CHAPTER 9: PERFECT

2713 Words
Tinangka ko siyang sipain ngunit mas lalo lamang niyang diniinan ang pagkakahawak sa bibig ko. Panay pa rin ang pagsigaw ko kahit impit lamang iyon. Nagbabaka sakali na may milagrong mangyayari at may makarinig sa akin. Nang mas maramdaman ko ang paglapit ng katawan niya sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip na sipain siyang muli. Ngayon ay nagawa ko iyon at naitulak ko siya papalayo. Tumayo ako mula sa pagkakahiga, akmang dedepensahan na ang sarili kung sakaling tangakin niya muli akong lapitan. “Adi, ang ingay mo naman. Baka magising sina Mama!” iritadong sabi ng lalaki.  Napatigil ako sa akmang panlalaban ko sa kanya nang makita ko siya kahit na medyo madilim ang kapaligiran. Nakahinga ako nang maluwag dahil si Kuya Gil pala iyon. “Kuya! Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit kung makaasta ka pa ay para kang magnanakaw at may masamang balak?” Bumagsak ang balikat ko, naiinis sa kanya. Pinakaba niya pa ako roon. “Nag-iingat nga ako at baka makita ako nina Mama. Ayokong magtanong sila kung bakit hindi ako umuuwi. Alam mo namang hindi maganda ang dahilan,” pagpapaliwanag niya.  Naupo ako sa kama at mabilis ang paghinga. Dahil sa kabang nararamdaman ko kanina ay parang nakalimutan kong huminga at ngayon lamang ulit nakakuha ng lakas para gawin iyon. “Ano nga bang ginagawa mo rito ngayon? Mabuti at pinayagan kang umuwi.” Tumingin ako sa kanya at naghihintay sa kanyang isasagot. “Aalis din kaagad ako mamaya. Hinihintay nila ako sa labas. Naandito lang ako para ibigay ito sa ‘yo.” May ibinigay siya sa aking maliit na bote. Pinagmasdan ko iyon bago muling tumingin sa kapatid. “Cyanide. Hindi ba’t humingi ka ng tulong kay boss na magbigay siya ng lason? Iyan na iyon. Gamitin mo iyan para mapatay mo kaagad si Hati Benavidez. Gusto ko nang umalis sa kanila.” Hindi pa man ako nakakapagsalitang muli ay umalis na si Kuya. Hindi ko na rin naman siya hinabol pa dahil baka may magising pa kaming iba at makita siya. Mabuti na ring mag-ingat kaming dalawa. Baka madamay pa ang buong pamilya namin. Mahigpit kong hinawakan ang bote ng lason. Ipinikit ko ang aking mga mata at iniisip ang gagawing panlalason kay Sir Hati bukas ng gabi sa party. Kinakabahan ako ngunit kailangan ko itong gawin. Ang kailangan ko lamang ay tamang oras para lagyan ng lason ang ano mang kakainin o iinumin ni Sir Hati. Maaga akong gumising dahil medyo malayo ang kompanya nina Sir Hati rito sa amin. Kailangan kog mag-adjust.  Napatingin ako sa bag na dadalhin ko mamaya sa party kung saan maingat kong inilagay ang cyanide na ibinigay sa akin ni Kuya kagabi. Muli akong inakyatan ng kaba pero buo na ang loob ko. Nakapagdesisyon na ako sa gagawin ko. Para ito kay Kuya at para sa pamilya ko. Naligo na ako at nagbihis. Muli kong itinali ang aking buhok nang mapatuyo ko iyon. Naglagay rin ako ng light makeup bago lumabas ng kwarto at magtungo sa hapag kainan upang makakain ng umagahan. Naaabutan kong naandoon na sila. Niyaya ako ni Mama na kumain nang maramdaman niya ang presensya ko. Naupo na ako at nagsimulang kumain. Nang matapos ako ay umalis na kaagad ako ng bahay. Sumakay ako ng jeep papasok sa opisina. Medyo traffic kaya’t natagalan ang byahe ko. Gayunpaman ay hindi pa naman ako late. Sinusuklay ko ang aking buhok nang makarating ako sa kompanya ng mga Benavidez dahil medyo nagulo iyon dala na rin ng hangin sa jeep. Naabutan ko pa si Sir Hati na may kausap na isang lalaki sa labas ng kanyang opisina. Mukha na rin namang paalis na iyong lalaki.  Matangkad ang lalaki at kagaya ni Sir Hati ay matipuno. Ngunit hindi siya iyong kagaya ni Sir na laging may nakakaloko at nakakainis na ekspresyon o ngisi sa kanyang labi. Seryoso at malalamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, tila ba hindi marunong ngumiti. “Kaya nga pupunta ako mamaya, Silas, eh. Ako na ang bahala roon. Babalitaan na lang kita.” Iyon ang narinig kong sabi ni Sir Hati sa kausap niyang lalaki. So, siya pala si Sir Silas.  Tumingin sa akin si Sir Silas nang mapadaan ako sa gilid nila. Magalang naman akong tumango ngunit hindi nakapagsalita o nakabati dahil sa panlalamig.  “That’s Averie’s secretary, right?” Nakatingin man siya sa akin ngunit ang katanungan niyang iyon ay para kay Sir Hati. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ginawa ni Sir Hati dahil ang paninitig ko ay nakatigil lamang kay Sir Silas. Bakit hindi ko magawang umiwas kahit na natatakot ako sa malalamig ngunit magaganda niyang mata? “My secretary, Silas,” tila iritadong sabi ni Sir Hati. Doon lamang ako nagkaroon nang pagkakataon na tingnan siya. Nakataas ang isang kilay niya sa akin dahil siguro sa paninitig ko kay Sir Silas. “Anyway, tapos na tayong mag-usap, hindi ba? Umalis ka na. Ayusin mo iyong sa inyo ni Hyacinth.” Pinagtutulakan ni Sir Hati si Sir Silas. Hinahayaan lang naman niyang gawin iyon ni Sir Hati sa kanya. “Anong aayusin namin ni Hyacinth? We’re fine,” sagot ni Sir Silas kay Sir Hati. Alam ko na hindi na dapat ako nakikinig sa kanila ngunit hindi ko mapigilan. Talaga pa lang magagandang lalaki ang mga Benavidez, ‘no? Narinig ko na may tatlo pa siyang pinsan, I bet they have great physiques, too. But I’m not going to say that to his face, I don’t want to feed into his ego. Umiwas na ako ng tingin at naglakad papunta sa opisina ko. Inilagay ko ang gamit ko sa gilid at nagsimula na kaagad sa aking trabaho. Unlike kahapon ay hindi ganoon karami ang gagawin ko. Una kong ginawa ang pagche-check ng schedule ni Sir. Tiningnan ko kung may importante ba siyang appointments ngayon o meeting.  Sir Hati’s schedule is clear. Bukod sa party na pupuntahan namin mamayang gabi ay wala na siyang ibang kailangang puntahan ngayon. May kumatok sa aking opisina kaya’t napatingin ako roon. Nakita ko si Sir Hati na nakahilig sa hamba ng pinto. “Are you ready for tonight?” tanong niya sa akin. Marahan akong sumagot. Kinakabahan sa maaaring mangyari mamayang gabi. “Yes, Sir. Kaya lamang po ay hindi ko alam kung nasaan na iyong damit na isusuot ko.” Ang alam ko ay ipapadala sa condo niya. So, dala niya ba? Paano ako magpapalit ng damit? “It’s at my condo. Na-deliver na kaninang umaga. Lahat ng kakailanganin mo ay nasa condo ko na,” kaswal na sabi nito sa akin. Napakurap ako sa sinabi niya. Kung nasa condo niya ang mga gagamitin at susuutin ko, paano ako makakapagpalit mamaya? Huwag mong sabihin sa aking… “You’ll come with me after work at my condo. Doon ka na magpalit at mag-ayos.” Tinalikuran niya kaagad ako at umalis kaya’t hindi na ako nakapagsalita pa.  Hindi natinag ang paninitig ko kay Sir Hati, na kahit noong makapasok siya sa kanyang opisina ay tinititigan ko pa rin siya. Makapag-utos akala mo ay—s**t, boss ko nga pala siya. Lagi kong nakakalimutan. Mabilis akong kumilos. Ayokong may matira at kinailangan ko pang bumalik bukas para lamang tapusin iyon. Isa pa, sa binabalak kong gawin, maaaring ito na ang last day ko rito at makabalik na ako kina Averie. Nagpunta ako ng CR at nagkulong sa isang cubicle. Dala ko ang bag ko kung saan naroroon ang cyanide. Iniisip kong mabuti kung paano ko ‘to gagamitin. Napansin ko ang panginginig ng aking kamay habang pinagmamasdan ang cyanide sa aking kamay. Itinago ko na iyon muli sa bag at pinakalma ang sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinanggal ang mga kung ano-anong kaisipan. Naalala ko iyong nangyari noong nasa training pa ako ng military. Bago nila ako paalisin dahil pinagsuspetiyahan nila akong pumatay ng kapwa ko trainee. Bumuntong hininga ako. Ayoko na iyong isipin pa. Kaya ayokong nagkaka-soft hours ako. Nawawala iyong Adira na matapang kagaya ng ipinapakita ko sa ibang tao. Lumabas na rin ako ng CR. Napansin kong malapit nang matapos ang working hour. Dali-dali akong bumalik sa pwesto ko at inayos ang mga gamit ko. Tapos na naman ako sa trabaho ko, eh. “Tara na.” Ilang minuto matapos kong maayos ang gamit ko ay nakita ko na si Sir Hati. Sinenyasan niya akong sumunod na sa kanya kaya’t iyon ang ginawa ko. Lalo kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba sa gagawin kong panlalason sa kanya. Sumakay na ako sa kotse niya. Ibang mamahalin naman na kotse ang dala niya ngayon. Grabe, ilang kotse ba ang mayroon siya?  Hindi kalayuan ang condo niya sa opisina at ang kasagutan sa aking katanungan kanina ay nasagot na rin. Hindi lang isa o dalawa ang kotseng mayroon siya. Marami! Halos itong isang floor na parking lot ay kotse niya ata ang nakaparada. Ayos ah, akala mo namili lang ng damit. Araw-araw ata ay iba ang gamit na sasakyan. Bukod sa kotse ay may makikita ka ring mga mamahaling motor. Big bike ata ang tawag sa mga ganitong klase.  Sumakay na kaming dalawa sa elevator. Hindi ko alam kung anong floor niya dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa hawak kong bag. Baka malaglag at mabasag ang bote ng cyanide. Bumukas ang pinto ng elavator. Napatigil ako sa pagtatangka kong paglabas nang mapansin ko kung anong floor ang kinaroroonan namin. Nilingon ko siya na hinihintay lang din naman akong lumabas. “Penthouse?” tanong ko pa sa kanya, na para bang hindi ako makapaniwala na nasa penthouse nga kaming dalawa ngayon. Dito siya nakatira? Hindi ba ang mga nakatira sa penthouse ay iyong mayayamang tao lang? Oo nga at alam kong marangya ang buhay nila pero…wow! “May problema ba?” nakangising tanong niya sa akin at nauna nang lumabas ng elevator. Ang mga mata ko naman ay sinusundan lamang siya ng tingin. Ang lock ng kanyang pinto ay iyong may fingerprint at password! Parang cellphone lang. Inilagay niya ang hinlalaki niya roon para sa fingerprint niya at bumukas na ang pinto ng kanyang penthouse. Agad din namang bumukas ang mga ilaw sa loob ng silid. Nakakapunta na ako sa magagandang lugar at sa condo ni Ma’am Averie, ngunit ibang-iba ito. Iisipin mo na nasa ibang bansa ka. Nahihiya akong pumasok sa loob ng kanyang condo. May nakita pa nga akong mga lalaki sa labas na tansya ko’y mga tauhan niya. Parang importanteng-importante naman itong si Sir Hati. May itinuro sa akin si Sir na kwarto kung saan maaari kong gamitin upang makapag-ayos ako roon. Nang papunta na ako rito ay muli niyang kinuha ang atensyon ko. “May paparating pala na mag-aayos sa ‘yo mamaya. You can take a bath if you want while waiting for them.” Hindi ko na pinansin pa ang kanyang sinabi at nagkibit balikat na lang na pumasok sa isang kwarto. Napalunok ako nang makapasok sa isang kwarto. Hindi pa iyon ang master’s bedroom pero nakakahanga na ang itsura nito. Lalo na siguro iyong kwarto mismo ni Sir Hati. Napangiti ako at hinaplos pa ang malambot na kama. Pakiramdam ko kung ganito ang kwarto ni Anica ay matutuwa iyon. Sa ngayon nga lang ay papangarapin ko na lang muna iyon. Pag-iipunan ko pa. Dahil sinabihan naman ako na maaari akong maligo ay iyon ang ginawa ko. Sa banyo na nasa loob ng kwartong iyon ay pumasok ako. Napanganga na naman ako nang makita ko ang ganda nito. Halos nakakahiyang tapakan ang mukhang mamahaling tiles ng banyo. Kumpleto rin sa gamit. May mga shampoo at conditioner. May body wash at may mga tuwalya rin na para bang pinapalitan araw-araw. Nakakaramdam man ng hiya kahit na wala namang nakakakita sa akin ay naghubad na ako at nagsimulang mag-shower. Gusto ko sanang i-try iyong bathtub pero naisip ko na wala naman akong sapat na oras para roon. Isa pa, hindi ako naririto para mag-relax. Nang matapos akong maligo ay ibinalot ko sa malinis na tuwalya ang aking katawan at lumabas ng banyo. Nagsuot muna ako ng isang malinis na shirt at shorts dahil mukhang aayusan pa ako. Iyon ang narinig ko kay Sir Hati kanina. Syempre, kung isasama niya ako ay dapat lang na hindi siya mapahiya, hindi ba? Kaya alam ko at inaasahan kong ipapaayos niya talaga ako. Naupo ako sa kama at gusto ko na lang matulog dahil sa lambot nito. Sana lahat ng tao ay ganito ang natutulugang kama. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nagpapasalamat na lang din ako sa buhay na may bahay akong nauuwian at nasisilungan pero hindi rin naman masamang humiling. May kumatok sa pinto kaya’t napatayo ako mula sa pagkakaupo ko. Bumukas ang pinto at sumungaw ang dalawang babae. Binati nila ako.  Maganda ang dalawang babaeng iyon at may porselanang kutis. Para kang walang mapipintas sa kanila. “Miss Adira? My name is Nerie, and this is my assistant, Margaret. Kami ang mag-aayos sa ‘yo para sa party na pupuntahan niyo ni Hati,” mahinhing sambit ng babae. Tumango ako sa kanya at nag-setup na sila kung saan ako aayusan. “Si Sir Hati?” pagtatanong ko nang makaupo sa harap ng salamin. Nasa labas na kaya siya at nakapag-ayos na? “Nang makarating kami rito ay papunta na siya sa kwarto niya. Ibinilin ka na lang niya sa amin,” she paused for a while bago siya magpatuloy muli sa pagsasalita. “Anong relasyon mo kay Hati?” Wala namang pait sa kanyang tono pero may kakaiba rito. Hindi ko lang eksaktong masabi kung ano iyon. “Secretary,” sagot ko.  “I see, I didn’t know he changed secretary. Parang kakapalit niya pa lang two months ago,” natatawang sabi ni Nerie sa akin habang inaayusan ako. Matipid na lang akong ngumiti sa kanya at mas piniling huwag nang magsalita. Ayoko sanang bigyang kahulugan kung ano man ang kanyang relasyon kay Sir. Ngunit kagaya ni Donatella Ford ay may hinala ako, na may relasyon sila o nagkarelasyon sila. “Sorry to ask this but, did you two slept together na?”  Halos masamid ako kahit wala naman akong iniinom. Bakit biglaan ang pagtatanong niya nito? “H-Huh?” Nilingon ko siya, nagpapanggap na hindi narinig nang maayos ang kanyang sinabi. Ngumiti siya sa akin at ang kasama niya namang si Margaret ay para bang natatawa sa reaskyon ko. “Nag-s*x na ba kayo? Don’t tell me, hindi pa—oh, yeah, ayaw niya pa lang ginagalaw ang mga sekretarya niya. That’s why, he keeps on choosing those secretaries na malabong matipuhan niya.” Tiningnan niya ang repleksyon ko sa salamin. “He wants to separate his professional life from his personal life as much as possible kasi but, in my opinion, you’re definitely his type. Ganyan kasi ang tipo niya sa babae.” “Paano niyo po nasabi? Nako, imposible pong magustuhan ni Sir Hati ang isang kagaya ko.” Ayoko ring magustuhan niya ako, ‘no! Imagine the headache he’ll give me for sure! “I used to be one of his flings. Nagti-threesome pa nga kami minsan, kasama si Margaret.” Malakas siyang tumawa habang inaayos na naman ngayon ang buhok ko. Para akong kinilabutan sa kanyang sinabi. Ayoko na lang masyadong isipin at baka mapangiwi pa ako. Tumahimik na lang ako dahil ayoko nang pag-usapan si Sir Hati at ang kanyang s*x life. Matapos ang ilang oras ay natapos na ang pag-aayos sa akin. Naisuot ko na rin ang gown na susuutin ko. Maging ako ay namamangha sa repleksyong ng sarili ko sa salamin. “Naghihintay na ata sa ‘yo si Hati sa labas. Tara na,” ani Nerie bago hilahin ang kanyang assistant at lumabas ng kwarto. Huminga naman ako nang malalim bago kunin ang bag na gagamitin ko at lumabas na rin. Nang makalabas kami ay tama nga ang sinabi nila. Naghihintay na si Hati sa akin. He’s wearing a black waistcoat and red shirt. Kaya siguro red ang isa sa kulay na pinagpipiliang isuot ko. Pinagmasdan niya ako. Para naman akong nakaramdam ng hiya sa paninitig niya. “Perfect,” bulong niya bago lumapit sa akin. Inialok niya ang kanyang braso at tinanggap ko naman iyon. Naglakad na kaming dalawa papalabas ng penthouse. Tonight, it will be over. I’m going to kill Hati Benavidez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD