Chapter 23 - Physical Torture

2566 Words

NANG MABAKLAS ni Kaye ang buckle ng pantalon ni Raizer ay halos hindi na siya humihinga. Pakiramdam niya ay wala nang hangin sa kanyang baga. Ang buong akala niya pati siper ng kanyang pantalon ay ibababa nito. Ngunit hindi naman pala. Itinaas lang nito ang sando niya. Nagpapalatak si Kaye habang umiiling ito. “Grabe! Namumula pa rin. Tapos malaki pala iyang paso mo,” anito habang nakatitig sa bahaging natapunan ng kape. Hindi makakibo si Raizer. Pakiramdam niya ay isa siyang specimen na ini-inspect ni Kaye. Hindi na siya halos humihinga. Ibinaba ni Kaye ang sando niya saka ito bumalik ng upuan. Noon pa lang pinakawalan ni Raizer ang kanyang pinipigil na hininga. Ngunit saglit lang pala ang ginhawang naramdaman niya. “Oops! May nakalimutan pala ako,” ani Kaye at bigla itong tumayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD