CHAPTER 1: THE SECRETARY

1608 Words
“Grabe talaga, Adira! Sobrang napatulala ako nang makita ko iyong lalaking gusto ni Dad para sa akin. Nang una ay ayoko ng mga arrange marriage na iyan dahil baka hindi ko magustuhan ang lalaking ipapakilala nila sa akin. We’re talking about my future here, after all. But when I saw the man, damn, he didn’t disappoint. He’s like a god from Greek mythology. So majestic!” sabi ni Averie habang nagkukwento sa akin. Ako naman ay ngumi-ngiti lamang sa kanya dahil medyo abala ako sa pag-aayos ng mga gamit niya rito sa opisina. “Good for you, Ma’am,” pagbati ko kay Averie. Malapit man kami sa isa’t isa ay kailangan kong maging magalang sa kanya tuwing nasa trabaho kami. Hindi naman pwedeng maging kaswal ako sa kanya. Tumingin sa akin si Averie, siguro ay dahil sa pagtawag ko na naman sa kanya ng “ma’am”. Anong magagawa ko? Boss ko naman talaga siya. Hindi naman pwedeng mag-first name basis kaming dalawa. Iisipin na naman ng iba na sipsip ako. Mga impakta pa naman ang ibang katrabaho ko. “How many times shall I tell you that stop calling me ma’am? Hindi ba I keep on reminding you to call me Averie? We’re friends, remember?” Lumapit pa siya sa akin. Napilitan naman akong ngumiti sa kanya. “Nasa trabaho kasi tayo, at kahit na magkaibigan nga tayo, Ma’am, sekretarya niyo pa rin ako. Kailangan ko kayong galangin.” Pwede ko naman siyang tawagin nalang sa pangalan niya kapag nasa labas na kami ng trabaho, basta huwag lang dito. Ngumuso si Averie dahil siguro sa hindi ko pagsunod sa kagustuhan niya. “Fine! Anyway, gusto ko siyang surpresahin. Tulungan mo ako, ha? Baka next week ay dalawin ko siya sa opisina niya and surprise him.”  Excited si Averie sa gusto niyang gawing surpresa para sa kanyang kasintahan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya siguro ay ganoong kamatipuno iyong lalaki. Bukod pa roon, para makita si Averie na ganito, nakakasigurado ako na mabait din ang lalaking iyon. Minsan mo lamang makitang nababaliw sa lalaki ang boss ko kaya masasabi ko na mabuting lalaki iyong nakilala niya. “Tutulong ako, Ma’am,” sabi ko sa kanya at muling bumalik sa aking ginagawang pag-aayos ng kanyang mga gamit.  “Ikaw ba, Adira? Kailan mo balak na maghanap ng nobyo? We’re at that age na rin. Gusto mo hanapan kita? Baka may pinsan si Hati. Hanap tayo ng para sayo!” Pumapalakpak pa siya sa kanyang naisip na ideya. Umiling naman ako sa kanya. Hindi ko kailangan ng lalaki. “Hindi na, Ma’am. Hindi naman ako naghahanap. Isa pa, sa hirap ng buhay ay wala akong oras sa mga ganyang bagay. Kailangan ko pang buhayin ang sarili ko at ang pamilya ko,” sabi ko sa kanya. Marami pa akong problema para idagdag pa ang lalaki sa buhay ko. Hindi pa ako handa. Darating din naman ako sa oras na iyan. Hindi palang siguro ngayon. Hindi pa naman ganoon katagal simula nang magtrabaho ako kay Averie bilang sekretarya. Ngunit mabilis siyang napalapit sa akin at itinuring akong kaibigan dahil sa lagi kong pagtulong sa kanya tuwing napapahamak siya o tuwing namomroblema siya sa mga bagay-bagay. May mga oras din kasi na hindi maiwasan na mabastos siya ng mga walang kwentang lalaki kaya ako ang naandoon upang itaboy ang mga lalaking nambabastos sa kanya. “Hay nako, ang tigas talaga ng puso mo pagdating sa mga ganitong bagay. Siguro grabe ang pagka-heartbroken mo noon, ‘no? Aminin mo,” pagbibiro niya. Matipid naman akong ngumiti sa kanya. “No boyfriend since birth po ako.” Napatingin siya sa akin dahil doon. Nanlalaki ang kanyang mga mata at halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “What? For real? I can’t believe that!” Napatayo pa siya sa kanyang kinauupuan. Ganoon ba nakakagulat ang sinabi ko? Sa hindi talaga ako naghahanap ng nobyo. Isa pa, sa henerasyong mayroon kami at sa mindset ng ibang tao, ang babaw nalang ng ibig sabihin ng relasyon. But then, hindi ko naman nilalahat. May iba naman na talagang kapag nagmahal ay makikita mo ang sinseridad para sa minamahal nila. “Pera po ang kailangan ko para makatulong sa pamilya. Hindi naman po mapapakain ng pagmamahal ang pamilya ko kaya hangga’t maaari ay iniiwasan ko. Baka maging sagabal lamang iyan sa akin kapag nagkataon.” Hindi naman ako mali. Kung sa ibang tao ay umiikot ang kanilang buhay sa pagmamahal. Ako naman ay mas piniling iikot ang buhay sa pamilya, career at sa pera. Iyong mga bagay na talagang bubuhay sa akin sa magulong mundong kinaroroonan ko. “Grabe naman! Essential din naman ang pagmamahal, sa buhay ng tao,” saad sa akin ni Averie na hindi ko rin naman kinontra. Iyon ang paniniwala niya at hindi ko naman ipipilit ang pinaniniwalaan ko para lang masabi na tama ako. Hindi na ako muling nagsalita at nagpaalam na sa kanya na babalik na ako sa trabaho ko. Ganyan lang iyan si Averie kapag kami lang ang magkasama, akala mo ay isip bata, pero kapag humarap na iyan sa ibang tao ay hindi na niya iyon ipapakita. Ibang Averie na ang makakaharap mo. Siguro ganoon talaga kapag komportable ka sa isang tao, ipapakita mo sa kanila ang bahagi ng pagkatao mo na hindi mo magawang ipakita sa ibang tao. Most people will pretend or will make a character that is different from who they are because they are afraid. They are afraid to be judged and be left out by other people. May mga tao kasing hindi talaga tayo tatanggapin sa kung ano tayo, at kung takot kang talikuran ng mga taong gusto mong pakisamahan, you tend to change yourself just for the society to accept you and to protect yourself. Kahit na hindi ka na masaya sa proseso ng pagbabago mong ito. “Adi!” Napatigil ako sa pagta-type at sa ginagawa ko nang tawagin ako ni Averie. Tatayo na sana ako upang puntahan siya sa kanyang opisina nang siya na ang lumabas sa kanyang opisina. “Ma’am?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Para kasi siyang pinagpapawisan kahit malamig naman ang opisinang kinaroroonan niya. “Hati texted me!” natatarantang sabi niya sa akin at nanginginig pa ang kamay na ipinakita sa akin iyong screen ng cellphone niya. Hindi ko naman iyon mabasa nang maayos dahil ang likot nga ng kamay niya. Matipid nalang ako ngumiti. “Anong sabi, Ma’am?” Kaysa maduling ako sa pagtatangkang basahin iyon ay tatanungin ko nalang siya. “Ano…sabi niya if we can meet later. Omg! What should I say? Should I text him back? Mas magandang sabihin ko na oo, ‘no? Baka ma-offend ko siya kapag sinabi ko na ayoko. I don’t know what to do.” Naglakad siya nang pabalik-balik sa harapan ko. Natatawa naman ako sa kanyang ginagawa.  Alam ko na marami na ring nagdaan na lalaki sa buhay ni Averie pero wala siyang sineryoso rito. Dahil kung hindi niya nakilala sa online dating app ay ipinapakilala sa kanya ng dad niya. At lahat iyon magaling lang sa text pero boring daw sa personal. That’s why I understand that she’s being anxious now. “Ma’am, calm down,” pagpapakalma ko sa kanya. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumigil sa aking harapan. She can’t help but to bite her nails. Agad kong inilayo ang kanyang kamay sa kanyang bibig. “Gusto ninyo ba siyang kitain mamaya?” Tumingin sa iba’t ibang direksyon si Averie. Naghahanap siguro ng isasagot sa aking katanungan. I patiently wait for her to answer. Wala man akong experience sa dating but I read enough books to know what it’s like. Baka kahit papaano ay makapagbigay ako sa kanya ng payo. “Oo, kaya lang nahihiya ako. Baka kasi ma-turn off siya sa akin. Baka ayawan niya ako. You know, minsan ka lang makakilala ng taong gusto mo talaga sa unang kita mo palang. Kaya nakakahinayang if ever ayawan niya ako.” Bumagsak ang balikat niya. I pursed my lips as they turn into a thin smile. “Then, text him back. Sabihin niyo na pwede kayong magkita mamaya. Wala namang masama roon, eh. Isa pa, in order to build your relationship, mas maganda masanay na kayo sa presensya ng isa’t isa. Awkwardness is normal, lalo na sa relasyong nagsisimula pa lang. Pero malalagpasan niyo rin iyan. Go, Averie!” I cheered her up. Sana lang talaga ay nakatulong ang sinabi ko sa kanya. “Akala ko ba wala kang experience?” pagbibiro niya dahil siguro sa sinabi ko. Marahan nalang akong tumawa sa sinabi niya. “But you’re right. Thank you! Tawagan kita kapag na-hotseat ako, okay lang?” Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sinabi ko sa kanya na makakaasa siya sa akin at tutulungan ko siya kung may kailanganin man siya as long na kaya ko siyang tulungan. Matapos iyon ay nagpaalam na siya sa akin at sinabing maghahanda na raw siya para sa date na iyon. “Adi, isip ka na rin ng maaari nating gawing surprise kay Hati, okay? Thank you! Balitaan mo ako.” Tuluyan na siyang umalis pagkasabi niya nito. Tinapos ko lang ang ginagawa ko at nag-isip na ng gagawin namin para sa kasintahan niya. Hindi ko alam na itong binabalak naming gawing surpresa ang magpapabago ng takbo ng buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD