WDD 3

1849 Words
Maaga palang ay nakagayak na siya papunta sa Titanus Corporation. Isa iyong kompanya ng brand ng motorcycle na di lang dito sa bansa makikita kundi internationally din. At kilala niya ang CEO ng kompanya, ang kanyang all time crush na si Travis Fortalijo, isang half Turkish, half Italian, one fourth Filipino, one fourth american. Kaya naman malaking tao ito ayon sa kanyang source ay nasa six feet four inches ang lalaki. Malakas ang loob niya na mag apply dahil pinsan ng dati niyang kaklase s***h barkada niyang si Budak ang HR head. Kaya naman nalaman niyang hiring ang EA position nito, mamganganak na kasi ang EA nito at kailangan na makahanap na agad ng kapalitan. Bukod sa koneksiyon niya sa loob ay malakas ang loob niya dahil di man sa pagyayabang graduate siya with flying colors. She graduated with latin honors at ilang mga awards ang kanyang nakuha. Palpak lang talaga ang mga nauna niyang naging boss, dun siya malas. Ngumiti siya sa mga nakakasalubong na tila nababato balani sa mukha niya. Sanay na siya sa ganung mga tingin, nung college pa sila ay madalas silang pambato sa mga beauty pageants. "Good morning Ma'am!" Bati ng guard na hinatid pa siya sa may elevator. "Thank you!" Sabi ko na nginitian ang gwardya. Di naman siguro nag flirt si Manong sa kanya? Isang malaking eww yun. Mukhang anim na ang pamilya ni Kuya pero makangisi sa kanya akala mo e single ang ayof. "Thirty fifth floor." Hinanap ko ang numero at pinindot. May dalawa siyang nakasabay sa elevator. "Dumating naba ang delubyo?" Tanong ng kasabay niyang babae. "Wala pa yata e, kalmado pa si Monit kanina pagbaba ko e." Sabi naman ng isang babaeng may kulay ang buhok. "Parang gusto kung mag teleport nalang pag nandyan siya." Sabi ng babae at tila exaggerated na nag walling. "Kung di lang siya gwapo e baka matagal na niyang namiss ang aking kagandahan!" Sabi pa ng isa. Napangiti siya sa dalawa gusto niya ang ganitong environment na medyo komedyante ang mga kasama. Lalo kung may mga baklang empleyado mas maganda. "Goorahh na nasa baba na daw." Sabi ng isa na pinindot ang pinto na akala mo sa pamamagitan nun e bibilis ang pag akyat ng elevator. "Bakit ba ang bagal bagal ng elevator na ito." Sabi pa nito. "Kumalma ka nga, tapos mo na naman ang pinapagawa niya diba?" Sabi ng isa. "Oo tapos na, pero look at my face mama, haggardness na ang beauty ko." Sabi naman ng isa. Isang floor bago ang kanyang sadyang floor nandun ang office ng HR. Ayon kay Budak ay direct siyang applicant kaya naman sa Head na siya ng HR agad tutungo. Pag sa executive kasi na department mas prefer daw yung kakilala or refer ng mga nakakataas. Good thing na may kilala siya. Pagpasok niya ay tila iisang ulo na napalingon ang mga tao sa loob, kaya tipid siyang ngumiti sa mga ito. "Hi, good morning nandito na po ba si Miss. Lapuz?" Tanong ko sa isang empleyado. "Ah si Ma'am liz. Ikaw yata ang hinihintay niyang bagong employee o bagong model?" Tanong nito. "Employee." Nahihiya kung sagot dito. "Ay sayang ang ganda ganda mo dapat mag model ka nalang." Palatak pa nito. Ngumiti lang ako at naglakad na papunta na sa babaeng itinuro nito na abala sa papel na nasa harap nito. "Hi po, Good morning Ma'am!" Magalang kung bati sa babae. Unti unti naman itong napaangat ng tingin sa akin at nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kanya. "Ahm yes hi, are you the model? We can proceed to the showroom." Tanong nito sabay tayo. "Ah hindi po, ako po yung friend ni Budak na nag apply as EA." Paliwanag ko pa dito. Nanlalaki naman ang mga mata nito na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hinatid siya kanina ng kapitbahay nilang ni Dolly may sasakyan kasi ito at malapit lang doon ang patahian nito kaya naisabay siya. Kasi sa suot niya ngayon ay good luck sa kanya kung nag jeep siya. Naka skirt siya na peach pencil cut at brasserie na white at pinatungan iyon ng coat na katerno ng kanyang skirt at naka heels na kulay itim. Wala siyang gaanong make up lipstick lang at kunting eyeshadow ang kanyang nilagay. Maputi na naman siya kaya di na niya kailangan na maglagay ng foundation. "Ikaw ang papalit kay Maymay? Shocks okay sige wait mo ko saglit para maihatid kita doon. Upo ka muna diyan." Sabi nito sa kanya. Nahuli niya pang nakatitig ito sa kanya. "Bakit po?" Nagtataka niyang tanong dito. "Ahm wala, iniisip ko lang kung sino ang kamukha mo. Para kasing nakita na kita dati e." Sabi nito. Ngumiti siya alam niyang pag ngumiti siya ay lumalabas ang dalawa niyang biloy na siyang ipinagkaiba nila ng kambal niya. May dalawang malalim na biloy siya habang wala ang kakambal niya. At ayaw niya niyon pakiramdam niya kasi kapansanan ang magkaroon nun. "Ahm ganun po ba?" Nakangiwi akong nag iwas ng tingin at nag masid masid nalang sa opisina nito. Nakita niya pa ang mga ulo na nakatingin sa kanyang direksyon. Nang magsalubong ang kanyang tingin sa mga ito ay kaagad na nagbawi ng tingin ang mga ito. "Tara, sigurado kabang AE ang aapplyan mo? Medyo masungit si Boss Tristan baka di mo matagalan. Tsaka madaming trabaho ang nakaatang sayo pag naging AE kana." Sabi nito. Napasapok naman ito sa noo. "Bakit po?" Taka kung tanong dito. "Tsss bakit ba kita pinag baback out e mas malalagot ako pag nag back out ka. Hehe sige push na natin ang pagiging EA mo. Para mainspire naman si Sir Kristan at mabawasan ang kasungitan niya." Sabi pa nito. Mas okay na siya sa masungit kaysa maniac na boss. Ayos lang sa kanya ang boss na di gaanong namamansin, kaysa sa boss na laging nananantsing. Mas nakakatakot ang ganung boss. "Nabalaan na din po ako ni Budak na medyo masungit si Sir." Nakangiwi kung sabi dito. Nung isang araw lang ay napanood niya ito sa isang talk show. At gaya nung mga nakaraang interview ay tila baliw na naman siyang kinikilig kilig sa harap ng TV. Naging crush niya ito ng minsan na makita niya ito sa isang talk show at launching ng isa sa pang racing nitong Motorbike. Motor bike na may mahal pa sa buhay niya. Milyon milyon ang halaga, sabi nga ni Tobby ay pag iiponan nito ang big bike na yun. At isasakay sila ng kambal niya. As usual ay ikinangiwi iyon nilang magkambal. Di pa siya nakakasakay ng motor, kaya naman ay di niya tiyak kung kakayanin niya ba. Lalo na at di naman siya marunong mag balanse. Kahit pa sabihin ni Tobby at ni Budak na ang driver lang ang tanging magbabalanse ay di parin siya naniniwala. Baka matumba pa ang motor pag isinakay siya. Habang naglalakad kami papunta sa dulong bahagi ng floor na iyon ay nakita niya ang mga ulo na nagsilitawan. "Hala ang ganda niya!" Sabi pa ng isa. Yumuko nalang ako, sanay naman akong masabihan ng ganun kaya lang nakakailang pala lalo pag madami na. "Sure ka ha EA ang aapplyan mo? Hindi model?" Tanong nito na ikinangiti niya. "Opo EA po ang inaapplyan ko." Pinal kung sagot dito bago pumasok sa pinto na binuksan nito. Tila nasa ibang dimensions siya may mga motor na nakadisplay sa kabilang bahagi ng silid. Too spacious ang silid ngunit that's enough for an office. Mas malaki na di hamak ang opisina na ito kumpara sa opisina ni Mr. Monticalbo na dati niyang boss. Sabagay mas mayamang di hamak ang bago niyang boss ngayon. Kumatok sila sa isang silid na katabi ng CEO office. "Come in." Dinig nilang sagot mula sa loob. Pinihit naman agad ni Miss Liz ang seradora ng pinto at pumasok na kami sa loob. Maaliwalas at makabago ang mga kagamitan sa loob, computer, printer, scanner, xerox copier at ang iba pang mga gamit ay high tech na di hamak kumpara sa dati niyang napasukan. Isang maliit na babaeng buntis ang nasa harap ng computer at tila walang pakialam sa mundo na nagtitipa. Tila ay nagmamadali ito sa kung anumang deadline na hinahabol. "Liz sorry, can you wait for awhile at tatapusin ko lang to at urgent daw to sabi ni Boss. Kailangan ko itong ma e email sa kanya before ten AM." Sabi nito. Dahilan para mapatingin ako sa orasan na nasa itaas. Alas otso eymedia palang naman ng umaga, kaya alam niyang kakayanin ng babae ang trabaho. "Malapit kanang manganak, dapat pahinga kana niyan." Sabi ni Miss Liz sa babae. "Paano kasi ang papalit sana sa akin, tumanghod lang ng tumanghod kay Boss maghapon. Kaya ayon terminated sa unang araw palang." Sabi pa nito na patuloy lang sa ginagawa. "Ay sana naman last na tong si-" sabi ni Miss Liz na mukhang nakalimutan ang pangalan niya. "Loraine po, Loraine Pelipe." Nakangiti kung sagot. Doon nagtaas ng tingin ang babae at tila ba natulala ng matitigan siya. "Oh my goodness, siya ang ipapalit mo sakin? Tika lang send ko lang to. Oppps ayan sent." Tanong pa nito na tila ay duda pa sa kanya. "Opo, ito po ang CV ko." Sabi ko sa babae sabay abot ng CV o resume ko. "Wow impressive, pero bakit maiiksi ang time na nire render mo sa mga dati mong pinagtatrabahoan? Except dito sa nauna na you spent a year." Tanong nito. "Maniac po kasi ang boss ko Maam, katunayan ipinakulong ko po ang boss ko kagabi matapos akong tangkaing gahasain." Sabi ko. Nakita niya ang pag ngisi nito. "Naiimagine ko na ang mukha ni Boss pag balik niya. So anyway, I'm ate Maymay since mas matanda akong di hamak sayo. So i training na kita today okay lang ba?" Tanong pa nito sa akin. "Opo, willing po ako mag start today." Sagot ko. "So since magkasundo na kayong dalawa, ako ay lalayas na at ng mapaperma ko na ng kontrata si Loraine. Ilang years ba ang ilalagay ko?" Tanong pa nito kay Maymay. "I forever mo na, single naman si Sir." Pilyang sabat naman ni Miss Liz. "Kung pwede lang e, para mabawasan naman ang kasungitan ng lalaking yun." Sabi naman ng isa. "Two years mo na agad para masaya." Sagot ng isa. "Okay sige, Loraine maiiwan na kita ha." Sabi ni Miss Liz na iniwan na ako kay Ate Maymay. "Ang ganda ganda mo be, sarap mong paglihian ang kinis kinis pa ng balat mo. Kaya naniniwala akong namanyak ka ng dati mong boss. Sa ganda mong yan tiyak na maraming lalaki ang magkakandarapa na mapansin mo lang." Sabi pa nito. Ngiti lang ang naging sagot ko. Tinulongan ko siya sa kanyang mga ginagawa. Nang makita ko na tila antok na antok ito. "Ate Maymay higa ka muna dun, baka mahulog ka sa upoan." Sabi ko dito. Naghikab pa ito bago tumayo. "Salamat ha, alam mo na naman ang gagawin mo. Pasensya kana ha. Ganito ako palagi mula ng magbuntis, alam mo na first born ko to. Kaya pinalagyan ako ng bed dito ni boss." Sabi nito. Naiiling na ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD