Chapter 15 - A Realization

2322 Words

PAGKATAPOS kumain nina Raiden at Bettina ay eksakto namang nagising si Mrs. Antigua. Habang nag-uusap sina Raiden at ang ina nito ay hinila naman ni Kaye si Bettina palabas ng suite. “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Bettina kay Kaye. “Dito lang tayo sa labas,” tugon ni Kaye. Hindi naman umimik si Bettina. Basta sumunod na lang ito kay Kaye na naglalakad sa hallway ng ospital. Huminto sila nang makarating sa chapel. “Anong gagawin natin dito?” may pagtatakang tanong ni Bettina nang umupo si Kaye sa pinakadulong bangko. “Halika na. Umupo ka na rin. Mag-uusap lang tayo,” wika ni Kaye. Iminuwestra pa niya ang espasyo sa kanyang tabi. “Baka hanapin nila tayo,” sambit ni Bettina nang umupo ito sa tabi ni Kaye. Umiling si Kaye. “Hindi naman siguro. Sandali lang naman tayo. Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD