PART 3

834 Words
Seven Years Before; College Days: DAHIL wala pa naman ang Prof nila, minabuti ni Fritz na lumabas muna ng classroom at tumambay sa corridor. Na second floor siya ng kanilang college building at mula roon ay tanaw niya ang buong quadrangle ng university. Nasa ganoon ayos siya nang makarinig ng malakas na tawa ng isang babae. Tinawag niyon ang kanyang pansin kaya hinanap niya. At iyon nalang ang kanyang pagkabigla nang makilala kung sino ang kasama ng babaeng malakas tumawa. Walang iba kundi si Julia. Buo nanaman ang araw ko. Ilang taon man marahil ang lumipas pero hindi niya nakalimutan minsan man ang mukha ng babaeng ito. Lalo itong gumanda, mabuti nalang at hindi na siya bansot ngayon sa taas niyang anim na talampakan. At least hindi na siya alangan sa taas ni Julia na sa tingin niya ay nasa 5'4 hanggang 5'5". Ang maputi nitong kutis na nangingitab sa sikat ng araw at higit sa lahat ang maganda nitong ngiti. Ilan lang ang mga iyon sa mga katangiang lihim niyang hinahangaan sa dalaga. OFW sa Saudi ang tatay niya, habang plain housewife naman ang nanay niya. Lima silang magkakapatid at puro mga lalaki, siya ang panganay. Iyon na ang ikalawang taon niya sa kursong Civil Engineering. Pangarap din niyang magkaroon ng sariling banda balang araw. Hilig kasi niya ang tumugtog ng gitara. Mga tiyuhin niya sa father side ang nagbigay inspirasyon sa kanya doon. At gaya ng ibang mahihilig sa musika, mayroon din siyang paboritong tugtugin. Ang Longer ni Dan Fogelberg, hindi naman na niya siguro kailangang isa-isahin ang dahilan kung bakit dahil natatanaw na niya ngayon sa ibaba ng gusaling iyon ang dahilan kung bakit paborito niya ang naturang awitin. "ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod" ang traysikel driver kay Fritz. Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito. "Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw" bulong ng driver na kanyang ikinagulat. Siniko niya ito. "Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya" aniyang natatawa. Tumawa ang driver. "Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka" paalala ni Ed sa mas mahinang tinig. Nagbuntong hininga siya. "Mayaman, anak ng negosyante? Doon pa lang wala na tayong panalo Manong." "Tsk, pinanghinaan ka naman agad ng loob. Wala sa yaman iyon, nasa linis ng hangarin" totoo naman iyon, pero dahil naapektuhan siya sa narinig ay minabuti niyang huwag ng sumagot para hindi na humaba pa ang usapan. "Ako na," aniya kay Julia nang ipara ni Manong Ed ang traysikel sa tapat ng malaking gate ng university. Umiling ng magkakasunod ang dalaga saka ipinilit ang hawak na pera sa driver. Tinanggap iyon ng lalaki kaya nanunukso siyang sinulyapan nito. "Mahina ka talaga, sige na sundan mo na!" anito nang mabilis na maglakad papasok ng gate si Julia. "Nahihiya ako eh, sa susunod nalang. Baka makulitan sa'kin" aniyang may panghihinayang sa tinig. Tumawa ng mahina ang lalaki. "O siya sige, mauna na ako" anitong pinatakbo pagkatapos ang traysikel. Suplada ka talagang babae ka, kundi ka lang dalaga na tatawagin ulit kita sipon. Naisip pa niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ng babaeng bumuo ng araw niya. Kinagabihan, napapangiti siyang hindi mawari tuwing naaalala niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Julia. Kahit pakiramdam niya napakalayo parin nito sa kanya, siguro dahil iyon sa katorpehan na mayroon siya ay hindi parin niya mapigilan ang kiligin ng lihim. Noon niya niyuko ang ilalim ng mesang de-tiklop kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng kanyang leksyon. Gamit ang technical pen, isinulat niya doon ang pangalan ni Julia na nilagyan pa niya ng hugis puso sa dulo. Kahit parang ang layo mo, bakit nararamdaman kong someday makakasama rin kita? "AY! Wala pa si Julia, naku baka hindi um-attend iyon, pakisundo nga." boses ni Chelle ang pumuno sa kabahayan. Bahay iyon nina Chelle kung saan nila ginanap ang kanilang class reunion. "dali na, alam naman ninyo ang babaaeng iyon parang takot sa tao, hindi lumalabas ng bahay" ulit ni Chelle habang abala sa paggagayak ng hapag. Noon tinapik ni Liam ang braso niya, sa pagkakaalam niya second cousin nito si Julia. "Samahan mo 'ko?" hindi niya alam kung dahil iyon sa ilang shots ng alak na nainom na niya kaya walang pagdadalawang isip siyang tumango sabay tayo. Sa dulo kasi ng kalye nila ang bahay nina Julia. Nasa gitna ito ng palayan at malayo pa sa kabahayan kaya malamang na hindi pumunta ang dalaga kapag hindi ito sinundo. Gabi narin kasi at sa pagkakakilala niya rito, taong-bahay lang talaga si Julia. "Sige" aniya pang nagpatiuna sa paglabas ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD