PART 2

835 Words
"ANO ba ang laman ng kahong ito?" tanong sa kanya ni Manang Ruping dala ang isang kahon na ang laki ay katulad ng shoe box. Nang maalala kung ano ang laman niyon ay nagmamadali niyang kinuha iyon sa matanda. "Mga personal na bagay ho Manang" aniyang tumawa ng mahina pagkuwan. Nangingiti siyang pinagmasdan ng matanda. "Maghapunan kana" paalala nito sa kanya. Tumango siya. "Matulog na ho kayo" aniya sa matanda. Mahigit tatlong taon narin niyang kasama sa bahay si Manang Ruping. Wala rin naman kasing kasama sa buhay ang matanda maliban sa pamangkin nitong babae na nakabukod dahil may sarili nang pamilya. "Hello, Mang Kanor?" bungad niya sa matanda nang tumunog ang kanyang cellphone. "Hijo may gusto sana akong ipakiusap sayo" ang nasa kabilang linya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang naging pagdamba ng kanyang dibdib dahil sa narinig. Dahilan kaya naibaba niya ang hawak na kahon sa sahig saka nakapamulsa ang isang kamay siyang tumayo at nagpalakad-lakad sa may paanan ng kanyang king-sized bed. "Ano ho?" mataman niyang pinakinggan ang sinabi ng matanda. Makalipas ang ilang sandali ay huminto rin ito. Napabuntong-hininga siya sa lahat ng narinig. "o sige ho, basta sigurado kayong hindi tayo sasabit diyan ah? Mahirap na, sa panahon ngayon naglipana ang mga taong hindi mapagkakatiwalaan" aniya. "Pansamantala lang ito hijo, maraming salamat. Siya, sasabihin ko na sa kanyang ang tungkol rito" saka na naputol ang linya. MULA Maynila ay sa isang malaking bahay sa Tagaytay siya dinala ni Mang Kanor. Napangiti siya nang mula sa loob ng sasakyan ay mapagmasdan ang isang simple ngunit napakagandang white house na dalawang palapag at overlooking ang Taal Lake sa paikot nitong veranda. "Ang ganda" hindi niya napigilan sabihin. Tumawa ng mahina ang matanda. "Oo nga, pero para sa akin mas maganda ka hija." Nag-init ang mukha ni Julia sa compliment na iyon. "S-Salamat po" aniya. Tinanguan lang siya ni Mang Kanor. "Binata ang may-ari ng bahay na ito, may kasama siyang isang kasambahay, si Ruping" saka nito itinigil sa tapat ng gate ang sasakyan at bumosina. Ilang sandali lang at patakbo ng lumapit ang isang tila may-edad naring babae. Malamang siya si Manang Ruping. "Gabing-gabi na, nasa loob si Fritz hinihintay kayo" anang ginang saka mabait na ngumiti sa kanya. "magandang gabi hija." "Magandang gabi ho" nakangiti niyang tugon. Ilang sandali pa at pinatuloy na sila sa malaking sala ng bahay. Hindi niya maikakailang panatag ang kalooban niya sa loob ng bahay na iyon kahit kung tutuusin ay wala siyang ideya sa pagkatao ng may-ari. "Nasa kwarto niya si Fritz, sandali lang at tatawagin ko" natigilan siya sa pagkakarinig ng pangalan saka lang nagkibit-balikat nang marealized na napakarami ng taong may ganoong klase ng pangalan. Pero nagkamali siya. Kusang napigil ang kanyang paghinga habang nakatingala sa noon ay pamilyar na taong bumababa ng hagdan. At dahil nga nakayuko ito ay nakita niya ang matinding pagkabigla nang makababa at mag-angat ng tingin. "F-Fritz?" "L-Lia?" halos magkapanabay pa nilang sambit. Nakita niyang nagpalitan ng makahulugang tingin sina Mang Kanor at Manang Ruping. "Magkakilala kayo?" Parang walang narinig na humakbang palapit sa kanya ang binata saka siya kinabig at mahigpit na niyakap. Nagulat man sa ikinilos nito pero hindi niya maitatangging nakadama siya ng matinding pangungulila rito lalo't napakatagal na panahon ang nakalipas mula nang huli niyang naranasan ang mayakap ng binata. "S-SO! Kumusta kana? Ikaw pala ang sinasabi sa akin nitong si Mang Kanor! I'm glad nagkita ulit tayo!" masigla at nag-uumapaw ang tuwa sa puso na sambit ni Fritz habang ngiting-ngiti. Nakita niya ang pagkailang sa mukha ng kaharap kaya naisip niyang pakawalan na ito mula sa mahigpit niyang pagkakayakap. "I'm s-sorry" aniya. "a-ah, Manang pakihanda naman ang mesa for dinner" mayamaya ay naisip niyang baka hindi pa kumakain si Julia. Tumango ang matandang babae. "Halika na Kanor, iwan muna natin ang mga bata para makapag-usap" anitong hinila ang braso ng matandang lalake pagkatapos. "Upo ka," aniyang itinuro ang couch kay Julia. Nahihiyang ngumiti si Julia saka ito kumilos. "You have a very nice place" pagsasabi niya ng totoo saka inilibot ang paningin sa maganda at malawak na kabahayan. "Salamat" tugon niya saka nagsalubong ang mga kilay nang mapuna ang benda sa noo ng kaharap. "a-anong nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong pagkuwan. Nagyuko ng ulo nito si Julia. "It's a long story, I hope you don't mind pero hindi ko muna gustong pag-usapan ang tungkol dito" mababa ang tinig na sagot ni Julia. Tumango-tango siya saka ngumiti. "I understand, anyway halika na sa komedor. Baka nagugutom, kana" aniyang nagpatiuna na sa pagtayo saka inilahad ang kamay sa kasama. Nakita niya ang tila pag-aatubili ni Julia na tanggapin iyon. Pero naghintay siya, at naging sulit naman ang paghihintay niya dahil malugod nitong tinanggap ang kamay niya. At dahil sa paglalapat na iyon ng kanilang mga palad, pakiramdam ni Fritz ay dinala siya ng init ng mga iyon sa nakaraan. Noong mga panahong nasa kanya pa ang lahat ng pagkakataon. Pagkakataong pinalampas at hiyaan niya kaya ngayon ay mag-isa at hindi buo ang pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD