WDD 2

1304 Words
Tatlo sa mga iyon ang di na bumalik matapos ang isang linggo. Kaya naman lalong lumakas ang hinala niyang maaring na manyak rin ng lalaki ang mga ito. "Maari nating ipatawag ang mga dati nitong assistant at tiyak na ganito din ang kanilang naging karanasan sa kamay nito." Turo ng kanilang kaibigan s***h kababata na si Tobby. "Possible po yun Sir, pwede po kayong makipag coordinate sa kanila para mas mabigat ang kaso na isasampa natin sa akusado." Sabi ng pulis. "Sige po Sir, actually may iilang names at adress na po ako ng mga naging assistant niya." Sabi ko. "That's good Ma'am, kokontakin po natin sila ma'am para makapagsampa na din sila ng kaukulang kaso. Ibinigay ko sa mga pulis ang mga listahan ng pangalan at mga address na nakuha niya kanina. It would be a big help on the cases that they are about to file. Attempted rape, grieve treat at iba pa. Yun ang mga possible niyang ikaso sa dating boss. Alam niyang maliit lang ang revenue ng kompanya nito. Umaasa lang ito sa mga kapitalista kaya naman good luck sa kompanya nito ngayong babagsak na ito. Sino ba ang mag iinvest sa isang kompanya na isang rapist ang may ari? Alam niyang malaking balita ito lalo at may mga media sa loob ng presento. Pinablurr niya lang ang kanyang mukha, tiyak kasi mag aalala ang kanyang mga magulang pag nalaman nila ang kanyang lagay. Nang makarating sila sa presento ay kaagad na kinuha ng mga pulis ang kanyang salaysay. Mas naging madali lang dahil caught in the act plus may video na magdidiin sa lalaki. "Binibiro lang kita kanina!" Giit pa ng lalaki, tiningnan ko lang ito at muling bumaling sa pulis. "This is not the first time he did it to me." pagsasalaysay ko. "She just want a higher price kaya nagsumbong. Lagi na namin tong ginagawa, come on Loraine." Sabi pa ng hayop na lalaki. Ngumisi ako dito na may kasamang talim na titig. "Ipapakulam kitang demonyo ka." Sabi ko dito bago bumaling sa mga pulis. "Ihanap mo ako ng magaling na abogado Tobby, para di na maglipana pa ang kaluluwa niya." Sabi ko sa kaibigan ng kakambal. "Bakit ako? Assistant mo ako?" Sabi pa ng loko loko na itinuro pa ang sarili. Sinamaan ko ng tingin, bluff nga lang para matakot ang hayop na boss niya ayaw naman makisama ng lintik na kaibigan niya. "Dapat sa mga ganyang tao binibitay na." Singit ni Lezette kahit yata busalan mo e may isasabat talaga. "Tumahimik kana nga. Para makauwe na tayo, oo na ako na ang bahala sa abogado. Tatawagan ko ang kaibigan ng Kuya Timothy na abogado magaling yun." Saway ni Tobby. "Pwede na po ba kaming makauwe?" Tanong ko feeling ko kasi ay kailangan na niyang ipahinga ang kanyang katawang lupa. Tila naubos ang lakas niya sa nangyari ngayong araw na ito. Gayunman ay tila nawala ang kanyang bigat na dinadala sa dibdib. Parang ngayon lang niya naramdaman ang sobrang pagod, emotionally, mentally and physically drained siya. Kaya ng makita niyang nakahimas rehas na ang boss niya ay tumulo ang luha niya. "O bat ka niiyak?" Tanong ni Lizzete, ang kanyang kakambal. "Parang ngayon ko lang naramdaman ang sakit at ang pagod sa mga nakalipas na araw. Thank you talaga." Sabi ko dito. "Yan kasi apply pa more, mag apply ka as model sa amin. Kailangan pa namin ng dalawa, para naman magbago ang boring mong lifestyle. Di kaba nagsasawa sa kakakausap ng computer at mga papeles?" Sabi nito na nag umpisa na kaming maglakad papunta sa sakayan. "Ngeee ayoko ngang magpakita ng lamang loob, tsaka mas gusto ko yung tahimik na buhay. Yung ako lang at ang computer ko ang nasa silid. Mas masarap sa pakiramdam di ko need na makisama o mag make up all day long." Nakangiwi kung sabi dito. Sa trabaho niya bilang assistant ay need din naman niya na mag make up para sa pleasing personality na tinatawag. Pero di niya kailangan na makapal ang kanyang make up, light make up lang siya, enough to enhance her features. "Hay naku, sa susunod pipili ka ng boss na hindi maniac ha. Madala kana sana, ikaw kasi e kahit alam mo ng mahihirapan kana sabak ka parin ng sabak." Tungayaw nito. Yung last na naging boss niya ay tolerable naman kahit paano ang kamanyakan kaya tinyaga niya. Pero ang ngayon niyang boss ay sobrang pambabastos ang kanyang naranasan. May binabalak na siyang applyan na kompanya at umaasa siyang magtatagal na siya. "Blame it to your face and body." Sabi ni Tobby na ikinakunot ng noo niya. "Then why would I blame my face and body?" Tanong ko. "Alam mo ng pang model at pang artista ang mukha mo, assistant lang ang inaapplyan mo." Sabi nito na nakangisi. Lahat naman sila magaganda ang mukha mula sa ate niya hanggang sa bunso nila ay pawang mga magaganda sila. Namana nila sa kanilang ama ang mga mata nila at ang matangos na ilong. Tanging si Lezette lang ang sumabak sa pag momodelo. "Anong gusto mong applyan ko pala? Housewife ng CEO?" Nakangiwi kung tanong dito na sumakay na sa likod na bahagi. "Kung single ang boss mo at gwapo, why not? Pero kung manyak lang aba magkulong ka nalang sa kwarto at magbilang ng bahay ng gagamba." Sabi pa ng kakambal niya. Nasa Singapore ang kanyang Ate Lira ngayon at doon nagtatrabaho bilang hotel receptionist. Gusto niyang mag apply din sana doon, ngunit di pa pasado ang edad niya. Twenty two palang siya at twenty three ang needed na edad para makapag trabaho sa hotel. "May aapplyan na ako bukas na work." Sabi ko sa dalawa na tila nahindik pa sa kanyang sinabi. "Hoy Loraine, pahinga din minsan. Kahit one day lang di ka man lang ba na shock na muntik kanang gahasain ng maniac mong boss? Trabaho trabaho ang iniisip mo. Ako na ang magbibigay ng para sa ilaw at tubig kay Nanay." Sabi nito. Alam kasi nito na simula ng magkatrabaho siya ay nagbibigay siya ng para sa ilaw at tubig sa nanay ang kay Lezette naman ay ang grocery at bigas. Ang padala ng Ate niya ay ipinuhonan ni Nanay sa bigasan sa palengke at maliit na sari sari store. "Di kayo habangbuhay e may trabaho kaya mag ipon kayo ng para sa kinabukasan nyo. Para may madudukot din kayo sa oras ng biglaang pangangailangan nyo." Yun ang laging sinasabi ng kanilang Nanay sa kanila. May ipon naman siya pero wala pa yatang fifty thousand yun. Bumili kasi siya ng bagong uso na cellphone na labis niyang pinaghihinayangan. Nagagamit naman niya kaya lang, she could just bought a cheaper phone. Ang tawag, text at mga laro lang naman ang kanyang ginagawa. Na pwede naman niyang magawa sa mumurahing cellphone lang. "Ayos lang ako Lez, tsaka gusto kung aliwin ang sarili ko. Malay mo diba mas maganda ang kapalarang naghihintay sa akin sa kompanya na aapplyan ko bukas." Sabi ko na bahagyang pumikit at hinilot hilot ang aking ulo. "Ay ewan ko sayong babae ka, sa sunod baka ma rape kana ng tuloyan sa ginagawa mo. Naku naman talaga nakakabanas kang babae ka. Tatamad tamad naman si Nanay at Tatay pero bakit ang sipag mo? Saan kaba nagmana?" Tanong nito na ikinatawa namin ni Tobby. "Sa kapitbahay, tsss tama na nga ang sermon mo. May photoshoot kapa bukas." Paalala ko dito. Alam ko na medyo maldita lang si Lezette at laging namimiss interpret ng ibang tao. Pero isa itong mabait at mapagmahal na kapatid at anak. Kaya naman alam niyang gagawin nito ang lahat kagaya niya para makatulong sa pamilya nila. Nang makauwe ay ang kanyang diary agad ang kanyang hinanap. Puno na iyon ng matapos siya kaya naman ay kumuha siya ng panibagong notebook na maliit at doon na siya magsisimula uli na magsulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD