CHAPTER 10: POISONED

2572 Words
Inihatid kami ng driver niya sa isang malaking bahay sa Pasig kung saan mukhang gaganapin ang party. Hindi ko alam kung para saan ang party na ito at kailangan niyang pumunta. Hindi na rin naman ako nagtanong pa. “Wait here,” utos niya sa akin bago siya bumaba ng kotse. Magkatabi kasi kaming dalawa sa backseat. Nakita ko ang pag-ikot ni Hati mula sa kabilang gilid papunta sa gilid ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse at inilahad sa akin ang kamay niya. Napalagok ako at tinanggap ang kamay niyang iyon. Hinawakan ni Sir Hati iyon at isinara ang pinto ng kotse. Dinala niya ang kamay ko sa kanyang braso at humawak ako roon. Naglakad na kami papasok sa loob ng malaking bahay. Elegance and full of rich people. Iyan ang masasabi ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Sa katunayan ay mansyon na ngang maituturing ang lugar na ito sa sobrang laki niya. “Mr. Benavidez! I’m glad you’re here.” May lumapit sa aming isang lalaki at kaagad na binati si Sir Hati. Pinagmasdan ko lamang naman sila at hindi kumibo.  Napalagok ako sa sariling laway nang mamukhaan ko kung sino iyong kausap ni Sir Hati. Iyon ‘yung dating senador ng Pilipinas! Sa tabi nito ay iyong asawa niyang nabalita na may kabit! Hindi ako chismosa, ibinalita naman kasi talaga iyon sa national tv. Mahilig akong makinig at manuod ng balita noon kapag may oras ako. “Of course, Sir. On behalf of my family, I’m here to attend the anniversary of your marriage with your beautiful wife,” pagbati naman pabalik ni Hati. Napatingin ako sa kanya at patagong napangiwi sa kanyang sinabi. This man really has his ways with words, huh? Hindi na rin ako magtataka bakit nga ba ang daming nahuhumaling sa kanya. Tumawa ang mag-asawa. Gusto kong magpasalamat na hindi nila ako napapansin. Ayokong makita nila ako at punahin pa ang presensya ko. “Bakit hindi nakapunta ang ibang mga Benavidez? We’re expecting everyone in your family,” nagtatakang tanong naman ng asawa ng dating senador na ayoko na lamang banggitin ang pangalan. “They are busy, Madame, kaya ako na lang po muna ang pumunta. Ipinaaabot po nila ang kanilang pagbati.” Ngumiting muli Hati.  Pinagmasdan ko namang mabuti ang pagngiti niyang iyon. Kung ganito siya palagi ay hindi ko siya gagaspangan ng ugali sa isipan ko. Madalas kasi ay nakakapikon talaga siya. Tingnan mo at may hassle pa kaming ganito, imbis na kay Averie ako nagtatrabaho ay bigla akong napunta sa kompanya niya. “Anyway, bakit hindi pa kayo kumain. There are vacant seats over there. Please, feel yourself at home.” May tinawag pa siyang waiter na maaaring mag-asikaso sa amin. Iniwan na rin kami ng mag-asawa dahil may iba pa silang babatiing bisita. Ang waiter naman ay dinala kami sa bakanteng table para roon makapwesto. “Kilala mo pala ang mga iyon?” tanong ko sa kanya habang umuupo. Kami lamang ang naandito kaya’t sa tingin ko ay hindi nakakatakot magsalita. “Oo, sino ba namang hindi makakakilala sa isa sa mga kontrobersyal na tao sa Senado noon? Kung hindi dahil sa tulong namin ay malamang, isa na lamang siyang katatawanan ngayon.” Ngumisi si Hati, para bang proud na proud siyang may utang na loob sa kanya ang nasabing dating senador. “Tinulungan sila ng pamilya mo? Paano?” Alam ko ang mga isyu ng dating senador na iyon. Muntikan na nga siyang makulong, bukod pa iyong isyu ng asawa niyang naghanap ng ibang lalaki. “We are powerful than we look like, Adira.” Tumingin siya sa akin, taas ang noo. His aura screams proud and pride for the Benavidez. Na parang hindi mo sila maaaring maliitin talaga. “We can even meddle in politics. Marami sa nakaposisyon ngayon ay dahil sa tulong namin kaya sila nanalo at maaari rin silang mawala sa posisyon nila sa oras na talikuran at kalabanin nila kami.” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman na hindi para sa akin iyong mga sinasabi niya pero nakaramdam ako ng kilabot. Kinilibutan ako dahil may gagawin akong hindi kanais-nais ngayon. Hindi na ako nagsalita na rin. Nakuha na ng isang lalaking tila emcee ang aming atensyon nang magsalita siya sa mikropono. Tumingin kaming lahat doon, nakinig sa kung ano mang sasabihin nito. Hindi ako masyadong nakapag-focus dahil iniisip ko kung paano ko malalagyan ng cyanide ang baso ni Sir Hati na may lamang red wine. Ang dami kasing tao at natatakot ako na may makakita sa aking may nilalagay na lason. Baka diretso ako sa kulungan. Balisa ako at hindi mapakali. Nanlalamig din ang aking mga kamay at kahit malamig ang paligid ay para akong pinagpapawisan ng malamig. Magkalapit lamang ang baso ko at baso niya. Papalit-palit din ang tingin ko mula sa baso niya at sa kanya. Binabantayan kung titingin ba siya rito. Mabilis kong hinawakan ang baso niya ngunit biglang may lumapit sa kanya. Sa taranta ko ay nabitawan ko iyong baso at nabasag iyon sa sahig. Napatayo ako at agad na humingi nang paumanhin. Kung ano-ano pang dahilan ang sinabi ko.  “It’s fine, Adira,” pagpapakalma sa akin ni Sir Hati.  Tumingin ako sa kanya at sa isa pang pagkakataon ay muling humingin nang patawad. “Don’t worry about it. Ikuha mo na lang ako ng bago,” pag-uutos niya sa akin. Tumango ako at tinangka pang linisin iyong bubog mula sa baso nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hindi hinayaang makalapit ang kamay ko sa mga bubog ng nabasag na baso. “Huwag mo na iyang hawakan. May maglilinis naman niyan. Mamaya ay masugatan ka pa. Just get me a new drink.” Napalunok ako at tumango. Nagtungo ako kung saan maaaring kumuha ng panibagong baso ng red wine. Nagpasalamat ako sa nagbigay nito sa akin. Habang naglalakad pabalik ay naisip ko iyong cyanide na nakatago pa rin sa bag na dala ko.  Tumigil ako sa paglalakad ko at napatingin sa hawak ko bago tumingin kung nasaan si Sir Hati. Abala ito sa kanyang pakikipag-usap sa mga hindi ko na kilalang tao. Napalunok ako bago muling titigan ang basong may lamang red wine. May nagtutulak sa akin na lagyan na iyon ng lason ngunit kinakabahan pa rin ako. Kaya lamang, kung hindi ko pa ito gagawin ngayon, pakiramdam ko ay wala na akong ibang magiging pagkakataon. Muli akong tumalikod. Sa iba ay aakalain lamang nilang tumitingin ako ng pagkain pero ang totoo ay patago kong nilalagyan ng cyanide ang laman ng baso ng red wine. “Okay lang pong kumuha ng cupcake?” tanong ko sa kakarating lamang na waiter. Tumango siya at inabutan ako ng cupcake. Kaagad naman akong nagpasalamat at bumalik na sa table namin. Nalagyan ko na rin ng lason ang red wine. Nakikipag-usap pa rin si Hati sa mga mukhang importanteng tao nang makabalik ako sa aming table. Nilingon niya ako kaya’t ngumiti ako at ibinigay sa kanya iyong bagong baso ng red wine na kinuha ko.  “Thank you,” sabi niya sa akin bago muling bumaling sa mga kausap. Kinuha ko ang aking baso na nasa lamesa at sandaling nag-iwas ng tingin habang kinakabahang nilalagok ang laman nito. Nagwawala ang aking puso sa kaba at halos hindi ko na marinig ang ingay na nagmumula sa ibang tao. Muli akong napatingin sa gawi nina Sir Hati at nakita kong kakatapos niya lamang inumin iyong laman ng baso niya. Napalagok ako ng sarili laway at halos mapaingiti dahil sa nasaksihan, not until I realized, after this night, I am a murderer. Nagpaalam ako na magpupunta lamang ako sa CR at hinayaan naman niya ako. Nagtungo ako sa isang cubicle at nilinis ang bote ng cyanide na ngayon ay wala nang laman. Kung sakali mang magkaroon ng imbestigasyon dahil sa pagkamatay niya ay sisiguraduhin ko na hindi ako maririin dito. Ayokong makulong. Nang masiguradong wala nang fingerprints ang bote ng cyanide ay itinapon ko na iyon sa trash bin at lumabas ng cubicle. Naghugas na rin ako ng kamay at tiningnan ang sarili sa salamin. “It’s for my family,” bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang sariling repleksyon.  Tama, para sa kaligtasan ng pamilya ko ay hahayaan kong madungisan ang sariling kamay ko. Hahayaan kong malagyan ng dugo ang aking kamay basta ba at hindi nila dugo ang makikita kong dumadanak. Kinuha ko na rin ang cellphone ko upang i-text si Atlas.  Me: It will be over tonight. Huminga ako nang malalim bago mahigpit na hawakan ang cellphone ko. Bukas ay makakabalik na si Kuya sa amin at hindi na siya kailangan pang gumawa ng ilegal o bumalik doon. Muli kong tiningnan ang aking cellphone at nakita kong may mensahe mula kay Atlas. Kaagad ko iyong binuksan at binasa. Atlas: Good. Ibinalik ko na ang aking cellphone sa akin bag at naglakad papalabas ng CR. Baka magtaka naman si Sir Hati kapag masyado akong nagtagal doon.  Habang naglalakad ako ay kaagad kong nakita ang si Sir Hati na nakaupo na sa kanyang silya at para bang…parang may mali sa kanya. Kaagad akong lumapit sa kanya upang itanong kung anong nangyayari sa kanya kahit na alam ko na naman kung bakit. “Sir, okay lang po ba kayo? Ano pong nangyayari sa inyo?” Kung may award lang sana ang pag-arte ko ay malamang napanalunan ko na sana ang best actress. “I-I’m not feeling well, Adira,” halos ibulong niya ang mga salitang iyon. Inalalayan ko siya upang hindi siya matumba. “Mas mabuti pa Sir umuwi na kayo. Baka marami-rami na rin po ang naiinom niyo.” Inalalayan ko siyang makatayo. Nahihirapan man kami pareho ay nagawa pa rin naman naming makalabas sa bahay. Mabuti na lang at abala ang mga tao kaya’t hindi kami napapansing dalawa. Tinawagan ko ang kanyang driver na agad namang dumating. Tinulungan niya akong alalayan si Sir Hati papasok ng loob ng sasakyan. Inihiga namin siya sa backseat at sa shotgun seat na ako naupo. “Anong nangyari kay Sir?” tanong sa akin ng driver niya nang makapasok kaming dalawa. Pinaandar na rin niya ang sasakyan papunta sa condo ni Sir Hati. “Hindi ko alam. Nag-CR lang ako, pagbalik ko ay ganyan na siya. Mababa ba ang alcohol tolerance ni Sir?” pagpapanggap ko. Alam na alam ko naman kasi ang rason bakit siya nagkakaganyan. “Hindi,” matipid na sagot niya, “bago mo malasing si Sir, kailangan mo ng maraming alak.” Mabilis ang naging byahe. Hindi na rin ako magtataka. Medyo gabi na rin kasi talaga at wala nang traffic kaya’t mabilis kaming nakarating sa condo ni Sir Hati. Nang makarating sa parking lot ay inalalayan ko ulit si Sir Hati. Ihahatid ko siya sa condo niya para hindi halata tapos ay iiwan ko na lang siya at hahayaang mamatay. Tinulungan ako ng driver niya pero hanggang elevator lang. Paakyat na kami ngayon sa penthouse. Wala naman kaming ibang nakakasabay. Napapansin ko na para ngang nahihirapan na siyang huminga. Hindi na ako mapakali. Gusto ko na siyang maihatid sa condo niya. Baka mamaya ay habang hawak ko pa siya mamatay. Nang bumukas ang elevator ay may mga lalaking sumalubong sa amin nang mamataan nila kami. Ito ay iyong mga tauhan ni Hati na nakita ko rin kaninang hapon nang pumunta ako rito. “Sir—” “Kaya ko.” Kahit na nanghihina ay hindi siya nagpaalalay sa mga tauhan niya. Lumayo sa amin iyong mga lalaki at hinayaan kaming dalawa ni Sir Hati na makalapit sa pinto ng penthouse. Inalalayan ko ang kamay niya para sa fingerprint na kakailanganin para mabuksan ang pinto ng kanyang condo. Kaunti na lang ay maiiwanan ko na siya at matatapos ko na ito. Naglakad kami papasok ng condo ni Sir. Sinabi niya pa na sa may banyo siya dalhin kaya’t dinala ko siya sa isang common bathroom. Pumasok siya roon kahit na hirap nang maglakad. “Don’t leave yet, Adira. Wait for me,” buong lakas niyang sabi sa akin.  Para akong nakaramdam ng awa nang makita ko ang itsura niya. The proud and prideful Hati Benavidez is so weak and defenseless. Hindi ko alam kung dapat bang ipagdiwang iyon. Tumango ako kahit na nangangati na akong umalis dito. Hindi naman siguro ako mapapahamak kung sakaling hintayin ko siya o mamatay siya na naandito ako, hindi ba? Gumala ako sa living room ng kanyang penthouse. May ilan akong nakikitang mga litrato ng pamilya niya at litrato niya. Pinagmasdan ko iyon isa-isa at makikita mo ang naglalakihang ngiti ni Sir Hati sa bawat litrato. May isang picture ang nakakuha ng aking atensyon kaya kinuha ko iyon upang mas makita nang mabuti. It’s a solo picture of him while holding a trophy. Parang may napanalunan siyang patimpalak. Hindi ko lang sigurado kung ano. Sa itsura niya pati roon ay siguro college pa siya nang maganap iyon. May naririnig akong pagdaing na nagmula sa loob ng banyo. Nagpanggap akong nag-aalala at tinatanong si Sir Hati kung anong lagay niya. Tanging pagdaing pa rin naman ang isinasagot niya sa akin. Nagpatuloy lamang ako sa pagtingin-tingin doon. Nakakaramdam na ako ng konsensya ngunit wala na rin naman magagawa iyon. There’s no turning back. I am a murderer. I am a criminal. Nang marinig ko ang pagtigil ng ingay sa banyo ay binitawan ko na rin ang picture frame na hawak ko. Patay na kaya si Sir Hati? Siguro. Lalabas na lang siguro ako at magkukunwaring natataranta. Ako ang magre-report nang pagkamatay ni Sir para hindi ako masyadong pagsuspetiyahan. Pahakbang na ako papunta sa pinto ng penthouse nang mapatigil ako dahil sa ingay ng pagbukas ng isang pinto. Hindi pa man ako nakakalingon sa gawi niya ay nagsalita na ito. “If this will be nominated for an Oscar, I’ll win the best actor award.” Para akong nanlamig sa kinatatayuan ko. No way! How did he— “Maybe you’re asking yourself, how did he survive that? Well, it’s an easy question, actually.” Tumawa siya, isang malalim at nakakakilabot na pagtawa. “Perks of being a son of Lucifer, I guess?” Nilingon ko si Sir Hati. Nakatayo siya sa may labas ng banyo at may nakakalokong ekspresyon ang kanyang mukha. Paano nangyari ito? Nakita ko siyang ininom iyong wine! “You look surprise—of course,” natatawang saad nito habang malalim akong tinitingnan, na para bang nababasa niya kung anong tumatakbo ngayon sa isip ko. “How does it feel to be played it your own game, Adira? Masaya ba?” Kinilabutan ako at napakuyom ang aking kamay. Hindi ko pa rin magawang maintindihan paanong buhay siya ganoong nalason ko na siya? Humakbang si Hati kaya’t napaatras ako. Kada hakbang na gagawin ng kanyang mga paa ay siyang atras ko naman para lumayo sa kanya.  Ang dami ko pa ring tanong sa kanya, ngunit hindi ko magawang makapagsalita dahil sa kilabot na nararamdaman ko ngayon. Malaki ang sunod na ginawa niyang paghakbang. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at hinila iyon papalapit sa kanya. Napasinghap ako sa nangyari, halos makalimutan ko ring huminga. “What now, Ms. Agnello? What are you going to do that you failed to poison me? Any backup plans? Proceed to Plan B?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Sir Hati sa aking labi. Ako naman ay mabigat na humugot ng hininga dahil pa rin sa kabang nararamdaman ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD