INIPON ni Julia ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya bago pinihit pabukas ang knob ng pintuan ng opisina ni Jason. Nagpaalam siya kay Bessy na hindi na muna papasok para asikasuhin ang tungkol sa problema niya kay Jason at pumayag naman ito. Isang linggo matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Fritz nang gabi ng birthday nito ay hindi na nagpakita pa sa kanya ang binata.
Ang totoo, hindi alam ni Jason na darating siya. Sinadya talaga niyang sorpresahin ito para hindi na nito mapagplanuhan ang kung anumang bagay laban sa kanya.
"Honey!" napatayong agad si Jason saka nagmamadaling lumapit sa kanya. "sinasabi ko na nga ba hindi mo rin ako matitiis eh" mabilis niyang iniwasan ang akmang paghalik sana nito sa kanyang mga labi.
"Hindi ako magtatagal, may importanteng bagay lang na gusto kong pag-usapan natin" aniya sa pormal na tinig saka kumawala sa pagkakahapit ng binata at naupo sa silyang nasa harapan ng table nito.
Madilimang mukha ni Jason nang bumalik sa kinauupuan. "Okay, what is it?"
"Gusto ko ng legal separation, pwedeng annulment o kaya divorce" aniya sa tinig na kalmado.
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng kanyang asawa. Halatang hindi nito inakalang masasabi niya iyon. "No! Ayoko!" anitong ibinalik ang tingin sa kaninang naiwang trabaho saka iyon ipinagpatuloy.
Hindi na siya nasorpresa sa nakuhang sagot dahil inasahan naman na niya iyon. "P-Please, huwag mong gawing mahirap sa akin ang lahat. Ginawa mo ng miserable ang buhay ko for the past seven years. Hayaan mo naman akong maging masaya, if you truly love me?" pakiusap niya sa pagpipigil na maging emosyonal.
Noon galit na inilapag ng lalaki ang hawak na ballpen saka matatalim ang titig siyang hinarap. "I gave you everything, lahat ng kayang bilhin ng pera! Ano pang kulang?" galit na galit nitong bulyaw sa kanya.
Napapikit siya sa pagkagulat. Unti-unting nilamon ng takot ang kanyang dibdib pero nagpakatatag siya. "Ginawa mong mahirap para sa akin ang mahalin ka Jason. I think hindi ako ang tamang babae para sa'yo. Makikilala mo rin ang babaeng magiging dahilan ng pagbabago mo. Pero hindi ako iyon, kaya please lang palayain mo na ako" sa mababang tinig niya turan.
Umiling ng magkakasunod si Jason saka tumayo. "Kumain muna tayo, halika. Over lunch natin iyan pag-usapan" pagkasabi iyon ay mariin nitong hinawakan ang braso niya kaya siya napilitang sumama rito.
Sa lobby, sa mismong entrance ng gusaling iyon na pag-aari ni Jason ay nagulat siya nang yumakap sa asawa niya ang isang babaeng nang mapagmasdan niya ng husto ay nakilala niyang siyang kahalikan ng asawa niya noon sa isang restaurant sa Tagaytay.
"Miss na kita, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" anitong hinawakan pa ang mukha ng kanyang asawa saka hinalikan sa mga labi. Sa nakita ay kinapa niya ang dibdib. Wala siyang naramdamang anumang selos doon.
"Hey, bakit nakapasok ang babaeng ito dito? Guard!" malakas ang tinig ni Jason saka itinulak palayo rito ang babae at saka siya inakbayan.
Nakakalokong tumawa ang babae saka siya hinagod ng tingin bago nagsalita. "So, ikaw pala ang asawa. For your information, ako naman ang kabit ng asawa mo!" anito sa malakas na tinig.
Napuna niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga taong naroroon kasama na ang ilang empleyado ng kompanya. Nag-init ang mukha niya sa matinding galit pero nagkontrol siya. "I know, nice meeting you by the way" saka niya inilahad ang kamay sa babae.
Tiningnan lang iyon ng babae saka naka-ismid na lumabas ng gusali kasunod ang guard. Masaya ang mukha ni Jason ng tingalain niya ito. Ngumiti lang din siya saka pagkatapos ay nagpatiuna na sa paglabas.
"Thank you for that honey" nang nasa parking lot na sila.
"Ginawa ko lang iyon para hindi kana niya guluhin pa kasi nakita kong ayaw mo na sa kanya. Pero hindi parin nagbabago ang desisyon ko" pormal niyang sagot nang hindi tinitingnan ang asawa.
"Paano mo nalaman?" nang nasa loob na sila ng kotse ng asawa.
Noon niya nilinga si Jason. "Nakita ko kayong naghahalikan sa isang restaurant sa Tagaytay" maikli niyang sagot.
"I-I'm sorry, parte lang siya ng mga babaeng dumadaan lang sa buhay ko Julia. Ikaw ang mahal ko maniwala ka!" giit ni Jason sa nagsusumamong tinig.
Natawa siya ng mahina. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag" nang buhayin ng asawa niya ang makina ng sasakyan ay napansin niyang hindi na ito nag-abalang magsuot ng seatbelt. "Jason ang seatbelt mo" paalala niya matapos ikabit ang kanya.
"Bakit ba napakatigas mo? Hindi mo na ba ako mahal? Ganoon nalang ba kadaling itapon ang lahat? Pitong taon tayong mag-asawa!" halos pasigaw nitong sabi saka binilisan ang takbo ng kotse.
"Mamaya na natin pag-usapan iyan" aniya sa tinig na may pinalidad.
"No!" bulyaw sa kanya ni Jason. "diretsahin mo ako! Alam ko namang napilitan ka lang na pakasalan ako noon dahil kailangan mong ipagamot ang tita mo! Sa itinagal ng panahon inisip kong matututunan mo rin akong mahalin! Pero bakit ganito? Sagutin mo ako ngayon, kahit minsan ba, hindi mo ako natutunang mahalin? Minahal mo ba talaga ako?" ang galit na galit na hiyaw ni Jason saka pa mas binilisan ang kanilang takbo.
Nilamon ng matinding takot ang kanyang dibdib. "M-Minahal kita sa paraang alam ko" aniyang hindi na napigilan ang mapa-iyak sa kaisipang possible silang mapahamak sa bilis ng takbo ng sasakyan.
Para siyang nakarinig ng tawa ng demonyo nang pumuno ang malakas na halakhak ni Jason sa loob ng sasakyan. "Hindi ako papayag, mamamatay muna ako. Akin ka lang, akin ka!" anitong sinundan pa ang sinabi ng mas malakas na tawa.
Tuluyan na nga siyang napahagulhol ng iyak. Nabigla pa siya nang kabigin siya ng asawa saka mariing hinalikan ang kanyang mga labi. Malakas niya itong itinulak palayo. "Bitiwan mo ako!" aniyang umiiyak. "itigil mo ang kotse bababa ako!" ang galit na galit niyang utos.
Noon nga itinigil ni Jason ang sasakyan sa gilid ng daan. Malayo pa sila sa highway at bihira ang sasakyan doon dahil karaniwan na'y mga pabrika ang nakatayo sa naturang street. Kaya madalas ay malalaking closed van at delivery trucks ang nakikitang nagdaraan doon.
Kumilos ang kamay niya para kalasin ang suot na seatbelt pero mabilis siyang muling kinuyumos ng halik ng asawa. "Tulong! Saklolo" sigaw niya kahit alam niyang walang makaririnig sa kanya. Dahil bukod sa napakalinis ng paligid ay tinted pa ang salamin ng sasakyan ni Jason.
"Bago ka asawahin ng iba, ako nalang ang paulit-ulit na aasawa sayo! Hindi mo ba alam na tuwing sinisipingan ko ang p****k na iyon ikaw ang nakikita ko? Napakatagal kong natigang sayo!" parang baliw na sinibasib siyang muli ng halik ng asawa.
Noon niya ito malakas na sinampal kaya natigil sa ginagawa. "Bastos! Kahit kailan hindi ko pa naranasan ang irespeto mo! Ngayon itanong mo sa akin kung bakit kita gustong hiwalayan?" galit na galit niyang sigaw sa pagitan ng pagluha.
Natangis ang bagang ni Jason sa narinig. Pagkatapos ay muling pinatakbo ang sasakyan sa paraang halos lumilipad na ito. "Mamatay tayong magkasama naiintindihan mo? Mamamatay tayong dalawa!" hindi niya tiyak kung sinadya ni Jason na banggain ang noon ay paparating at malaking truck ng papel. Nasa gitna sila noon ng highway. Napatili siya ng malakas, basta ang natatandaan lang niya ay umikot ng umikot ang sasakyang kinalululanan nila bago iyon tumaob. Hindi na niya nakita ang sumunod na nangyari dahil nilamon na ng kadiliman ang kanyang paligid.