PART 10

2513 Words
HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata. Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito."F-Fritz?" nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. "huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?" sermon pa niya saka ito pinatuloy. Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz. "Sounds like a real wife" ang binatang tumawa ng mahina. "hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang" anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito. Lalong naghurumentado ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Nang tingalain niya ang binata nakita niya ang maliliit na apoy sa mga mata nito. Agad na nag-init ang mukha niya dahil doon. "Parang noong hinalikan kita sa bahay, sa tingin mo ba magagawa ko iyon kung hindi ako nakainom?" anitong pinadaanan ng hintuturo ang paligid ng kanyang labi. "pero nung nahalikan na kita, bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob para kaibiganin ka? May magic ba talaga ang mga labi mo?" Nanuyo ang lalamunan niya sa narinig. "I-Ibig sabihin alam mo iyon? G-Gising ka n-noon?" Nahigit ang paghinga niya nang umangat ang sulok ng labi ni Fritz. Lalong lumitaw ang pagiging mestisuhin nito dahil sa pamumula ng mukha nito gawa ng pag-inom ng alak. "Magagalit ka ba kapag sinabi kong oo?" anitong inilapit ng husto ang mukha sa kanya. Umiling siya bilang tugon saka pinilit na pakawalan ang sarili mula sa binata. "U-Umupo ka muna, ipagtitimpla kita ng kape" aniyang tinungo ang kusina pagkatapos. "Wala kang kasama?" ang binata nang balikan niya at ilapag ang kape sa harapan nito. Naupo siya sa katapat na sofa ng binata. "Hindi ba nasa ospital pa ang tita? A-At saka, hindi na kasi kami dito titira" aniya sa mababang tinig. Nabitin sa ere ang hawak na tasa ng binata na ibinaba rin nito pagkuwan. "W-What do you mean?" "Sa Maynila na kami mag-i-stay, kasi bukod sa doon nagpapagamot ang tita. Pinaaasikaso na kasi ni Tita Hilda ang kasal namin ni Jason. In three months time baka maikasal na kami" minabuti niyang huwag ng tingnan si Fritz dahil nahuhulaan narin naman niya ang reaksyon nito at ayaw niyang makita iyon. Tumawa ng mahina ang binata. "Life is so unfair" bulong nito. Noon niya itinaas ang ulo. "I-I'm sorry" nag-iinit ang mga mata niyang sambit. Mataman muna siyang pinakatitigan ng binata saka pagkatapos ay nakakaunawang ngumiti. "Come here" anitong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan nito. Kusa siyang napasunod at natagpuan nalang niya ang sariling nakahilig ang ulo sa balikat ng binata habang naka-akbay naman si Fritz sa kanya. Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso ni Fritz. Noon niya kusang ginagap ang kamay ng binata saka iyon hinalikan. "I love you so much Fritz" amin niya sa kauna-unahang pagkakataon saka tiningala ang binata. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata. "This is the best day of my life, alam mo ba?" ang binata sa nag-uulap na mga mata. Noon niya inilayo ang sarili sa binata saka ito hinarap. "Marami pang magaganda na pwedeng mangyari sa buhay mo, maniwala ka" aniyang saka hinawakan ang mukha ng binata at masuyong hinaplos. Umiling si Fritz. "Bukas pag-alis mo mamamatay narin ako, titigil na sa pagtibok itong puso ko. Mabubuhay lang ulit ako pagbalik mo, at hihintayin ko ang araw na iyon. Hihintayin ko ang panibagong buhay na iyon galing sa'yo." Mabilis na nag-init ang mga mata ni Julia sa narinig. "F-Fritz" ang nagsusumamo niyang turan. Marahang hinaplos ng binata ang kanyang mukha. "Sa second life ikaw parin ang mamahalin ko. At doon hindi na ako papayag na may mauna sa akin sa'yo" at tuluyan na nga siyang napahagulhol ng iyak. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata at doon umiyak ng umiyak. Hindi niya maintindihan kung bakit kinailangan pang mahulog at mapamahal siya sa binata gayong maghihiwalay rin pala sila? At bakit kailangang ganito kasakit ang ending nilang dalawa? Tinuyo ng binata ang mukha niya makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay inayos nito ang nagulo niyang buhok at buong pagmamahal na hinagod ng tingin ang kanyang mukha. "Pwede bang humingi ng favor sayo?" ang binata. Tumango siya. "Anything" totoo iyon, dahil nang mga sandaling iyon kahit siguro ang sarili niya kaya niyang ibigay sa binata sakaling hingin nito iyon. "Pwede bang kahit sandali lang, kahit ngayong gabi lang maging tayo? Para maranasan ko naman kung paano ang feeling ng mahalin mo?" si Fritz sa nakikiusap na tinig. Napangiti siya saka pinagmasdan ang mukha ng binata. "Oo naman, iyon din ang gusto kong sabihin sa'yo. Naunahan mo lang ako" pagsasabi niya ng totoo saka hinubad ang singsing sa kanyang daliri. "Hey, what are you doing?" nang ilagay niya sa malinis na ash tray ang singsing. "Tayo nga di ba?" paalala niya saka bumalik sa kaninang pagkakahilig sa balikat ng binata. Tumawa ng malakas si Fritz sa ginawi niyang iyon. "Dito ako matutulog? Pwede?" Tumango siya ng nakangiti. "Natatakot ako baka may multo!" nagkukunwari niyang sabi saka yumakap ng mahigpit sa binata. "Someday magpapatayo ako ng malaking bahay para sa'tin. Ganito rin, malayo sa kabahayan parang hari siyang titingalain ng lahat ng makakakita sa kanya. Pwedeng sa itaas ng burol, kung sakali saan mo gusto?" tanong ni Fritz saka hinalikan ang kanyang ulo. "Sa Tagaytay, maganda doon. Gusto ko pagkagising ko bubungad sa akin sa may veranda ang lake. Gusto ko rin ng swimming pool, iyong guitar-shaped" saka niya nakangiting sinulyapan si Fritz. "Guitar-shaped? Bakit iyon?" amused nitong tanong sa kanya. Napakagat-labi siya saka kinurot ang pisngi ng binata. "Kasi di ba gitara ang naglapit sa'ting dalawa?" paalala niya. Biglang nagseryoso ang mukha ni Fritz dahil sa sinabi niyang iyon. "Hihintayin kita, promise me babalik ka?" anas nito. Ginagap niya ang kamay ng binata saka hinalikan ang bawat daliri niyon pagkatapos ay inilagay sa tapat ng kanyang puso. "Promise, kahit nasaan ka pa alam ko magkikita at magkikita pa rin tayo kasi may sariling GPS ang mga puso natin" biro pa niya. Hindi tumawa ang binata at sa halip ay niyuko siya at mabilis na hinalikan sa paraang hindi na siya nakapagprotesta pa dahil kulong na ng mga labi nito ang kanya. At kahit sabihin pang iyon ang kanyang first real kiss, naging very accommodating naman si Fritz sa kanya dahil hinayaan siya nitong tumugon sa paraang alam niya at kumportable siya. Iwinala siya sa kanyang sarili huwisyo ng halik na iyon pero hindi si Fritz dahil alam nito kung saan at kailan dapat tumigil. At kahit sabihin pang nasa binata na ang lahat ng pagkakataon para makuha siya, iginalang parin siya nito. Nakatulog siya ng mahimbing habang yakap ng binata. Malaya niyang naririnig ang malakas na t***k ng puso nito.Masayang-masaya siya, at kagaya ni Fritz, babaunin niya ang magandang gabing iyon sa puso at isipan niya hanggang sa muli nilang pagkikita. Present Day... NAMASA ang mga pisngi ni Julia sa daloy ng mga alaala. Masasabi niyang hindi niya lubusang nakalimutan si Fritz. At sa mga pagkakataong mag-isa siya, lalo na kapag nagkakaroon sila ng problema ni Jason, itinatanong niya sa sarili kung ano kaya ang posibleng buhay niya ngayon sakaling si Fritz ang pinili niya noon. Isang taon matapos ang treatment ni Melissa ay pumanaw rin ang tiyahin niya hindi dahil sa sakit nito kundi sa isang vehicular accident kasama ang biyenan niyang si Hilda. Nang mga panahong iyon kasi ay mag-iisang taon narin silang kasal ni Jason. Maayos pa naman ang pakikitungo sa kanya noon ng asawa. Mabait ito at malambing, kaya masasabi niyang natutunan niya itong mahalin sa paraang alam niya. Nagsimula lang namang magbago si Jason sa kanya nang mapag-alaman nila ang pagiging baog nito. Naging sobrang seloso ito. Sa loob ng mahabang panahon ay tiniis niya ang kalbaryong buhay sa piling ni Jason. Oo nga't walang problema rito pagdating sa pera. Isang taon pagkamatay ni Hilda ay nakapag-asawang muli ang ama ni Jason sa America. Ang totoo hindi siya masyadong malapit sa biyenang lalaki. Dahil bukod sa paglalagi nito sa America dahil sa mga negosyo nito doon na involve sa real estate ay likas na tahimik ang ama ni Jason. Mas malapit siya kay Hilda na sumakabilang buhay na nga. Real estate rin ang negosyo ng asawa niya sa Maynila. Bukod pa iyon sa malaki nitong share sa kompanya ng ama nito sa America at ang lahat ng bahagi ni Hilda doon na naiwan rin sa kabiyak niya. Buhay reyna siya kung tutuusin. Malayo sa kinalakhan niyang hikahos na pamumuhay sa probinsya. Pero sa kabila ng lahat, hindi siya masaya. Ayaw man niyang pagsisihan ang ginawang pagpapakasal kay Jason dahil ang totoo ginawa naman niya para kay Melissa, ay hindi niya mapigilan ang sarili. Sa isiping iyon ay hindi niya napigil ang mapahikbi. Nagpahid siya ng mga luha nang mailibot ang tingin sa malawak na silid. Sa puso niya, it feels like home. Siguro dahil alam niyang mabuti ang kalooban ng binatang nakatira doon. At kailangan rin niyang amining hindi nawala ang pagmamahal niya para sa binata. Hindi naman iyon pagiging salawahan, pero may pagmamahal kasing natututunan. Mayroong dumadaan lang tapos mawawala na, pero ang kanya para kay Fritz? Isang pagmamahal na umusbong sa kanyang puso, dinaanan man ng unos at bagyo dahil sa pagkakalayo nila, ang lahat ng magagandang alaalang pinagsaluhan nila ang nagsilbing sikat ng araw at tubig ulan na nag-alaga kaya hindi iyon namatay. Nanatili iyon sa puso niya sa loob ng napakatagal na panahon. KINABUKASAN mataas na ang araw nang magising siya. Puno ng kasabikan niya tinungo ang pintuan palabas ng veranda saka binuksan. Sinalubong siya ng mabangong hangin. Makapal ang hamog na tumakip sa lawa na nakadagdag sa ganda ng paligid. Napakislot siya nang mula sa kinatatayuan ay nakarinig nang kung anong bumagsak sa tubig. Nanungaw siya, si Fritz na naglalangoy sa guitar-shaped pool na nasa ibaba. Noon siya natawa ng mahina. Ang bahay, ang pool.Ang lahat ng iyon ipinangako sa kanya ni Fritz noon at nakikita niya ngayon. Nangangahulugan lang na isinapuso ng binata ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Pinigil niya ang mapaiyak at nagtagumpay naman siya. Lihim niyang hinangaan ang lean na pangangatawan ng binata. Tuluyan na ngang naglaho ang bansot at maharot na kaklase niya noong elementary. Kung ang Fritz noong mag-kolehiyo sila ay mestisong napaka-gwapo ngayon mas matured na ang version ng tisoy na iyon. Kaya masasabi niyang marahil hindi lang iilang babae ang nagkakandarapa rito ngayon. Dahil kung taas, itsura at pangangatawan si Fritz ang para sa kanya ay isang perpektong halimbawa ng salita hunk. Napakislot siya nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok sa dahon ng pinto. Tinungo niya iyon, si Manang Ruping. "Pinatatawag ka ni Fritz, nasa pool side ang almusal ninyo" anitong tinalikuran siya pagkatapos. Bigla man ang kabang naramdaman niya ay ginawa parin niyang mabilis ang pagbibihis at pag-aayos ng sarili. Suot na ni Fritz ang cotton robe nito at kasalukuyang kinukuskos ng twalya ang basa nitong buhok nang malabasan niya ang binata. "Good morning!" ang ngiting-ngiti nitong bati sa kanya saka hinila ang isang silya at pinaupo siya. Mabilis niyang iniiwasang paningin sa malapad na dibdib ng binata na nahantad dahil sa hindi pagkakabuhol ng suot nitong roba. "Good morning" aniyang naupo. Tahimik ang ginawang pag-aasikaso sa kanya ni Fritz. Ilang sandali lang sinimulan nilang kumain, ang binata rin naman ang unang bumasag ng katahimikan sa paligid. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos kumain?" Nag-angat siya ng tingin sa narinig. "Wala kang pasok?" Humigop muna ng kape ang binata bago sinagot ang tanong niya. "Nag-file ako ng indefinite leave." Matagal niyang tinitigan si Fritz. "Seriously? D-Dahil ba...?" makahulugan niyang tanong. Tumawa ng mahina si Fritz. "To tell you the truth, yes." "Hindi mo naman kailangang gawin iyon eh, okay lang ako dito" aniyang napapahiyang nagbaba ng tingin. Umiling ang binata. "Kahit sabihin mong seven years tayong nagkahiwalay hindi ko naman nakalimutan kung papaano ka basahin. I know you need a friend, at nandito ako hangga't kailangan mo" sa tono ng pananalita ni Fritz alam niyang useless rin kung ipipilit niya ang gusto kaya hindi nalang siya kumibo. "I never thought you being so quiet alam mo ba?" ang binata ng hindi siya magsalita. Ngumiti siya. "Ganoon talaga, ang lahat naman nagbabago eh" aniya. Umangat ang mga kilay ni Fritz sa paraang hindi kumbinsido. "May exemption ang changes I believe" anitong makahulugan siyang tinitigan. Lumapad ang pagkakangiti niya. "Really? "Yes!" "Sige nga, ano?" Muling dinampot ni Fritz ang tasa nito ng kape saka inubos. "True love. Hindi nagbabago, hindi namamatay" hindi siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ang binata. "Alam ko, kahit hindi ka magsalita natatakot ka. Pero gusto ko lang ipaalala sa'yong I'm here. Hindi kita iiwan at wala akong planong iwan ka, gaano man kahirap, gaano man ang panganib. Sasamahan kita dahil mahal na mahal kita." Nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan ang binata. "W-What?" Noon ginagap ng binata ang palad niya saka iyong pinisil. "All my life isang babae lang ang minahal at pinangarap ko, at ikaw iyon Lia." Ikinurap-kurap niya ang mga mata para matiyak na hindi siya nananaginip lang pero nasa harapan niya ang katibayan na totoo ang lahat ng narinig niya. "F-Fritz, I'm married" paalala niya. "I know, hayaan mo akong damayan kita. Alam ko may pinagdaraanan kang hindi mo kayang ipagtapat sa akin ngayon, but I'm sure kagaya ng pagbabalik mo sa'kin ngayon, darating ang araw na masasabi mo rin sa akin ang totoo. You know, hindi naman ako magsasawang maghintay, lalo na kung para sayo." Humaplos sa puso niya ang sinabing iyon ng binata kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. "Baliw ka talaga!" biro niya sa kagustuhang hawiin ang kakaibang hangin sa paligid. "So paano, shopping tayo? Napansin ko wala kang dalang kahit anong personal na gamit eh" ramdam niya ang excitement sa tono ng pananalita ni Fritz. Nagkibit siya ng balikat. "Okay, may cash pa naman ako eh" aniyang tumango. Umiling ang binata. "Hindi na, treat ko na" giit ng binata. Napalabi siya saka nag-isip. "Nakakahiya naman sa'yo" totoo iyon sa loob niya. "Wala iyon, kahit ano para sayo. So paano sa itaas na'ko? Hintayin kita sa garahe after twenty minutes?" Natawa siya ng malakas. "Parang alam mong matagal akong magbihis ah?" "Glad to see you happy, sana magtuloy-tuloy na iyan" pagkatapos ay iniwan na siya ng binata. Naiwan siyang nakasunod sa bulto ng binata. Kanina habang kumakain sila sandali niyang nakalimutan ang asawang si Jason. Sa pagkakaisip sa kabiyak ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang excitement na nararamdaman niya kanina. Napalitan iyon ng pag-aalala. Ano na nga ba ang plano niya? Ang dapat niyang gawin? Ang totoo isa lang ang nakikita niyang solusyon sa para matapos na ang lahat ng kalupitan sa kanya ni Jason. Legal separation. Pero ang bagay na iyon ay kailangan niyang pag-isipan ng mabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD