasama ako.” “Hindi,” angal kaagad ni Fidel sa aking kapatid. “Mananatili ka rito. Iyang kapatid mo lang ang pupunta roon.” “Pero—” “I’ll be fine,” pagputol ko sa sinasabi ng kapatid ko. Tumingin siya sa akin at hindi na nagsalita pa.  Naglakad na si Jaime papunta sa labas kung saan nakaparada ang motor. Sumunod naman kaagad ako. Sinigurado ko lamang na hindi nila sasaktan muli ang kapatid ko at umalis na rin doon. Hindi naman ganoon katagal ang byahe. Nakarating kami sa labas ng isang kompanya. Hindi na ako magtataka na mayamang tao ang nasa likod ng lahat ng iyon kung nakakapagbenta o pasok sila ng droga sa bansa nang walang nakakahuli sa kanila. Papasok na ako sa entrance ng kompanya ng pigilan ako ni Jaime. “Huwag ka riyan pumasok. Hihingian ka pa ng ID kapag diyan ka dumaan. Dito tayo.” Sa ibang daan kami pumasok na dalawa. Sinamahan niya naman ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang opisina. Binasa ko kung anong nakalagay roon at nakita ko na opisina iyon ng CEO. Kumatok si Jaime sa pinto at ako naman ay naghintay lamang sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit ngayon ako kinakabahan. Hindi naman siguro ako mamamatay ngayong araw, kakausapin ko lang ito. “Boss, naandito na iyong kapatid ni Gilbert. Gusto niya kayong makausap.” Tumingin pa sa akin si Jaime matapos niyang sabihin iyon. Nag-iwas ako dahil pakiramdam ko ay minamaliit niya ako. Huminga ako nang malalim at muling nag-chin up. “Papasukin mo na,” sabi ng lalaki sa kabilang bahagi ng pinto. Muli akong huminga nang malalim bago pumasok sa loob.  Pinagbuksan ako ng pinto ni Jaime at naglakad na ako papunta sa loob ng silid. Sumara ang pinto kaya’t napatingin pa ako roon. Akala ko ay susunod si Jaime pero mukhang hindi na at maghihintay na lang sa labas. “You are?” Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa gitnang bahagi ng silid. Mas bata siya sa inaasahan kong edad niya. Akala ko kasi ay matanda na siya pero parang hindi at mas matanda lamang ng ilang taon sa akin. “Adira Agnello. I am here to negotiate about my brother’s freedom.” Tumingin siya sa akin at pinagmasdan akong mabuti. Ngumisi ito at iginaya ako sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa.  “Please, have a seat,” paanyaya niya sa akin na pinaunlakan ko naman. Naglakad ako patungo sa silya at naupo roon. Pinagmasdan ko siyang mabuti. He’s not that intimidating, unlike what I’d expect him to be. Ganoon pa man, don’t judge others by their physical appearance. “Sorry, I have to finish this. Can you wait?” Mabilis siyang tumingin sa akin kaya’t tumango na lamang ako. May magagawa pa ba ako? Ako na nga lang ang makikiusap. Hindi rin naman siya nagtagal sa pinagkakaabalahan niya. Isinara niya iyong folder ng mga dokumentong kanina lang ay pinagmamasdan niya bago sumandal at tumingin sa direksyon ko. Ipinagsalikop niya rin ang kanyang kamay. “So, what can I do for you, Miss Agnello?” Kumurba ang isang makahulugang ngisi sa kanyang labi na siyang hindi ko nagustuhan. Inaayos ko ang sarili sa pagkakaupo at tumikhim. “About my brother, Gilbert Agnello. Gusto na niyang kumalas sa organisasyon ninyo pero hindi siya pinayagan at binugbog pa. Mukhang gusto pa rin siyang patayin ng mga tauhan mo. I am here to negotiate. If I can do something for my brother’s freedom, I’ll will do it.” Mabilis basahin ang mga ganitong lalaki. Kung katawan ko ang hihingiin niya ay hahayaan ko siyang makuha iyon. Wala akong pakealam. Mas mahalaga naman ang buhay ng kapatid ko kumpara sa dignidad na pinapangalagaan ko. “Gutsy, huh?” tumatango-tango nitong saad sa akin. Hindi pa rin napapawi ang ngisi sa kanyang mga labi na siyang ikinakuyom ng aking kamay. Mabuti na lang at hindi niya iyon nakita. “Anyway, I know the reason you’re here, and I’m expecting you to be here.” Kumunot ang aking noo, hindi makuha ang ibig sabihin ng kanyang mga salita. Inaasahan niya ako rito? Malamang dahil sinabihan siya ng mga tauhan niya, hindi ba? “And I know about you and your work.” Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at humarap sa malaking bintana ng kanyang opisina. Ang mga kamay ay nasa kanya ring bulsa. “You were kicked out in your military training due to some crime you committed—” “Alleged. Hindi napatunayan na ako ang gumawa,” pagpuputol ko nang binabalak niyang sabihin sa akin. How did he know about that? Oh right, mukha siyang chismoso. Humalakhak ito na para bang isang malaking biro ang sinabi ko. Nanatili ang seryoso at blangkong emosyon ng aking mukha. Hindi ako natutuwa sa pag-uusap naming ito.  “Anyway, napag-isipan ko na kung anong kapalit ng kalayaan ng kapatid mo. Kapag ginawa mo ang gusto kong ipagawa sa ‘yo, hahayaan naming kumalas si Gil sa aming organisasyon nang walang kahirap-hirap.” Tumingin siya sa akin at naglakad papalapit sa kanyang lamesa. Itinuon niya ang kanyang kamay roon. “Are you in?” “Tell me about it.” May choice pa ba ako? Wala naman. Kung hindi ako papayag ay alam kong papatayin nila ang kapatid ko. Nakita ko ang lagay na mayroon siya kanina. Hindi iyon mga birong bugbog lamang. Kumurba muli ang isang ngisi sa kanyang labi. Kinuha niya ang sigarilyo at sinindihan iyon. Ibinuga niya ang usok bago muling tumingin sa akin. “You’re currently working at the Alterio company, am I correct?” Tumango ako sa kanyang itinanong. Mukha namang natuwa siya sa isinagot ko. “And I heard that Averie Alterio, the acting CEO of the company will be engaged to a Benavidez, right? Hati Benavidez to be exact.” “And what about them?” Bakit nadamay ang boss ko at ang lalaking makulit na iyon sa usapan? Paano niya pati nalaman ang lahat ng ito? Bukod pa roon, ano bang pangalan niya? Hindi ata nausuhang magpakilala muna. Pinatay niya ang maliit ng apoy ng kanyang sigarilyo sa ashtray. Muli niyang itinuon ang kanyang kamay sa mesa niya at bahagyang yumuko para mas lumapit sa akin. “Hati Benavidez will be your mission, in exchange for your brother’s freedom.” Halos malaglag ang panga ko pero pinigilan ko iyon. Ayokong magbago ang ekpsresyon ng mukha ko. Gusto kong ipakita sa lalaking ito, na hindi ko alam ang pangalan na hindi ako papasindak sa kahit anong ilabas ng bunganga niya. “Anong gusto mong gawin ko kay Hati Benavidez?” Tumaas ang isang kilay ko. May gusto ba siya kay Averie? At gusto niyang paglayuin ko ang loob ng dalawa? Sorry, but he’s a little late. Gusto na ni Averie si Sir Hati na iyon kahit hindi ko maintindihan kung bakit. “Alam kong magagawa mo ito. There’s no time limit, be my guest. Ngunit nakadepende sa tagal ng pag-a-accomplish mo ng misyon na ito ang kalayaan ng kapatid mo. Hangga’t hindi mo natatapos ito, mananatili siya sa organisasyon namin and who knows what my men will do to him.” Umikot siya sa lamesa niya at pumunta sa harapan nito, malapit sa kinauupuan ko.  Humilig ito sa kanyang lamesa at humalukipkip habang nakatingin sa akin, may ngisi pa rin ang kanyang mga labi. “Ano nga?” iritado kong tanong. Anong oras na kasi at imbis na nagpapahinga na ako sa bahay dahil gabi na ay naandito ako, nakikipag-usap sa lalaking wala pa atang pangalan. He clicked his tongue, and again, leans on me. “Kill Hati Benavidez. After that, you’ll get your brother back.” Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Ano? Mukha ba akong mamatay tao sa kanya? Bakit ko papatayin si Sir Hati?  Alam kong naiinis ako sa lalaking iyon dahil ang hangin niya. Ngunit hindi iyon sapat para patayin ko siya! “You can do that, right? After all, you killed someone in your military training—” “I told you, I didn’t do that!” Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. Sa lahat ng maaring pag-usapan ay iyon pa talagang sensitibong topic ang palagi niyang sinasabi. Hindi mo malaman kung nananadiya ba siya. “Okay, calm down.” Tumawa ito. Naiinis ako sa pamamaraan ng pagtawa niya. “But you can do that, right? Killing Hati Benavidez, that is. Kapag nagawa mo iyon, you’ll get your brother in one piece; without a scratch, alive, and his head still intact on his body.” Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong tamang gawin, pero kung hindi ko ito gagawin, paano naman ang kapatid ko?  Nakita ko ang paglahad niya ng kamay niya. Tinitigan ko iyon habang nag-iisip. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumayo bago tanggapin ang kamay niya. “Deal,” matipid kong sagot sa kanya. Nag-angat ako ng tingin upang tingnan muli siya ng diretso. “Sir…what’s your name?”  Tumawa siya nang itanong ko ang kanyang pangalan. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawa niya. Kasalanan ko ba kung hindi ko alam? Siya itong walang nakalagay na nameplate sa kahit saan dito sa opisina niya. “Oh, sorry for not introducing myself, first.” Tumigil siya sa kanyang pagtawa at ang kanyang sunod na ekspresyon ay ikinatindig ng balahibo ko sa katawan. “Atlas…Atlas Mazariego.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD