PART 7

1284 Words
"LAMBUTAN mo kasi ang mga daliri mo" ang tumatawang saad ni Fritz. Araw iyon ng Sabado, nagdahilan siya kay Melissa na maglilibot sa mall. Mahigit isang linggo narin silang nagpupunta sa memorial park ng binata. Gaya ng napagkasunduan, naging lihim ang kanilang pagkakaibigan. At kahit hindi niya aminin, totoong mas sweet nga ang friendship nila dahil patago. Napasimangot siya. Kahit sabihing hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan nilang dalawa, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman sa binata. Gaya nalang ng pagkainis na nararamdaman niya ngayon. "Ayoko na nga!" bugnot niyang sagot saka ibinaba sa Bermuda grass ang gitara, tumayo saka sumakay sa sidecar ng traysikel na dala ni Fritz. Amuse siyang pinagmasdan ng kasama. "Hindi ka matututo kung ganyan ka" sa kalaunan ay natawa narin ang binata. Umikot ang mga mata ni Julia saka inirapan ang binata. "Di hindi na! Hindi naman ako mamatay kahit di ko 'yan matutunan no!" Malapad ang pagkakangiting tumayo si Fritz saka nakangiting dinampot ang gitara. "O ba't ganyan kang tumingin?" pagtataray niya. Umiling lang si Fritz saka makahulugang ngumiti. "Hindi mo dapat na basta-basta nalang isinusuko ang isang bagay na gustong-gusto mo. Kasi kung minsan kailangan lang itong paghirapan. Parang sa love, kahit malabo ang chance, pakinggan mo parin ang ibinubulong ng mas nakakaalam, ang puso mo" ang mahabang salaysay ng binata. Napangiti siya sa narinig. Mayamaya pa ay hindi niya nakontrol ang mapabungisngis nang simulang tugtugin ni Fritz ang kantang Longer. At habang humahakbang ito palapit sa kanya ay sinimulan rin iyong awitin ng binata. Dama niya ang matinding pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa hindi maipaliwanag na kilig na nararamdaman. Dahil habang inaawit ng binata ang kanta, hindi niya maipagkakamaling ang kakaibang lagkit ng mga titig nito sa kanya ang isa pang nagdadala ng matinding discomfort sa kanya in a very nice way. Natapos ang kanta pero nanatiling nakatayo parin sa harapan niya ang binata. Habang siya naman ay nakatingala rito. Hindi parin nagbabago ang t***k ng puso niya. "Sa tingin mo, pwede kayang mangyari sa atin iyong nangyari sa kanta?" iyon ang tila nagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Huh?" Tumawa ng mahina si Fritz saka siya niyuko. Malakas ang singhap na kumawala sa kanya nang maramdaman niya ang mainit nitong labi sa kanyang noo. "Naniniwala akong mangyayari iyon, at hihintayin ko ang pagkakataong iyon" noon niya nakuha ang ibig nitong sabihin. "Sira ka talaga ano? May girlfriend kang tao kung anu-ano ang mga sinasabi mo" ang naisatinig niya. "Halika na? Hanggang saan kita ihahatid?" ang sa halip ay isinagot sa kanya ni Fritz. "dating gawi?" Tumango siya. "Oo, sa labas lang ng memorial park, mahirap na. Kapag nalaman ng tita siguradong hindi na kita pwedeng kausapin" pag-amin niya. Nakita niya ang pag-aalangan ng binata nang masuyo nitong hinawakan ang kanyang kamay. Malakas na boltahe ng kuryente ang naramdaman niya dahil sa ginawang iyon ni Fritz na pinagsikapan niyang huwag ipahalata kahit nang pisilin ng binata ang palad niyang hawak nito. "Hindi mo alam kung gaano mo akong napapasaya sa simpleng pagkakaibigan ito. No exaggeration pero I'm looking forward to see you everyday. Pangako hindi ko sasayangin ang lahat ng sakripisyo mo" naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Fritz na totoo sa loob nito ang sinabi kaya siya matamis na napangiti. "Same here, never pa akong nagkaroon ng guy bestfriend alam mo ba?" totoo iyon. Umangat ang makakapal na kilay ng binata. "Ows? Si Liam? Hindi ba close kayo nun?" Pabiro niyang hinampas ang balikat ng kaibigan. "Pinsan ko siya, pero ang totoo kung hindi lalaki ang ulo mo I have to admit na mas close na ako ngayon sayo kaysa sa kanya. Ikaw ba naman, hindi pa ba obvious itong ginagawa kong pagsisinungaling sa tita ko makasama lang kita?" sa huling tinuran ay napangiwi siya lalo nang mapuna ang nanunuksong ngiting sumilay sa mga labi ni Fritz. Noon siya tuwang-tuwang kinabig ng binata at niyakap ng mahigpit. "Sige bago ko pa bigyan ng mas nakakakilig na meaning iyong huling sinabi mo, lumakad na tayo" pagkasabi niyon ay pinakawalan na siyang binata. "Lia?" muling untag sa kanya ni Fritz nang nasa harapan na ito ng manibela. "Ano?" Mataman siyang pinagmasdan muna ng binata bago ito nagsalita. "Tanong ko lang, hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo?" Natatawa niyang ikinurap-kurap ang mga mata sa tanong na iyon saka pagkatapos ay tumawa. "Anong klase ba namang tanong iyan Fritz Joseph Lerios?" Nagkamot ng ulo nito ang binata. "Tsk, edi tanong! Sige na sagutin mo na" pilit nito. Noon siya nangingiting tumahimik. Pumasok sa isip niya ang kanyang tiyahin. "Kaya kong ipagpalit ang sarili kong kaligayahan para sa ikabubuti niya" saka niya nilinga ang kaibigan. "eh ikaw?" "Sigurado ka gusto mong marinig ang sagot ko? Baka mag-nosebleed ka?" sagot ni Fritz. "Wala ng maraming pasakalye" aniya. Tumango ng nakangiti si Friz habang nakatingin sa kanya. "Kaya kong maghintay ng kahit ilang libong taon. Ang oras kasi palaging maikli sa kahit sinong nangangailangan nito pero sa mga taong nagmamahal ng totoo, it is timeless, it is forever" madamdaming hayag ni Fritz. Hinipo ang puso niya hindi lang ng sinabing iyon ng binata kundi mas higit ng damdaming nabasa niya sa maiitim nitong mga mata. Pakiramdam pa nga niya kahit marahil hindi magsalita si Fritz, titigan lang niya ang mga mata nito ay mababasa niya ng buo ang lahat ng salitang sinabi nito kanina. "Chances are endless para sa mga taong nagmamahal ng buong puso at totoo" dugtong pa ng binata nang manatili siyang tahimik. SA paglipas ng mga araw ay lalong naging malapit si Julia kay Fritz. Lalong higit na lumalim ang pagkakaibigan nila dahil umabot na si Julia sa puntong nakapagkukwento na siya ng personal na impormasyon tungkol sa sarili niya sa binata at ganoon rin naman ito sa kanya. Maging ang tungkol sa pagtatangka ng tiyuhin ni Fritz sa nanay niya noon ay naikwento narin niya sa binata. "I'm sorry, to tell you the truth wala akong alam sa bagay na iyon. Ang alam ko lang nakakulong si tito Gardo, pero hindi ko alam na nanay mo pala ang pinagtangkaan niyang i-r**e" nasa tinig ni Fritz ang matinding insecurity. Tumango siya saka hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Akala ko ba matatag tayo? Don't tell me iyon lang ang sisira sa pagkakaibigan natin?" aniya sa mababang tinig. Nakangiti siyang tinitigan ng binata. "Hindi naman, nahihiya lang ako sa'yo, iyon ang totoo." "Pinagbabayaran naman na ng tito mo ang nagawa niya kaya okay na iyon sa akin. Isa pa naisip ko rin na baka talagang mahal lang niya ang nanay. Isipin mo kung sakali kayang sila ang nagkatuluyan, posible kayang naging mag-pinsan tayo?" "Ano? Ayoko, hindi kita gustong pinsan!" mabilis na protesta ni Fritz. Amuse siyang nagsalita. "Wow ah, sa ganda kong ito ayaw mo akong pinsan? Hiyang-hiya naman ako sayo!" tukso niya. Noon siya buong pahangang pinagmasdan ni Fritz kaya siya pinamulahan ng pisngi. "Iyon na nga eh, ayaw kitang pinsan kasi sobrang ganda mo, lahat ng gusto ko sa isang babae nasa iyo, sa tingin mo papaano kita pakakasalan kung magpinsan tayo?" ang walang gatol na sagot ng binata sa may kalakasang tinig. Marahas siyang napasinghap sa narinig saka pinakatitigan ang kaibigan. Sinusukat kung seryoso ba ito sa sinabi, pero hindi niya magawang basahin nang mga sandaling iyon si Fritz. "M-May isa ka pa palang hindi alam tungkol sakin" malungkot niyang saad. "Hey, bakit naman biglang nagkaganyan na ang mood mo? Sige na papayag na akong maging pinsan kita ngumiti ka lang!" ang binatang sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa. Umiling siya. "Basta, mga next week mo malalaman. Tara na hatid mo na ako sa labasan, baka naghihintay na ang tita" yakag niya rito pagkuwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD