CHAPTER 2: SURPRISE!

2206 Words
“Hindi ako marunong magluto, Adi.” Inaalog-alog ako ngayon ni Averie habang hawak ang magkabilang braso ko. Bakit nga ba nakalimutan ko na hindi siya marunong magluto? Ang kinakain niya nga pala ay ang mga hinahain sa kanya ng mga katulong nila. Naisip ko kasi na magandang dalhan niya ng lunch iyong kasintahan niya as a surprise at sariling luto niya ang dadalhin niya rito. Very wife-material kapag nagustuhan ng mapapangasawa mo ang luto mo, hindi ba? “S-Sorry, Averie. Nakalimutan ko,” sabi ko sa kanya habang nasa kusina kami ng kanilang bahay. Sabado na ngayon kaya’t naghahanda na kami para sa gagawin niyang surpresa. Ngunit anong oras na ay wala pa rin kaming matapos na dalawa. “I tried to cook naman, hindi ba? Pero ayaw sa akin ng pagluluto. I suck at it!” Ngumuso pa siya, parang maiiyak dahil hindi siya marunong magluto. Napakamot naman ako sa aking batok, iniisip kung paano siya matutulungan. Hindi naman pwedeng ako ang magluto. “I know na!” Parang may lumitaw pang light bulb sa kanyang ulo dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako nagsalita at hinintay lamang ang kanyang sasabihin. “Ikaw na lang kaya ang magluto tapos papalabasin nalang natin na ako ang nagluto n’on. Great idea, right?” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. Hindi ba parang mali iyon? We’re going to deceive someone para lang mapahanga siya.  I’m confident with my skills. Magaling akong magluto at bata pa lamang ay katulong na ako ng nanay ko sa pagluluto. Mayroon din kami karinderya noon sa probinsya kaya nahasa talaga ang pagluluto ko pero hindi tama ang gusto niyang mangyari. “You’re going to deceive him.” Hindi ako plastik o mahilig mag-sugarcoat ng aking sinasabi kaya madalas ay marami akong nao-offend. May mga oras man na nagiging aware ako at nag-iingat sa mga sinasabi ay mas madalas pa rin ang makasakit ako dahil sa walang filter kong bunganga. Kumurba ang kanyang labi sa isang malungkot na ekspresyon. “But I can’t cook. Ang ganda pa naman ng ideya mo. Pakiramdam ko ay maa-amaze siya kapag natikman ang luto ko kaya lang hindi nga ako marunong.” Lumapit sa akin si Averie at hinawakan ang kamay ko. “Please, help me. Ganito nalang, habang luto mo muna ang pinapakain natin sa kanya, mag-aaral akong magluto. Gagayahin ko o hihigitan ko ang galing mo para kapag mag-asawa na kami, hindi niya malaman na niloko lang natin siya. By the time na maging mag-asawa na kami, I’ll make sure, I’m a good cook na. So please, Adi.” Gustuhin ko mang tanggihan ang gusto niya ay naawa rin naman ako sa kanya. Bumuntong hininga ako at tumango. Nagtatalon naman siya sa tuwa dahil sa pagpayag ko sa binabalak niya. “Ano bang paboritong pagkain ni Sir Hati?” Marami namang ingredients dito sa bahay nila kaya kahit anong ipaluto niya ay sa tingin ko magagawa ko naman. Kung hindi ko alam ay pag-aaralan ko muna para sa araw na dadalhin namin iyon sa kanya ay hindi palpak. “Hindi ko alam.” Napakagat siya sa kanyang labi. Natawa naman ako sa kanyang reaksyon. “Try to ask him or someone that knows him,” sabi ko sa kanya. I can wait. Hindi naman ako nagmamadaling umalis dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay ngayon. “Oo nga, ‘no! I’ll try to ask Tita Hera. Mother knows everything pa naman.” Matapos iyon ay umalis muna siya upang tawagan siguro iyong nanay ni Hati.  Kumuha muna ako ng mansanas at kumain. Nagugutom din kasi ako. Hindi nagtagal matapos niyang umalis ay bumalik siya na may malaking ngiti sa kanyang labi. Mukhang nalaman na niya kung anong paboritong pagkain ng kanyang mapapangasawa. “Tita Hera said that Hati loves kare-kare! Lalo na iyong crispy ‘yung meat.” Tumango ako. I can do that. Sinabi ko kay Averie na magluluto ako at titikman niya iyon and that she will give her honest review about it. Para hindi kami mapahiya kay Sir Hati kapag dinala niya ito rito. Nang matapos akong magluto ay ipinatikim ko na kay Averie. Tinikman niya naman iyon. Gumawa na rin ako ng alamang para ipampares niya sa kare-kare kaya lang ang sabi niya ay hindi siya kumakain n’on. Nagkibit balikat nalang ako. Ako na lang ang kakain ng alamang mamaya kapag kinain ko na rin ang kare-kareng niluto ko. Tumalikod muna ako sa kanya at hinayaan siyang kumain. Ngunit agad din akong napatingin sa kanya nang sumigaw siya. Hinarap ko si Averie at nakita ko na pinapaypayan niya ang kanyang bibig. “Ouch! It’s hot pala! My tongue is burning.” Natawa ako sa kanyang sinabi kaya’t agad ko siyang inabutan ng tubig at pinaalalahanan na hipan niya muna iyon bago isubo. Maya-maya pa’y nagbigay na siya ng opinyon niya tungkol sa luto ko. “Ang sarap mong magluto, Adi! Nakakainggit. Pero ang sarap talaga!” Umakto pa itong umiiyak. Napangiti naman ako sa kanya. Iba talaga sa pakiramdam kapag nakakarinig ka ng papuri para sa luto mo. Nagsimula na rin akong kumain at nakuntento naman ako sa kinalabasan nito lalo na kapag sinamahan mo ng alamang. Dumating na ang araw na susupresahin namin si Hati. Dahil mukhang kilala na rito si Averie ay hindi na namin kinailangan mag-iwan ng ID doon at kumuha ng visitor’s pass. Sumakay kami ng elevator at nagpunta sa kung saang floor ang opisina ni Sir Hati. Mabuti nalang din at nakarating na kami rito sa kompanya ng mga Benavidez sa Quezon City bago bumuhos ang malakas na ulan kung hindi ay baka mahirapan lamang kami. Bitbit ko sa isang bag iyong mga pagkain. Ang sabi sa akin ni Averie ay sabay na raw silang kakain ni Sir Hati kaya dinamihan ko na ang luto ko. Nang makarating kami roon ay lumapit agad ako sa sekretarya ni Sir Hati at ipinaliwanag ang gustong mangyari ni Averie. Naintindihan niya naman iyon kaya’t agad niya kaming iginaya sa opisina ni Sir Hati. Ako ang kumatok at nagbukas ng pintuan. Dahan dahan ko iyong binuksan at nagtama ang paningin naming dalawa. Agad din naman akong nag iwas sa kanya. He looks familiar. Saan ko nga ba siya nakita? I don’t know. Maybe sa isang magazine. “Surprise!” Sumunod agad si Averie sa akin at pumasok sa loob ng opisina ni Hati. Lumapit siya kay Hati at niyakap ito. Base sa nakikita ko ay mukha namang malapit na sila sa isa’t isa. “W-What are you doing here?” Tumingin saglit si Sir Hati kay Averie pero agad ding lumipat sa akin ang paninitig niya, at dahil hindi naman ako mahilig makipagtitigan sa hindi ko kakilala ay agad akong nag-iwas ng tingin. “To surprise you. Nakakain ka na ba ng lunch? Let’s eat together. Kahit dito na lang sa opisina mo. I brought some food,” narinig kong sabi ni Averie. Ramdam ko pa rin ang paninitig ni Sir Hati sa akin kaya’t dahan-dahan nang kumukunot ang aking noo. Bakit niya ba ako tinititigan? Hindi naman ako ang fiancée niya, ah? Dapat kay Averie ang atensyon niya. Tinawag ako ni Averie at sineyasan na ihanda ko na ang mga pagkain. Hinila niya naman si Sir Hati papalapit sa couches na may table sa gitna. Doon ko iniayos ang kanilang pagkain. Tinulungan din naman ako ng sekretarya ni Sir Hati. Habang nag-aayos ay nararamdaman ko pa rin ang paninitig niya. Napalunok ako. Naiinis na talaga ako sa paninitig niya. Ano bang napapala niya sa pagtingin niya sa akin kung may maganda naman view sa tabi niya. Kay Averie nga siya tumingin! Nakatayo lang ako sa isang gilid nang matapos kong iayos ang kanilang pagkain. Mas pinili ko na tumingin nalang ng diretso kaysa tumingin sa kanila. Nakatingin pa rin kasi sa akin si Sir Hati. “What did you bring?” Kay Averie man ang tanong niyang iyon pero alam ko na sa akin pa rin siya nakatingin. Hindi ba talaga siya titigil? Dukutin ko mata niya nang makita niya. Napasilip ako kay Averie, tinitingnan ko kung anong gagawin niya. Kinuha niya iyong lagayan ng kare-kare at ipinakita kay Sir Hati. “I cooked kare-kare. I heard this is your favorite dish,” nakangiting sabi ni Averie at dahil doon ay napunta ang atensyon ni Sir Hati kay Averie. Mabuti naman at tinigilan na niya ako. Ngumiti si Sir Hati. “How did you know about that?”  Nagkwentuhan pa silang dalawa. Ako naman ay kung saan-saan lamang tumitingin. Ang awkward naman kung tititigan ko sila. Narinig ko na lang ang ingay ng kubyertos. Magsisimula na silang kumain. Nakita kong inaasikaso ni Averie si Sir Hati kaya napangiti ako. Nice! Ipinagdadasal ko na mairaos niya ito. Pinauna niya si Sir Hati na kumain, mukhang gusto munang marinig kung anong magiging opinyon ni Hati sa kare-kareng dala niya bago rin siyang kumain. “So, how was it?” Halatang kinakabahan si Averie sa maaaring isagot ni Hati. Maging ako man, syempre ako ang nagluto. Ako ang maiinsulto kapag sinabi niyang hindi iyon masarap. “Damn, it’s delicious! I love it. You cook just like my mom,” papuri ni Hati kay Averie. Ngumiti at napapalakpak si Averie sa narinig. Hindi ko rin naman maiwasang mapangiti. Siyempre, kahit na hindi niya alam ay luto ko ang pinupuri niya. “Pero mas masarap ito kung may alamang.” Napaawang ang labi ni Averie at tumingin sa akin. Sinenyasan ko siya na may dala ako. “Oh, that? May dala rin ako. Alam ko na partner sila kaya gumawa rin ako.” Tumingin sa akin si Averie. “Adira, dala mo ba?” Tumango ako kay Averie at kinuha pa ang isang lagayan sa bag. Hindi ko ito nilabas kanina kasi akala ko ay hindi naman sila kumakain ng alamang. Malay ko bang kumakain pala itong si Sir Hati. Muli kong naramdaman ang paninitig niya sa akin. Ngayon ay nagtataasan na ang balahibo ko dahil sa paninitig niya. Grr! Naiirita na ako. Isa na lang talaga at baka makahampas na ako ng kasintahan ng boss ko. “How about her? Hindi ba siya kakain?” Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin kay Sir Hati. Hindi ko kasi akalain na maririnig ko iyon sa kanya. “Nakakain na si Adira kanina. Sabi ko nga ay pwede naman siyang sumabay,” sagot ni Averie sa kanya. Mabuti nalang din talaga at kumain na ako kanina. Kumain na sila. Nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay at ako naman ay naandoon lang at nakatayo. Naghihintay ng maaari nilang iutos. Paminsan-minsan ay nararamdaman ko pa rin ang paninitig ni Sir Hati na nagbibigay ng kakaibang kuryente sa aking katawan. Lumabas na sila. Pupunta atang CR para makapaglinis. Ako naman ay inaayos ang kanilang pinagkainan. Ipinatawag ko si Andrew upang mailagay na sa sasakyan ang mga gamit na ito. Hindi ko kasi alam kung aalis na ba kami pagkabalik ni Averie o mananatili pa siya rito. Bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Hati. Inaasahan ko na si Averie iyon ngunit agad akong napahugot ng malalim na paghinga nang makita ko si Sir Hati.  Oh s**t! Kung bakit ako napapamura ay hindi ko rin alam. Malakas lang ang pakiramdam ko na kailangan kong magmura. “Hmm, so your name is Adira? What a strong name for a strong woman.” Iyon ang una niyang sinabi nang makapasok sa opisina. Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman alam kung nagiging sarkastiko lang siya o isang compliment iyong sinabi niya. Bakit kung magsalita siya ay para bang kilala niya ako? Ni hindi ko nga alam kung nagkakilala na ba kami. Bukod sa tanyag ang kanilang pamilya ay wala na akong masyadong alam sa kanila. “Don’t you remember me?” tanong niya. Sumandal siya sa kanyang lamesa at ako naman ay nakatingin lamang sa kanya at nakatayo sa isang tabi. “No, Sir,” magalang kong pagsagot. Sa hindi ko siya kilala o naaalala, eh. “That’s strike two,” sabi niya habang nakangisi. Kumunot naman ang noo ko, hindi maintindihan ang kanyang sinasabi. “Aren’t you the same woman who ignored me at the airport? I just want to know your name, you know.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Halos mapamura ako sa aking isipan nang maalala ko na kung bakit siya pamilyar at kung bakit parang nakita ko siya. I saw him at the airport! Hindi ko siya pinansin noon dahil bukod sa wala naman talaga akong pakialam sa pangalan niya ay nagmamadali rin ako. Nagulat ako nang mapagtantong nasa harapan ko na siya. Tumingin siya sa may dibdib ko kaya’t agad kong tinakpan iyon. Anong tinitingnan niya? Tumingin siya sa aking mga mata as he lightly bites his lower lip. “Adira Valencia Agnello. I finally know your name.” Sa hindi malamang dahilan ay muling nagtaasan ang balahibo ko sa aking katawan at para bang kinukuryente ang aking likod. What the hell is this feeling?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD