LUNCH BREAK nang tawagan niya si Fritz para ipaalam rito ang tungkol kay Jason. Kahit sa telepono ramdam niya ang matinding pag-aalala nito sa kanya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang bago magdilim ay bisita niya sa resort ang binata.
"Mas mabuti na iyong nandito ka, mas matatahimik ako" ang binata nang itulak nito pabukas ang pintuan ng cottage kung saan siya manunuluyan.
Tumango siya sa tumuloy sa loob nang lakihan ng binata ang bukas ng pinto. "Hindi kana dapat nag-abalang pumunta rito. May trabaho kang iniwan nanaman sa Tagaytay" aniyang ibinaba ang bag sa upuang kawayan.
"Boss ako ano ka ba?" pabiro nitong sagot saka siya kinindatan. "And besides Sabado naman bukas, ang plano ko nga eh mag-stay muna rito ng kahit hanggang Sunday lang ng hapon. Gusto ko munang mag-relax".
Pabiro niya itong inirapan. "Oo na, Mr. VP! Anyway why not" sa isiping makakasama niya ng ilang araw sa resort ang binata dahil Sabado at Linggo ang day-off niya ay nakaramdam siya ng matinding pananabik.
Nakita niyang umaliwalas lalo ang bukas ng mukha ng binata. "Gusto ko rin kasing i-celebrate ang birthday ko dito ng kasama ka" nasa tono ni Fritz ang paglalambing kaya hindi niya napigilan ang mapangiti.
Ngumiti lang siya sa narinig habang nasa isip na niya kung ano ang dapat gawin sa mismong araw na iyon. "Ano na nga palang plano mo?" ang binata nang makalabas sila ng cottage para kumain.
Nagbuntong hininga siya. "Hangga't maaari ayoko nang palakihin ito. I mean, pipilitin ko itong maayos sa mas madiplomasyang usapan" sagot niya.
Wala siyang narinig na sagot mula sa kasama kaya hindi narin siya nagsalita. Kahit ano pa man ang nangyari may pinagsamahan naman sila ni Jason. Asawa niya ito sa papel kahit sabihin pang tuluyan na nga nabura ang pagmamahal niya para rito. Noon wala sa loob siyang napangiti saka kusang kumilos ang isang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Fritz. Tiningala niya ito at nakita ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata ng ngumiti ito.
"Thank you sa lahat" aniya nang huminto sa paglalakad ang binata saka siya hinarap.
Tumango ito. "You're welcome" anito.
Ilang sandali siyang nanatiling nakatingala habang nakangiti sa binata. Pagkuwan ay humakbang siya palapit rito saka mahigpit na yumakap. "I always feel safe inside your arms" hindi niya napigilang sabihin.
"Kasi ginawa sila para sa'yo" ang binatang masuyong hinalikan ang kanyang noo. "halika na, kumain na tayo" saka mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako mapapasaya" aniyang ang tinutukoy ay ang kamay niyang hawak ng binata.
Sinulyapan siya ng nakangiti ni Fritz. "Ang tao kasi kapag mahal mo para narin iyang isang matagal nang kakilala. Alam mo kung ano ang magpapasaya sa kanya" kinabig siya pagkatapos ng binata saka hinalikan sa ulo.
Kung gaano siya kasaya nang mga sandaling iyon, hindi niya masabi. Ang alam lang niya ay kung sino ang dahilan ng kaligayahang iyon, walang iba kundi si Fritz. Sana lang pwede na niyang sabihin ritong mahal din niya ito. Kunsabagay, makapaghihintay naman iyon, dahil ayon nga sa binata narin mismo. True love is timeless. At ganoon silang dalawa. Saka na niya ipagtatapat sa binata ang totoong nararamdaman niya, kapag maayos na ang lahat.
"HINDI ko anak ang batang iyan, huwag mong ipaako sa akin ang problemang ginawa mo at nang kung sinong Poncio Pilato" walang emosyong winika ni Jason at buhat sa pagkakahiga sa kama ay bumangon at sinimulang magbihis.
Noon galit na ibinato sa kanya ni Lisa ang isang unan. "Walanghiya! Anak mo ito kaya dapat lang na panagutan mo!"
Galit niyang hinarap si Lisa. "Pinatatawa mo akong p****k ka! Paano ko magiging anak iyan eh baog ako? Anong gusto mong gawin ko, hiwalayan ko ang asawa ko at pakasalan ka? Nangangarap ka ng gising!" aniyang sinundan pa ang sinabi ng nakakalokong tawa.
Sa narinig ay sinugod siya ni Lisa at pinagsusuntok sa dibdib. Pero nagdilim ang paningin niya kaya mabilis niyang pinadapo ng malakas na sampal ang kaliwa nitong pisngi. Dahilan kaya ito muling napahiga sa kama. "Sa susunod na pipikot ka ng lalaki tiyakin mong hindi baog!" aniyang dinukot ang pitaka sa likuran ng kanyang pantaloon saka inihagis sa babae ang malaking halaga ng pera. "tapos na tayo, huwag kana ulit magpapakita sa akin!" aniyang may pinalidad ang tinig.
"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo makukuntento ako sa ganito lang? Kung siraan lang naman ng buhay ang gusto mo, titiyakin kong makakarating ang lahat ng ito sa asawa mo!" banta ni Lisa kaya siya nahinto sa paghakbang.
"Then I swear I'll kill you, tandaan mo iyan" banta niya saka binigyan ng bagbabantang titig ang babae pagkatapos ay iniwan.
Plano niyang balikan si Julia sa Don Arcadio ilang araw mula ngayon. Alam niyang galit parin ito sa kanya at hindi niya ito masisisi. Pero hindi rin naman siya papayag na tuluyang masira ang pagsasama nila. Mahal niya ito at hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya.
"ANO sa tingin mo?" aniyang hinarap ang kaibigan para ipakita ang kanyang ayos. Iyon ang gabi ng birthday ni Fritz. At gaya ng napagkasunduan, lalabas sila para sa isang dinner date.
Hinagod siya ng tingin ni Bessy. "Sa tingin ko, kailangan ng aprubahan ang diborsyo dito sa Pilipinas!" sagot nito saka sinundan ng masayang tawa ang sinabi.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano?" nang hindi makuha ang ibig nitong sabihin.
Nakangiting tumayo si Bessy saka siya nilapitan. "Ang ibig kong sabihin, maganda. Halatang masayang-masaya ka. Nakakahinayang lang na hindi kayo pwedeng magpakasal ni Fritz" sa huling tinuran ay nabahiran ng lungkot ang tinig ng kaibigan.
Mapait ang ngiti siyang nagyuko ng ulo. "Ganoon talaga, ang sabi nga nila hindi raw nasusubok ang tatag ng pagmamahalan sa maliliit na pagsubok lang. Ang sa amin ni Fritz hindi ko masasabi kung ma-o-ovecome namin pero hangga't maaari gusto ko paring gawin ang mas tama."
"Tama? Alin, iyong magpaka-martir ka sa p*******t sayo ng asawa mo? Sa panloloko niya?" nasa tinig ni Bessy ang pagkainis.
"Hindi rin naman ako fair sa kanya Bes, kasi sa loob ng mahabang panahon hindi ko siya nagawang mahalin ng buo" pagbibigay katwiran niya kay Jason.
Naiiling na bumalik sa kaninang upuang kawayan si Bessy. "Naguguluhan ako sa'yo alam mo ba? Magtapat ka nga sa akin ngayon, sino ba talaga ang mahal mo?"
Napapahiya siyang nagbuntong-hininga. "Si F-Fritz, mula noon hanggang ngayon. Minahal ko si Jason sa paraang alam ko pero nanatiling nagmamahal kay Fritz ang malaking bahagi ng puso ko sa loob ng mahabang panahon. Maging hanggang ngayon" nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga mata ay nagkontrol siya ng emosyon at nagtagumpay naman siya.
"Kausapin mo si Jason na palayain ka niya, para maging masaya kana" suhestiyon ng kaibigan niya.
Tumawa siya ng mahina. "Sana ganoon nga kadali ang lahat. Anyway iyon naman talaga ang pinaplano kong gawin" aniyang mabilis na napatayo nang marinig ang magkakasunod na katok sa labas ng cottage.
"Hindi ka nga halatang excited" si Bessy na sinundan siya.
SA isang kilalang restaurant sa bayan siya dinala ni Fritz. Hindi naman sila nagtagal doon dahil pagkakain ay nagyaya narin siyang umuwi. Habang daan ay nanatili siyang tahimik. Nagsalita lang siya nang itigil na ng binata sa tapat ng cottage niya ang sasakyan ito.
"Maaga pa naman, tuloy ka muna?" yaya niya sabay sulyap sa suot na relo.
Nakangiti siyang pinakatitigan ng binata. "Are you sure?"
Tumango siya ng magkakasunod. "Saka, nasa loob iyong gift ko sayo" aniyang sinimulang kalasin ang suot na seatbelt kaya napasunod narin ang binata.
"Happy birthday" sabay abot ng regalo kay Fritz.
"Nice" nang mabuksan ang regalo ay tumawa ang binata. "hindi naman ako lasenggo" natawa ng malakas si Julia sa sinabing iyon ni Fritz habang nakatitig sa bote ng mamahaling alak na bigay niya.
"I know, kailangan mo iyan lalo na kapag stressed ka. Pampatulog lang" aniyang kumuha ng dalawang baso sa kusina pagkatapos ay nagbalik din kaagad.
"Cheers" halos magkapanabay pa nilang sabi. Bihira siya kung uminom, kaya hindi na siya nagtaka nang makaramdaman ng pagkahilo matapos ubusin ang isinalin ng binata sa kanyang baso.
"Hey, are you sure?" awat sa kanya ni Fritz nang umakma siya para lagyan ng laman ang kanyang baso.
Tumawa siya ng mahina. "Oo naman, konti nalang" pakiusap niya kaya siya pinagbigyan ng binata.
Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Siya, mula sa rim ng kanyang baso ay hindi maiwasang pagmasdan ang noon ay namumulang mukha ng binata. "Ang pula na ng mukha mo" puna niya saka tumayo.
Narinig niya ang tawang naglandas sa lalamunan ng binata. "Ikaw din naman ah" anitong tumayo rin saka siya mabilis na inalalayan nang makita ang kanyang pa-ekis na hakbang. "lasing kana. Lika na sa kwarto mo" anitong pinangko siya pagkatapos.
Walang anuman niyang isiniksik ang mukha sa leeg ng binata saka pikit-matang nagsalita. "Para tayong bagong kasal. Ano kayang gagawin sa'kin ng asawa ko kapag nakita ang ayos natin? Sa tingin ko, bubugbugin nanaman ako nun" hindi siya nagmulat ng mga mata pero naramdaman niyang inilapag na siya ni Fritz sa kama. "nahihilo ako Fritz" daing niya.
Tinawanan siya ng binata. "Ikaw kasi, matigas ang ulo mo" pabiro nitong sermon sa kanya.
Noon siya inis na nagdilat ng mga mata saka nagpilit na bumangon. "Pinagtatawanan mo ako?" salubong ang mga kilay niyang tanong. Amused lang siyang pinagmasdan ng binata kaya nagpatuloy siya. " Minsan mo palang akong hinalikan nang hindi ka nakainom. Kasi ang sinasabi mo wala kang lakas ng loob na gawin iyon. Ngayon naisip ko, wala namang problema sa part ko kung ako ang unang hahalik sayo. Kasi alam ko namang in the end you'll kiss me back" pagkasabi niyon ay hinila niya ang batok ng binata saka ito mainit na hinalikan.
Naramdaman ni Julia ang matinding pagkabigla ni Fritz sa ginawa niya kaya marahil hindi ito agad nakahuma. Pero sandali lang iyon dahil halos mawala siya sa sarili niyang katinuan nang sinimulang tugunin ni Fritz nang mas maaalab na halik ang kanya.
Napuno ng excitement ang dibdib niya nang ihiga siya nang binata at ibigay sa kanya ang bigat nito. Noon niya buong pagmamahal na isinuklay ang mga daliri sa malambot na buhok ni Fritz habang nanatili namang magkahinang ang kanilang mga labi.
"I love you so much Lia" anas ng binata nang sandali nitong pakawalan ang kanyang mga labi saka muling inangkin para iwala nanaman siya sa kanyang huwisyo.
Walang panama ang espiritu ng alak sa tindi ng masarap na sensasyong binubuhay at pinag-aalab ni Fritz sa kanyang pagkatao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang impit na ungol nang maramdaman niyang bumaba sa kanyang leeg ang maiinit na labi ng binata. Habang ang kamay naman nito ay nagsimula nang galugarin ang bawat parte ng kanyang katawan.
"Love me Fritz, please?" anas niya. Ikinabigla pa niya ang biglaang paghinto ng binata sa ginagawa. "what is it?" tanong niya nang makitang inihilamos ni Fritz ang isa nitong kamay sa sarili nitong mukha habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"I'm sorry, hindi ko dapat ginawa iyon. I'm so sorry" anitong nagmamadaling tumayo kaya nahihilo man ay minabuti niyang sundan ang binata.
"Fritz!"
Nagtaas-baba ang dibdib ng binata saka siya hinarap. Bakas sa mukha nito ang matinding sakit na dala-dala. "Mahal kita kaya hindi ko kayang samantalahin ang kahinaan mo. At isa pa malaki ang respeto ko sa'yo kaya hindi ko kayang gawin sa'yo ang ginawa ko na noon sa mga babaeng nagdaan na sa buhay ko. I'm sorry, hindi ito kagaya ng iniisip mo, willing akong maghintay. At kung sakaling hindi man dumating ang pagkakataong iyon, tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Para sa ikabubuti mo" ang mahabang paliwanag ni Fritz bago siya iniwan.