Episode 3

1520 Words
"Jansen." anito na iniumang ang kamay ng prehas na silang naka-upo na mag katabi pero tiningnan lang ni Jordan ang kamay nito na tumingin sa madilim na kalsada. "Look, mukhang pangit na impression ang na aalala mo sa akin pero hindi na ako mag mamalinis pero hindi ibig sabihin nun masama na akong tao. Don't judge the book by it's cover." nilingon naman ni Jordan sandali ang binata na naka headband na sa ulo nito ang suot na shades kanina. Nakakainis lang pero napaka guwapo talaga ng lalaking ito tapos ang bango-bango pa medyo masakit na lang sa ilong or dahil siguro hindi lang s'ya sanay na ganun kalakas ang amoy downy nito. "Kayo ba ang may-ari ng factory ng downy?" 'di na nakatiis na tanong ni Jordan na tinawanan naman ni Jansen na inamoy ang suot na t-shirt. "Hindi pero marami kaming pang bili." sagot nito. "Maraming pang bili ng downy pero walang pang bili ng totoong pabango?" tanong ni Jordan na ikinangiting nilingon ni Jansen. "I do wear perfume." wika pa nito na hinila pa ang ulo n'ya at isinubsub pa s'ya sa dibdib nito na ikinagulat talaga n'ya. Inis na umangat ang kamay ni Jordan na gusto ng manampal pero nakatingin lang si Jansen sa kamay n'ya. "Wala pang nanampal sa akin at kung makakasampal ka sa akin tiyakin mo lang na virgin ka." ngisi nito na ikinakagat ng labi ni Jordan at nag timpi na lang na wag na itong patulan. Inlabas na lang n'ya ang phone ng marinig na nag riring iyon sasagutin na sana n'ya ang tawag galing sa kaibigan ng agawin nito ang phone n'ya at may idinial roon at kasunod nun narinig n'ya na may nag ring sa bulsa nito. Gustong matawa ni Jordan sa kapal din ng mukha talaga ng lalaking ito porket guwapo piling nito greek god na. "Ano ba?" bulalas na ni Jordan ng gamitin nito ang camera ng cellphone n'ya at nag selfie pa ito ng dalawang beses. Nang una ito lang mag-isa, pangalawa magkasama na sila. Napailing na lang naman si Jordan ng makitang ito pa ang nag save ng sarili nitong number sa phone n'ya at nilagyan pa talaga nito ng code name na My Engr. bago ibinalik sa kanya ang phone n'ya. "Wag mong subukan na i-blocked ako, I will hunt you down understand." bilin pa nito na dinukot ang sariling cellphone at kinalikot. Nakita pa n'yang na nilagyan nito ng code name ang number n'yang Nene na talaga naman nakakakilabot. May pagka manyak talaga ang gagong lalaking ito. "Mag kita tayo bukas tatawagan kita, I have a proposal to you." "Sorry busy ako." "Then sa korte na lang tayo magkita at make sure na mag handa ka na ng kalahating million para _____." "Anong oras hindi ako puwede ng 8am to 5pm nag trabaho ako" "Anong oras ka libre." ngising tanong ni Jansen. "Wala." "Then madali naman akong kausap. See you in the court then." "Lunch time 12nn-1pm ang breaktime ko." "Hindi ba puwedeng over dinner/' "Hindi puwede! strict ang parents ko." supladang sagot ni Jordan na tinawanan naman ni Jansen. "Okay then noon will be fine. Any time naman puwede ako basta masarap ang naka hain na ulam." ngisi pa nito at ewan ba ni Jordan kung lalagyan ba n'ya ng malisya ang sinabi nito o hindi. Nang tumayo na ito parang saka pa lang s'ya naka hinga ng maayos. "Gusto sana kitang halikan ngayon pero na isip ko some other time na lang para hindi ka naman na bibiglang masyado." pasimpleng umubo si Jordan sabay bulong ng gag* na tinawanan lang ni Jansen na sumigaw na ng para. Pag baba nito kumaway pa ito ng mapatapat sa bintana n'ya. Automatic naman na tumaas ang kamay n'ya na kakaway din sana rito pero biglang umigkas ang middle finger n'ya na mabilis n'yang naibaba ang kamay ng makitang umawang ang bibig ni Jansen. Nagulat pa si Jordan ng mag ring ang phone at makitang si jansen ang natawag na agad n'yang kinancel. Ang sabi lang naman nito wag n'ya itong ibo-block wala naman itong sinabi na hindi bawal na hindi sagutin. Inilagay na lang n'ya sa silent mode ang phone n'ya hanggang sa mag text na si jansen. "F**k answer your phone." napangisi naman ni Jordan na nag send ng emojies na umiikot ang mata. Maya-maya lang muling tumunog ang message alert n'ya. "Sige lang mag pakipot ka pa babagsak ka rin sa akin. Kunwari ka pa." "Feeling talaga! Maganda lang skin care mo kaya guwapo ka. Ipupusta ko kapag binilad ka sa araw mag mumukha kang bisugo na matabang." ani Jordan. ********** Tinapik-tapik pa ni Jordan ang pisngi dahil parang inaantok pa s'ya after kasi sa Batangas dumeretso na si Jordan sa isa pa n'yang racket kapag wala silang gig ng mga kaibigan na bakla. Nag wai-waitress s'ya pakiramdam n'ya siguro hindi s'ya aabot ng 50 years old dahil sa sobrang pagod na ng katawan n'ya na bata pa lang inaabuso na n'ya dahil sa daming gastusin na kailangan n'yang tustusan. Bumkas ang elevator papasok na sana s'ya ng matigilan ng makita ang CEO ng kumpanya ang sakay ng elevator na galing sa basement. Agad s'yang nag yuko ng ulo at nag bigay galang rito. "Pasok na." utos pa nito. "kailangan bang hilahin pa kita?" napangiwi naman na nahihiya na pumasok na si Jordan at pumuwesto sa pinakasulok ng elevator at nag panggap na kunwari busy na lang s'ya sa mga dalang folder. Napatingin s'ya sa number sa elevator nasa 4th floor palang sita nasa 15th floor pa s'ya. Mahigpit pa naman ipinag babawal na sumabay sa elevator sa mga Top management. Nasa 5th floor naman naman ng bumukas ang elevator at magulat si Jordan ng makita kung sino ang papasok na may kausap pa na isang manager. Si Jansen anong ginagawa nito sa Montenegro steel Corp. Lalo ng nag yuko ng ulo si Jordan para itago ang sarili buti na lang ibang-iba ang datingan n'ya kapag nasa company s'ya. Laging naka brush up ang maiksi n'yang buhok na tadtad talaga ng spray net para walang tumikwas kahit isang hibla habang naka pusod. walang uniform sa kumpanya nila kaya lagi lang s'yang naka black slack at doll shoes na itin at simpleng formal na blouse. Sabi nga ng mga katrabaho n'ya mukha daw s'yang prinsipal sa high school sa pormahan n'ya. Iba-iba kasi ang aura n'ya depende sa uri ng trabaho n'ya. Kapag nasa trabaho typical na office girl, kapag naman nasa bar s'ya syempre makapal ang make-up n'ya at kapag naman nag wawaitress s'ya simpleng make-up lang at kapag naman kumukuha s'ya ng mga litrato. Casual attire lang bahala na s'ya kung anong gusto n'yang isuot basta kumportable s'ya. "Don't mind her, ako ang nag sabi sa kanya na sumabay na." wika ni Mr. Gabriel Montenegro ng mapansin siguro nito na sinamaan s'ya ng tingin ng manager buti na lang hindi lumingon si Jansen na busy sa phone nito. "Kumusta ang Modern City project?" "Just fine Dad, no need to worry." awang naman ang bibig ni Jordan. Dad nito ni Gabriel Montenegro napabulong sa hangin si Jordan. Ibig sabihin pala all this time nasa iisang company lang sila ng manyak na lalaking ito na hindi man lang ata sila aware parehas. Kabado na s'ya ng makitang malapit na s'yang bumaba nakaharang ang mga to sa daraanan n'ya. Paano ba n'ya sa sasabihin na 15th floor lang s'ya. Nakahinga s'ya ng bahagya ng pindutin ng manager ang 15th floor na marahil na kilala s'ya na taga purchasing department s'ya. At ito na rin ang gumilid para padaanin s'ya ng bumukas ang pinto. Yukong-yuko s'yang lumabas bahagya pa s'yang nag bigay galang ng pasarado na ang pinto ng elevator bigla naman naitaas n'ya ang folder ng magtaas ng tingin si Jansen mula sa cellphone nito at sana hindi s'ya nito nakita. Napakunot naman ang noo ni Jansen at nag salubong ang kilay ng parang si Jidoshia ang nakita n'ya kanina pero parang hindi rin iba rin siguro baka magkahawig lang siguro kibit balikat. "Puro ka cellphone Jansen ha! Tiyakin mong maayos ang project na hawak mo. Kundi sasamain ka sa akin." wika ni Gabriel tumawa naman si Jansen. "Dad! parang hindi mo nman ako kilalang trumabaho. Just relax okay walang porblema sa modern city project ko." "Tiyakin mo lang dhil bawal kang mag-asawa kapag pumalpak ka sa trabaho." "wala pa rin naman akong balak. Sarap kaya ng malaya diba Manager Leynes."ani jansen na inakbayan ang manager na hiwalay na sa asawa dahil sumakabilang bakod ang misis nito dahil nawalan di umano ito ng time na hinihingi ng asawa. "Tama kayo Sir, masarap ang single walang aabala sa oras n'yo." sang-ayon naman nito. "yan ang sasabihin ng mga lalaking hindi marunong mag mahal. Kaya wag na kayong umasa na makakilala kayo ng babaeng makakasama n'yo habang buhay dahil iiwan kayo ng mga babae kung ganyan ang pamantayan n'yo." iling ni Gabriel. "Kung hindi lang din naman ako makakita ng higit kay Mommy, hindi na lang ako mag-aasawa dad." "Puwes mag pakapon ka na dahil walang katulad ang mommy mo."ani Gab sa anak na tumawa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD