WDD 4

1450 Words
Madali lang naman sa kanya ang pinagagawa nito, lalo at gamay na naman niya ang mga ganung trabaho. Bandang tanghali ng magising si Maymay. Tumawag sa phone nito ang asawa nito, at tumawag din ang boss nila. Kinikilig siyang di mawari, kaya lang kailangan niyang magpigil kung gusto niyang magtagal sa trabaho niya. Ayaw pala nitong nagkakagusto sa kanya ang assistant nito. Sabagay nakaka affect iyon sa trabaho nila. "Yes boss, pwede na akong lumayas dito sa opisina. Finally nagdala na ng matino si Liz." Sabi ng babae na humalakhak pa. "Oo efficient pa sa lahat ng efficient. Kailan ba ang balik mo?" Tanong nito sa kausap. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang pag gawa ng PowerPoint presentation ng five years financial report ng kompanya. Katatapos niya lang gawin ang presentation ng mga model na nirelaease over the five years operation ng kompanya. "Yes Boss, pasok sa aking standard. Aabsent ako bukas ha gusto kung matulog maghapon." Sabi pa ng babae. "Oo bababa na kami para mananghalian. Bye!" Nakangiti nitong pinatay ang phone call. "Si Boss Tristan tumawag. Tara lunch break na muna tayo, tapos i tour na kita sa loob ng office natin. Bali tatlong floor ang ginagamit ng Titanus. Thirty Three, thirty four at thirty five. Pero after lunch na kita i tour ha, gutom na kasi ang aking alagad sa loob ng aking bahay bata." Sabi pa nito. Gusto niya ang personality ng babae, jolly at saksakan ng kulit. "Babalik kapa po ba after manganak?" Tanong ko dito. Baka kasi temporary lang ang replacement niya. Sabagay two years ang kontrata na pinermahan niya kanina. "Hindi na, ayaw na nga sana akong papagtatrabaho pa ng asawa ko kaya lang nakiusap si Boss Tristan sa asawa ko, which is pinsan niya na hanggang may mahanap siyang kapalit ko e stay muna ako." Nakangising sabi nito na nag order na ng pagkain sa pantry. "Uy Ate May ganda ng kasama natin a." Sabi ng isang lalaki na naka coat halatang mataas ang posisyon nito dahil sa pananamit nito. Di niya nga lang type ang aura nito na tila may malisya ang titig sa kanya. "Siya ang papalit sakin bilang EA ni Boss. Layas na dyan Romulo at naninipa ako pag gutom." Sabi ng babae sa lalaki. "Ipaki-" akmang hihirit pa ang lalaki ngunit sinamaan na ito ng tingin ni buntis. "Sipain kita? Gusto mo? Nagugutom na kami." Seryuso na sabi ni Ate May. Mukhang pinoprotektahan lang ako ni Ate May, naramdaman niya siguro ang paghawak niya sa braso nito. She just came from a very traumatic experience last night at sariwa pa sa kanyang isipan ang mga nangyari. Katunayan ay may pasa pa siya sa kanyang braso, dulot iyon ng malakas na pagkakahawak ng dating boss niya. "Avoid mo nalang siya be, kay Liz ka sumabay ng kain. Takot yang mga yan kay Liz e, bigay ko number niya mamaya para siya ang kasabay mo lagi." Sabi nito nang magsimula na kaming kumain. Di paman nakakasubo ang babae ay nag video call na ang asawa nito. Napangiti nalang ako sa babae lalo at tila naiinis ito sa asawa nito. "Kakain na nga ako diba? Grabe naman Bryan makabantay ka sa akin akala mo ang ganda ganda ng asawa mo." Palatak ng babae na nag umpisa ng kumain. Naka headset ang babae kaya di niya marinig ang sinasabi ng asawa nito. Mamaya maya pa ay humagikhik na ang babae, halata ang pagmamahal na nakalarawan sa mukha nito habang kausap ang asawa nito. "Alam mo ba kung paano ko nakuha ang asawa ko?" Sabi nito ng matapos ang tawag. "Paano po?" Tanong niya dito. "Lagi kung inaaway, hanggang sa ipahiram ako ni Boss sa kanya para maging pansamantalang EA. Ayon dun na kami alam mo na, akala ko wala lang kasi napakasuplado. Pero ng niligawan na ako hayst legit ang saya." Sabi nito. "Halata nga po e," sabi ko na may tawa pa. O diba close lang kami. "Akala ko nung una e si Boss ang ka forever ko. Hehe nang nalaman niyang crush ko si Boss ayun binuntis na agad ako. Hehe sana ka forever kana ni Boss." Sabi pa nito na ikinasamid niya. Agad naman itong nag abot ng tubig sa kanya. "Joker ho kayo ate Maymay." Sabi ko nalang. "Bakit may nobyo ka naba?" Tanong nito sa kanya. "Di pa po ako nagkaka nobyo." Sabi ko dito. "Nakakakilig naman ngayon palang." Sabi pa nito alam kung nagbabalak itong i ship sila ng boss nila. Kinikilig naman siya ngunit syempre alam naman niyang hanggang pangarap lang ang kayang abutin ng kanyang pagsinta sa lalaki. Nang araw na iyon ay halos siya na ang pinagawa ni Maymay ng lahat ng trabaho. Di naman siya nag reklamo dahil nakita niyang di maganda ang pakiramdam ng huli. "Bhe, pwede pasuyo naman pakitawagan ang asawa ko na sundoin ako dito." Sabi pa nito sa kanya na nakapikit. Kinuha ko ang cellphone nito, nag chat lang siya sa asawa nito. No need to call naman, mamaya maya pa ay dumating na ang asawa nito. Halatang loyal ang asawa, dahil di man lang siya tiningnan. Sa asawa lang nitong tulog sa kama sa likod ang tingin nito. "Tulog po si Ate Maymay, Kuya kanina pa po masama ang pakiramdam niya." Sabi ko pa dito. "Sinabihan na kasi namin siya ni Travis na wag ng pumasok e. Matigas ang ulo, good thing na may bago ng EA ang gagong yun. Loraine ang pangalan mo diba? Welcome to the family." Sabi nito. Ngumiti lang siya iniisip niyang baka pamilya ang turing ng mga ito sa empleyado ng kompanya. "Thank you po sir Bryan." Sabi ko dito. "Kuya Bryan nalang, I have my own company and I am not your boss." Sabi pa nito. "Sige po Kuya Bryan, congratulations po pala para sa baby niyo." Sabi ko dito. "Thanks, uwe kana sabay kana sa amin. Hapon na din naman." Sabi pa nito. "Sasabay na po ako pababa," sabi ko. Mabilis kung niligpit ang aking mga gamit. Nagyayakapan naman sa likod ko ang mag asawa, napailing nalang ako lalo at binibaby ang babae ng asawa nito. No wonder mahal na mahal nga ng asawa nito si Ate Maymay. Habang naglalakad ay sinasabi sa kanya ni Ate Maymay ang mga gagawin niya bukas pagdating ng boss nila. Di na kasi ito papasok kinabukasan lalo at lagi na palang masama ang pakiramdam nito. Binigay lang nito ang number nito para pag may kailangan siyang itanong ay kaagad na matatawagan niya. Isinabay na uli siya ng kapitbahay nila kaya naman ay ayos ang biyahe niya. Di naman siya napagod sa pag commute. Malayo pa sa mga manyak sa daan. Kinabukasan ay maaga silang umalis ni Dolly may maaga daw kasi itong delivery. Kaya naman alas syete palang nasa building na siya. Dapat eight thirty pa ang kanyang umpisa ng trabaho. May time pa siya para mag almusal at mag linis ng kanyang table. Ayon kay Maymay ay maaga din pumapasok sa opisina ang kanyang boss pero di siya obligado na sabayan ang trip nito sa maagang pagpasok. Kinakabahan naman siya sa kanilang unang pagtatagpo sa personal. Lagi kasing sa tv niya lang ito nakikita. Binati lang ako ng guard, mabuti at may ID na ako na naipakita sa guard. Matiwasay naman siyang nakarating sa kanyang office wala pang katao tao. Medyo natakot naman siya pero slight lang. Mas creepy pa nga ang dating pinagtatrabahoan niya dahil patay sindi ang ilaw. Nang mailapag ang gamit ay nag tsinelas na muna siya. Para may komportable siyang magtuwad tuwad para maglinis ng opisina niya. May kumatok mamaya maya ang tagalinis na tila natulala pa ng makita siya. "Good morning po Manong, ako po si Loraine, ako po ang bagong EA ni Sir Travis." Pakilala nya sa kanyang sarili. "Naku, ang aga nyo po sorry ma'am nagandahan lang ako sa inyo. Papasok na po ako." Sabi pa nito na kakamot kamot. Nag umpisa na din siyang maglinis ng kanyang area. Nang matapos ay inilabas niya ang baon niyang pansit canton at tinapay. Nag init na din siya ng kape sa coffee maker kasi magkakape daw ang boss niya pagdating nito. "Who are you?" Dumagundong ang boses nito. Napataas ang tingin niya sa lalaking seryuso ang mukha. Gayunman ay napakagandang lalaki talaga nito kaya naman halos mangisay siya sa kilig. Pero agad niyang hinamig ang sarili. Mabuti at nakaayos at nakakain na siya ng dumating ito. "Ako po si Loraine Sir at ako po ang bago niyong EA." Sabi ko dito. Tumalikod lang ito matapos siyang magsalita. Apakabastos. "Come inside." Sabi nito sa kanya. Kinakabahan siya sa maaring dahilan ng pagtawag nito sa kanya. Maaring i terminate na agd siya nito sa kanyang second day. Napangiwi siya sa kanyang naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD