“W-Work?” Anong trabaho ba ang tinutukoy niya? Sa pananalita niya kasi ay may ibang ibig sabihin iyon.
“Yes, work.” Tumayo siya at may iniabot sa aking tore ng mga dokumento. Halos hindi ko na siya makita at matakpan ang mata ko sa taas ng mga dokumentong iyon.
“Iyan ang naiwang trabaho ni Sheila rito. That’s your job. Organize them and report the things that are important. Got it?”
Tumango ako sa sinabi niya kahit hindi naman ako sigurado kung nakita niya ba iyon.
“Okay, good. Your office will be that one room across mine. You may leave.” Umikot siya sa kanyang lamesa at naupo na sa office chair niya.
Hindi ko napigilang umismid dahil sa biglaan niyang pagbibigay sa akin ng mga dokumentong ito. Wala man lang orientation sa kung anong mga dapat gawin? Talagang diretso trabaho agad? Hay, sabagay, sino ba naman ako para magreklamo?
Halos malula ako sa rami ng trabahong iniwan ng sekretarya niya na dapat kong gawin. Hindi na rin ako magtataka dahil malaking kompanya ito.
Habang nagtatrabaho ay hindi ko maiwasang mag-isip ng paraan paano ko gagawin ang misyon ko, kung paano ko siya papatayin nang hindi rin naman ako napapahamak.
I used to be in military training pero hindi naman ako nagtagal doon. Wala pa nga ata akong isang buwan doon ay pinaalis na ako dahil sa akusasyong may pinatay ako kahit wala naman. Gayunpaman, kahit papaano ay may alam naman akong gawin na natutunan ko roon.
Should I poison him? Mas madaling gawin iyon dahil na rin maaari niyang ipagkatiwala sa akin ang mga pagkain niya dahil ako ang tumatayong sekretarya niya, but still, maaari pa rin siyang mabuhay. Wala naman akong koneksyon para makakuha ng mga instant death na lason.
Naalala ko iyong sinabi ni Atlas, na bibigyan niya ako ng suporta kung may kailanganin man ako. Kung sa kanya kaya ako magpakuha ng lason para kay Hati? Tutal ay mukha naman siyang maimpluwensyang tao.
Bumalik ako sa ulirat ko nang mapansin ko na may taong nakatayo sa may pintuan. Napatayo ako nang makita kong si Sir Hati iyon.
“Sir?” Ano na naman bang kailangan niya?
Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako, tila ba inoobserbahan ako. Awtomatiko namang kumunot ang aking noo. Lahat talaga ng ginagawa niya ay ikinaiinis niya. Hindi ko rin alam kung bakit.
Ngumisi siya nang hindi ko alam ang dahilan. Lalong pumangit ang ekspresyong mayroon ang aking mukha ngayon.
“Biruin mo iyon, the woman who tried to ignore me at the airport is now working for me, as my secretary, that is. How ironic,” komento niya matapos niya akong titigan.
“Oo nga po, Sir Hati. Nakakatawang isipin. Biruin niyo po, naisip niyo pa ang ganitong setup? Hindi ko alam kung paano sumagi sa inyo ito at hindi ko rin alam kung anong ginawa niyo para maging possible ang lahat.” Pinilit kong maging magalang kahit na punung-puno ng pagiging sarkastiko ang aking tono.
Tinaasan niya ako ng isang kilay bago niya basain ang kanyang ibabang labi sa pamamagitan ng pagdila rito. Gusto kong irapan siya. Obviously, he’s flirting with me and is trying to seduce me. Too bad, hindi uubra sa akin ang mga ganyang gawain ng mga lalaking kagaya niyo. Unang-una ay wala akong oras.
Kung pera pa si Sir Hati at may dollar sign sa mukha niya o peso sign, baka ma-in love pa ako, ngunit wala. Bukod sa gwapo niyang mukha, magaganda niyang mga mata at pilikmata, matangos niyang ilong, mapupulang mga labi at madepinang panga ay wala kang mapapala.
Oo nga’t mayaman siya, pero hindi rin naman ako iyong magmamahal lamang dahil sa pera ng isang tao. Mag-iipon na lang ako nang sarili ko kaysa ang umasa sa iba.
“Matalas talaga ang dila mo, ‘no? You’re going to say whatever comes to your mind, even in front of your boss.” May pilyong ngiti pa rin sa kanyang labi. Gusto ko sanang umirap na lang muli ngunit napupuna na niya ang pagtataray ko. Baka mamaya ay siya pa ang magsisante sa akin kapag nagkataon.
“Sorry, Sir, hindi ko po intensyong pagsalitaan kayo nang ganoon.” Hindi naman talaga ako nagsisisi sa mga sinabi ko. Hindi ko babawiin iyon kung hindi ko lang din naisip na mahalaga ang trabaho kong ito lalo na’t ang daming problema sa bahay.
Gosh, gusto ko nang bumalik sa mga Alterio, kailan ba matatapos ito? Wala pa akong isang araw ay gusto ko nang bumalik sa pagtatrabaho ko kay Averie.
“Anyway, I forgot to tell you, may pupuntahan akong party bukas,” saad niya. Oh? At ano naman ngayon? Ay joke, trabaho ko pa lang asikasuhin siya.
“May ipapahanda po ba kayo, Sir?” magalang kong sambit sa kanya kahit na parang nasusunog ang dila ko dahil gusto nitong magsalita ng masasama laban sa kanya.
“Yes, prepare yourself. We have an appointment later after work for your gown. You’re coming with me.”
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na siya ng opisina ko, na para bang wala na akong magagawa dahil hindi ako maaaring umangal.
Laglag ang aking panga habang pinapanood si Hati na pabalik sa kanyang opisina. Ni hindi man lang niya ako pinahinga sa mga sinabi niyang iyon.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Umupo ako sa office chair ko at agad na tinipa ang isang pamilyar na pamilyar na numero sa telepono. Nag-ring iyon at may kaagad din namang nagsalita.
“Hello, this is Shiela from Alterio Inc., how may I help you—”
“Hi Shiela, si Adira ito. Iyong pumalit sa ‘yo rito sa mga Benavidez,” walang pagdadalawang isip na bati ko sa kanya. Natataranta ako dahil sa ibinalita ni Sir Hati sa akin kanina.
“Oh, hi! Napatawag ka? May kailangan ka ba?” mahinahong sagot naman nito sa akin. Huminga ako nang malalim bago klinaro ang aking lalamunan para makapagsalita nang maayos.
“Oo, hindi mo kasi nabanggit sa akin na may party pa lang pupuntahan si Sir Hati bukas.” Hindi naman sa kailangan kong alamin pero hindi rin kasi ako nasabihan na kasama pala ako roon!
“Oo nga. Hindi ko na sinabi sa ‘yo dahil si Sir lang naman ang pupunta sa party. Hindi ka naman kasama dahil hindi iyon nagsasama ng sekretarya o kahit sinong babae kapag haharap sa maraming tao. You know, ayaw niyang ma-issue,” natatawang sabi niya sa kabilang linya.
Hindi ko nakuha ang joke pero nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Bakit ako isasama ni Sir kung ang plano pala ay siya lamang mag-isa? Ay gago.
“I see, sige, maraming salamat.” Matapos kong sabihin iyon ay ibinaba ko na ang telepono.
Napatingin ako sa glass wall kung saan tanaw ko ang labas ng opisina ni Sir Hati. Unang araw ko pa lamang ay pakiramdam ko pinaglalaruan na niya ako. Gusto niya ba akong inisin talaga? Isasama niya ba ako roon kasi may plano siyang kalokohan? Baka ipapahiya niya ako dahil ipinahiya ko siya noon sa airport. Tss, hindi ba siya marunong mag-move on?
Marahas akong umiling habang masama pa ring tinitingnan ang opisina ni Sir Hati. Bahala nga siya sa buhay niya. Uuwi na lang ako mamaya at magpapanggap na nakalimutan ko ang usapan naming dalawa.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita kong malapit nang mag-ala-singko. Bukod pa roon ay natapos kong i-organize iyong mga files na ibinigay sa akin ng magaling kong boss.
Nagmamadali akong mag-ayos ng gamit. Uunahan ko talaga siya. Bago pa man siya lumabas ng opisina niya ay lalabas na ako ng building na ito. Bahala na bukas kung magalit siya. Bakit ko siya sasamahan sa party, pwede naman pala siyang pumunta na mag-isa?
“Are you ready?”
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang kanyang boses. Tiningnan ko siya at nakahilig siya sa frame ng pinto ng opisina ko. Tumaas ang kilay niya na parang nagtataka sa aking naging reaksyon. Bakit siya naandito?! Tatakasan ko siya, eh!
“Sir, ano pong ginagawa niyo rito?” Kahit pakiramdam ko ay nanginginig ang boses ko ay tinangka ko pa ring magsalita. Mabuti na lang din at hindi iyon nagputol-putol.
“I saw you fixing your things. Inisip ko na tapos ka na sa trabaho mo. May kailangan pa tayong puntahan para sa party bukas, hindi ba?” taas noong tanong nito sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. “Don’t tell me, you forgot about that?”
Nagkunwari pa akong napasapo sa aking noo, nagpapanggap na nakalimutan ko nga ang tungkol doon.
“Oo nga po pala. Pasensya na, Sir, nakalimutan ko,” pagpapalusot ko kahit na ang plano ko naman talaga ay tumakas sa kanya.
Ngumisi lang siya at sinenyasan na akong sumunod sa kanya. Bumagsak ang balikat ko nang makaalis naman siya. Wala talaga akong takas, ‘no? Kainis!
Hinihintay ako ni Sir sa elevator. Pinipindot niya iyong open button upang hindi ito magsara. Sumakay naman na ako dahil baka mainis pa siya sa bagal kong kumilos. Sana mahalata niya na ayokong sumama sa kanya.
Tahimik lamang naman kami sa loob. Wala pa kaming nakakasabay dahil hindi pa naman eksaktong ala-singko.
“Sir, hindi po ba ako ma-undertime nito? Hindi pa po kasi ala-singko.” Marami akong baong palusot. Baka mainis siya sa akin at maisip na huwag na akong isama. Ayoko kasi talagang sumama sa kanya!
“Hindi. Ako na ang bahala roon,” sagot niya naman sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Nagbabalak pang magsalita. “Pero Sir—”
“Sino bang boss mo?” matigas niyang saad sa akin na siyang nakapagpatahimik sa akin. Ngumuso ako at hindi na muling umangal pa.
Nakarating kami sa parking lot at agad niyang pinatunog ang sasakyan niya. Napatigil pa ako nang makitang isang pulang Ferrari ang kanyang sasakyan. Sigurado ba siyang pasasakayin niya ako roon?
Madalas naman akong nakakasakay sa mga magagarang sasakyan dahil kay Averie, pero ang ganitong klase ay hindi pa. Para akong lalagutan ng hininga.
“Get in the car. We’re running late,” mahinahon ngunit may diin niyang pag-uutos sa akin.
Napairap akong muli sa hangin dahil sa sinabi niya. Sumakay na ako sa loob ng kotse niya at halos makatulog ako sa bango ng loob nito.
Inayos ko na ang seatbelt at nagmaneho na naman si Sir Hati. Para akong iiwanan ng puso ko dahil sa bilis niyang magpatakbo. Alam kong sports car ang gamit niyang sasakyan pero wala kami sa racing!
Napatingin ako sa bag ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito. Kinuha ko ang cellphone ko upang tingnan kung sino ang nag-text. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi nakarehistro sa akin ang nasabing numero.
From: +63955 123****
I heard you’re currently working for Hati Benavidez? Good for you. Mas mabilis ang magiging trabaho mo.
Kinilabutan kaagad ako sa nabasa kong text. Itinago ko iyong cellphone ko at tumingin sandali kay Hati na naka-shades na pala habang nagmamaneho. Hindi ko man lang napansin na nagsuot na pala siya ng mamahaling shades.
Bumuntong hininga ako bago muling tingnan ang screen ng cellphone ko. May hinala na ako sa kung sino ang nagpadala ng mensahe pero gusto ko pa ring makumpirma.
Me:
Sino ito?
Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko. Hangga’t maaari ay ipinagdarasal kong mali ako ng iniisip sa kung sino ang sender. Nagdadalawang isip pa rin ako sa gusto niyang ipagawa sa akin. Ngunit kung hindi ko naman iyon magagawa ay si Kuya o baka ang pamilya ko ang magbayad nito. Ayokong may mangyari sa kahit na sinong miyembro ng pamilya ko.
Umilaw ang cellphone ko, hudyat na mayroon nagpadala ng mensahe. Sumilip ako sandali kay Sir Hati at nang mapansing masyado siyang naka-focus sa pagmamaneho ay mabilisan kong tiningnan ang cellphone ko.
From: +63995145****
Atlas Mazariego. I’ll be patiently waiting for you to do your one job, Miss Agnello. Wala iyang oras. Take your time, pero hindi rin ganoon kahaba ang pasensya ko. Do it sooner. I’ll be waiting for good news.
Hindi na ako nag-reply pa. Itinago ko na sa bag ko iyong cellphone ko at mabigat na huminga.
I didn’t know that wanting to save you brother’s life will lead you to kill someone else. Hindi ako kriminal pero handa ba akong pumatay para lamang sa kaligtasan ng pamilya ko?
Tumingin ako kay Hati habang iniisip ang mga baga-bagay na iyon. Bakit ba siya gustong ipapatay ni Atlas? Parang hindi ko lalo magagawa iyong gusto niya kung wala akong alam sa dahilan.
“If you don’t stop staring at me, I’ll start thinking that you have a crush on me, Adira.”
Ang seryosong paninitig ko sa lalaking ito ay napalitan nang pagngiwi nang sabihin niya iyon. Mabilis siyang tumingin sa akin ngunit agad ding ibinalik sa daan ang atensyon. Inirapan ko siya at sumandal na lang. Sige, punyeta, papatayin ko na ang lalaking ito. Nakakapikon!
Kinuha kong muli ang aking cellphone at nagpadala ako ng mensahe kay Atlas. Humihingi ako ng tulong para sa lason. Baka may maitulong naman siya sa akin kahit papaano.
Naisip ko na lasunin na lang siguro si Sir Hati. Bukod sa hindi dadanak ang dugo ay mabilis gawin. Isasagawa ko na lang siguro sa party bukas. At least, maraming maaaring maging suspek at hindi lamang ako.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Alam kong hindi tama iyon, but I don’t have a choice. Hawak kami ni Atlas sa leeg.
Tumigil ang sasakyan ni Sir Hati sa isang malaking building. Bumaba kaming dalawa at laglag na naman ang panga ko nang tumigil kami sa isang store na pagmamay-ari ng isang sikat na designer.
Tiningnan ko si Hati. Nilingon niya rin naman ako at sinenyasan na pumasok na kaming dalawa. Ito ba ang appointment na sinasabi niya kanina?
“Mr. Benavidez!” bati ni Donatella Ford, isang sikat na designer nang makapasok kami. Binati rin naman siya ni Sir Hati.
Iginala ko ang aking paningin at tinitingnan ang mga damit at gowns na disenyo niya. Halos lahat ng naka-display ay nakita ko na sa tv na suot ng malalaking personalidad sa showbiz. Mapa-local at international. I can’t believe I’m seeing them first hand.
“Siya ba ang hahanapan mo ng gown?” narinig kong tanong ni Ma’am Donatella kaya’t napatingin ako sa kanyang gawi.
“Yes, bukas na namin kailangan kaya ang gusto ko sanay ay iyong gawa na. Biglaan kasi ang pagsama ko sa kanya para sa party,” pagpapaliwanag ni Hati rito.
Tiningnan ako ni Ma’am Donatella. Pinagmamasdang mabuti ang aking katawan, para bang pinag-aaralan ang bawat sukat ko.
Ipinalakpak niya ang kanyang kamay nang tawagin ang isang pangalan. Kaagad namang may lumabas na isang babae at iniabot sa kanya ang isang medida. Mabilis ang ginawa niyang pagsusukat sa akin. Para kasing isang tingin niya pa lang sa akin kanina ay alam na niya ang sukat ng katawan ko.
Umikot ako nang pinaikot niya ako. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako na magkamali kahit wala namang ipinapagawa sa akin. But still, I maintained my poker face.
“I have the perfect gown for her, Hati. You don’t have to worry about tomorrow. May motif ba or theme?” tanong niya nang matapos akong kuhanan ng sukat.
Tiningnan ko lang sila. Parang nakakatakot lumapit sa kanilang dalawa. Nagsusumigaw sila ng karangyaan sa buhay. Gusto kong isipin kung ano pa kayang pinoproblema nila bukod sa kung paano gagastusin ang mga pera nila? Samantalang kami, kung sino pang kapos sa pera ay sila pa ring maraming problema.
Hindi naman sa nagrereklamo ako. Alam ko naman na naririto ako sa posisyong kinalalagyan ko dahil sa isang rason. Kaya lamang, minsan ay hindi ko mapigilang mag-isip at mainggit sa ibang tao. Siguro naman ay normal lamang iyon.
“Wala naman. Just a formal gathering of the socialites. But I want something, a dress or gown that will match my suit for tomorrow night. You know what will I wear, right?” paninigurado ni Hati.
Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang silang mag-usap. Sa hindi malamang dahilan ay excited akong magsukat ng gowns. Hindi ko nga lang ipinapahalata sa kanila.
“No problem. I have a lot of designs, such as gowns and dresses for this kind of occasion.” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Follow me, Miss…?”
“Adira po,” magalang na pagsasabi ko ng pangalan ko.
“Okay, Miss Adira.” Naglakad na siya papalayo sa amin. Tiningnan ko pa si Hati na sinenyasan akong sundan lamang si Ma’am Donatella.