Chapter 19 - Bargaining Agreement

1250 Words

“TUTAL napag-uusapan na rin lang natin ang iyong buhay may-asawa, ano kaya kung magkaroon tayo ng kasunduan tungkol diyan?” suhestiyon ni Mrs. Antigua. “Ano ang iyong ibig sabihin, ‘Ma?” Hindi maiwasan ni Raizer na kabahan sa sinabi ng ina. Nai-imagine niya na may pinaplano na namang iba ang Mama niya. Sana lang ay hindi panibagong problema ang dulot nito. “Let’s make a deal about your marriage,” diretsahang sabi ng Mama niya. Kumurap ng ilang beses si Raizer. Heto na nga ba ang sinasabi niya. May naisip na namang iba ang kanyang ina. “Anong deal ang tinutukoy ninyo, ‘Ma?” “Well, bibigyan kita ng isang taon para pakisamahan nang maayos si Kaye. Kapag sa loob ng isang taon ay walang nangyari sa pagsasama ninyo, ako na mismo ang gagawa ng paraaan upang maghiwalay kayo. Ano sa palagay mo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD