Para akong lumulutang nang imulat ko ang mga mata ko. Hindi naman masakit ang ulo ko o mabigat ang mata ko. Actually, kabaligtaran pa nga. Parang ang gaan-gaan ng aking nararamdaman. Bumangon ako. Nang una ay tumulala pa ako habang nakaupo hanggang sa maisipan ko na gawin ang mga kailangan kong gawin. Kailangan ko pa nga pa lang maglaba ngayong araw dahil Sabado. Simula nang palayasin ako ni Mama ay hindi ko na siya nakausap pang muli. Si Anica naman ay tumatakas pa kina Mama para lamang makausap ako at makigamit ng telepono ng mga kakilala. Ibinabalita niya sa akin ang mga nangyayari sa bahay at minsan pa ay kinukumusta ko sila kung maayos naman ba ang lagay nila at sinasabi naman niya na oo. Nagpapadala pa rin naman ako ng pera sa kanila kahit papaano. Nabalitaan ko rin na nag-iipon a