CHAPTER 8: NIGHT BEFORE THE PARTY

2375 Words
Kung maraming designs ang nasa may entrance ng kanyang boutique ay mas marami rito sa loob. Nakanganga ako habang pinagmamasdan ang naggagandahang mga gowns and dresses. “Nakahanda na ba ang mga susukatin ni Miss Adira?” Napalingon ako kay Ma’am Donatella nang muli kong marinig ang kanyang boses. Nakita ko naman ang pagtango ng babaeng kausap niya. Bumaling siya sa akin at isang magandang ngiti na naman niya ang bumati sa akin.  “Please follow my assistant, Miss Adira. She will assist your fitting. Lumabas ka na lang ng dressing room once you’re done. Gustong makita ni Mr. Benavidez ang mga damit na isusuot mo.” Nahihiya akong tumango sa kanya. Umalis na rin siya matapos iyon at ang assistant na niya ang nag-asikaso sa akin. Bata pa si Ma’am Donatella. Siguro ay nasa edad early 30s lang siya. Hindi na nga ako magtataka kung may relasyon silang dalawa ni Hati. Mukha kasi silang close…super close actually. Kapag hindi itim na long dress ang nakikita ko sa mga isusukat ko ay kulay pula iyon. Sa tingin ko ay itim o pula ang susuutin ni Hati bukas. Nang maisuot ko ang unang dress ay lumabas ako. Bodycon iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Kulay itim din iyon at medyo makinang. Nang una ay nahihiya pa akong lumabas. Hindi kasi ako confident sa katawan ko. Baka mamaya ay hindi maganda ang lapat sa katawan ko ng dress na ito. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nina Hati at Ma’am Donatella. Hindi nga ako nagkamali sa aking iniisip kanina, na baka may relasyon silang dalawa. Nang makita ko sila ay nakakandong si Ma’am Donatella kay Hati. Mukha mang tinatamad si Hati ay nakikipag-usap pa rin ito sa babaeng nasa kandungan niya. Tumikhim ako kaya’t halos mapatalon si Ma’am Donatella. Agaran siyang tumayo upang ayusin ang sarili at nahihiyang tumingin at ngumiti sa akin. Napatingin sa akin si Hati. Inobserbahan niya ang kabuang ayos ko. Itinataas ko pa iyong bandang dibdib ko dahil masyado iyong mababa at nakikita ang cleavage ko. “It’s good. What do you think?” tanong sa akin ni Hati. I assumed the question was for me, dahil sa akin naman siya nakatingin. “Hindi ako komportable.” Mas lalo lamang akong mahihirapan kung magsisinungaling ako at sasabihin ko na ayos na sa akin ito. Kahit naman gusto ko nang umuwi at humiwalay kay Hati ay ayokong magsinungaling sa damit na ito. Ayokong bukas pa ako magkaproblema sa pagsusuot nito. Tumango si Hati sa akin at muling sumandal. “Next, then.” Naglakad na ako pabalik ng dressing room at muling nagsukat. Halos lahat ng ipinapasuot sa akin ay hindi ko magustuhan. Don’t get me wrong. Lahat sila ay magaganda, subalit hindi lamang talaga ako komportable. Masyadong revealing ang karamihan. Ang huli ay isang pulang dress. Off-shoulder iyon at maikli sa harapan ngunit pahaba pahulihan. Basta ganoon. Medyo nakalaylay sa braso ko ang puff sleeve nito. Nakikita nang kaunti ang cleavage ko pero mas desente ito para sa akin kumpara sa mga naunang sinukat ko. Napansin ko ang pagkatulala ni Hati sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious dahil pakiramdam ko ay hinahanapan niya ng mapupuna ang suot kong damit. “I like it,” sabi niya matapos akong obserbahan. “How about you, Adira, do you…like it?” Kahit wala namang kwelyo ang suot ko ay para ba akong nasasakal. Muli akong tumikhim para kahit papaano ay mawala ang tila ba bumabara sa aking lalamunan. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Mas okay na ito kaysa sa mga nauna. Pagod na rin akong magsukat at inabot na kami ng ilang oras dito. “Finally!” sigaw ni Ma’am Donatella nang makapagdesisyon kami kung anong kukunin namin. Pumalakpak pa ito na para bang sa wakas ay natapos na ang pag-iinarte ko. “Ipapadala ko na lamang ito sa condo mo bukas ng umaga, Hati. May gagawin lang akong ilang adjustments sa damit na ito, okay? Magsasama na rin ako ng sandals na babagay rito,” saad ni Ma’am Donatella. “Okay, ikaw na ang bahala.”  Umalis na ako roon upang makapagpalit ng dati kong damit. Nagpasalamat din ako roon sa assistant ni Ma’am Donatella na matiyagang nag-asikaso sa akin. Pagbalik ko kung nasaan sina Sir Hati ay natigilan ako. Nakita kong naghahalikan silang dalawa! Nag-iwas kaagad ako at nahihiyang hindi ko muna sila pinatapos bago ako magpakita. “Call me soon, okay?” bulong ni Ma’am Donatella kay Sir Hati matapos nilang maghalikan. Ako naman ay nakaiwas pa rin ang tingin sa kanila kahit na pagminsan ay napapatingin ako sa gawi nila. “Yeah,” matipid na sagot ni Hati bago siya muling halikan ni Ma’am Donatella. Sandali lang naman iyon at naghiwalay na rin sila. Gusto ko na lang kalimutan iyong nakita ko. Gusto kong isipin na hindi totoong naabutan ko silang naghahalikan.  “Adira,” pagtawag ni Sir Hati sa pangalan ko. Tumingin ako sa direksyon nila at si Ma’am Donatella ay pinahid pa ang lipstick niya na humawa sa labi ni Sir Hati. “Tara na.” Sumunod na ako sa kanya. Magalang akong nagpaalam kay Ma’am Donatella bago sumunod papunta sa kotse ni Sir Hati. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabay pa ba ako sa kanya o magko-commute na lang ako. Kung magpahatid na lang kaya ako sa may kanto? Mas mabuti pa nga. “Sir—” “Get inside the car.” Pumasok ako sa loob ng kanyang kotse. Ayokong lang tingnan siya ngayon dahil naaalala ko iyong nakita ko kanina. Hindi rin naman masamang hayaan na lang siya sa gusto niya pagminsan. Pinaandar na niya ang kotse niya. Gusto kong sabihin sa kanya na sa kanto na lang niya ako ibaba at magko-commute na ako pagkatapos no’n. “Sir—” “Alam ko na babalakin mong sabihin sa akin na magko-commute ka na lang, and no, I’m not going to let you go. Hinila kita rito kaya ihahatid kita. Tell me where your house is,” muling pagpuputol niya sa binabalak kong sabihin kanina. Seriously, kailan niya ba ako patatapusin sa pagsasalita? Itinuro ko sa kanya ang papunta sa bahay namin. Medyo malayo iyon kaya’t matagal ang byahe. Matagal din kaming tahimik na dalawa at ang tanging maingay lamang sa pagitan naming dalawa sa buong byahe ay iyong tugtog sa stereo niya. Niyaya niya pa akong kumain sa labas ngunit panay ang pagtanggi ko. Marami akong sinabing excuses sa kanya upang tigilan niya na ako sa kakapilit ng pagkain sa labas. Sa huli ay natalo rin naman siya at hindi na ako pinilit pa. Nang makarating kami sa bahay ay nakikita kong pinagtitinginan ng mga kapitbahay namin iyong kotse ni Sir Hati. Talagang hakot atensyon iyan. Minsan ka lang makakakita ng ganitong kotse sa personal. “Dito na lang po ako, Sir. Maraming salamat po,” sambit ko nang makababa na ako ng kotse. Bumaba rin siya na ikinagulat ko Tinanggal ni Hati ang kanyang shades at pinagmasdan ang bahay namin. Humilig pa siya sa nguso ng kanyang kotse. Ano pa bang ginagawa niya rito? Hindi pa ba siya aalis? “Dito ka nakatira?” tanong niya sa akin. Kakasabi ko lang, hindi ba? Bakit ba parang hindi siya naniniwala na rito ako nakatira? Mamatahin niya ba ako dahil sa kinaroroonan ng bahay namin? Dahil hindi ganito ang kinalakihan niyang lugar? Dahil kung oo ay sisipain ko siya papaalis dito. “Malayo sa company,” aniya. Tumingin sa akin si Hati at tumaas ang kanyang kilay. Bumagsak naman ang aking balikat. Akala ko ay susumbatan niya ako, eh. “Malapit po ito sa rati kong pinagtatrabahuhan. Malapit sa company nina Ma’am Averie, kaya lang biglaan akong nalipat sa kompanya niyo,” sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko na naman ang pagtaas ng isang kilay niya dahil ata sa sinabi ko. Pilit akong ngumiti. Wala akong balak bawiin ang sinabi ko. Bahala siya. “Pero hindi naman po ako nagrereklamo.” Reklamong-reklamo lang po dahil ang laking hassle sa buhay ko nitong mga ginagawa niyong desisyon. Parang pinaglalaruan ako. Ayoko na talagang bawiin iyong sinabi ko, kaya lang naalala ko, mahalaga sa akin ang trabaho ko. Ayokong masisante dahil lamang sa bunganga kong ito. “You should move out,” matipid niyang sabi habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya sa kamay niya. Tumingin siya sa akin at sinalubong siya ng pagngiwi ko. “Hindi naman ganoon kadali iyang suhestiyon niyo, Sir. Wala akong sapat na pera para lumipat.” Pilit muli akong ngumiti sa kanya. Magpapaalam na ako para umalis na siya. Gusto ko na siyang lumayas sa harapan ko. Iyon ang magiging pahinga ko, swear!  Tiningnan niya lang ako. Alam kong may kung ano na namang tumatakbo sa isipan niyang magulo. Pwede ko na ba siyang itaboy? “Sige na po, Sir. Papasok na po ako sa loob ng bahay. Salamat po sa paghatid. Ingat din po kayo sa pagmamaneho.” Ang bait ng pagkakasabi ko. Nakakakilabot. Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang. Nakita ko na umayos na siya ng tayo kaya’t tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papalapit sa gate namin. “Goodnight, Adira.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Nilingon ko siyang muli ngunit huli na ang lahat dahil nakasakay na siya sa loob ng kanyang kotse. Bumusina pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Ako naman ay sinsundan lamang ng tingin ang kotse niya hanggang sa ito’y maglaho sa aking paningin. Hindi ko talaga maintindihan ang reaksyon ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. May kung ano kasi rito. Parang bawat bigkas niya sa pangalan ko ay may nilalamang ibig sabihin. I bet, hindi rin maganda kaya’t huwag ko na lang masyadong isipin. Nang pumasok ako sa loob ng bahay ay naabutan ko na naman ang stepfather kong si Tito Bert na umiinom ng gin. Napatingin siya sa akin kaya’t inirapan ko siya.  Hindi naman talaga ganoong kaganda ang samahan namin. Madalas ay iniiwasan ko na lang siya dahil pinapasakit niya lang ang ulo ko. Pero kasi nitong nakaraan ay napapansin ko ang makahulugang paninitig niya na hindi ko gusto ang ibig sabihin. Bukod pa roon, tinangka niya akong hawakan kagabi! “Sina Mama po?” magalang ko pa ring pagtatanong sa kanya. Nagmano ako sa kanya para ipakita naman na gumagalang pa rin ako sa kanya. “Wala ang Mama mo. Mukhang pumunta sa kaibigan niya si Leng. Mamaya pa siguro ang uwi no’n. Isinama niya si Marc. Ang kapatid mong si Anica ay nasa kwarto at nag-aaral.” Binigyan niya na naman ako ng mga makahulugang paninitig niya kaya agad ko siyang tinalikuran at pumunta sa kwarto kung nasaan ang isa ko pang kapatid na babae. Nakita ko nga na nag-aaral ito. Nilapitan ko siya upang itanong kung nakakain na ba ito. “Hindi pa, Ate. Hinihintay ko kasi kayo, eh. Ayokong kasabay si Tito Bert. Natatakot ako,” sabi ng kapatid kong si Anica habang nagsusulat sa kanyang notebook. Nilapitan ko pa siya at naupo sa tabi niya. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang kamay ko. “Bakit?” Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi ng kapatid ko. Huwag mong sabihin na pati siya—no, I don’t want to think about it. Hindi naman siguro, hindi ba? “Nag-iinom kasi siya, eh. Nakakatakot, baka bigla niya akong pagalitan. Naalala ko kasi isang beses noon, Ate, pinagalitan niya ako kasi raw ang ingay kong kumain kahit hindi naman.” Ngumuso si Anica pero hindi pa rin natigil sa kanyang ginagawa. “Wala naman bang ibang ginawa sa ‘yo si Tito Bert?” nag-aalalang tanong ko. Gusto ko lang makasigurado. “Katulad ng ano, Ate?” Tumigil si Anica sa pagsusulat niya sa kanyang notebook at tumingin sa akin. Natigilan din ako nang mapagtanto ko kung anong sinasabi ko sa nakababatang kapatid. Pilit akong ngumiti at hinaplos muli ang kanyang buhok. “Kagaya ng pagbuhatan ng kamay? Hindi naman?” Kahit na hindi iyon ang una kong binabalak na itanong. Pakiramdam ko kasi ay ang bata niya para pag-usapan ang ganoong bagay, ngunit kung sakali man ay kailangan ko ring malaman. Gusto kong alamin kung maging sa nakababatang kapatid ko ba ay may ginagawang hindi maganda ang aming stepfather. Kung mayroon man ay hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya. Hindi na dapat hinahayaan na magpakalat-kalat ang mga taong ganoon dito. “Wala naman, Ate. Madalas ay purong salita lang si Tito Bert pero hindi niya ako sinasaktan.” Nakahinga ako nang maluwag sa sinabing iyon ng kapatid na babae. Niyakap ko siya at maya-maya lamang din ay niyaya ko na siyang kumain ng hapunan. Wala na si Tito Bert nang makababa kami ni Anica. Baka nakikipag-inom iyon sa kapitbahay. Naghanda na ako ng makakain at kumain na kaming dalawa. “Anica, kapag may hindi magandang ginawa sa ‘yo si Tito ay sasabihin mo kaagad kay Ate, okay? Kahit simpleng paghawak lamang sa ‘yo ay sabihan mo ako. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa kanyang pagkain at tumingin sa akin. Ngumiti siya at tumango sa aking sinabi. “Naiintindihan ko, Ate. Huwag kang mag-aalala at sasabihin ko sa ‘yo kapag sinaktan ako ni Tito o kaya ay may ginawa siyang hindi maganda.” Inabot ko ang kamay ng kapatid ko na nasa lamesa at marahan iyong hinaplos. Hindi ko talaga makikilala ang sarili kung sakali mang may hindi magandang gawin sa kanya si Tito Bert. Maaga akong nakatulog ng gabing iyon. Iniisip na dahil siguro sa pagod kaya maaga akong hinila ng antok. Kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan ako. May narinig kasi akong ingay mula sa labas ng kwarto ko. Mabilis talaga akong magising lalo na’t ganitong sinanay kong maging alerto ang aking sarili, na iyong kaunting ingay ay magigising ako. Iminulat ko ang aking mata at binati ako ng dilim ng kapaligiran. Tinangka kong tumayo sa aking pagkakahiga upang alamin kung ano iyong ingay. Nang pabangon na ako mula sa pagkakahiga ko ay may kamay na tumakip sa aking bibig at marahas akong inihiga sa kama. Agad akong inakyatan ng kaba at takot sa nangyari. Tanging impit na pagsigaw lamang ang lumalabas sa aking bibig na tinatakpan ng malaking kamay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD