Chapter 11 - Another Chance

2255 Words

“KAIN LANG ng kain, iha. Kumain ka ng marami para hindi ka magutom,” saad ni Yaya Aura kay Kaye habang nag-aalmusal sila ng umagang iyon. Ngumiti lang si Kaye. Hindi niya magawang sumagot dahil puno ng pagkain ang bibig niya. Nang sumama siya kay Raizer kagabi ay dumiretso sila dito sa Batangas. May bahay pala ang asawa niya na malapit lang sa mismong resort. Kahit wala siyang dalang damit, may mga damit pambabae naman na nasa walk-in closet mismo sa master’s bedroom. Nang tanungin niya ang asawa tungkol dito ay sinabi nitong ipinabili daw ng biyenan niya para sa kanya bago pa man sila ikasal. Noong una ay ayaw niyang maniwala. Pero nang isukat niya ang pajama set ay natanto niyang kasyang-kasya sa kanya. Hindi masikip o mahaba. Tama lang sa kanya. Kaya siguradong para sa kanya nga ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD