Minamasahe na ni Jordan ang batok at balikat dahil na ngalay sa pag kuha ng picture sa buong resort na i-popromote bilang tourist spot. Tapos nag inarte pa ang isang model kaya naman imbis na maaga silang natapos na tagalan pa sila dahil lang sa swimsuit na hindi nito gusto ang kulay. Tumigil lang ito sa pag-iinarte ng marinig na dumating daw may-ari ng resort kasama ang kaibigan na who happened kaibigan pala ng may-ari ang boyfriend ng model.
Ngunit ganun na lang ang gulat ni Jordan ng makita ang lalaki sa bar na senervisan n'ya pero iniwan n'ya dahil sa kabastusan nito pero kanina umaga, naka tanggap siya ng tawag dahil mag sasampa daw ng kaso ang may-ari ng sasakyan dahil porche pala ang kotse nito na itinapon n'ya ang susi sa ilog pasig. Humihingi daw ng malaking pera ang may-ari ng kotse na kapag hindi n'ya naibigay with in 1 week mag sasampa daw ng kaso. Pero saan naman s'ya kukuha ng 500,000 thousand para lang sa halaga ng pag papa-ayos ng susian ng kotse.
Kaya naman agad-agad s'yang nag suot ng facemask sa mukha baka kasi makilala s'ya nito at malasin pa s'yang makilala at hindi s'ya paswelduhin sa serbisyo n'ya dahil kaibigan nito ang may-ari ng resort. Buti na lang hindi naman nalapit ang manyak na lalaki nasa ilalim lang ito ng isang cozy cottage na na nonood ng pictorial. Kaya kahit papano kampante s'yang nag tatrabaho ng walang aberya.
******
"You look familiar? Have we met?"tanong ng isang britonong boses na ikinapigil hininga ni Jordan at hindi na n'ya kailangan na lingunin para tingnan kung sino ang nagtatanong dahil may kutob na s'ya dahil ibang klase ang amoy nito. Normal sa kanya ang nakaka-amoy ng lalaking amoy downy ang suot na damit pero sa mga ordinaryong tao lang sa brgy. nila pero ang isang ito na alam n'yang taga high society pero grabe ang amoy ng downy na s'ya mo na lang ma aamoy. Akala n'ya kanina dahil sa mga linen kaya amoy na amoy ang fabcon pero iyon pala dito ng gagaling ang amoy sa iisang tao.
"I'm talking to you?" napangiwi naman si Jordan sabay nag handa ng ngiti after isuot ang isang salamin at pasimpleng isinuot na din n'ya ang retainer sa ngipin in case na ipatanggal nito ang facemask n'ya.
"Po?" kunwari pang tanong n'ya na ngumiti pa na ikinakunot ang noo nito na marahil nag taka bigla.
"Remove your facemask." utos pa nito na inaasahan na n'ya, mas lalo pa itong nag salubong ang kilay.
"Are those braces?" tanong pa nito.
"Parang wala kang brace kanina?" gustong tumaas ang kilay ni Jordan pero nag pigil s'ya, ibig sabihin kanina pa s'ya nito pinapanood.
"Hindi po ahm_____" napigil ni Jordan ang sasabihin ng bigla nitong hilahin ang suot na salamin.
"I knew it! of all places ha! Dito pa sa resort namin kita makikita? Galing mong mag tago."
"Po? Mag kakilala po ba tayo?" patay malisya na tanong n'ya rito na pasimple pang kinuha sa kamay nito ang suot n'yang eye glases. Pagak naman tumawa si Jansen sabay pektus nito sa ulo n'ya na parang ginawa pa s'yang bata, oo 23 pa lang s'ya pero matanda na s'ya para kutusan lang, pasalamat ito takot s'yang hindi mabayaran sa serbisyo n'ya.
"Hoy babae! Ako lang naman yung may-ari ng porche na itinapon mo ang susi sa ilog." nagkunwari naman nagulat pa si Jordan na nanatuptop ang bibig.
"Now you remember siguro naman nakarating na sa'yo ang balita na gusto kong mangyari." napakamot ng ulo si Jordan na napangiwi.
"Sir, puwede bang mamaya na lang po tayo mag usap nag tatrabaho lang po kasi ako pangako po makikipag-usap po ako ng maayos."
"Mabait ka naman pa lang kausap sure, mag hihintay ako." ani Jansen alanganin naman na ngumiwi si Jordan pero napaawang ang labi ni Jordan ng pauliin ng lalaki ang puwet n'ya. Siguro ng mag paulan ng kamanyakan sinalo lahat ng lalaking ito, pinilit na lang ni Jordan an pakalamahin ang sarili. Hindi s'ya puwedeng mag padala sa bugso ng damdamin kailangan n'ya ng trabaho at pera. Hindi n'ya kailangan ngayon ng dagdag gastusin.
"Nice butt baby." usal pa nito na ngumisi sabay kindat.
"Guwapo sana manyak lang." bulong ni Jordan na tumalikod na.
"May sinasabi ka?" ngising tanong pa nito.
"Wala Sir, sige po mamaya na lang." alanganin na tumalikod na si Jordan.
"Huy! Sino yun ha?" kulit ni Cloud na.
"It's nothing some random girls na mukhang madadala ko sa kama tonight."
"Side chicks, paano si Fatima." nguso naman ni Cloud sa model ng nag pipictorial.
"What about her?" tanong ni Jansen.
"Diba girlfriend mo s'ya?" kumunot naman ang noo ni Jansen.
"Sino may sabi? Alam n'yong hindi ako nag gigirlfriend hassle lang yan mga yan sa oras."
"Pero ikinama mo.' ano Trigger.
"Yes I do, hindi ko itinatangi at s'ya ang nag initiate pinag bibigayan ko lang. Mabait ako you know." ngisi ni Jansen na naka sunod pa rin ng tingin sa driver na nag tapon ng susi ng kotse n'ya. Hindi ito maganda sa picture at mukha pa itong manang sa picture na ibinigay sa kanya. Kaya nag kukuli pa s'ya kanina ng lapitan ito, ang balak n'ya huhulihin lang sana n'ya ito kung tama ang hinala n'ya at ito na din ang kusang umamin. Matangkad ito maganda ang katawan, weakness n'ya ang babaeng long legged at makinis. Naka palda itong maong at simpleng puting sneakers lang sa beach at itim na t-shirt na naka tali sa tagiliran. May sense of fashion din naman. Kanina pa n'ya ito pinag mamasdan at na cucurious talaga s'ya kung anong hitsura nito kapag naka hubad.
"Huy! hinuhubadan mo na yata." siko ni Jigger na tinawanan lang ni Jansen.
"Mukhang mag kakabutasan mamayang gabi, ingat tol mukhang bata pa ang isang yan baka sumabit ka." ani Trigger.
"May kapote akong dala, I'm always ready." wika pa ni Jansen.
*******
"Ui! Baklush! anong ginagawa mo dito?" bulalas ng mga kaibigan ng magkita-kita sila sa lobby ng hotel.
"Dito ka lang din pala pupunta baklita ka." tuwang-tuwang nag yakap-yakap silang mag kakaibigan.
"Di n'yo naman kasi sinabi." ani Jordan.
"Tamang-tama mag -____."
"ooopsss! teka lang, pabalik na rin ako ng Manila."
"Ha! Bakit?" takang tanong ng mga kaibigan.
"It's a long story pero saka ko na kukuwento pabalik ng Manila."
"Bakit pag balik pa ng Manila bakit hindi pa ngayon."
"Dahil ___OMG! Babye na girls." nag mamadaling humalik s'ya sa pisngi ng mga kaibigan saka nag mamadaling tumakbo na ng matanaw na papasok na rin ng lobby ang 4 na lalaki na iniiwasan n'ya. Bahagya na s'yang naka takas kanina dahil alam n'yang bantay na bantay ng mga ito ang buong pagkatao n'ya. Itinaon lang n'ya ang pag takbo ng biglang kuyugin ito ng mga babaeng mga naka two piece at mga nag papa picture.
Panay na lang s'ya chat sa mga kaibigan habang nag-iintay ng bus na parating sa waiting shed pabalik ng Manila. Nahingi kasi s'ya ng sorry sa mga to sa biglaan n'yang pag takbo. At nag explain ng bahagya at sinabi na lang n'ya na may isang lalaki kasi kanina na makulit na pinipilit hingiin ang number n'ya. Nag sinungaling na lang s'ya na pangit yun lalaki kaya na tatakot n'ya. Nagulat pa si Jordan ng makarinig ng malakas na busina saka pa lang napansin ni Jordan na may huminto na pa lang at tinatanong kung sasakay s'ya. Sandali muna n'yang tiningnan ang placard sa harapan ng bus baka kasi magkamali kasi s'ya ng sakyan. Kaya sumakay na s'ya ng makitang tama, Medyo napakamot pa s'ya ng ulo ng mapansin na punuan na pala at marami na ang naka tayo sa aisle ng bus. Ano pa bang ini-expect n'ya rush hour na at sabado ngayon.
Itinago na n'ya ang cellphone sa bag na dalang bodybag saka nakisingit sa mga tao at nag hanap ng puwestong maluwag-luwag. May 15 minutos na siguro s'yang nakatayo ng mapansin ang isang lalaking parang sinasadyang idikit ang kamay sa hita n'ya, panay naman ang hingi nito ng sorry. Hindi na bago sa kanya nag mga ganun galawan ng mga lalaking manyak. Iniisip na lang n'ya as long at hindi naman s'ya ni rarap** walang kaso sa kanya. Ayaw lang n'ya ng gulo ang hirap na nga ng buhay n'ya at ang dami na nga n'yang problema ayaw na n'yang mag paka stress pa sa mga taong nasa paligid n'ya.
Bahagya s'yang umurong para iwasan na lang ito at bahagyang tumalikod na lang pero papalag na s'ya ng maramdaman na may sumayad nanaman kamay sa hita n'ya. Nang isang matangakad na lalaki ang biglang humarang sa pagitan nila ng lalaking bastos, automatc naman napa angat ang tingin ni Jordan ng maamoy ang familiar na amoy ng downy. Napaubo naman bigla si Jordan ng makita ang lalaking tinatakbuhan n'ya. Naka puting t-shirt lang ito na pinatungan ng printed polo na naka bukas ang lahat ng betones at itim na short na hanggang tuhod at puting sneakers. Makapal ang shade at may suot na itim na facemask.
Muntik pang ma out of balance si Jordan ng mag preno ang bus dahil may babang pasahero, mabilis naman na nahawakan s'ya ng lalaki sa bewang at napasubsob s'ya sa leeg nito ng umandar na ulit ang bus na ikina-awang ng bibig n'ya dahil literal na dumikit ang labi n'ya sa leeg ng lalaki. Natumingin pa sa kanya hindi man n'ya nakikita ang mga mata nito dahil sa suot nitong shades alam n'yang titig na titig din ito sa kanya.
"Close your mouth baka may ipasok ako d'yan ng hindi mo magustuhan." pabulong na wika pa nito. Lalayo na sana s'ya rito pero kinuha lang nito ang kamay n'ya at pinahawak sa braso nito na walang imik. Ayaw sana n'ya pero muli itong nag salita.
"Mamili ka, kakapit ka sa akin o yayakapin kita." Alanganin man napahawak na lang si Jordan sa braso ng lalaki na nakakapit naman sa railings sa taas.
Bakit ba kasi nandito ito, hindi n'ya namalayan na nasundan pala s'ya nito. Pilit na pinakakalma ni Jordan ang puso na sobrang kabado. Hindi n'ya alam kung natatakot ba s'ya sa lalaki o dahil sa presences nito na ang lakas ng dating. Ganun din ba ang nararamdaman ng ibang babae na ganito kalapit sa lalaking ito. First time n'yang maka ramdam ng ganun sa ka opposite s*x n'ya nakakaba na parang nanaka excite.
"Wag mong isipin na makakatakas ka pa sa akin Jidosha." wika pa nito na ikinagulat pa n'ya ano daw jidosha? paano nito nalaman ang stage name n'ya. 'Di kaya napag tanungan nito ang mga kaibigan n'ya kanina kaya na sundan s'ya nito hanggang sa bus stop.
"In your dreams." bulong pa nito.