WDD 1

1243 Words
Di alam ni Loraine kung maiinis ba siya o matatawa sa inasal ng asawa ng boss niya. Maghapon itong nakatanghod sa kanyang mga ginagawa. To the point na tumulo na ang laway nito sa sobrang kagandahan niya. Charr nakatulog na kasi ito kakatanghod sa kanya, saksakan kasi ito ng selosa at gaga. Madalas ito sa opisina na kung minsan ay ipinagpasalamat niya na madalas ikinaiinit ng ulo niya. Ligtas kasi siya sa kamanyakan ng kanyang boss pag nandun sa opisina ang asawa nito na ipinagpapasalamat niya. Kaya lang nakakabwesit lang dahil nadadagdagan ang kanyang trabaho. Feeling kasi nito ay assistant din siya nito. "Give me coffee." Sabi pa nito aa kanya. Nakakainis, nakakabwesit ang ugali ng babae. Minsan naman mabait ito, pero madalas e abnormal ang ugali. Alam niyang pinagseselosan siya ng babae, as if naman papatol siya sa boss niyang tila demonyo at hayok sa laman. "Okay." Tipid kung sagot dito. Dapat lang naman na kabahan ang babae lalo at manyak ang asawa nito. Sinuntok niya ang amo sa nguso nung isang araw lang matapos na hawakan siya nito sa beywang akala niya tatanggalin na siya sa trabaho. Tuwang tuwa na sana siya, pero ang inaasahan niya ay di nangyari, dahil pinapasok padin siya ng boss niya. Nag file na din siya ng kanyang resignation kaya lang sabi nito ay need niya muna isang buwan bago maging effective ang kanyang resignation. At may natitira pa siyang tatlong linggo. Maraming mga gawain sa opisina na kanyang pinagtatrabahoan pero kayang kaya niyang indahin ang mga iyon. Ang di niya masikmura lang talaga ay ang kamanyakan ng lalaki. Buti sana kung ka gwapohan ang lalaki, bukas mag sisimula na siyang maghanap ng malilipatan. Di naman siya magugutom kahit di siya makahanap agad ng mapagtatrabahoan, kaya lang ayaw naman niyang maging palamunin ng matagal lalo at nasa tamang edad na naman siya para magbanat ng buto. "Anong schedule ni Marlon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Tablos. Ngali ngaling singhalan niya ang babae, pagkakaalala niya kasi ay isa lang ang boss niya. Pero ang ending ay dala dalawang beses siya magbibigay ng schedule. Kailangan niya din ibigay ang mga details sa asawa nitong bruha. "May meeting po siya with Mr. Holls at 10am po, site visit after lunch po at babalik po siya to meet up with the new production team." Tila robot kung sabi dito. "Isa isahin mo nga kung sino ang mga kasama nila sa meeting." Sabi pa nito, isa iyon sa ayaw na ayaw niya. Masyadong mahirap umintindi ang babae. "I will give you the list Madam, baka abutin po tayo ng hapon kung isa isahin ko ng basa ang mga profiles ng mga ka meeting niya today. May pinagagawa pa po siyang report para bukas sa meeting niya with the board." Magalang kung sabi dito. Kahit na kanina niya pa ito gustong bigyan ng award. "Papagurin mo pa ako kakabasa, sige lumayas layas ka nga sa harap ko at nanggigigil na naman ako sayo." Sabi pa nito na nakakumpas pa ang kamay. As if naman gusto niya din ang presence nito sa opisina masyado itong toxic na tao. Wala na yata itong ibang ginagawa sa buhay nito kundi ang sumunod sunod sa mga galaw ng manyakis nitong asawa. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kung presentation para sa board meeting bukas. Di ko na pinansin ang asawang bruha ng boss ko. Panay ang selfie lang naman nito, makapal ang make up nito na akala mo gabi at kailangan ng heavy make up. Ang ending ay tila naagnas na ang mukha nito, pero di ko iyon sasabihin sa babae bahala ito sa buhay nito. Its her life bahala ito na i deal ang manyakis nitong asawa. Nang hapon ay umalis din naman ang babae. Napa haliluya siya sa sobrang tuwang nadarama, para siyang ibon na nakawala sa hawla. Umiisip na din siya ng paraan para makawala sa kamay ng lalaking boss niya. Mas maaga sa tatlong linggo na gusto nitong gawin niya. "Loraine come to my office later." Sabi nito. Kinakabahan na naman siya dahil alam na niya kung ano na naman ang gagawin ng manyak niyang boss sa kanya. This time ay magiging mautak na siya, tinawagan niya ang kanyang kakambal na si Lezette. Naisumbong na niya dito ang lahat ng kagagohan na ginawa ng kanyang boss. Galit na galit ang kanyang kakambal na gusto na nitong sumugod agad. Kaya naman ay ito na daw ang gagawa ng paraan para mapagbayaran ng lalaki ang kahagohan na ginagawa sa kanya. Nakaslacks na siya, simula nung muntik na siyang gawan ng kahalayan ng boss niya ay nag slacks na siya. Mas mabilis na makakasipa at makakagalaw, may pepper spray na din siya ngayon na binili. Di siya makakapayag na baboyin siya ng kung sino sinong poncio pilato. Na on na niya ang video recorder na nakalagay sa kanyang dibdib at maging ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng kanyang brassiere na nakaharap ang camera sa lalaki. Pumasok siya matapos na mag warning knock. Nakita niya itong nakaupo at pinapaikot ikot nito ang swivel chair. Mataman itong nakatingin sa akin na akala mong ikakagandang lalaki nito ang ginawa nitong iyon. Ang di nito alam ay lalong nag mukha itong manyakis o mas tamang sabihin na rapist. "Ano po ang ipapagawa nyo sa akin Sir?" Tanong ko dito. "Magkano ka Loraine?" Tanong nito na ikinapatda niya. Malala na ang saltik nito sa utak. Ngayon may pa magkano na, matindi na ang tama sa utak ng lalaki. "Di po ako nagsasangla ng sarili ko, ngayon ano po ang iuutos niyo?" Seryuso ang mukha na tanong ko dito. "Alam kung nagpapakipot kalang pero sooner or later bibigay ka din. Gusto kung matikman ang makinis mong hita. Ang malulusog mong dibdib na tila ba ay lagi akong inaakit. Tiyak na mag eenjoy ka sa mahaba kung kargada." Sabi nito na ikinataas ng presyon ko. "Binabastos nyo na ako Sir. Wag kang lalapit." Sabi ko na pinindot ko na ang isang button upang hudyat na paakyatin na ang mga pulis. Mabilis na hinawakan ako sa braso, nahintakutan siya sa awra ngayon ng lalaki. Tila itong demonyo na nararamdaman niyang may balak itong masama sa kanya. "Bitawan mo ako- tulong!" Sigaw niya. "Walang tutulong sayo dito Loraine, maaga ko ng pianuwe ang ibang empleyado para masolo kita." Puno ng pagnanasa na sabi ng lalaki. "Bitawan mo-" pilit akong pumapalag sa pagkakahawak ng lalaki sa aking braso. "Itaas ang kamay!" Pasalyang pumasok ang mga pulis. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na lumingon sa akin ang manyakis na lalaki. Puno ng galit ang mga mata, mabilis kung niyakap ang kakambal niya at ang kaibigan nito. "Naka live po ang ginawa nyong kahayopan sa akin Sir. Kung tutuusin ay pwede akong umalis nalang sa kompanya mo kahit na wala ang fifteen days period na sinabi niyo. Pero naisip ko na pag umalis ako at ang papalit naman sa akin ang gagawan nyo ng kahayupan." Sabi ko sa seryusong tinig. "Live?" Tanong nito, nakaposas na ang lalaki. "Yes Sir, ngayon alam na ng boung mundo kung anong klasing demonyo kayo." Nakangisi kung sabi dito. Lumapit ako dito. "Hayop kang babae ka, i delete mo yan! Kakasuhan kita!" Sabi pa nito sa kanya. "Bago ho kayo magkaso harapin nyo muna ang mga kaso na isasampa ko sa inyo." Matapang kung sabi dito. "Papatayin kitang babae ka!" Banta pa nito. Kasama iyon sa mga nakuha ng record niya ang mga files ng mga dati nitong mga naging assistant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD