Mainit ang ulo ng lalaki ng pumasok ng araw na iyon, lalo na ng makitang nakikipag usap siya kay Demit. Isang itong bakla kaya naman komportable agad siyang makipagbiroan sa lalaki.
Pumunta ito sa opisina niya para mang hingi ng form para sa proposal. Si Maymay lang kasi ang meron nun kaya ito nandun.
Padabog na isinara nito ang pinto ng opisina.
"Hala beast mood si Sir, mamaya nalang ako babalik." Sabi nito na dali dali ng lumayas sa kanyang harapan. Pambihira isang linggo palang siya sa trabaho. Kinakabahan siya na baka kung ano ang problema baka iniisip nito na nag chatting siya habang nasa trabaho. Ang aga aga pa naman.
Dali dali siyang pumasok sa loob ng opisina nito.
"Anong ginagawa ni Monteruso?" Tanong nito di paman siya nagsasalita.
"Nanghihingi po ng-"
"Damn it! Sa Engineering department na kita i assigned. Ayokong makikitang may naglalandian sa loob ng opisina ko. Pack your things at tatawagin ko si Liz." Sabi nito.
"Di naman po ako nakikipaglandian." Parang naiiyak na ako sa sinabi nito. Engineering department is a workplace kung saan puro lalaki ang kasama niya. Parang ginagawa niya lang naman ang trabaho niya nagagalit na ito agad agad tapos transfer pa agad sa ibang department. Sana pinagsabihan nalang muna siya di yung agad agad lipat.
Ano ba ang alam niya sa engineering department. Anong maiiaambag niya.
"Just shut up, Liz pakihatid si Loraine sa Engineering department. From now on ay doon na siya mag duty." Sabi nito na ikinamaang niya. Parang napakalaking joke lang naman ang sinabi nito.
"Pero Sir, puro po lalaki ang nandun." Nahintakutan kung sabi dito.
"Exactly! Kaya kita ilalagay doon para di na sila mahirapan na pumunta dito para makita ka. Damn it!" Mura nito na tila galit na galit.
"Ang hirap nyo naman umintindi sinabi ng may kinuha lang yung tao e." Di ko napigilang himutok dito.
"Go now, baka nandun na si Liz." Sabi nito na ikinumpas pa ang kamay. Iniwan niya ang planner nito sa ibabaw ng lamesa nito at padabog na lumabas ng silid.
Kung galit ito pwes galit din siya, di niya lubos akalain na may pagka abnormal ang bagong boss niya. Di man lang nito naiisip na baka mapahamak siya sa department na iyon lalo at pawang mga lalaki ang lahat ng nandun. Ano ba ang ikinagagalit nito? Pagkakaalala niya di naman sila magkalapit masyado.
Bukod doon ay ito ang unang pagkakataon na may kumausap na lalaki ya kanya, simula nung araw na pumasok siya. Di siya komportable na makipag huntahan sa mga lalaki lalo at di naman siya sanay na may mga lalaking kasama. Tanging si Tobby lang ang madalas niyang kasama.
Mamaya maya ay humahangos na pumasok si Liz.
"Anong nangyari?" Bungad na tanong nito sa kanya.
"Ewan ko, naabutan niya dito sa loob si Demit na nanghihingi ng form sa akin. Ayon nagulat din ako na ililipat na daw ako sa engineering department. Mas marami daw ang lalaki doon." Naiiyak kung sabi dito. Napabungisngis naman ang babae sa kanyang sinabi.
"Hays mukhang may ibang tama si Bossing. Halika na baka lumabas pa iyon at makita ka kaagad dito." Sabi nito sa kanya.
"Mag reresign nalang ako dito." Sabi ko dito. Naloloka na siya sa mood swings ng kanyang boss na di niya na alam kung paano pakikibagayan. Tila ito laging may regla kung umasta.
Gaya kahapon nagalit dahil ngumiti siya. Alangan naman sumimangot siya boung maghapon, minsan naman tatawagin siya tapos mag uugat nalang ang paa niya sa kakatayo sa harap nito di man lang magsasalita ng kung ano ang kailangan nito.
"You may go now!" Sabi lang nito tapos pinaalis na siya. Di niya alam kung ano ang trip nito sa buhay. Gwapo sana pero may saltik naman.
"Ay sayang naman kung mag resign ka. Mas okay ka naman compare sa mga naunang nag apply sayo." Sabi ng babae na nauna ng maglakad sa kanya.
"Ayoko po ng workplace na maraming kasama. Lalo na kung puro lalaki, natatakot ho ako." Sabi ko dito.
Pagpasok palang nila ay tila nagkagulo ang mundo ng mga taga engineering department. Nagkanya kanyang palatak na parang gusto na niyang maiyak.
"Naks, lalo na kaming gaganahan na pumasok nito." Sabi pa ng isa.
Nanginginig na napahawak siya sa balikat ni Miss Liz.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito sa kanya.
"Miss Liz, mag reresign nalang po ako. Ayos lang kahit di na ako sumahod sa ilang araw na ipinasok ko." Sabi ko dito na umiiyak na.
"Naku e sigurado kaba sa desisyon mo?" Tanong nito.
"Oho ayoko po na magtrabaho kasama ang maraming lalaki. Di ho-" sabi ko. Bumukas ang pinto at iniluwa ang boss niyang abnormal. Bipolar at may saltik, seryuso ang mukha.
"Go back to my office now. And Loraine order our food." Sabi nito na tumalikod na. Humagalpak naman ng tawa ang babaeng kasama niya. Nakakabaliw na talaga ang inaasal ng boss niya.
"Ay sayang mukhang, binabawi na agad ni Boss ang kanyang EA." Biro ni Mr. Tanubo. Mabait ang matanda dahil madalas itong nakakausap niya sa phone pag may mga usaping teknikal.
"Halika na, bati na kayo ng asawa mo. Himas himasin mo kasi para naman di selos ng selos." Biro pa ni Liz.
"Miss Liz!" Saway niya dito. Humagikhik naman ang babae.
"Alam mo bang first time kung nakitang ganun si Sir. Sa tinagal tagal ko dito, ngayon lang yun nagalit ng todo. " Kwento pa nito.
"Naku e araw araw naman yung na nagsusungit na akala mo laging may dysmenorrhea." Sabi ko pa.
"Oo masungit at seryuso yun. Pero dati nung kay Maymay lagi namin yan kabiruan." Sabi nito. So meaning sa kanya lang ito ganun.
"Ano naman ang kasalanan ko bakit ganun nalang siya kagalit sa akin. Wala naman akong ginagawang palpak, nakakabwesit na siya." Inis kung bulalas dito. Wala na siyang pakialam kung magsumbong man ito sa lalaki. Basta gigil na gigil siya dito.
"Ganun talaga pag puso ang kalaban, nakakabaliw. O siya ikaw na ang bahala na humanap ng kiliti ni Boss. Kaya mo na yan ikaw din naman ang hihilot diyan." Sabi pa nito na may panunukso sa ngiti nito.
"Bahala siya." Sabi ko pa. Nang bumalik ako sa loob ng opisina ay inilapag ko na agad ang bag ko at pumasok sa loob ng opisina ng Boss nilang may sayad.
"Naka order kana ng pagkain?" Tanong pa nito na akala mo ay di siya pinalayas kanina.
"Wala po, nag reresign na po ako." Sabi ko dito. Bahala ng magtinda nalang siya ng kandila. Ayaw niyang mabaliw sa kakaibang mga trip nito.
"May kontrata ka sa amin. Kaya imposible ang gusto mong mangyari." Sabi nito na seryuso ang tinig.
"Sir, may mga pagkakataon na kailangan na din na mag resign ng isang empleyado. Lalo kung naabuso na ang karapatan ng isang empleyado." Sabi ko dito.
"Okay then ikaw ang bahala, here read this. Then go back here if you already did." Sabi nito na bumalik na sa ginagawa nito kanina. Nagtataka naman niya iyong sinuri. Naalala niya na iyon ang kanyang kontrata na pinermahan.
Tumalikod na siya at lumabas, nang maupo sa table niya ay inumpisahan niya na basahin ang mga nakasulat. Nung nagperma siya ay di naman niya binasa ang kontrata. Basta pumerma lang siya tapos na.
"Two million pesos!" Nanlalaki ang mga mata niya ng mabasa ang penalty once na mag resign siya.
"Litse siya!"
Yamot na yamot siya dito na tila robot na siya na pumapasok matapos ang pangyayaring iyon. Medyo nagbago na naman ang pakikitungo nito sa kanya. Pag alam nitong beast mode siya ay tila pilyong bata naman ang mode nito. Nandiyan yung uutosan siyang bumili ng condom.
Sobrang hiyang hiya siya. Alam niyang sexually active ang mga kagaya ng kanyang boss. Pero kailangan bang siya ang bumili nun?.
XXL pa ang size kaya ang ending naubos na ang lahat ng botika wala naman siyang nabilhan dahil pasadya daw ang ganun na size. Namumula siya sa tuwing na iimagine kung gaano kalaki ang xxl na alaga nito.
Tinitiis niya ang mga pananadyang pang aasar nito. Minsan na din itong naging sanhi ng nakakahiyang pangyayari sa buhay niya. Iyon ay nung biglang kumalas ang kanyang bra habang nagbabasa siya ng minutes ng meeting nito. Napatulala pa ito at napatitig sa kanyang malusog na hinaharap.
Nakatube pa siya nun kaya halata dahil puti ang kulay. Umaga palang ay pansin na niyang may kasikipan ang bra niya dahil luma na din kasi bihira niya pang gamitin. Mga twice palang yata.
Pinahiram siya nito ng coat nito. Tinawagan niya ang kakambal niya para maghatid ng bra niya. Sobrang hiyang hiya siya dito. Di naman na naungkat pa pero alam niyang naalala pa nito ang pangyayaring iyon. May mga pagkakataon kasi na nahuhuli niyang nakatitig ang lalaki sa may dibdib niya na tila duda sa durability ng kanyang bra.
Nakakapagtaka lang na kahit titigan ng lalaki ang kanyang dibdib ay di niya maramdaman na binabastos siya nito. Pakiramdam niya ay safe na safe parin siya pag kasama niya ito. Kahit na madalas ang pagka abnormal nito.