Itinulak ko siya kahit na nanginginig sa takot ang aking katawan. Umurong muli ako ngunit hindi niya ako tinantanan. Napasandal ako sa pader at na-corner niya ako nang ilagay niya sa magkabilang gilid ko ang kamay niya.
Mabilis ang paghinga ko at para akong pagpapawisan. Normally, hindi naman ako matatakot sa ganito. Sisipain ko lamang ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita ay makakatakas na ako, ngunit guilty ako. Dahil totoong may ginawa akong hindi maganda kaya’t natatakot akong umalis. Baka mamaya ay ipadampot niya na lang ako sa pulis o magising bukas na wala na akong trabaho.
Peke ba ang lason na ibinigay sa akin ni Sir Atlas? Pinaglalaruan niya rin ba ako?
“Sinong nag-utos sa ‘yo na patayin ako?” Nawala ang ngisi sa kanyang labi. Napalitan iyon ng madilim at malamig na ekspresyon.
Lalo akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat bang depensahan ko ang sarili ko o manlaban pa ako kahit na nahuli na naman ako.
Mas minabuti ko na mag-iwas ng tingin habang nag-iisip nang maayos na palusot ngunit hindi gumagana ang aking utak. Para bang naba-blangko iyon.
“Magkano ang ibinayad niya sa ‘yo para hindi ka magsalita kahit na maaari kitang patayin sa kinatatayuan mo ngayon?”
Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Papatayin niya ako kapag hindi ako nagsalita? Ngunit kung magsasalita naman ako, pamilya ko ang mapapahamak mula sa kamay ni Atlas.
Natatakot man ay pinili kong i-maintain ang blangkong ekspresyon ng aking mukha. Hindi ko ipapahamak ang pamilya ko. Kung dadanak ang dugo ko rito dahil sa pagtahimik ko ay mas mabuti na iyon.
Nang mapansin ni Hati na wala talaga akong balak magsalita ay bumuntong hininga siya at lumayo sa akin. Napatingin ako sa kanya, nagtataka bakit wala siyang ginawa o hindi niya ako sinaktan.
Lumapit siya sa mini bar ng penthouse. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng alak roon bago uminom.
“You’re one of hell of a work, you know that? And hirap mong trabahuhin, Adira.” Hindi ko malaman sa kanyang tono kung natatawa ba siya o naiinis sa akin. Hindi ko rin tuloy alam kung makakahinga na ba ako nang maluwag o ito iyong halimbawa sa calm before the storm. Baka kasi mamaya ay tutukan na lang niya ako ng baril.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya. Ang puso ko ay parang tambol dahil sa kabang nararamdaman ko para sa buhay ko at para sa maraming bagay.
Muli siyang sumimsim sa kanyang baso at inubos ang natitirang lamang alak nito bago muling magsalin ng alak. Napapalagok ako sa sariling laway habang pinagmamasdan siya.
“If you want to kill me, you should try harder. Poisoning me won’t work. It’s not because I am immune to poison, I just know how to escape it.” Tumingin siya sa akin, muling kumurba ang makahulugang ngisi sa kanyang labi. “And make sure, next time you’re going to poison someone, don’t make it too obvious.”
What does he mean? Am I too transparent? Na nabasa niyang may gagawin akong hindi maganda sa kanya?
“Paano mo nagawang makaligtas doon?” Sa wakas ay nagawa ko ring makapagsalita. Ikinunot ko ang aking noo. Pinagmumukhang matapang ako at hindi natatakot sa maaari niyang gawin sa akin.
Alam ko na hindi ako makakaalis dito nang ganoong kadali dahil kung tatakbo ako palabas, may mga tauhan siyang nagbabantay roon. Bago ko pa man maabot ang elevator ay baka dumadanak na ang dugo ko sa sahig.
“Nag-iwas ka ng tingin kanina, hindi ba? Habang umiinom ka ng red wine. In that split of second, nagawa kong ipagpalit ang hawak kong baso sa ibang baso. The wine I drunk doesn’t have poison. I tricked you,” nakangisi pa ring pagpapaliwanag niya sa akin.
Parang napikon ako sa huling sinabi niya, subalit naisip ko rin na mas napipikon siguro siya sa pagtatangka ko sa buhay niya. He changed his drink, that fast? Ni hindi ko man lang napansin na nagpalit siya ng baso! I was too confident na malalason ko na siya!
“Nasaan na iyong baso na may lason?” matigas kong tanong sa kanya, gusto kong iparating sa kanya na hindi ako natatakot kahit na kani-kanina lamang ay kinakabahan talaga ako sa kanya. Ngunit ngayong malayo ang kinaroroonan niya sa akin ay para bang bumalik ang tapang at lakas ng loob ko kahit papaano.
“I don’t know.” Uminom siyang muli ng alak bago tumingin sa akin. “Maybe someone else drink it. He may be dead by now or if he’s lucky enough and the poison was detected quickly, maybe he survived. I don’t care but maybe, you do.”
Naglakad siyang muli papalapit sa akin at tumigil din nang mapansin ang distansya sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim ngunit hindi ko iniiwasan ang tingin sa kanya. Nakipaglaban ako ng titigan kay Sir Hati.
“Of course, you’ll think about the other person that might drunk the poison. Iniisip mo siguro na may nadamay pa dahil sa kagustuhan mong lasunin ako.” He clicked his tongue. Napalagok ako sa sarili kong laway. “We have a lot of enemies, Adira, and trust me I escape death a lot of times. Kaya itong pambatang larong ginagawa mo, madali lang rin sa aking lusutan.”
Iniisip ko ang sinabi niya. Na paano nga kung may ibang tao na nakainom ng basong dapat ay para kay Sir Hati. Is he dead? Hindi ko mapigilang mabaliw kakaisip na may ibang taong maaaring mapahamak dahil sa ginawa ko. Kahit na si Sir Hati ang nagpalit ng baso, it was still my fault.
Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at nilaro-laro iyon. Nakayuko ako dahil ayokong tumingin sa kanya.
“Don’t worry, no one will die tonight. I advised the waiter to throw the glass that has poison. Your hands are still clean and you’re not a murderer, still. I cleaned your mess for you.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga gustong pumatay. Napipilitan lang akong gawin ito dahil…kailangan kong isalba ang buhay ng kapatid ko.
“I’m really curious on your reasons. Bakit mo ako gustong patayin? Wala naman akong ginagawang masama kung hindi ang pagpantasyahan ka sa panginip ko.”
Kumunot ang aking noo dahil sa narinig ko. Masama ko siyang tiningnan ngunit hindi iyon sapat upang matanggal ko ang ngisi sa kanyang labi.
“Stop objectifying me!” bulalas ko. Sa inis ko ay halos makalimutan ko kung anong posisyon ang kinalalagyan ko ngayon.
“Hmm? Kasalanan ko ba kung hindi ka matanggal sa isipan ko simula nang makilala kita sa airport?” sakrastikong sabi niya habang kinakagat niya ang kanyang labi at nakatingin ng diretso sa akin.
Para akong matutunaw sa paninitig niyang iyon. Gusto ko mang mag-iwas ng tingin ay parang magnet ang kanyang mga mata. I can’t seem to look away!
“Isa pa, kahit naman ganoon, I will never touch you without your consent. I’m not that kind of man,” umiiling na sabi niya na para bang dinedepensahan ang sarili niya sa akusasyon ko sa kanya kanina.
Marahas kong kinagat ang aking labi dahil sa pagkainis. Kinuyom kong muli ang aking kamay, umaasang makakatulong ito upang kumalma ang nag-aalab kong pagkairita sa lalaking kaharap ko ngayon. Isa pang banat niya ay sasampalin ko na talaga siya para mawala ang nakakainis na ngiting mayroon siya ngayon.
“How can you fantasize other woman when you have a fiancée? Isn’t that consider cheating?!” Hindi na ako magtataka kung hindi siya kontento sa isa. Halata naman kasi talagang babaero siya.
“And? Averie isn’t even my type. Ni kahit anong pilit ko ay hindi ko siya magustuhan. Our parents decided everything for us. Pumayag lang ako. She seems to like me, though. As for me, habang hindi pa ako nakatali sa kanya, I can do whatever I want, even if I hurt her in process. Isa pa, isn’t your boss a spoiled brat? I heard a lot of rumors about her. Na hindi maganda ang ugali niya. I am quite amused, nagtagal ka sa kanya. ”
Tinalikuran niya ako, suot niya pa rin ang nakakapikon niyang ngiti. Tinanggal niya ang suot niyang tie. Wala na rin ang suot niyang coat at dahan-dahan niyang tinggal ang ilang butones ng shirt niya bago maupo sa sofa sa hindi kalayuan.
Nagngingitngit ako sa galit. Halos makalimutan ko na ngang ako ang may atraso sa kanya dahil sa pagtatangka ko sa buhay niya. Nakakainis ang ugali niya. He’s a trash!
“Kung hindi mo gusto si Averie, sana ay hindi ka pumayag sa kasal! Bakit ka magpapakasal sa babaeng hindi mo naman pala mahal—”
“We’re in the 21st century, Miss Agnello. Hindi na uso ang nagpapakasal dahil mahal niyo ang isa’t isa. You can marry someone for other reason other than love,” sambit ni Sir Hati na para bang balewala iyon sa kanya. “Ang kailangan lang naman nila ay apo, na maaaring magdala ng apelyido namin, and of course, the expansion of influence and businesses.”
Ipinatong niya ang basong hawak niya na ngayon ay wala nang laman sa lamesa. Ipinatong niya rin ang kanyang dalawang kamay sa backrest ng sofa at tumingin sa akin.
“And you can want to have s*x with someone, just to satisfy your lust. Hindi lahat ng bagay, kailangan may involvement ang pagmamahal, Adira. Anong taon ka ba pinanganak? You’re too old-fashioned.” May panunuya sa kanyang tono. Muli kong naikunot sa inis ang aking noo dahil doon.
Ano bang tipo niya kung hindi si Ma’am Averie? Sa ganda ni Ma’am ay kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa kanya. Bukod pa roon, mayaman.
“Sa ganda ni Ma’am Averie ay naghahanap ka pa ng iba.” Hindi ko mapigilan ang magsalita. Gusto kong sabunutan si Sir Hati dahil sa mga sinabi niya kanina.
Tumawa siya at tumingin muli sa akin. Hindi ko malaman kung natatawa ba siya dahil hindi siya makapaniwalang sinabi ko iyon sa kanya o nakakatawa lang talaga ang sinabi ko.
“Aanhin ko ang ganda? Physical beauty will wither. Panahon lamang ang hihintayin mo ay mawawala rin iyon. What I want it something else…something more than just physical appearance.”
May kung ano sa mga mata niya, na hindi ko maintindihan. Na parang kahit anong pagbabasa ko sa ekspresyon na mayroon siya ay hindi ko magawang mabasa ito.
“Why are you friends with Averie, by the way? Ang sabi nila, mabait lang daw si Averie kapag kaharap nang maraming tao pero kapag wala nang nakatinging mga mata sa kanya ay magaspang ang ugali niya. Did she treat you awfully in the past?”
Nakuha niyang muli ang aking atensyon. “No, sir.”
Hindi ko pa naman iyon nararanasan. Siguro dahil madalas ay sa trabaho lamang naman kami nagkikita o hindi kaya’y kapag pinapatawag niya ako. Para sa akin naman ay mabait ito.
“She’s a two-faced and I saw it myself, one week ago, in a charity event. Matapos niyang makihalubilo sa mga nasalanta ng bagyo ay diring-diri siyang pinunasan ang kanyang kamay.”
Alam ko ang event na iyon pero wala ako dahil personal na lakad iyon ni Ma’am Averie. Hindi na niya ako pinasama pa. She was with her parents.
“Uuwi na ako,” iyon na lamang ang sinabi ko. Nagsimula na akong malakad papalayo roon. Kung sasampahan niya ako ng kaso ay wala naman siyang ebidensya—though, I think he can send me to jail. Sabi nga niya, makapangyarihan ang pamilya niya.
“Sinong may sabing maaari kang umuwi? We’re not done yet, Adira. May mga bagay pa tayong dapat pag-usapan.”
Napatigil ako at napalingon sa kanya. Tumayo si Sir Hati at humarap sa akin. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa.
Napalunok akong muli sa sariling laway. Somehow, he’s emitting a different aura from before. Hindi ito nakakatakot, ngunit hindi rin magaan sa pakiramdam. Kinakabahan pa rin ako.
“A-Ano pa bang dapat nating pag-usapan?” Kung maaari nga lang na ibalik na niya ako sa totoong kompanyang pinapasukan ko ay mas mabuti. Ngunit pakiramdam ko ay hindi iyon ang dahilan bakit niya ako pinigilan.
“You still want to kill me, correct? I don’t know the reason; maybe someone’s threatening your life or your family. Maybe it’s because of money? Either way, I came up with something that may interest you,” he said it, proudly.
Hindi ko man gusto ang pamamaraan niya nang pagsasabi nito, ngunit nakinig ako.
“Ano iyon?” Mayroon pa rin sa tono ko na para bang hindi ako magpapasindak sa kanya o hindi ako magpapatalo sa kanya. I can pull this off. I can pretend that I am brave enough to face someone like him. Na kapag hindi ko gusto ang sinabi niya ay hindi ako magpapadala o papayag dito.
“I can offer you an easy way to kill me,” nakangising panimula niya. Kumunot ang noo ko, hindi nagtitiwala sa kanyang sinabi. “But of course, I want something in return. I’m not going to let you kill me for free.”
Maayos akong tumayo at tuluyan nang humarap sa kanya. He got my full attention. Na dahil sa sinabi niyang iyon ay gusto ko siyang patapusin sa pagsasalita at malaman kung ano iyong i-aalok niya sa akin.
Lalong lumawak ang kanyang ngisi nang makita ang pagharap ko sa kanya. Parang kaunting tulak na lamang sa kanya ay tatawanan na niya ako.
“I will let you kill me, by any means, it’s up to you.” Tumingin siya sa akin ng diretso. Ang mga mata niyang halos ngumiti rin kanina ay lumalim at naging madilim ang ekspresyon. Napalagok ako sa aking laway dahil sa naramdamang kaba. “In exchange, you’ll have s*x with me—”
“You want me to be your f**k buddy? Your s*x slave, ganoon?”
The dark expression of his eyes became lustful. Napaatras ako sa ekspresyong mayroon ang kanyang mga mata matapos ang sinabi ko.
Malalim ang kanyang pagtawa as he scrunches his nose. Tiningnan niya muli ako ng diretso bago ngumisi.
“I was about to say one-night stand; just one s*x but, you gave me a better idea,” nakangisi niya pa ring saad sa akin. “A f**k buddy, huh? Where did you even learn such a word?”
Hindi ako nagsalita. Syempre, alam ko naman ang mga ganoong salita. Hindi naman ako ipinanganak lamang kahapon para hindi malaman kung ano ang mga salitang ganoon. At siya, sa tingin ko ay dinadahilan niya lamang na naunahan ko siya pero ang totoo gusto niya akong gawing parausan.
“You said the word f**k buddy like it’s the easiest word to say. Damn! Do you know how much it turns me on?” Kinagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan pa rin ako ng diretso. “You really know how to turn me on, Adira, refusing me at the airport and now…this.”
Shit! Hindi ko alam paano ko babawiin iyong mga sinabi ko. Sana pala ay hinayaan ko siyang matapos sa pagsasalita bago ko ibuka itong bunganga ko. Now, I’m in a worser scenario than I thought.
I am a virgin. Wala naman kasi akong naging jowa. Sa sobrang abala ko para mabuhay ang pamilya ko ay hindi minsan sumagi sa akin ang magkaroon ng boyfriend kaya wala rin akong s*x life.
“Why do you want to have s*x with me, though? Ang dami mong babaeng pwedeng pagpilian…bakit ako?” hindi ko maiwasang tanong sa kanya. Kumpara sa mga nakita ko nang babaeng naging involve sa kanya ay malalaman mo na kaagad iyong tipo niya.
Hindi lang maganda. Magandang-maganda. Sopistikada at nasa taas ng chart ng social status. Kaya mapapatanong ka talaga, bakit ako?
“Because I want you and I want to have s*x with you. I want to know what it feels to be inside you, isn’t that enough reason?” Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi habang nakatingin nang diretso sa akin. Walang bahid ng pagdadalawang isip ang kanyang salita. Desidido siya rito.
May kakaiba akong naramdaman. Hindi iyon inis pero hindi ko pa rin gusto ang pakiramdam na iyon. Bago ito sa akin kaya’t hindi ko maipaliwanag.
“Think about it, Adira. s*x with me whenever I want and you have the pass to kill whenever you desire. It’s a win-win situation for both of us. You’ll be going to satisfy me and I will be going to do you a favor by letting you kill me.” Umangat muli ang gilid ng kanyang labi. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. “You don’t have to decide right away. I’m going to give you enough time to think—”
“Fine,” pagpuputol ko sa kanyang sinasabi. “Hindi naman importante sa akin ang gusto mong makuha. May mas importante akong pinanghahawakan.” Kakayanin ko. Kahit para akong masusuka sa mga pinapagawa sa akin, kakayanin ko…para sa pamilya ko.
“What?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin, para bang hindi niya inaasahan na sasagot kaagad ako sa alok niya.
“Pumapayag ako sa gusto mo. You can use my body all you want as I try to kill you.” Nanginginig man ang aking katawan at ang gilid ng aking labi ay diretso ko pa rin siyang tinitigan.
Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagngisi. “That was fast. I like that about you. You’re kind of impulsive when you’re in a heated situation.”
Naglakad si Hati papalapit sa akin. Gusto ko mang umatras upang layuan siya subalit naalala ko na pumayag na ako sa kagustuhan niya.
Tumigil siya sa harapan ko habang pinagmamasdan ako. Kinagat niya ang labi ko at napaawang naman ang aking labi.
Ang kanyang kamay ay napunta sa likod ko. He trails my back. Napatalon ako sa kung anong pakiramdam ang naramdaman ko dahil sa ginawa niya.
“You’re so tense. Iyon pa lamang ang ginagawa ko ay ganito na ang reaksyon mo? Akala ko ba matapang ka? That was the impression you gave me when I first saw you,” sarkastikong bulong niya sa akin.
Hinila niya ako papalapit sa kanya pero may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin dahil parang tambol ang puso ko sa kaba.
“I really like you. You portray a dominant exterior and yet submissive on the inside. I wonder what’s the real you, Adira? Shall we discover it together…in bed, of course.” Inilapit ni Sir Hati ang kanyang bibig sa aking tainga. Ramdam na ramdam ko ang mabigat at mainit niyang paghinga na lumalapat sa aking balat. Nagtaasan ang balahibo ko sa aking naramdaman.
Hindi ako nagsalita. His words and his touch penetrate through my stomach. Na parang may nagwala sa aking tiyan na ayoko na lamang isipin kung anong dahilan.
“I’ll enjoy everything about you. Trust me, this’ll be fun. What kind of trick will you play next time? I’m excited.” He planted soft kisses on my neck. Narinig ko pa ang malalim niyang pagdaing nang lumapat ang kanyang labi sa leeg ko. “You smell so good.”
Lumayo na rin si Sir Hati sa akin pagkatapos niya akong halikan sa leeg. Ako naman ay hirap na hirap lumunok.
“Paano kapag napatay kita?” Isang tangang tanong ang lumabas sa aking bibig.
Tumingin siyang muli sa akin. Ang natatawa niyang ekspresyon ay muli kong nakita. Alam ko na pinagtatawan niya ang tanong ko sa kanya.
“E ‘di napatay mo ako. Mission accomplished,” nakangiting saad niya sa akin.
“Hindi ka ba natatakot na baka magtagumpay ako? I can kill you while you’re asleep,” seryosong tanong ko sa kanya. Seryoso ito pero para bang biro lang sa kanya. Para bang hindi siya natatakot sa maaari kong gawin sa kanya.
Hinagod niya ang kanyang buhok bago lumingon sa akin. Isa na namang ngisi ang aking nakita.
“I know you can’t. You’re not a murderer. Someone else is pushing you to this extent and you can’t do anything about it.” Kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nababasa niya ako at nalalaman niya ang mga gusto niyang malaman sa akin. “But you can try, it wouldn’t be easy after all, Adira.”