PART 14

1161 Words
SUMINGHOT siya saka nagpahid ng mga luha. "ngayon masasabi kong deserved ko ang lahat ng naging treatment sa akin ni Jason kasi kahit minsan hindi naging buo ang pagmamahal ko sa kanya. Palaging nandoon si Fritz, kahati niya" noon siya inabutan ng tissue ni Bessy. Sa dating bahay nila ni Melissa siya nagtuloy. At sa loob ng mahabang panahon masasabi niyang, there's no place like home. Malungkot niyang nilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Ganoon parin naman, may kakaunti lang sigurong kailangang ipaayos pero hindi naman madalian dahil maliliit na butas lang sa bubong. "Ewan ko, pero para sa'kin hindi naman kita masisisi kasi talagang ginawa ng Jason na iyon na miserable ang buhay mo. Kaya nahirapan kang mahalin siya ng buo" si Bessy na nagkibit pa ng balikat. Totoo man iyon pero minabuti niyang hindi nalang kumibo. Ayaw narin niyang pahabain pa ang ang usapan. Tama nang nasabi niya sa kaibigan niya ang lahat ng kailangan nitong malaman. "Thank you nga pala sa trabaho. Hayaan mo makakabawi rin ako sa inyo" pagkuwan ay sabi niya. "Wala iyon, anyway kung gusto mo pwede ka naming patuluyin sa isa sa mga cottages sa resort ng libre? Kasi parang natatakot akong iwan kang mag-isa dito" natawa siya ng malakas nang makitang sinuyod pa ng natatakot na tingin ni Bessy ang buong bahay bago siya tiningnan. "Sira! Bakit naman?" natatawa niyang tanong. Nagkibit-balikat si Bessy. "Tingnan mo naman kasi ang layo sa kabahayan, paano kung dito ka puntahan nung magaling mong asawa? Natatakot talaga ako para sa'yo" nasa tinig nito ang sinabi. Umiling siya. "Okay lang ako, huwag kang mag-alala" paniniyak niya. Sa sumunod na mga araw ay naging abala siya sa paglilinis ng bahay. Naibalik naman niya kahit papaano sa dating itsura nito ang tahanang kinalakhan niya. Ang susunod niyang project ay ang pamimili ng mga ornamental plants para naman magkaroon ng buhay ang kanyang bakuran. Hindi niya maitatangging mas masaya siya sa ganitong buhay. Malaya at simple, may ilang kapitbahay nang nagtatanong sa kanya. Naging tipid naman ang pagsagot niya para hindi na humaba ang usapan at nang sa gayon ay hindi narin siya maging tampulan ng usapan. Naging maayos naman ang unang araw niya sa resort. Marami ang guests ang gustong maligo sa dagat dahil sa init ng panahon kaya nalibang siya ng husto. Lumipas ang buong maghapon nang hindi niya namamalayan. Mula sa resort ay sumakay siya ng traysikel na naghatid sa kanya pauwi. At dahil nga malayo sa kabahayan ay tanging liwanag lang ng buwan ang naging tanglaw niya sa madilim na paligid. Kinuha niya ang susi sa bulsa ng kanyang bag saka kinapa ang susian pero napatalon siya sa pagkagulat nang may magsalita mula sa kanyang likuran. "F-Fritz!" ang pagkabigla ay mabilis na nilamon ng matinding kaba nang makilala ang binata. Lumapit ito sa kanya saka kinuha sa kamay niya ang susi. "Ako na" anito pa saka itinulak pabukas ang pinto pagkatapos. Pinatuloy niya ang binata. Ang dami sana niyang gustong sabihin pero bakit parang nakalimutan na niya ang mga iyon? "K-Kumain kana ba? O baka naman gusto mo ng kape?" ang magkasunod niyang tanong saka itinuro ang mahabang sofa sa binata. Umiling si Fritz na nanatiling nakatitig sa kanya. "I missed you" napipilan siya sa narinig. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa binata. Ipinatong niya ang shoulder bag sa single sofa na katapat ng okupado ni Fritz at nagtuloy sa kusina para ayusin ang biniling hapunan. "Wala na kasi akong time magluto, kaya bumili nalang ako ng lutong ula__" nabitin ang gusto pa niyang sabihin nang maramdaman ang paglapit ng binata. "Nakakatuwa, parang hinihintay ka ng bahay na ito. Walang nagbago, parang hindi naluma sa tagal nang panahon na naiwan siyang mag-isa" makahulugang turan ni Fritz nang lingunin niya ito. Huminga siya ng malalim. "Magluluto lang ako ng kanin, ipagtitimpla kita ng kape. Upo ka muna" aniyang itinuro ang silya ng mesa sa binata. "Mukhang mapapadalas ang punta ko rito" ang binata nang ilapag niya sa harapan nito ang tasa ng kape. Salubong ang mga kilay siyang napatitig rito. "Ano?" Hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari. Hinila siya ni Fritz kaya naman napaupo siya sa kandungan ng binata. "Dito ako matutulog ha?" wala sa loob siyang napapikit nang bumalandra sa mukha niya ang hininga ng kaharap. "H-Hindi pwede, alam mong hindi pwede" tanggi niya saka pinakawalan ang sarili sa binata. Minabuti niyang tunguhin muli ang kusina para mabawasan kahit papaano ang tension pero sinundan siya ni Fritz. "Please Lia?" nakikiusap nitong sabi saka siya niyakap mula sa likuran. Humaplos ng husto sa puso niya ang ikinilos na iyon ni Fritz. "A-Ano nalang ang sasabihin ng mga tao Fritz? Baryo natin ito, imposibleng walang makakita sa atin. At isa pa nakakahiya sa pamilya mo" paliwanag niya saka muling tinakpan ang kaldero ng niluluto niyang kanin. Napasinghap siya ng malakas nang bigla siyang ipinihit ng binata paharap rito. "Right, I understand. Pero__" ang binatang ibinitin ang iba pang nais sabihin at sa halip ay malalagkit ang mga titig siyang pinagmasdan. "Birthday ko na sa Sunday, kung okay lang gusto sana kita i-invite na mag-dinner?" ani Fritz. Pinagtawanan niya ang sarili sa sinabing iyon ng binata. "Oh, I'm sorry nakalimutan ko! Sure, iyon lang pala eh. Walang problema!" Noon ginagap ni Fritz ang kamay niya saka hinalikan. "Thanks to you" anito habang titig na titig sa kanya. "You're welcome" aniya. KINABUKASAN malakas na katok sa pinto ang gumising kay Julia. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang nasa labas. "Jason!" aniyang umakmang isasara ang pinto pero maagap siyang nahawakan sa braso ng asawa at hinila papasok. "Nandito ka lang pala kung saan-saan kita hinanap!" anito sa malakas na tinig. Bakas sa mukha nito ang tila pagpipigil ng galit. Nakipagsukatan siya ng tingin kay Jason, sa kalaunan nagbawi rin ng tingin ang lalaki. "Umalis kana" matigas ang tinig niyang sabi. Noon sinuklay ni Jason ng mga daliri nito ang sarili nitong buhok. "I'm sorry, pangako magbabago na ako, umuwi kana miss na miss na kita" anito sa nagsusumanong tinig. Sa narinig ay agad na nagbalik sa kanyang alaala ang eksena sa restaurant kung saan nakita niya si Jason na may kahalikang ibang babae. "Umalis kana! Napatawad na kita pero wala na akong planong makipagbalikan sayo!" deretsahan niyang sagot. Mabilis na sumiklab ang galit sa mga mata ni Jason dahil sa narinig. "Ako ang lalaki kaya ako ang dapat masunod!" mataas ang tinig nitong sabi. Nabigla man ay sinikap niyang huwag magpahalata saka muling nagsalita sa matigas na tinig. "Umalis kana Jason! Umalis kana!" Nagtaas-baba ang dibdib ni Jason bago napipilitang humakbang palabas. "Babalikan kita, hindi pa tayo tapos!" banta nito bago tuluyang lumabas ng bakuran. Nang marinig ang ingay ng sasakyan nito ay noon siya tila nanghihinang napaupo. Ngayon naniniwala na siya kay Bessy. At bago pa man may mangyaring pwedeng niyang pagsisihan, tatanggapin na niya ang matutuluyang iniaalok nito. Wala siyang choice, dahil mukhang walang balak si Jason na pakawalan at patahimikin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD