PART 8

1596 Words
GAYA ng inaasahan sumapit ang araw ng pagdating nina Hilda at ng anak nitong si Jason. Sa isang hotel sa bayan nagtuloy ang mga ito na kinatagpo naman nilang magtiya sa isang mamahaling restaurant sa bayan rin mismo. "Sigurado akong magkakasundo kayo, hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mga edad ninyong five years" si Hilda na panay ang sulyap sa kanya ng may paghanga. Nahihiya siyang ngumiti saka muling niyuko ang plato. Mayamaya makalipas ang ilang sandali nang mapuna marahil ni Jason na tapos sa siyang kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Ang totoo wala siya sa mood nang mga sandaling iyon, pero dahil ayaw nga naman niyang ipahiya ang tiyahin ay nagpaunlak siya. "Napaka-tahimik mo" si Jason nang nasa dance floor na sila. Ngumiti siya sa kasayaw. Nakakapagtakang kahit sabihin pang hawak nito ang isa niyang kamay at hapit ang kanyang baywang ay walang kahit anong kuryente siyang nararamdaman. "I'm sorry, medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko" pagdadahilan niya kahit ang totoo inip na inip na siya at gusto na niyang umuwi. Noon nag-flashed sa kanya ang perpektong set ng ngipin ni Jason. "I really like you, I actually want to marry you" prangka nitong sabi kaya siya natigilan. "Ha?" hindi makapaniwala niyang bulalas. "You heard me right, pero kung ayaw mo pa I understand. You're only eighteen, very young kaya kung sakali gusto ko nalang gawing mas maaga ang engagement nating dalawa" sa tono ng pananalita ni Jason ay parang kontrolado nito ang buhay niya. Mabilis siyang nairita dahil doon. "Teka nga, hindi naman pwede iyong ikaw lang ang parang may karapatang magdesisyon. Nasa akin ang pagpapasya kung pakakasal ako sayo o hindi okay?" mataray niyang sabi sa mahinang tinig. Tinawanan lang siya ng binata. "Pakipot, totoo nga ang sinabi ni Mom, kayong mga Pinay mahilig magpakipot. Pero mas gusto ko iyon, I love challenges." Hindi na siya nagsalita para maiwasan ang paghaba ng usapan. Sa isip niya, hindi niya hahayaang makasal siya sa lalaking hindi niya mahal. Dahil alam naman niyang sa dakong huli siya rin ang mahihirapan. "ANO? Hindi ba napaka-unfair naman nun para sa side mo?" hindi makapaniwalang bulalas ni Fritz nang araw na ipagtapat niya rito ang tungkol sa pakikipagkasundo sa kanya ni Melissa kay Jason. Tumango siya saka malungkot na nagsalita. "Kailangan, iyon lang ang paraang nakikita ko para matulungan ko sa lalong madaling panahon ang tita" aniya. Noon tumayo sa harapan niya si Fritz, hinawakan ang magkabila niyang balikat saka mahinang niyugyog. Animo'y ginigising siya ng kaibigan sa isang malalim na bangungot. Sinalubong niya ang mga titig nito, saka siya napaluha. "A-Ayokong magpakasal sa kanya Fritz, pero wala akong choice" impit siyang napahagulhol pagkatapos. Nagtangis ang bagang ng binata saka nagsalita. "Sumama ka sa'kin, itatanan kita!" Napamulagat siya sa narinig. "A-Anong s-sinabi mo?" hindi makapaniwala niyang tanong. Sa halip na sumagot ay mahigpit siyang niyakap ni Fritz. Naguguluhan man ay hinayaan lang niya ito. Naramdaman niya ang mahinang pagyugyog ng mga balikat ng binata, umiiyak ito. Bakit? At tuluyan na nga siyang napahagulhol. "Hindi pa siguro ako kasing yaman ng Jason na iyon ngayon, pero ipinapangako ko sa'yong bibigyan kita ng magandang buhay. Huwag mong isugal ang kinabukasan mo sa taong hindi mo naman mahal Lia, hindi ka magiging masaya sa kanya" parang tinarakan ng punyal ang dibdib niya sa nakitang ayos ng kaibigan nang titigan niya ito habang umiiyak. "F-Fritz, hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sagipin ako. Mas maganda ang magiging future mo kay Cristine" aniya saka hinaplos ang mukha ng binata. Wala siyang narinig na anumang sagot galing sa binata. Tinitigan lang siya nito ng matagal saka pagkatapos ay inayos ang sarili saka na kumilos at sumakay sa traysikel. Gaya ng dati sa labasan ng memorial park siya iniwan ni Fritz. Pero iba ang klase ng tinging iniwan sa kanya ng binata nang sulyapan siya nito. At totoong nakaramdam siya ng pamimigat ng dibdib kaya muli ay umagos ang kanyang mga luha. Bakit ba noon lang niya narealized na mahal na niya si Fritz? Na sa loob ng isang buwan nilang pagkakaibigan ay nauwi ang damdaming iyon sa mas espesyal na pakiramdam? Ngayon siya nakaramdam ng takot at pagkalito? Ano na ang gagawin niya? Ipaglalaban ba niya ang nararamdaman para sa binata o ibibigay ang gusto ng taong nagtaguyod at umaruga sa kanya? NANG gabing iyon inatake naman ng matinding pag-ubo nito si Melissa. Iyon ang gumising sa pagtulog ni Julia para lang mapatigalgal nang makita ang duguang panyo na siyang itinatakip ng tiyahin sa bibig nito. "Dadalhin ko kayo sa ospital!" nagmamadali niyang sabi saka nagtatakbo palabas ng bahay para tumawag ng masasakyan. Sa ospital sa bayan niya dinala ang tiyahin kasama ang pinsang si Liam na nakasalubong niya sa kalsada. "Alam na ba ito ni Fritz?" habang nasa lobby sila at naghihintay sa paglabas ng doctor mula sa emergency room ay tanong sa kanya ng pinsan. Umiling siya. "Sa tingin mo, dapat ko pa bang sabihin sa kanya?" naiiyak niyang tanong. Nahahabag ang tinging ipinukol sa kanya ni Liam. "Oo naman, may karapatan siyang malaman, higit kanino man. Sandali tatawagan ko siya" pagkasabi noon ay tumayo na ito at saka nagdayal sa hawak na cellphone. Noon naman ang tamang paglabas ng emergency room ang doctor na siyang tumingin kay Melissa. Agad niya iyong nilapitan."Tatapatin kita hija, stage three na ang lung cancer ng tiyahin mo. Kailangan niyang dumaan sa masusing gamutan gaya nalang ng chemotherapy. Mas makabubuti kung sa Maynila mo siya ipagagamot, doon mas advance ang mga aparato, may kamahalan nga lang" anito sa kanya. Mabilis na umagos ang kanyang mga luha. "A-Ano ho?" "Pasensya kana hija, iyon lang ang tanging paraan. Kung hindi naman, masasabi kong hindi narin magtatagal ang panahong makakasama mo siya. Maiwan na muna kita, may ibang pasyente pa ako" pagkasabi noon ay iniwan na siya ng manggagamot. "Anong sinabi niya?" nang makalapit sa kanya si Liam at nakita ang kanyang anyo. Nilinga niya ang pinsan saka umiiyak na inulit rito ang sinabi sa kanya ng doctor. "B-Bakit ganoon? Wala naman kaming pera, bakit kami pa? Bakit ang tita pa?" himutok niya habang umiiyak na nakayakap sa pinsan. Hindi sumagot si Liam sa sinabi niya nang mula sa likuran ay nakitang papalapit sa kinaroroonan nila si Fritz. Mabilis niyang inilayo ang sarili kay Liam saka patakbong sinalubong ang paparating na binata. Mahigpit na yakap ang iginanti nito sa kanya habang siya ay humahagulhol na ngayon ng iyak. Sa isip niya, hindi lang ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Melissa ang dahilan ng pag-iyak niya. Kasama na roon ang katotohanang isang tao lang ang alam niyang pwede niyang lapitan para maipagamot niya ang tiyahin. Walang iba kundi si Jason. Pero tiyak na may kapalit, at napakasakit man wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang magtiis. "Kaya kong maghintay ng kahit ilang libong taon. Ang oras kasi palaging maikli sa kahit sinong nangangailangan nito pero sa mga taong nagmamahal ng totoo, it is timeless, it is forever" Lalong humigpit ang pagkakayakap niya kay Fritz sa naalala. Kung panghahawakan mo ang sinabi mong iyon Fritz, ipinapangako kong hindi ako mapapagod umasa, kahit malabo aasa akong magkakasama rin tayo, kasi naniniwala ako sa salita mo. "ANONG plano mo ngayon?" nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital. Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. "M-Magpapakasal ako kay J-Jason" aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig. Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. "L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal" sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya. "W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?" kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan. Noon ginagap ng binata ang kamay niya saka masuyong hinalikan. "Gusto kong magalit sa sarili ko Lia, bakit wala akong magawa? Bakit wala akong silbi?" basag narin ang tinig ng binata. Umiling siya. "Masaya na akong naging kaibigan kita. At kahit maikling panahon lang ang ibinigay sa'tin para magkasama, you have given me so much memories to remember and to look back. Hinding-hindi kita makakalimutan Fritz, you will always be a part of me" dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, gusto kong sabihin sa'yo pero wala ako sa lugar. At isa pa ayokong may masaktang iba. Ang gusto sana niyang idugtong pero minabuti niyang huwag nalang. Hindi umimik ang binata at nanatiling nakatitig lang sa kanyang mukha. Alam niyang malapit na silang magkahiwalay ni Fritz. At alam niyang malapit narin ang araw na ang lahat ng pinagsamahan nila, ay babalikan nalang niya sa kanyang alaala. Baka sa ibang panahon, baka hindi pa ngayon. Habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong bulto ng binata ay muli siyang napaluha. Hindi siya manhid para hindi mapuna ang kakaibang damdamin sa mga mata nito para sa kanya. Pero mahal niya si Melissa. Alam niyang hindi birong gamutan ang kakailanganin nito para makaligtas sa tiyak na kamatayan. At tanging si Jason at ang ina lang nito ang may kapasidad na tulungan sila. Well at least kung pakakasal siya Kay Jason, masasabi niyang patas sila ng binata. Mas nakalalamang pa nga siya kung tutuusin dahil mukhang seryoso ito sa kanya. Iyon nalang siguro ang titingnan niyang dahilan para makalimot. Para maibaling niya kay Jason ang pagtinging mayroon siya para kay Fritz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD