“Yes, Dad. Just like what we’d talked about. I’m currently at the airport. Tapos na naman ang aking business trip nang tawagan niyo ako para sa marriage thing na iyan. Papauwi na ako ngayon. I will just wait for the car to pick me up. Sa Laguna na ang diretso ko,” sabi ng isang lalaking nagngangalang Hati Azael Benavidez sa kanyang ama na kausap niya sa telepono.
Matapos niyang ipaalam sa kanyang ama na naririto na siya sa Pilipinas matapos niyang pumunta ng Espanya dahil sa isang business trip ay ibinaba na niya ang telepono. Bumuntong hininga siya at naglalakad na papalabas ng airport nang may makakuha ng kayang atensyon.
“Nasa airport na po ako, Ma’am. Diretso na po akong opisina para isunod ang mga dokumentong dala ko.”
Nilingon ni Hati ang babaeng nakakuha ng kanyang atensyon. Napataas ang kanyang kilay nang makita niya ang kagandahang dala ng babae. He’s speechless. Ngayon lamang siya natahimik dahil sa ganda ng isang babae.
Marami na siyang nakasalamuhang babae sa kanyang buhay ngunit hindi niya maitangging naiiba ang babaeng nasa harapan niya ngayon at isa lamang ang gusto niyang mangyari. Ang mapansin siya ng babae at makuha ang pangalan nito. Dahil alam niyang kapag nakuha na niya ang pangalan ng babae ay magiging madali na para sa kanya ang sundan ang mga aksyon niya upang makuha ang loob nito.
“I understood, Ma’am. I’m on my way.” Matapos sabihin iyon ng babae sa kanyang kausap sa telepono ay agad niya itong nilagay sa kanyang bulsa at inayos ang mga gamit na dala nito.
Natatakot na baka hindi makuha ang pangalan ng babae ay walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan. Tumikhim ito at kinuha ang atensyon ng magandang dilag.
“Hi Miss, do you need a hand?” Nakangiti ito, inaasahang madadala niya ang babae sa kanyang mga ngiti kagaya ng mga babaeng nakilala niya noon.
Nilingon siya ng babae at awtomatikong kumunot ang noo nito.
“I have enough,” malamig ngunit matapang na sagot ng babae kay Hati. Napataas ang kilay ni Hati, hindi inaasahan na ganoon ang isasagot ng babae. Ganoon pa man, hindi siya umatras. Gusto niya pa ring makuha ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
“I thought you're having a hard time holding those folders and your bag.” Pagkikibit-balikat ni Hati bago muling ngumiti. Inilahad niya ang kanyang kamay at nagpakilala. “By the way, my name is Hati Benavidez.”
Napairap naman ang babae dahil sa pangungulit ni Hati sa kanya. Iniisip nito na hindi ba nahahalata ng binatang abala siya at hindi niya kailangan ng dagdag ng sakit sa ulo?
Hinarap niyang muli si Hati. Lalo namang lumawak ang ngiti ni Hati, umaasa pa rin siya na ibibigay agad ng babae ang kanyang pangalan.
“Did I ask?” she questioned in a dry and uninterested tone while giving a wry expression. The woman rolled her eyes and continue to organize her things before leaving Hati, dumbfounded.
Nang una ay hindi makapaniwala si Hati sa kanyang narinig, hindi rin pamilyar sa kanya ang ganoong ekspresyon dahil hindi siya nakakatanggap ng ganoon sa ibang babaeng kinakausap niya.
Pinanood niya lamang ang babae habang naglalakad na ito palabas ng airport. Napangisi si Hati habang umiiling, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, hindi makapaniwalang may isang babaeng babalewalain ang charm na mayroon siya.
Napahagod ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Nanghihinayang man ay nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at lumabas na ng airport.
Matapos ang halos dalawa at kalahating oras na byahe, kasama na ang traffic ay nakarating na siya sa isang bahay nila sa Laguna. Nalaman niya kasi na nasa bahay sa San Pablo ang kanyang pamilya kaya’t doon na rin siya dumiretso. Agad naman siyang sinalubong ng kanyang nakababatang kapatid na si Levi.
“Kuya, anong pasalubong ko?” tanong ni Levi na 10 years old palang.
“Nasa kotse. Ipakuha mo na lang sa driver.” Ginulo ni Hati ang buhok ng kapatid at masaya naman tumakbo si Levi papalapit sa kotseng sinakyan ni Hati kanina.
Naglakad na si Hati papasok sa kanilang bahay at agad siyang nilapitan ng kanyang ina.
“Your father informed you, right? About the woman he’d chosen?” tanong sa kanya ng kanyang ina habang pareho silang naglalakad patungo sa kanilang dining hall kung saan inaasahan niyang may bisita sila.
Tumango si Hati sa tanong ng kanyang ina at tumingin dito. Halata namang hindi masaya si Hera, ang ina ni Hati sa mga desisyon ng kanyang asawa.
“You can back out, Hati, before it’s too late. You don’t have to marry someone that you don’t love. Marriage is something that will only be done by two hearts that are connected—”
Tumigil si Hati sa paglalakad at nilingon ang kanyang ina. Ngumiti ito rito habang si Hera naman ay may hindi maipaliwanag na kalungkutan sa mukha niya.
“Mom, parang hindi niyo ako kilala.” Humalakhak ito bago ituloy ang kanyang sasabihin. “Kailan ako nagseryoso sa relasyon? Isa pa, hindi ko nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa kahit na sino, kaya naniniwala ako na okay lang ito. Alam ko naman na sa edad kong ito ay natatakot lang si Dad na baka wala na akong ipakilala sa inyong pakakasalan ko kaya siya na ang kumilos para sa akin. I don’t mind.” Marahang pinisil ni Hati ang pisngi ng kanyang ina upang mapangiti ito. Bumuntong hininga lang naman ang kanyang ina.
Nang makarating sila sa dining area ay agad napatingin sa direksyon nila ang ama ni Hati at ang dalawa pang kasama nito.
Napatingin siya sa dalawang bisita nila at matipid na ngumiti. Ngumiti rin naman ang mga ito sa kanya.
“Oh, Hati is here!” masayang sabi ng kanyang ama bago tumayo at lumapit sa kanya. Agad din naman siyang ipinakilala. “Hati, this is Governor Arnold Alterio and his wife, Vanessa Alterio. Everyone this is my son, Hati Azael Benavidez.”
Agad nilapitan ni Hati iyong dalawang bisita nila at kinamayan. Magalang niya ring binati ang mga ito.
“Nice meeting you, Hati. Pasensya ka na, wala pa ang anak namin. Pumunta kasi iyon ng New York para may asikasuhin sa business namin. Alam mo na, tinuturuan na rin naming mamahala ng negosyo,” natatawang sabi ni Gov. Arnold.
“I understand, Sir. I also want to apologize for being late. My flight got delayed,” magalang naman na sagot ni Hati sa mga ito.
“No, it’s okay. Don’t worry about it. Nabanggit din ni Alex na galing ka pa raw sa Spain. We’re sorry for this sudden arrangement. Ngayon lang kasi kami maaaring makapunta rito. Alam mo naman, abala rin.” Humalakhak si Gov. Arnold. Ngumiti lang naman si Hati.
Ang kanyang ina ay tinawag na ang kanyang nakababatang kapatid at pinaupo na rin iyon sa isang dining chair. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay may babaeng naglakad papunta sa dining area na kinaroroonan nila.
“Sir, Miss Artelio is here,” wika ng isang katulong bago igaya ang isang magandang babae papasok ng dining area.
Napalingon si Hati rito at agad na inobserbahan ang babae. Ngumiti naman ang babae sa kanila at agad itong nilapitan ng kanyang ama.
“Hi, Dad. Sorry, I’m late. May hinintay pa kasi akong mga dokumento kanina sa opisina,” paghingi nito ng pasensya. Sinabi naman ng kanyang ama na okay lang iyon.
“By the way, this is my daughter Averie Blair Alterio. Averie, this is Hati Benavidez, he will be your future husband.” Natawa sila Gov. Arnold at ang ama ni Hati nang ipakilala nila sa isa’t isa ang dalawa. Tumayo naman si Hati sa kanyang pagkakaupo at binati ang dalaga.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman para sa babae. Sa ngayon kasi ay hindi nililiban ng babaeng nakita niya sa airport ang kanyang isipan. He wants to meet her again.