Gusto ng baliktarin ni Jansen ang mesa habang nag iintay kay Jidosha, na text na n'ya ito kung saan sila mag kikita pero wala pa ito at 15 minutes na itong late sa usapan nila. First time n'ya naranasan na mag hintay sa isang babae, hindi s'ya babaero bihira s'yang magkainterest sa isang babae. Mag ka gusto man s'ya sa isang babae tiyak na naakit s'ya. Inis na dinukot n'ya ang bulsa at tinawagan ang abogadong may hawak ng kasong isinampa n'ya kay Jidosha at inutusan itong tawagan at inirequest n'ya na taasan pa nito ang amount na naka indicate. Nag intay pa s'ya ng another 5 minutes baka kasi na traffic lang ito kung saan man ito nag mula kaso wala talagang dumating na dalaga. Kaya inis na s'yang tumayo at derederetso ng lumabas bitbit ang ginawang proposal para lang kay Jidosha.
Halos sapo na ni Jordan ang dibdib sa lakad takbo na ginawa, hingal na hingal na s'ya bago makarating sa hotel kung saan nakikipag kita si Jansen Montenegro. Hindi s'ya naka punta kanina sa usapan nila ni Jansen dahil tinangay ng manager nila ang cellphone n'ya dahil lang nahuli s'ya nitong sumabay sa amo sa elevator na sabon s'ya nito ng husto at tinambakan s'ya ng trabaho para mag tanda daw s'ya na hindi puwede na porket inallowed s'yang sumakay sasakay na agad daw s'ya. Matuto daw s'yang tumanggi, unless na lang daw na may hidden desire s'ya na ikina-offent n'ya kaya hindi na lang s'ya nag salita dahil ayaw n'yang lumikha ng malaking gulo baka ma sesante pa s'ya.
Naging tampulan tuloy s'ya ng tsismiss ng mga katrabaho dahil sa nangyari, wala pa naman s'yang ka tropa sa office lahat ang mga ito ang tingin sa kanya utusan dahil encounder lang s'ya at marami s'yang bakanteng oras kapag nakatapos s'ya ng gawain kaya ang nangyayari naging utusan s'ya ng lahat at wala naman s'yang magawa kundi sundin dahil wala din naman s'yang gagawin. Mababait naman ang mga ito sa kanya sadyan ginawa na lang s'yang utusan. Ang kagandahan nga lang yung ibang galanteng ka officemate n'ya minsan inuupahan s'ya. Ginagawa s'yang bata pero okay na din nakakamagkano din s'ya sa mga upa ng mga ito sa maghapon kaya okay na din kesa walang upa kaya naman sumusunod na lang din s'ya.
Sa klase ng buhay na meron sila kailangan wala ka ng pride gawin mo na ang lahat basta alam mong wala kang ginagawang masama at wala kang tinatapakan na tao. Kailangan n'ya ng pera para masupportahan ang pamilya n'ya kaya lahat gagawin n'ya para mag kapera.
"Okay ka lang ba miss?" tanong ng isang babae na nakatayo na ngayon sa harapan n'ya. Napatingin s'ya rito saka ngumiti na huminga ng malalim. Bago napatingin rito ng deretso ang ganda nito ang amo ng mukha munag angel na may heart shape na mukha, halatang anak mayaman ito sa kutis na kutis pa lang sobrang puti pero mukha din malungkot kahit maaliwalas naman ang mukha kita kasi sa mga mata nito kulang sa sigla.
"Okay lang po ako medyo hiningal lang po ako sa pagtakbo_---" mag sasalita pa sana si Jordan ng mapatingin lampas sa balikat nito sabay simangot. Nakita kasi n'ya si Jansen may kaharutan sa lobby na isang foreigner panay pa ang palo ng foreigner na babae sa balikat nito.
"Boyfriend mo?" tanong ng babae.
"ahhhh! Opo, anniversary po kasi namin ngayon pero i guess uuwi na lang po siguro ako mukang busy na s'ya." pag sisinungaling n'ya dahil sa inis. Paano nabasa n'ya ang email sa kanya ng isang law firm para sabihin na itataas ng 1M ang danyos dahil ayaw n'ya makipag-usap ng maayos sa biktima na akala mo naman ay na purwisyo ng husto e kung tutuusin susi lang naman ng kotse ang naging problema nag kataon lang na mamahalin ang kotse.
"Sorry to say this kung ganyan ang hitsura mo ipagpapalit ka talaga ng boyfriend mo lalo ganyan ka guwapo." wika ng babae na tiningnan pa s'ya mula paa hanggang ulo. Wala naman sa loob na napahawak pa s'ya sa bandang dibdib n'ya, natapunan kasi s'ya ng sause ng ulam n'ya kanina sa canteen habang nag lulunch pero pinunasan naman n'ya iyon pero nag iwang ng bakas.
"Let's go sumama ka sa akin." wika ng babae na pinag taka pa nya ng hawakan s'ya sa braso at hinila itinaas pa nito ang hawak na dalawang paper bag na parang itinatago s'ya. Sa isang ladies room sila nag punta, ipinatong nito ang ang dalawang paper bag sa lavatory at inilabas ang isang magandang dress na nag paawang sa bibig ni Jordan. Grabe ang ganda floral foresr green pleated dress iyon na napakalambot ng tela. Idinikit nito iyon sa katawan n'ya na medyo ikinaatras n'ya bigla.
"Why?" tanong pa ng babae.
"Bakit isinusukat mo sa akin yan?"
"I want you to wear it and slay your boyfriend."
"Hindi ko kailangan mag paganda sa kanya kung ayaw n'ya_____."
"No! hindi mo ako na intindihan, gusto kong isuot mo ito para iparating sa kanya kung sino ang niloloko n'ya. Your beautiful pero itinatago mo. Ipakita mo at ipamukha mo na hindi ang tulad mo ang dapat na niloloko." napakamot naman ng ulo si Jordan na pasama papala ang pag sisinungaling n;ya.
"I'm Kinsley Florez."
"Sabi ko na e, akala ko kamukha mo lang yung dating sikat na singer."
"Long story pero ikukuwento ko sa'yo kung isusuot mo ito, bilisan mo na baka bigla mag check in ang dalawang yun." pinag tulakan pa s'ya nito papasok sa loob ng isang cubicle. Napilitan naman ng sundin ni Jordan ang bagong kakilala habang nag bibihis s'ya nag kukuwento ito kung bakit ito nawala sa showbiz na ikinagulat n'ya. Sekreto lang daw yun at walang nakakaalam kaya sana daw walang makaalam ng sekret nito na sa kanya lang sinabi. Na ngako naman s'ya at medyo nakaramdam s'ya ng simpatiya rito, hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao kaya habang bata pa i-enjoyed mo na baka kasi huli na ang lahat bago mo pa ma realize lahat at pag sisihan kung bakit hindi mo ginawa.
"Wow! I told you your so pretty." wika pa nito na iniharap s'ya sa salamin habang inaalis nito ang mga hairclip na nasa buhok n'ya, Kitang kita pa ni Jordan ang pag ngiwi nito dahil ang tigas ng buhok n'ya dahil sa spraynet na gamit n'ya. Dinaan na lang nila sa suklay para maayos na mailugay ang buhok n'ya na nakisama naman nag mukha tuloy s'yang kulot.
"Gorgeous." wika pa nito na pinag pahid pa s'ya ng lipstick wag na daw s'ya mag make-up dahil natural na ang ganda n'ya. Maya-maya isang box naman ang inilabas nito at inilabas ang isang transparent na sandals.
"Kasya sa'yo to I'm sure para perfect ka na."
"Naku sa'yo ata ang mga damit na to bakit pinasuot mo na sa akin lahat."
"Hindi ko na din kasi magagamit, hindi daw darating ang date ko at may ka date na iba." pabuga ng hangin na wika nito.
"Ay grabe naman s'ya. Ang ganda-ganda mo kaya."
"It's okay sa ngayon kasi malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya hinayaan ko lang s'ya but nevermind wag na natin pag usapan ang lovelife ko. Bilis na suot na." yumuko naman si Jordan para isuot ang sandal na kasya nga sa kanya. Sakto naman nag ring ang phone n'ya na agad naman n'ya tingnan. Si Jansen na yun kaya sinagot na n'ya bago pa madagdagan nanaman ang amount na hinihingi nito.
"hello!"
"Your 5 minutes late at kapag lumampas ka pa ng another 5 minutes tapos na ang usapan."
"Nandito na ako sa hotel, I just got my period kaya nasa ladies room lang ako." ngiwing alibi n'ya na ewan ba n'ya kung bakit iyon ang pumasok sa isipan n'ya na tinawanan naman ng babaeng kasama n'ya.
"Where exactly." sinabi naman n'ya kung saan restroom para wag na itong mag ligalig saka ini-off ang phone.
'Atat!" bulong pa n'ya saka nag mamadali ng inayos ang mga gamit.
"Paano ko isasauli sa'yo tong mga gamit mo?" tanong pa ni Jordan.
"Intayin kita sa lobby mamaya wala naman akong gagawin."
"Naku nakakahiya talaga." ngumiti naman ang babae.
"Ang totoo n'yang kilala ko yung boyfriend mo, kapatid s'ya ng boyfriend ko." awang naman ang bibig ni Jordan na natuptop. Mag papaliwanag na sana si Jordan at itatama na n'ya ang pag sisinungaling ng marinig ang katok sa pintuan saka narinig ang boses ni Jansen na nagagalit.
"Goodluck! As far as I remember snob at choosy ang lalaking yan pero mabait naman. Hindi lahat ng babaeng nakapalda na gugustuhan n'yan. Sige na labas ka na bago pa n'ya gibain ang pinto, don't tell him na nag kita tayo. S'ya kasi ang pinapunta ng kapatid n'ya para i meet ako."
"Sasama ng ugali nila ha."
'Hindi naman may mga dahilan lang sige na go na. Iwan mo na ang mga ito sa akin iintayin naman kita sa lobby." tukoy nito sa mga hinubad n'yang damit at sapatos na inilagay naman nito sa paper bag na pinag alisan ng damit na suot n'ya.
********
"Hahaha! Nag paganda ka pa talaga hindi na kailangan masyado ka naman nag effort." wika pa ni Jansen ng lumabas na s'ya sa banyo.
"Excuse me lang no! Hindi para sa'yo ang effort na ito, may date ako mamayang gabi sa boyfriend ko." tumawa naman si Jansen na nauna ng humakbang ng paatras.
"Pustahan tayo hindi matatapos ang araw na ito break na kayo." wika pa nito.
"Hindi yan mangyayri." sagot naman ni Jordan dahil sa isip n'ya wala naman s'yang boyfriend na kailangan i break-up. Napalingon naman s'ya sa saradong pinto ng banyo kung saan na iwan ang bagong kaibigan na si Kinsley na nag bigay pa sa kanya ng contact number at ibinigay rin n'ya ang sa kanya.
"Wanna bet?" hamon pa ni Jansen na naka ngisi.
"Sige magkano?" ngisi din n'ya.
"Your whole life."
"Walang halagang katumbas ang buhay ko ano."
"Kung sure ka naman na matatalo mo ako bakit hindi mo ipusta?" hamon naman nito napaisip naman s'ya oo nga naman.
"E ano naman makukuha ko kung mananalo ako?"
'Everything na kayang bilihin ng pera basta sabihin mo lang." bigla parang nag hugis peso ang mga mata n'ya. Mukhang exciting ang offer nitong pustahan.
"Sige deal." mabilis na sagot ni Jordan ngumiti naman si Jansen na nakipag shakehands pa sa kanya na babawiin na sana n'ya ang kamay ng mag ring naman ang phone ni jansen at sagutin iyon ng hindi pinapakawalan ang mga kamay n'ya.
'Yes! Dad. Okay idaan ko po mamaya sa inyo yung plano, yes dad!" bigla naman napamura sa isip si Jordan ng biglang ma alala na boss nga din pala n'ya sa kumpanya na pinag tatrabahunan n'ya. Nag search pa n'ya ng list of line up ng top management ng kumpanya. Taga engrineering department pala si Jansen dahil isa ito sa mga Engineers ng kumpanya pero nakalagay din ito as company president. Patay malisya pa s'yang nagtanong sa ibang empleyado tungkol kay Jansen at nalaman n'yang nakaplano na daw may retired ang CEO na ama nito at ito daw ang papalit sa puwesto.
"Shall we." wika pa nito na hinila na s'ya at alanganin na lang s'yang napasunod.