Ang kilabot na nararamdaman ko lamang kanina ay napalitan ng pagkairita. Irita para sa lalaking itong feeling close dahil sa kakalapit niya sa akin.
“Can you stop approaching me? Hindi ko po kayo kilala, sir.” Pagpapanggap ko na hindi ko siya kilala. Wala namang masama kung magsinungaling ako ng mga ganoon. Hindi ko ikapupunta ng impyerno ito.
He chuckled. Tumaas ang aking isang kilay dahil sa ginawa niya. Tapos ngayon ay pinagtatawanan niya na ako? Ano bang nakakatawa?
He cornered me using his two hands. He puts it on my side, making it hard for me to escape from his sight. Nakakaiyamot naman ang lalaking ito. Hindi ba siya natatakot na baka pumasok si Averie rito sa opisina niya at madatnan kami sa ganitong posisyon? Ayokong ma-misunderstood niya ang mga pangyayari.
“Sir Hati—”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina niya kaya’t awtomatiko ko siyang itinulak nang malakas. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpanggap na may inaayos doon.
“Oh, naandito ka na pala, Hati! Hinihintay pa naman kitang lumabas ng men’s comfort room.” Agad lumapit si Averie kay Hati. Sinilip ko siya at inilingkis niya ang kanyang kamay sa braso ni Sir Hati na nakatitig pa rin sa akin.
Hindi ba siya titigil kakatitig sa akin? Hindi ba siya natatakot na makita ni Averie ang ginagawa niya? Tusukin ko na lang kaya ang mga mata niya? Bet?
“Nauna na ako dahil may kinailangan akong tawagan.” Nag-iwas na siya ng tingin sa akin, sa wakas, at binigyang pansin ang babae sa kanyang tabi.
Nakahinga ako nang maluwag dahil wala ng manyak na lalaki ang nakatitig sa kanya. Right, that’s the word to describe him. Manyak, pervert!
“Paalis na rin kami ni Adira at hindi na magtatagal pa rito. May mga kailangan pa kasi akong gawing trabaho sa opisina. Thanks for the lunch,” masayang sambit ni Averie kay Sir Hati.
Matipid na ngumiti si Sir Hati rito at tumango. Tumingin siyang muli sa akin kaya’t ako na mismo ang umirap at nag-iwas ng tingin sa kanya. At talaga pa lang hindi siya titigil, ano?
“No, thank you, Averie. Ang sarap ng luto mo,” pagpupuri ni Sir Hati rito, nakatingin pa rin sa direksyon ko. Gusto ko mang umirap muli ay hindi ko ginawa dahil sa pagpuri niya sa luto ko kahit na iniisip niyang si Averie ang nagluto nito.
“No problem! Next time ulit?”
Tumango si Hati bilang sagot. Naglakad na ako dala ang ilang gamit. Nauna na akong magpaalam at lumabas ng opisinang iyon. Jusko, gusto ko lang talagang makawala sa mga matang iyon ni Sir Hati. Parang ayaw akong lubayan kahit nasa tabi na niya si Averie.
Hinintay kong makarating si Averie sa sasakyan. Binati ko siya nang makapasok siya at makaupo sa backseat. Agad niya namang hinawakan ang braso ko at marahan akong tinulak-tulak habang tumitili ito.
“Kinikilig ako, Adi!” sigaw niya sa sobrang kasiyahan. Napangiwi ako ngunit inayos din naman ang ekspresyong iyon. Hindi ko na dapat pang maalala ang nangyaring engkwentro sa amin ni Sir Hati. Siguro nga ay ganoon kapag babaero ka. Kahit na may magandang babae na ang nasa harapan mo ay titingin ka pa rin sa iba.
Buti na lang at hindi ko tipo ang mga ganoong lalaki.
“Good for you, Ma’am,” pagbati ko sa kanya at umayos na nang upo sa front seat katabi ng driver. Naririnig ko pa rin ang minsanang pagtili niya. Pilit na lang akong napapangiti para sa kanya.
Kung saan siya masaya ay masaya na rin ako para sa kanya kahit na alam kong mukhang delikado si Sir Hati.
I heard rumors surrounding the Benavidez men. Kalat na kalat ang chismis na mga babaero ang mga iyon. Gusto ko mang pag-ingatin si Ma’am Averie ay mukhang tuluyan na siyang nahulog kay Sir Hati.
Hindi ko maintindihan bakit ganoon kadali sa ibang babae ang mahulog sa isang lalaki. Na kahit hindi pa nila ito nakikilala ng lubos ay gusto na nila. Dahil ba sa pisikal na anyo nito? Siguro nga. Hindi naman sa masama iyon. Siguro kanya-kanyang standards lang iyan. Basta ako, gusto ko ay may personalidad din. Hindi na ako magtataka bakit wala akong magustuhang lalaki kahit na may mga nagbabalak namang manligaw sa akin.
Isa pa, hindi rin naman ako ganoong kahayok magkaroon ng love life. Masyado nang masakit ang ulo ko dahil sa malaking responsibilidad ko sa pamilya ko, hindi na para maghanap pa ako ng panibagong sakit ng ulo, ‘no.
Nakarating kami sa kompanya nina Averie. Pinagbuksan siya ng driver ng pinto at ako naman ay sumunod na sa kanya nang maglakad siya papasok. May mga nagtatrabaho rito na binabati kami. Nagbago na rin ang personalidad ni Averie. Ganito siya kapag kaharap na ang maraming tao, nawawala iyong pagiging kwela niya.
Ang sabi niya kasi sa akin noon, para raw galangin ka ng mga nagtatrabaho sa ‘yo, kailangan mong magmukhang istrikto pero hindi malupit sa mga nasasakupan mo. Naiintindihan ko naman iyon dahil talaga namang ginagalang siya ng lahat. Maging ako na malapit sa kanya ay ginagalang siya at alam ko kung saan ako lulugar. Kaya minsan ay nahihirapan din akong tawagin siya sa pangalan lang niya kahit iyon ang gusto niya.
“May meetings ba ako ngayon, Adi, o hindi kaya ay mga importanteng pupuntahan?” Naupo na siya sa kanyang swivel chair. Agad ko namang tiningnan ang kanyang schedule ngayong araw.
“You have a meeting with Mr. Villamor—”
“Cancel it. Kukumbinsihin lang ako niyan na tulungan siya kay Dad para pirmahan iyong gusto niyang ipagawang sugalan. Sabihin mo na lang ay abala ako at walang oras sa kanya,” utos nito sa akin na kaagad ko namang sinunod.
Nag-email kaagad ako sa sekretarya ni Mr. Villamor at sinabing hindi maaari si Averie ngayong araw dahil marami itong ginagawa. Nakatanggap naman kaagad ako ng tugon mula sa bahagi nila.
“Ma’am, kailan daw po kayo pwede?” pagtatanong ko.
Tumingin siya sa direksyon ko at ngumuso. Nakikita ko na sa mata niya ang pagkairita dahil kay Mr. Villamor.
“Can you call him for me, please? Kapag sumagot ay ibigay mo sa akin ang telepono at ako ang makikipag-usap.”
Tinanguan ko siya sa kanyang sinabi at agad na kinuha ang telepono upang tawagan ang opisina ni Mr. Villamor. Sumagot naman kaagad nag sekretarya nito.
“Hi, this is Adira Agnello, the secretary of Ms. Averie Alterio. I just want to ask if Mr. Villamor is in his office? Ms. Alterio wants to talk to him,” wika ko sa nasa kabilang linya.
“Yes, he’s here. Hold on a second.” Nag-hold ang tawag. Naghintay lang naman akong muli na may magsalita mula sa kabilang linya.
“Hello, Ms. Agnello, I’m going to transfer you now to Mr. Villamor,” muling pagsasalita ng sekretarya ni Mr. Villamor sa kabilang linya.
“Thank you.” Matapos iyon ay nakarinig ako ng maikling tugtog mula sa kabilang linya bago muling may magsalitang lalaki.
“Hello, this is Mr. Oliver Villamor, how can I help you?” pagbati sa akin ni Mr. Villamor.
“Hi, sir. This is Adira Agnello, the secretary of Ms. Averie, and she wish to talk to you po,” magalang na pagsagot ko naman sa kanya.
“Oh, sure. Please transfer me to her line,” galak naman na saad ni Mr. Villamor.
“Okay, Sir, I am now going to pass the phone to her. Hold on.” Inilayo ko sa aking tainga ang telepono at ibinigay iyon kay Averie. Kinuha niya naman kaagad ito at kinausap si Mr. Villamor.
“Hello, Mr. Oliver, it’s been a while.” Nang una ay nakangiti pa itong nakikipag-usap. Ngunit hindi rin naman nagtagal iyon. Nabago rin bigla ang ekspresyon at pakikipag-usap ni Averie.
“Oh, you’re asking me when I will be available to meet you? I am sorry to say but never! If you’re just going to plead me to help you with my father, then I don’t ever want to talk nor meet you. Do you understand that? Okay, clear. Bye!” Agad niyang tinapos ang tawag at ibinigay pabalik sa akin ang telepono. Kinuha ko naman iyon sa kanya.
Hindi kaagad ako umalis sa harapan niya at nanatiling nakatayo habang siya ay inaayos ang buhok niya dahil ata sa inis kay Mr. Villamor.
“Nakakainis. Ang ganda ng mood ko ngayon tapos sisirain lang.” Napapairap siya sa hangin habang sinasabi iyon. Tipid lang naman akong ngumiti sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang mapansin na naghihintay ako ng kung ano pa mang ipag-uutos niya. Kung wala naman ay babalik na ako sa pwesto ko.
“May meeting pa ba ako ngayon?” tanong niya pa sa akin. Umiling ako dahil wala na naman. Matapos iyon ay hinayaan na niya akong umalis.
Marami rin naman akong ginawa ng araw na iyo. Paalis-alis pa nga ako ng pwesto ko upang magdala ng dokumento sa mga tamang taong kailangang pagdalhan nito. Halos mahilo na ako kakaikot sa opisina.
Kakaupo ko pa lang muli at akmang magtitipa na sa keyboard ng desktop computer ko nang biglang tumunog ang telepono sa aking gilid. Tiningnan ko muna iyon at iniisip na baka mula kay Averie ang tawag.
“Hello, this is Adira Agnello of Aletrio Inc., may I know who is this?” magalang na pagbati ko sa nasa kabilang linya. Kung si Averie man ito ay okay lang naman ding maging magalang.
“Hello, Adira.”
Kakarinig ko pa lang ng boses niya ay gusto ko na kaagad ibaba, ngunit ayoko rin namang magmukhang bastos kahit mukha namang deserve niya ang ganoong pagtrato.
“This is Hati Benavidez.” Alam ko at ayokong itanong. Bakit ba siya tumawag—right, baka para kay Averie. May naiwan ba si Ma’am sa opisina niya?
“Yes, sir, what can I do for you? Ita-transfer ko na po kayo kay Ma’am?” Handa na ang mga kamay kong tipahin ang numero ni Ma’am upang ma-transfer ang tawag nang bigla siyang magsalita sa kabilang linya na nakapagpatigil sa akin.
“No, not your boss. I called because I wanted to ask you something, Adira.” Sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko ay hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay tumataas ang balahibo ko dahil kinikilabutan ako. May something sa pagtawag niya sa akin na hindi ako komportable.
“Okay, sir, ano po iyon?” Kapag talaga ito ay walang kwenta, bababaan ko siya ng tawag.
“I think, may nadala kang hindi sa ‘yo pag-alis mo ng opisina ko,” anas niya na siyang ikinagulat ko.
Tiningnan ko ang mga gamit ko upang masigurado na wala naman akong dinadalang hindi ko pagmamay-ari.
“Sir, I didn’t bring anything with me na hindi sa akin. Don’t accuse me of stealing.” Naiirita na talaga ako sa kanya kaya’t hinayaan ko nang tumaas ng kaunti ang boses ko. Bahala siya sa buhay niya kung mainis din siya sa akin dahil doon.
Narinig ko ang malalim niyang pagtawa na nakapagpalunok sa akin. Ano ba naman itong lalaking ito? Sinasayang pa ata ang oras ko.
“Right, stealing. Should I talk to my lawyer? Because I think you kind of steal my mind, Adira. Nadala mo ata hanggang sa kompanya niyo ang pag-iisip ko at hindi mo nilulubayan ang isipan ko.”
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa narinig. Hindi ko alam bakit naiinis ako sa kanya. Siguro kasi ang kulit-kulit niya at ayoko lang sadya sa mga preskong lalaki.
Napairap ako sa hangin bago muling magsalita. Pilit kong ikinakalma ang aking sarili para hindi niya maramdaman ang pagkairitang ipinaparamdam niya sa akin ngayon.
“Sir, ibababa ko na ang tawag.” Inuubos niya ang oras ko. Ang dami ko pa namang gagawin ngayon tapos sinasayang niya lang. Siya ba, wala ba siyang trabaho?
Tumawa siyang muli. He’s enjoying this! At naiinis ako na siya ay natutuwa sa mga pinagsasasabi niya at ako ay hindi. Kung pwede lang talagang maging batos ay bababaan ko siya ng telepono.
“Seriously, I want to ask you something. Kanina pa ako binabagabag nito.” Sumeryoso ang kanyang pananalita kaya’t inaasahan ko na matino na ang itatanong niya. But geez, hindi mo ata talaga makakausap nang maayos ang isang ito! “Do you have a boyfriend?”
“Sir, are you hitting on me or do you have any plans on flirting with me? Kasi po, Sir Hati, wala akong oras diyan. Isa pa, hindi ba po at may fiancée na kayo?” Sa iritang nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at dire-diretso na iyong sinabi sa kanya…walang preno.
Muli kong narinig ang malalim niyang pagtawa. Kung hindi lamang sana siya nakakainis ay masasabi kong he has a good and deep voice, ngunit hindi! Nakakainis siya! Gusto ko siyang sakalin.
“Hmm, but technically, Averie isn’t my fiancée yet. Wala pang engagement na nagaganap. Plano pa lang ang lahat, and I can have as much fun as I want with other women,” paglilinaw niya na siyang ikinataas ng blood pressure ko.
Jusko! Seryoso, naha-high blood ako sa lalaking ito. Ito lang babaero, mukhang wala pang respeto sa mga babae.
“At Sir, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na wala akong interes maging babae mo. Kaya kung maaari lang po, ibababa ko na ang telepono dahil nakakaabala kayo sa trabaho ko. Good bye!” Walang pagdadalawang-isip kong ibinaba ang telepono. Napairap akong muli sa hangin. Sakto namang dating ni Averie sa pwesto ko.
“Adi, sinong kaaway mo? Bakit ka umiirap?” natatawang tanong niya sa akin. “Parang ngayon lang kita nakitang ganito kairita, ah? Sinong nang-inis sa ‘yo?”
Kung sabihin ko kayang iyong fiancé niya ang may kasalanan? Aawayin niya ba iyon para sa akin? Hay nako, pati tuloy ibang tao ay nadadamay sa init ng ulo ko dahil kay Sir Hati.
“Wala po, Ma’am, may prankster kasing tumawag. Gusto pa ata akong ma-scam. Akala ata ay maniniwala ako sa kanya.”
Tinawanan ako ni Ma’am dahil sa sinabi ko. Tipid lamang naman akong ngumiti sa kanya.
“I see. Anyway, maaga akong aalis ngayon. May i-mi-meet lang ako. Kapag may tumawag at hinanap ako, ikaw na ang bahala, okay? Wala na naman akong ba pang schedule ngayong araw, right?” Tumango ako bilang sagot sa kanyang itinanong.
Nagpaalam na si Averie sa akin at tuluyan nang umalis. Huminga ako nang malalim at pinakalma muna ang sarili bago bumalik sa aking pagta-trabaho.
Pauwi na ako ngayon dahil ala-singko na rin. Wala na rin naman akong masyadong ginagawa dahil wala na rin si Averie sa opisina. Wala namang kwenta kung mag-o-overtime ako ngayon.
Kakabukas ko pa lang ng gate ng apartment namin ay nakakarinig na ako ng sigawan mula sa loob. Ito lang talaga ang ayoko kapag umuuwi ako rito minsan. Sigawan ng nanay ko at step-father ko ang naririnig ko.
“Putangina mo! Wala kang ibang ginawa kung hindi ang mambabae! Itatanggi mo pa, nahuli na nga kita kagabi!” Habang lumilipad ang iba’t ibang gamit ng bahay namin ay nakita ko ang nakababatang kapatid ko na nasa sahig at umiiyak. Binuhat ko siya at pinatahan.
My biological father died in a heart attack when I was in high school. Simula noon ay iba’t ibang lalaki na ang kinasama ng nanay ko. May ilan na maayos naman, ngunit mas madalas ang niloloko siya. Kagaya na lang ngayon. Nakakapagtaka lang na ayaw niya pang iwanan. Ganoon ata kamahal ni Mama itong kinakasama niya ngayon.
“Tahan na, naandito na si Ate.” Mas pinili kong dalhin ang isang taong gulang kong kapatid sa kwarto upang hindi na niya marinig kahit papaano ang ingay sa unang palapag ng bahay.
Hinanap ko pa si Kuya ngunit hindi ko makita ang nakatatanda ko pang kapatid. Nakita ko naman ang 12 years old kong kapatid na babae na nasa loob ng kwarto namin at may kung anong ginagawa sa maliit na lamesa.
“Nasaan si Kuya Gilbert, Anica?” tanong ko sa kanya. Tumingin sandali sa akin ang kapatid bago ngumiti.
“Ate, tingnan mo ang drawing ko, oh! Inilaban ako ng teacher ko sa drawing contest. Maganda ba?” tanong nito sa akin. Ngumiti ako habang tinatahan pa rin ang bunsong kapatid at tumango kay Anica.
“Oo, maganda,” pagpupuri ko sa gawa niya, “si Kuya Gilbert?”
Muli siyang bumalik sa kanyang ginagawa at nagkibit balikat. “Hindi ko alam, Ate, kagabi pa iyon hindi umuuwi, hindi ba?”
Napabuntong hininga ako at dinala si Marc sa kanyang crib para roon muna ito magtigil habang tatawagan ko naman ang nakatatanda naming kapatid.
“Kuya, nasaan ka? Nagkakagulo na naman dito sa bahay—”
“Adira, tulungan mo ako. Papatayin nila ako!”
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa paghingi ng saklolo sa akin ng kapatid ko. Anong nangyayari sa kanya?