PART 6

1111 Words
"LIA!" isang tao lang ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon kaya hindi na siya nagtaka nang maramdaman ang pagbilis ng tahip ng kanyang dibdib. "F-Fritz!" nang makalapit sa kanya ang binata. Kalalabas lang niya ng canteen at patungo siya sa library. "Break time?" ang binatang umagapay sa kanya. Nakangiti siyang tumango saka na tumalikod pero napigil iyon nang magsalitang muli si Fritz. "teka sandali, naghintay ako nung Saturday eh" lungkot at hindi panunumbat ang nasa tinig ng binata. Nagbaba siya ng tingin. "I-I'm sorry, hindi kasi ako pinayagan ng tita ko. Mali rin ako kasi pumayag ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Pasensya na talaga" totoo iyon sa loob niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa kabila ng nalaman niya ay parang ayaw ng puso niyang layuan ang binata. Nakakaunawang nginitian siya ng binata. "Ganoon ba? Sige kung gusto mo sa inyo nalang kita tuturuan, at least doon nakikita niya tayo." Umiling siya, kahit pa gustong-gusto niyang matutunan ang paggamit ng gitara parang hindi iyon para sa kanya kaya kalilimutan nalang niya. "Huwag na nating ipilit ang hindi pwede kasi siguradong pareho lang tayong masasaktan in the end" huli na nang marealized niya ang sinabi. "W-Wala naman tayong ginagawang masama ah?" ang binatang nagulumihanan. Tumango siya. "I'm sorry pero wala akong panahon para mag-explain" pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ito. Nagpasalamat siya nang mapunang hindi ito sumunod sa kanya. Ilang araw ang lumipas at hindi na nga siya muling nilapitan ni Fritz. Kahit pa may mga pagkakataong nakakasabay niya ito sa canteen o kaya sa library ay pinipili niyang huwag itong tingnan at mag-pretend na hindi ito nakikita. Lagi niyang inilalagay sa isip niya ang sinabi ng tiyahin kahit pa deep inside gustong-gusto niyang makausap at makakwentuhan ang binata. Mabuti narin iyon, baka ma-in love pa ako sa kanya. Alam kong mas mahihirapan ako kapag nangyari iyon dahil siguradong hahadlang si tita kung sakali... Pero totoong mahusay magbiro ang pagkakataon. Dahil nang magkaroon sila ng reporting para sa subject na Logic dalawang linggo matapos iyon ay nagkataong naging partner niya ang kapatid ni Fritz, si Sean. At dahil may computer at internet ang mga ito sa bahay ay walang ibang choice kundi ang magtungo sa bahay nito isang araw ng Sabado para sa paghahanda nilang dalawa. "Sean, magmeryenda muna kayo" si Roma, ang nanay nina Sean at Fritz. "Sige nay" ang binatang abala sa harapan ng computer. Saktong iniaabot sa kanya ni Sean ang baso ng juice nang pumasok naman si Fritz kasunod ang isang maganda at mestisahing babae na ngumiti naman sa kanya. "O may bisita pala" kahit hindi niya aminin nasaktan siya sa tono ng pananalita ni Fritz na animo'y hindi siya kilala. "O nandito kana pala, at sino naman itong kasama mo?" si Roma kay Fritz pero sa kasama nitong babae nakatingin. "Si Cristine nay, girlfriend ko" pakilala ni Fritz sa babaeng inakbayan pa nito. Nakaramdam siya ng pagkailang kaya minabuti niyang umiwas ng tingin. Mabuti nalang pala at inilayo niya ang sarili kay Fritz, may girlfriend na pala ito. Ilang sandali at nagpaalam siya kay Sean na gagamit ng banyo. Napadaan siya sa silid ni Fritz na bahagya pang bukas ang pinto. Mula sa loob ay naririnig niya ang mahusay na pagtugtog ng binata ng awiting Longer ni Dan Fogelberg na sinasabayan pa ng mahina nitong pagkanta maging ng kasama nitong babae. Natapos nila ni Sean ang paggawa ng report nang hindi na muli pang lumabas ng silid nito ang binata. Hindi niya maipaliwanag kung ano ba ang nangyayari sa kanya pero tiyak siyang isa na doon ang guilt dahil sa pinagsasabi niya kay Fritz noong isang araw. Nagkibit siya ng balikat saka sinimulang maglakad pauwi. Pero hindi pa man siya nakalalayo nang hintuan siya ng isang traysikel. Nagtigilan siya nang makilala ang driver. "F-Fritz?" aniyang nagulat. Maganda ang pagkakangiti ng binata. "Lika na, may pupuntahan tayo" yakag nitong inginuso pa ang loob ng traysikel. Nagdadalawang isip niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa binata at sa loob ng sasakyan. Noon niya napunang may laman ang upuan. Isang gitara, napangiti siya saka na nga sumakay sa loob. "Saan tayo pupunta?" "Sa isang lugar kung saan pwede kitang masolo" anitong kinindatan siya pagkatapos. Mabilis siyang pinamulahan kaya nagbawi siya ng tingin. At gaya ng napagkasunduan nila noon ng binata, dinala siya nito sa memorial park. "Dito mo ako tuturuan?" "Hindi ba ikaw ang namili ng place na ito? ani Fritz na ngiting-ngiti. Tumawa siya ng mahina. "Oo nga pala. Teka, alam ba ito nung girlfriend mo? Baka magalit siya?" Umiling ang binata saka inilabas sa case ang gitara. "Oo alam niya, saka hindi selosa iyon, alam naman niyang magkaibigan lang tayo eh." Parang ibig niyang malungkot sa narinig pero iwinala niya iyon sa isip. "Matagal na ba kayo?" Umiling si Fritz saka ipinosisyon sa kanya ang gitara. Lihim pa siyang napasinghap nang hawakan ng binata ang kamay niya nang maramdaman niya ang kakaibang daloy ng kuryente sa kanyang katawan. "One week pa lang" anito. "Ah ganoon ba?" ang tanging nasabi niya. Tumango si Fritz. "Sige start na tayo. Teka may gusto nga pala akong itanong sayo, anong ibig mong sabihin dun sa sinabi mo sakin nung huli tayong nagkausap?" mayamaya ay tanong ng binata. Napatitig siya rito. "H-Ha?" Tumawa ng mahina si Fritz. "Iyong sinabi mong huwag ng ipilit kasi pareho lang tayong masasaktan?" "A-Ano kasi eh, k-kwan" utal niyang sagot. "Never mind" awat ng binata. "basta tayo magkaibigan tayo, masayang -masaya na ako dun, promise titiisin ko ang lahat, hindi ako hihingi ng kahit anong hindi mo kayang ibigay" ang binata. "Paano kung pati friendship hindi pwede Fritz?" malungkot niyang tanong. Nagyuko ng ulo nito ang binata. Parang hindi niya kayang makita itong ganoon, bakit parang dinudurog ang puso niya? "B-Bakit hindi pwede?" Pinagluwag niya ang dibdib sa paghinga saka sumagot. "O-Okay, ganito nalang. Just promise me na walang makakaalam na magkaibigan tayo? Okay lang ba iyon sa'yo?" ang naisip niyang sabihin. Alam niyang masasaktan si Fritz oras na malaman nito ang dahilan kung bakit ayaw ni Melissa'ng lumalapit siya sa binata. "Secret friends? Okay lang sa akin, alam mo ang sabi nila sa love daw mas sweet kapag nagtatago. Ganoon din kaya sa friendship?" tukso ng binata sa kanya. Naiiling niyang tiningala ang langit. "Sira! Ang dami mong alam!" "So, ito ang magiging Kanlungan natin!" "Kanlungan talaga?" Hindi kumibo si Fritz at sa halip ay pinagmasdan lang ang pagtawa niya. "Lagi mong iisiping nandito lang ako, para sa'yo. Iingatan kita sa paraang alam ko. I care so much about you, mga bata palang tayo. At ngayong naabot na kita, hindi na kita bibitiwan pa" makahulugang turan ng binata na nagpabilis naman sa tahip ng kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD