CHAPTER 5: SEE YOU

2630 Words
“Sir Atlas, may I know why you want to kill Sir Hati? Is it because of Ma’am Averie?” Wala namang nababanggit si Averie sa akin na may nanliligaw sa kanya. Isa pa, kung may gusto siya kay Ma’am at nagagalit siya kay Sir Hati dahil dito iyon ipakakasal, bakit kailangang humantong sa p*****n? Ang duwag! “It’s a secret, Adira, and please, just call me Atlas. No need for formalities,” aniya at bumalik sa kanyang office chair. “Kapag may tiwala na ako sa ‘yo, baka sabihin ko, but for now, I won’t tell the whole story. Kung wala ka nang kailangan, you may go—oh, hold up.” May kinuha siya sa kanyang drawer at ibinigay sa akin iyon. Calling card niya ata. Anong gagawin ko rito? “I can provide you with anything you need for your mission. I can also give you, assistance. Just make sure, you’ll kill him because if you don’t, your brother will. Wala ring dapat makaalam, lalo na ang mga Benavidez, that you’re working for me, okay?” Hindi na ako nagsalita pa at umalis na roon. Panay ang kagat ko sa aking ibabang labi sa irita at frustration na nararamdaman. How can I kill someone? Akala ba niya ay madili ang pinapagawa niya? Hindi ko inaakala na ganito ang magiging kapalit ng kaligtasan at kalayaan ng kapatid ko.  Ano pang sabi niya? I am working for him? Hindi, ‘no! Gagawin ko lamang ito para sa kapatid ko. But can I kill? I’m not sure about that. Nang makalabas kami sa malaking building na iyon ay naabutan ko sa labas si Kuya. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ngunit hindi nagdalawang isip na tumakbo papalapit sa kanya. Sugatan pa rin siya at halatang nanghihina ang katawan. Inalalayan ko siya upang makatayo siya nang maayos. “Anong ginagawa mo rito, Kuya?” Akala ko noong una ay ayaw siyang paalisin sa lugar na pinag-iwanan namin sa kanya kanina.  “Hahayaan muna namin siyang makauwi sa inyo. Huwag kang tatakas, Gil. Pasalamat ka mukhang good mood si boss.” Lumapit iyong Fidel sa amin at taas noong hinarap ang kapatid kong halos hindi na makatayo nang tuwid. “Dahil kapag tumakas ka o tinakasan mo kami, pamilya mo ang magbabayad.” “Hindi ako tatakas,” paglilinaw ni Kuya.  Ngumisi sina Fidel bago tumango at tumingin sa akin. Sandali lamang naman iyon bago nila ibalik sa kapatid ko ang paninitig niya.  “Good, mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Sige na, sa susunod na araw na lang ulit tayo magkita.” Matapos iyon ay sumenyas siya sa mga kasamahan niyang aalis na sila. Maging si Jaime na kasama ko pagpunta rito ay umalis na kasama sina Fidel. Naisipan ko na lang na mag-taxi kami. Hindi ko rin naman kayang alalayan si Kuya hanggang pag-uwi. Isa pa, sa lagay niya ay kailangan niya nang magpahinga. Mabuti na lang at nang makauwi kami ay tulog na ang mga nakababatang kapatid ko. Tahimik na rin sa bahay. Sinilip ko pa sila sa kwarto at mahimbing na natutulog ang dalawang bata, ngunit wala roon ang aking ina at ang aking ama-amahan. Napabuntong hininga ako sa pagkadismaya. Paano nila naiiwan ang mga kapatid kong bata na mag-isa? Inayos ko ang kumot ng dalawang kapatid ko bago kunin iyong first aid kit na mayroon kami. Gagamutin ko pa ang mga sugat ng kapatid kong lalaki. Masama ang tingin ko sa kanya habang umuupo ako sa harapan niya. Ang dami kong katanungan sa kanya, lalo na kung bakit siya nasangkot sa ganoong klaseng gawain. He’s a drug dealer for Pete’s sake! At wala kaming kaalam-alam na ginagawa niya iyon. “Aray!” Napadiin ang aking paglilinis ng sugat niya kaya’t napasigaw siya sa sakit. “Talagang masaktan ka, Kuya! Ano ba naman iyang pinasok mo? Hindi mo ba naisip na maaari kang mapahamak? At ito na nga, halos mamatay ka roon, ah?” Alam kong hindi ko na dapat siya inaaway o pinapagalitan dahil sa lagay niya, ngunit hindi ko talaga mapigilan. “Kailangan natin ng pera, Adi! Anong gusto mong gawin ko? Walang gawin? Baon tayo sa utang dahil sa pagsusugal ni Tito Bert. Tapos si Mama may gamot pang iniinom. Hindi naman sapat ang perang binibigay mo.” Natigilan ako sa sinabi niya. Malamig ko siyang tiningnan at nakita ko naman ang pagsisisi niya sa panunumbat sa perang binibigay ko sa kanila. “Sapat ang perang ibinibigay ko sa inyo. Kung tutuusin nga ay sobra pa. Kayo ang hindi marunong gamitin ang pera sa tama. Isa pa, ang daming pwedeng maging trabaho, bakit konektado pa sa ilegal?” Muli kong ipinagpatuloy ang panggagamot sa kanya. Kahit naman naiinis ako at galit sa trabahong pinasok niya ay hindi ko siya maaaring hayaan sa ganitong lagay niya. “Wala akong ibang choice. Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kagaya mo. Hindi rin ako mautak o matalino kagaya niyo. Anong makukuha kong trabaho—” “And you decided to enter drug dealing? Bukod sa kapahamakang maaaring ibigay niyan sa ‘yo, naisip mo man lang ba kami? Paano kung madamay ang pamilya natin dahil diyan? Narinig mo ba ang pagbabanta nila sa ‘yo?” Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong magtaas ng boses. Alam ko naman na pareho lamang kaming nahihirapan sa sitwasyong mayroon kami ngayon, ngunit hindi ko pa rin matanggap na papatusin niya ang ganoong klase ng trabaho. Nakita ko ang pagkainis ni Kuya Gil, ganoon pa man ay mas pinili niya ang manahimik. Tumahimik na lang din ako, iniisip na baka kung ano na namang mga salita ang pumuslit sa aking bibig. Natapos ako sa panggagamot sa kanya at agad na inilagay sa isang tabi ang first aid kit. Nagtungo ako sa kusina upang tingnan kung may pagkain pa ba roon. May nakita pa naman ako kaya muli kong sinilip si Kuya. “May pagkain pa rito, Kuya. Kumain na muna tayo.” Hindi pa ako kumakain ng hapunan at alam ko na mas lalong hindi pa rin siya.  Naghain ako ng pagkain sa mesa habang siya naman ay hinihintay akong matapos. Naupo ako at nagsimula na kaming kumain matapos naming magpasalamat sa pagkaing nasa harapan namin ngayon. “Anong napag-usapan niyo ni boss? Hanga rin ako sa ‘yo, nagawa mong makausap iyon. Ako ngang miyembro nila ay hindi pinapayagang makaharap si boss,” saad ni Kuya sa gitna ng katahimikang bumabalot sa aming dalawa habang kumakain. Uminom muna ako ng tubig. Hangga’t maaari sana ay ayokong pag-usapan ang tungkol doon. Ni hindi ko pa nga alam kung maisasagawa ko ba ng tama. “May gusto siyang ipapatay sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko—” “Ayon lang pala, eh! Hindi iyon mahirap, Adi,” pagpuputol niya sa sinasabi ko.  Tumingin ako kay Kuya. Nang una ay iniisip ko pang hindi niya ako narinig nang maayos kaya para sa kanya ay madali lamang iyon, ngunit nang makita ko ang ekspresyon niya, na para bang balewala nga sa kanya ang tungkol doon ay roon ko napagtanto na baka nga para sa kanya ay madali lang ang kumitil ng buhay. “Hindi ako mamamatay tao, Kuya,” matigas na sagot ko sa kanya bago tumingin sa pinggan kong hindi pa nangangalahati ang pagkaing naroroon. Nawalan na ako ng gana. “Kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng isang miyembro ng pamilya, bakit hindi mo na lang gawin, Adira? Mas gugustuhin mo bang ako ang mamatay?” Tumingin siya sa akin, hinahamon akong sagutin iyon.  Itinikom ko ang aking bibig. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ngunit ang katahimikan ko ang mas ligtas na sagot sa lahat. Hindi ko kayang pumatay ng tao kahit na iyon ang tingin sa akin ng iba dahil sa akusasyon sa akin noon na hindi naman napatunayang ginawa ko nga. Ngunit hindi ko rin namang gugustuhing makitang mamatay si Kuya. Kaya ngayon, naguguluhan ako sa kung ano nga bang dapat kong gawin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang kailangang maglinis ng kalat ng kapatid ko, kahit na kanina naman ay handa talaga akong tulungan siya. Hindi ko naman kasi inaakalang ganito ang ipapagawa sa akin. Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko iyon. Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Masyado akong ginugulo ng iba’t ibang kaisipan. Paulit-ulit ko ring tinatanong ang sarili ko kung kaya ko bang gawin iyon. May iba pa ba akong choice? May iba pa ba akong maaaring magawa? Mabigat ang aking mga mata nang muli ko itong idilat kinaumagahan. Naramdaman ko ang pag-alog ng kapatid ko sa akin upang magising lamang ako. “Ano iyon, Anica?” tanong ko sa nakababatang kapatid na babae hanggang sa marinig ko ang pag-iyak ng bunso namin na si Marc. Agad akong napatayo at pinuntahan siya sa crib niya. Kinalong ko si Marc at pinatahan. Mukhang gutom na ito at hindi pa nakakainom ng gatas. Bumaling ako kay Anica upang itanong kung nasaan si Mama. “Hindi pa umuuwi si Mama, Ate, eh. Pati si Tito Bert ay wala pa rin,” nakangusong sagot sa akin ng kapatid ko. Si Tito Bert ay iyong stepfather namin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pinabantayan muna kay Anica ang nakababatang kapatid naming lalaki para makapunta ako kung nasaan ang gatas nito at makapagtimpla. Itinali ko ang aking buhok upang hindi iyon maging sagabal sa gagawin ko. Binilisan ko ang aking pagkilos. Panay ang tingin ko rin sa orasan dahil may trabaho rin ako ngayon. Pinakain ko na rin si Anica dahil may pasok pa siya sa school niya. “Si Kuya Gil ba?” Hindi ko pa rin kasi nakikita si Kuya. Natataranta na ako dahil baka ma-late ako sa pagpasok sa opisina. Medyo hirapan pa naman sa pagsakay sa jeep kapag ganitong oras dahil rush hour. “Ewan ko, Ate,” halos hindi na makapagsalita nang maayos ang kapatid ko dahil sa pagkapuno ng bibig niya. Pinakalma ko ang sarili ko. Si Anica ay pwede kong isabay pag-alis ko, ngunit paano si Marc? Sinong maiiwan sa nakababata naming kapatid? Hindi ko naman siya maaaring iwan na lang dito nang mag-isa. “Jusko talaga iyang Tito Bert niyo!”  Napatingin ako sa may pinto nang sumungaw si Mama. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita siya. Nilapitan ko siya at ibinigay sa kanya si Marc na karga ko. “Ma, saan ka ba galing? Kagabi ka pa ata hindi umuwi. Pati sina Anica, iniwan niyo rito.” Gusto ko mang pagalitan si Mama ay mas pinili kong maging mahinahon. Ang dami ko nang iniisip at ayoko nang dagdagan pa ng ganitong ka trivial na bagay. “May inayos lang ako. Sinisigurado ko naman na tulog na sila bago ako umalis.” Kinuha niya sa akin si Marc at sinimulang laruin.  Marami man akong gustong sabihin kaya Mama ay hindi ko na itinuloy. Ayokong makipagtalo pa. Mahuhuli na ako sa pagpasok sa opisina. Kinuha ko na ang bag ko at tiningnan si Anica na mukhang hindi pa tapos kumain.  “Aalis na ako. Sasabay ka ba?” Malapit lang naman ang eskwelahan ng kapatid ko kaya’t kaya na niyang mag-isa. Kaya lamang ay nagbabaka sakali akong gusto niyang sumabay sa akin. “Hindi, Ate. Nakain pa ako,” sagot niya sa akin na siyang kinatanguan ko. Bumaling naman ako kay Mama na abalang pinapatawa ang nakababatang kapatid ko. Nang makita ko silang ganoon ay parang nawala ang init ng ulo ko kahit papaano. “Ma, alis na po ako,” pagpapaalam ko sa kanya. Gusto ko pa sanang malaman kung nasaan si Kuya Gilbert pero inisip ko na lang na baka nasa sindikatong kaibigan niya na naman. Kung kaibigan nga bang maituturing ang mga iyon. “Kumain ka na ba? Bakit hindi ka muna kumain—” “Wala na po akong oras. Kailangan ko nang umalis.” Hinalikan ko sila sa kanilang pisngi. Nginitian ko pa si Marc na siyang ikinatawa nito. Tuluyan na rin akong umalis matapos iyon. Ganoon ang buhay ko. Magulo at halos wala na ring oras para sa sarili. Kaya iyang sinasabi sa akin ni Averie na kailangan kong mag-boyfriend? Huwag na. Hindi na nga ako magkanda-ugaga para sa sarili at pamilya ko ay maghahanap pa ba ako ng dagdag na sakit ng ulo? Nang makababa ako ng jeep ay kumaripas kaagad ako nang takbo papasok ng opisina. Binati ko si manong guard at ganoon din siya sa akin. Nakipagsiksikan pa ako sa elevator. Mabuti na lang at hindi nag-overload. Hinahapo akong nakarating sa floor namin. Nang makapag-in ako ay roon lamang ako nakahinga nang maluwag. Naglakad na ako papunta sa pwesto ko at inilagay ang aking bag sa gilid upang magsimula na kaagad ng trabaho. As usual, maraming nakatambak na papeles sa table ko at kinakailangan ko itong papirmahan kay Averie mamaya. Naandiyan na kaya siya? Tumayo ako at sinilip ang opisina niya. Napansin ko na walang tao roon na siyang nakakapagtaka. May mga pagkakataon man na hindi siya maagang pumasok ngunit mas madalas pa rin na maaga siyang naririto. Ano kayang dahilan? Normally, sasabihin naman niya sa akin kapag hindi siya makakapasok nang maaga. Narinig ko ang pag-ring ng aking telepono kaya agad akong bumalik doon. Iniisip ko pa na baka si Averie iyon kaya walang pag-aalinlangan kong sinagot. “Hello, Alterio Inc., how may I help you?” magalang na pagbati ko sa nasa kabilang linya. Kahit na si Averie pa iyon ay kailangan ko pa rin namang bumati nang maayos. “Hello, Adira.” Awtomatiko kong iniirap ang aking mga mata. Kilala ko na kaagad kung sino ito. Kung alam ko lamang na siya ang tumatawag ay sana hindi ko na lang pala sinagot. “Good morning, Sir Hati. Unfortunately, Ma’am Averie isn’t in the office right now—” “I know, I know. Hindi naman siya ang kailangan ko. Bakit ko tatawagan si Averie knowing na wala siya sa opisina at kasama ng pinsan ko?” sarkastikong tanong nito sa akin. Pakiramdam ko kung nakikita ko ang ekspresyon ng mukha niya ngayon ay may nakakairitang ngisi ang kanyang mga labi. “Kasama po ng pinsan niyo?” paglilinaw ko. Baka kasi nagkakamali lamang ako nang dinig sa kanya kaya’t inulit ko sa kanya iyon. I heard something creaking, might be his chair. Siguro ay sumandal siya sa kanyang inuupuan ngayon. “Uh-huh, she’s with Silas right now. May pinag-uusapan silang dalawa at hulaan mo sinong may pakana ng lahat,” natatawang sambit nito sa akin. Muli akong napairap sa hangin. Hindi pa ba halata ang sagot? Syempre siya! Sino pa ba namang may kalokohang naiisip kung hindi siya lamang. “Ganoon po ba.” Wala naman akong pakealam. Kung may appointment si Averie na hindi niya sinasabi sa akin, okay lang naman, lalo na kung masyadong personal iyon. Tumawa si Sir Hati sa kabilang linya. Iniisip ko tuloy kung paano ko ba talaga maisasagawa iyong misyon ko. How can I kill this annoying man? Hindi ko alam. Isa pa, do I have the capability to do so? “Come on, Miss Agnello. Show me some interest.” Kahit ganoon ang sinasabi niya ay pakiramdam ko nag-e-enjoy siyang painitin ang ulo ko. Ang aga-aga naman nitong manggulo. “Bakit po sila magkasama?” tanong ko sa kanya, kunwari’y interesado kahit na gusto ko na ulit siyang babaan ng telepono. Tamad akong umupo sa office chair ko at pinagmasdan na ang power point presentation na ipinagkatiwala sa akin ni Averie. Ine-edit ko iyon habang nakikinig sa walang kwentang sinasabi ni Sir Hati. Kailangan kong magtiis. “I’m not going to tell you everything but here’s a hint.” Tumigil siya sandali sa kanyang sinasabi. Napatigil din tuloy ako sa aking pagta-type na ginagawa. “I’ll see you soon at my company, Adira.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD