Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kakaisip sa mga nangyari. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari. Hindi ba dapat ay papatayin ko si Hati Benavidez? Bakit ngayon ay f**k buddy na kami? Pumayag ako nang hindi nag-iisip nang mabuti. Iniisip na para sa pamilya at kay kuya ang gagawin kong sakripisyo. Ngunit ngayong wala na ang pressure sa aking utak ay parang gusto kong bawiin ang lahat. Sinasabunutan ko ang aking sarili habang nagbabalik tanaw sa mga napag-usapan namin ni Sir Hati. Ni hindi ko na nga maalala paano ako nakauwi rito. Masyadong occupied ng mga detalye nang pangyayari kanina ang utak ko. Marahan kong sinampal ang sarili ko. Pinipilit ko na makatulog kahit paulit-ulit sa isipan ko ang boses ni Hati na para bang hinahamon pa ako kung kaya ko bang