Iyong for a while lamang dapat namin na pag-uusap ni Sir Hati ay umabot hanggang madaling araw. Halos makalimutan naming dalawa na may pasok pa kami sa opisina. Kaya naman nang umagang iyon, ang sakit ng ulo ko. Wala naman kami talagang importanteng pinag-usapan ni Sir Hati nang tumawag siya kagabi. Kung ano-anong bagay lang pero ang bilis lumipas ng oras na hindi namin namalayan. Mabilis lumipas ang mga araw. Sobrang naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na Christmas party. Nalaman ko rin na masquerade ang tema ng nasabing party. Wala pa akong isusuot! Hindi ako magkandamayaw sa aking trabaho. Sumasakit na lamang ang aking ulo ay parang hindi ko pa nauubos ang files na dapat kong i-record. Bukod pa roon, na stress din ako sa kakaisip ko sa kung ano bang isusuot ko para sa party. Hu