“MABUTI naman at naalala mo pa akong dalawin,” walang kangiti-ngiting wika ni Mrs. Antigua nang humalik si Raizer sa ina pagdating niya sa mansyon. “Pasensiya na kayo. Kararating ko lang galing ng Singapore. Dumiretso na nga po ako paglabas ko ng airport,” paliwanag ni Raizer. “So, iyon ang dahilan kung bakit hindi mo kasama ang asawa mo?” Tumango si Raizer. “Nagpasundo nga lang po ako kay Xyrus. Tapos inihatid niya ako rito,” paglilinaw niya. “O, kasama mo naman pala si Xyrus? Nasaan na ba siya? Bakit hindi mo siya pinapasok?” natarantang sabi ng Mama niya. Bigla pa itong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. “Ma, relax lang. Umuwi na siya kasi maaga pa raw ang trabaho niya bukas,” sambit ni Raizer at pilit na pinapaupo pabalik ang kanyang ina. “Gano’n ba? Sa susunod sabihin mo sa kan