“Ate, namiss kita!” Natigilan ako sa aking kinatatayuan lalo na nang yakapin ako ng aking kapatid na si Anica. Para akong nananaginip dahil hindi ko naman inaakala na makikita ko ang kapatid ko ngayon. Napalingon ako kay Sir Hati. Punung-puno ng katanungan ang aking isipan. Tahimik lamang naman siya sa gilid ko at pinagmamasdan kaming dalawa ni Anica. “B-Baka makita ako ni Mama rito. Hindi ko alam kung ikatutuwa niya iyon.” Para kay Anica ang sinabi ko pero ang buong atensyon ko ay na kay Sir Hati pa rin. “Your mom isn’t at home, Adira. That’s why I brought you here. Alam ko na gusto mo nang makita ang mga kapatid mo.” Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit hindi ko ito nahihimigan ng panlalamig. Alam ko na may sinseridad sa kanyang bawat salita. “Oo, ate! Wala rito si Mama ngayon. U