Gusto niyang magtatakbo nalang palabas ng gusali na yon sa sobrang kaba niya ngayon, pero kaagad niyang hinamig ang kanyang sarili. Di nga siya nag tatakbo nung muntik na siyang gahasain ng boss niya e. Ngayon pa na kahit gahasain siya e ayos lang, sa gwapo ba naman ng lalaki sino ba ang tatanggi dito.
Mabilis ang mga hakbang niya habang dala dala ang notes niya. Nakasulat na doon ang ginawa niyang schedule planner kahapon. May mga bagay din na idinagdag siya na dumaan din naman sa approval ni Ate Maymay.
Nang dumating siya sa loob ay nag umpisa na ang tila robot na trabaho nito. Nakayuko ito at nagbabasa na ng mga papeles.
"Give me coffee." Sabi nito, wala man lang please. Dapat may please naman para gaganahan kang pasarapin ang kape niya. Parang ang sarap tuloy lagyan ng maraming kape, tutal bitter naman ang iinom. Joke lang syempre ikalawang araw ko palang naman sa trabaho Kaya dapat e maging productive at positive lang ang outlook ko sa buhay.
"Yes Sir." Sabi ko inilapag ko muna ang notes sa gilid ng mesa nito. Agad na tumalikod na ako para pumunta sa pantry na nasa loob mismo ng opisina nito.
Di naman na siya nahirapan na hanapin ang mga kakailanganin niya. Maayos siya Maymay sa trabaho, nakaayos ang mga gamit kaya di na siya nahirapan pa. Di niya naitanong kung magkano ang yahod niya kahapon, nakahiyaan na niyag itanong ang bagay na iyon. Siguro naman ay maayos ang pasahod sa mga empleyado. Yung mga nauna niyang trabaho ay ayos naman sa pasahod. Sadyang manyakol lang talaga ang mga naging boss niya.
Nang matapos ay agad naman niyang dinala sa lalaki ang tasa ng kape. Ayon kay Maymay ay kuha na niya ang templa ng boss nila sa kape.
"What took you so long?" Nakasimangot na bungad nito, salubong ang makapal nitong kilay. Siya naman nabaghan naman siya kasi sa pagkakaisip niya ay di naman siya nagtagal sa pag timpla ng kape nito.
"Sorry Sir." Tipid kung sabi dito. Nang di ito kumibo ay kinuha na niya ang schedule planner nito upang basahin.
"You have a board meeting nine thirty this morning, lunch meeting with Mr. Digna Lopez Shipping company. This afternoon you will going to visit your mother's house." Sabi ko dito. Nang di ito sumagot ay nag angat siya ng tingin dito saktong nakasalubong niya ng tingin ang lalaki.
"I want the weekly summary of sales from two years up to present. And I want it in my table this afternoon, make also a reservation for dinner meeting with Mica, Italian restaurant near here. Do write a letter for the board of trustees of CGTI. I want it asap." Sabi nito na tila ba ang konti lang ng utos nito.
Kung isusuma nya ang lahat ng utos nito ay ngayong araw niya kailangan matapos ang mga iyon. At sa dami nun anong oras niya kaya matatapos ang mga iyon.
Pero alam niyang wala siyang karapatan na mag reklamo dito. Mukhang sinusubok siya nito kung kakayanin ba niya ang pressure na binibigay nito sa kanya. Ngayon palang ay tila gusto na niya itong sakalin. Sa sobrang inis na kanyang nadarama, di man lang nito naisip na baka di siya robot at kailangan niya ding huminga.
"Okay copy. May ipag uutos pa po ba kayo." Tila robot kung sabi dito. Ayaw niyang makipag diskusyon pa dito at baka masagot sagot pa niya ito.
"You may go, kindly order me some food for my lunch." Sabi nito. Ikinatigil niya ang sinabi nitong iyon, may lunch meeting na naman ito na pupuntahan bakit pa kakailanganin ng pagkain for lunch. Unless di nito naintindihan ang kanyang binasa.
"Sir, as I mentioned earlier you have a lunch meeting with-" sabi ko na gusto kung ipaalala rito ang tungkol sa lunch meeting na di na nito kailangan na umorder pa ng pagkain nito.
"I perfectly remember all the things you've mentioned earlier Miss Loraine. Just do what I say." Sabi nito, tila nasampal naman siya ng left and right ng birada nito. Pero hinayaan na niya dahil boss niya ito at may mga bagay na di niya pa alam sa opisina na iyon.
Inuna niyang gawin ang mga order at reservations, tapos ang mga invitations na sinasabi nito. Tinawagan niya si Ate Maymay para alamin kung saan niya makukuha ang list ng mga sa CGTI, ang dami pala. Pero yakang yaka niya ang edit edit lang naman bukod doon ay may outline na pala si Ate Maymay para date, venue at ang pangalan nalang ang lalandiin niya at tapos ang boxing. Naitanong na din niya kung saan ang venue at tungkol saan ang invitation.
Di siya na inform na mahilig magpahula ang damuho niyang boss. Yung tipong short instructions palagi kaya naman kung wala si Ate Maymay ay baka nag iiyak na siya sa isang tabi.
Naging abala siya sa trabaho hanggang sa sumapit ang tanghalian. Ay dumating ang inorder niyang pagkain for lunch ng kanyang boss.
"Salamat po Manong." Sabi ko na iniabot ang bayad. Nailapag na ang mga iyon sa table nito, kaya naman ay ito sya kalmado na. Nararamdaman na din niya ang pag aaway away ng kanyang mga alaga sa loob ng tiyan niya. Mukhang gutom na ang kanyang mga bulate at gusto ng lumamon.
Nakalimutan niyang tao din pala siya at di niya kailangan na patayin ang sarili sa gutom. Akmang lalabas na siya upang iwanan ang mga pagkain ng mapuna ang notes na nasa ibabaw ng lamesa nito.
'Loraine;
If the food arrived eat it, it's your lunch. Don't leave the office just eat the food there and finish the task I've given.
Mr. T
Yun ang nakasulat na ikinanganga niya, wow siya ang kakain ng inorder nito. At wag niya daw iwanan ang opisina nila. Naloka naman siya sa nangyari, kaya ito nag order pala. Para di siya lumayas sa labas upang mag lunch, which is pabor naman ya kanya. Di niya lang napaghandaan ang kilig na dumapo sa kanya.
Lalo yatang nahulog ang kanyang heart sa ginawa nitong iyon.
"Gosh, bakit ba kinilig ka Loraine? Kalma lang ganyan din siya kay Maymay. Don't mix business with pleasure." Saway niya sa kanyang sarili.
Pawang masasarap pa naman ang mga inorder niyang pagkain kaya naman ay tiyak na happy tummy siya today. Mamahalin pa naman na restaurant ang pinag orderan niya. Syempre nagtanong pa siya kay Maymay kung ano ang paborito nitong kainin.
May connecting door ang kanyang opisina papunta sa pantry. At pabalik sa opisina ni Boss. Solo nilang dalawa ng boss niya ang pantry dahil tanging silang dalawa lang ang may access.
Naramdaman niya ang pag vibrate ng kanyang phone at mukhang may nag text. Di niya naalala na ibinigay niya sa boss niya ang kanyang numero kaya naman ay nagtaka naman siya ng slight. Or maybe hiningi nito kay Maymay, ilang mensahe mula sa lalaki.
'Enjoy your food." Yun ang chat sa kanya ng boss niya.
"Okay sabi nyo e." Bulong ko pa, napahagikhik siya sa kilig. Kaya kahit pagod ay masaya siya sa unang araw ng pag uutos utos ng kanyang boss sa kanya. Kahit pa nga sabihin na nabwesit siya sa dami ng pinagawa nito sa kanya.