“Are you okay?” tanong niya sa akin, bakas sa boses ang pag-aalala. Nagtaas ako ng tingin sa kanya upang salubungin ang kanyang mga mata at nakita ko ang pagkatigil niya nang makita ang itsura ko. Nakaawang ang aking labi at pinagpapawisan ako. Lumuluha ang aking mga mata dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. “It’s so hot…” saad ko sa isang tonong maging ako ay hindi ko makilala. Nang ilabas ng aking bibig ang mga salitang iyon at marinig ni Sir ang aking boses sa ganoong tono ay wala na rin akong narinig sa kanya kung hindi pagmumura. Hindi ako mapakali. Panay ang paghawak ko sa may hita ko at pagkiskis dito. Parang may kakaiba talaga akong nararamdaman sa p********e ko na hindi ko maintindihan. “I’m bringing you home.” Hinigit niya ako ngunit hindi ako makapaglakad nang ma