MAAGANG nakauwi si Kaye ng hapon na iyon. Eksaktong alas-sais nang makarating siya sa bahay nila. Nang silipin niya ang sasakyan ni Raizer ay wala pa ito. Ibig sabihin ay nasa trabaho pa ang asawa niya. Paakyat na siya ng hagdan nang marinig niya ang pagtawag ni Yaya Aura sa kanya. “Kaye, iha! Nandito ka na pala,” nakangiting bati ng matanda. “Magandang gabi po, Yaya!” masayang bati niya rito. “Magandang gabi rin sa iyo, iha. Mukhang maaga ka yata ngayon, ah.” “Wala pong masyadong traffic kaya mabilis ang biyahe ko ngayon,” katuwiran niya. “Mabuti naman kung gano’n. Tumawag pala si Raizer kanina. May bilin siya para sa iyo.” “Ano po iyon?” nagtatakang tanong niya. Bakit kaya kay Yaya Aura pa tumawag si Raizer? Bakit hindi na lang siya ang tinawagan nito? Huh? Gusto mong tumawag sa