Team Lumiere

6764 Words
*Headmaster's POV* Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng may kumatok sa pintuan. "Pasok" sabi ko at hindi inalis ang tingin sa field sa labas. Narinig kong bumukas ang pinto at may naglalakad papasok sa opisina ko. Huminto siya at nagsalita. "Headmaster." Bati niya sa akin. "Maligayang pagbabalik. Mabuti nalang at ligtas kayong nakauwi." Hinarap ko siya at tiningnan. "Allison." Bati ko at naglakad ako papunta sa mesa at umupo sa swivel chair sa likod nun. Itinuro ko ang upuan sa kanan ko. "Have a seat." Paanyaya ko sa kanya. Sumunod naman siya sa akin. Tahimik na umupo siya at hinintay akong magsalita. "Here, take a look at this pictures." Sabi ko at iniabot sa kanya ang isang lumang libro. Nakabukas iyon sa isang pahina kung nasaan ang mga larawang ipinapakita ko sa kanya. Inabot niya yun at pinakatitigan. She frowned as she looked at the pictures. "Gusto kong malaman kung isa sa mga simbolong nandiyan ang nakita mo kay Rosallie." Diretso kong tanong sa kanya. Bigla siyang napabaling sakin at lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. "Po?" Naguguluhang tanong niya. "Ang simbolong nakita mo sa noo ni Rosallie.... may katulad ba sa mga simbolong nandyan?" Tanong ko. Bumalik ang tingin niya sa librong hawak. Pinaling niya ang ulo kaliwat kanan para tingnan sa ibang angulo ang mga larawan. Pigil hininga ko namang hinintay ang magiging sagot niya. Hindi ko pinapahalata, pero kanina pa ko kinakabahan sa matutuklasan ko kay Allison. "Im not sure. Parang...hindi...." mahinang sabi niya. Parang lobo na nadeflate ang katawan ko. Hindi ko alam kung sa labis na relief o sa disappointment. Kung ganun, mali ako ng inakala sa limang yun...... "Wait..." narinig kong sabi ni Allison. Bumalik ang tensyon ko. My muscles tensed and my heartrate accelerated. Ipinatong niya ang libro sa mesa ko at inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng larawan. Nagtatakang pinanood ko siya. Inulit niya ang ginawa niya sa limang larawan na nasa libro. Ng makarating siya sa pinakahuling larawan, nakita ko ng matigilan siya habang unti unting lumaki ang mata niya. Umuwang din ng bahagya ang mga labi niya sa gulat. Sumikdo ang t***k ng puso ko sa nakita kong reaksyon niya. My heart pounds in my chest as she raised her head to looked at me. "This symbol. Ito po ang nakita ko kay Rosallie." Sabi niya at tinuro ang huling simbolo sa larawan. Napapikit ako at nabuga ng hangin. Nanikip din ang dibdib ko sa magkahalong kaba at takot. Parang nanginginig din ang katawan ko. Dumilat ako at diretsong tiningnan si Allison. Nagtatanong ang mga mata naman niyang sumalubong sa akin. "Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pilit kong itinago ang nararamdaman ko para wala siyang mahimigan sa boses ko. Tumango siya. "Yes, Headmaster." Sagot niya. Dumako ang tingin ko sa libro sa harap namin. Ang librong ipinasa pa ng kauna unahang Headmaster ng Guillier sa mga sumunod sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakatatagong sekreto ng Academy. Naikuyom ko ang kamay ko at naitakip sa bibig ko habang sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko. Sinong magaakala na sa panahon ko mangyayari ang kinakatakutan ng mga naunang Headmaster? Sapat na ba ang paghahanda namin? Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamay ko. Handa na ba ko? Napatingin ako kay Allison. Handa na ba kami? Parang biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng katanungan sa isip ko. "Headmaster" Pukaw ni Allison sakin. Tiningnan ko siya pero hindi ako nagsalita. "Hindi ko alam, pero mukhang importante ang simbolong yan sa inyo. Kaya sa tingin ko... kailangan niyo ring malaman to..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pumihit siya sa upuan para tuluyang humarap sa akin. "Yung simbolong nakita ko kay Rosallie.... " nagaalangan niyang sabi. Hindi ko napigil ang pagbangon ng inis sa dibdib ko sa pambibitin niya. "Say it. Sabihin mo ng dirediretso ang lahat ng nakita mo." Inis na sabi ko. I saw her flinched. Mukhang natakot ko siya sa tono ng boses ko. Tumikhim siya at nagsalita. "Yung simbolong nakita ko kay Rosallie, kalahati lang po yun ng simbolo na nasa libro." Sa pagkakataong ito, ako naman ang natigilan. Parang bumagal din ang oras sa paligid ko habang pinoproseso pa ng isip ko ang sinabi niya. "Ulitin mo ngang sinabi mo." Mahinang utos ko. Naguguluhan man. Inulit pa rin nya ang sinabi nya. "Yung simbolong nakita ko kay Rosallie, kalahati lang po yun ng simbolo na nasa libro." I blinked. Kalahati? Ng simbolo? Papaanong...... Hinablot ko ang libro at inaharap sa akin. Iniscan ko ulit ang mga nakasulat dun. Pero walang nabanggit dun sa pagkakahati ng simbolo. Ano to? Bakit kalahati kang? At kung na kay Rosallie ang kalahati..... nakanino ang natitira pang kalahati? Tiim bagang bumaling ako kay Allison. Hindi ko alam kung makakabuti o makakasama ang pagkakahati ng simbolo. Pero kailangangan ko yung malaman ano't ano man... at iisa lang ang makakasagot nun. "Allison, gusto kong magtipon ka ng malalakas na Alumni para sumama sayo sa Shadow Realm. You need to retrieve someone. At gusto kong madala niyo siya dito by all means." Matigas kong utos. Dumiretso siya sa pagkakaupo. "Sino po bang hahanapin namin sa Shadow Realms?" Tanong niya. I looked directly at her eyes. "I want you to find Keres." Halatang nabigla sya sa sinabi ko. Parang mawalan din ng kulay ang mukha niya. "P-pero Headmaster.... hindi ba matatagpuan lang siya sa pinakasentro ng Realm?" Sabi niya. Alam kong pilit niyang pinapatatag ang sarili niya. Pero nahimigan ko pa rin ang takot sa boses niya. Bumuntong hininga ako. Alam kong mapanganib ang pinagagawa ko sa kanya. Pero ito lang ang paraan para magkaroon kami ng kasagutan. Ito lang ang paraan para ihanda kami sa nalalapit na kaguluhan. "Yes, Allison" sagot ko sa kanya. "Nasa pina kasentro yun ng Shadow Realm, kung saan madalas lumabas ang mga Crows. Kaya gusto kong isama mo ang pinakamagagaling at pinaka malalakas na Alumni. Bukod kela Christian." Nagaalinlangang tumango siya. "Yes Headmaster." "We need her Allison. Kaya gusto kong madala mo siya dito as soon as possible. Naiintindihan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. "Yes Headmaster". Sagot ulit niya. "Then go. Gawin mo na ang dapat mong gawing paghahanda sa pagpunta mo sa Shadow Realm. At Allison.... wala ka munang pagsasabihan na kahit sino tungkol sa ipinagagawa ko sayo. Do it as discreetly as possible." Seryosong sabi ko sa kanya. "Opo Headmaster. " sagot niya at nagpaalam na. Ilang minuto pagkalabas ni Allison sa opisina ko, saka naman pumasok ang dalawang Head of House. Huminto sila sa harap ko at bahagyang yumuko. "Headmaster. " magkasabay nilang sabi. Tumango ako at iminuwestra ang mga upuan sa harap ng aking mesa. "Maupo kayo." Sabi ko. Tumalima sila at tahimik na tumingin sakin. "May kailangan akong ipagawa sa inyong dalawa." Sabi ko at inilahad sa kanila ang plano ko. Ng matapos ako sa pagsasalita, gulat na tumingin silang dalawa sakin. "Headmaster.... sigurado ba kayo?" Tanong ni Matt. Tumango ako at hindi nagsalita. "P-pero Headmaster. Di po ba... masyado pang maaga?" Tanong ni Jason. Maaga? Mali kayo.... dahil kung tama ako. Huling huli na tayo.... isip isip ko. "Basta gawin niyo ang pinagagawa ko at wag ng magtanong pa. Saka ko na ipapaliwanag sa inyo ang dahilan ko." Sabi ko sa kanila. Tinapunan nila ng tingin ang isat isa bago bumaling sakin. Halatang napipilitan lang sila ng sumang ayon sakin. Wala akong magagawa, kailangan may kumilos para alamin ang lahat. Hindi magtatagal ay mauunawaan din nila ang rason kung bakit ko inutos iyon. Kailangan, ako mismo ang makakita.... Bumalik sa mga kasama ko ang takbo ng isip ko ng tawagin ako ni Jason. Bumaling ako sa kanya. "Headmaster, may sasabihin kami tungkol sa limang bagong estudyante." Sabi ni Jason. Tumango ako. Inaasahan ko na, na may ibabalita sila sa akin tungkol sa limang yun pagbalik na pagbalik ko. "Go ahead." Sabi ko. Hindi sumagot si Jason. Makahulugang tumingin muna sya kay Matt bago ulit bumaling sakin. "Hindi lang sa kanilang lima. Kundi pati kay Kaeden." Sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko. "Anong kinalaman ni Kaeden sa kanilang lima?" Tanong ko pa. "Malaki." Sagot ni Matt. "Lalong lalo na kay Rosallie." Sabi niya at ikwenento na sa akin ang lahat ng nangyari mula ng umalis ako ng Academy. ________________________ *Rosallie's POV* Bagot na tumingin ako sa harapan ng silid. Pilit kong binubuksan ang namimigat kong mata. Sobrang pagod na ang katawan ko kaya hindi na ko makapagfocus sa pakikinig sa sinasabi samin ng Professor namin. Mabuti nalang at ito na ang huling klase ko sa araw na to. Nasa Aether building ako ng Lumiere House. Kasama ko si Racky at ang mga estudyanteng kapareho ko ng Elemento. Pinagaaralan namin ang ibat ibang klase ng kapangyarihan ng mga Aether User. Katulad yun ng sinabi ni Sir Christian. Pinahaba lang at mas inexplain ng masinsinan. Parang Theoretical lang. Sinapo ko ng isang kamay ang ulo ko at sinubukang makinig. Parang nagbabuzz na ang tengga ko at wala ng nareregister sa utak ko. Pagod na pagod na talaga ako sa buong maghapon. Mula pa kasi kaninang umaga, kaliwat kanan na ang klase ko. Hindi lang naman puro kapangyarihan ang itinuturo samin. May basic subjects din gaya ng Math, English, Science at kung ano ano pa. Lalabas din daw kasi kami ng Academy pag grumaduate kami. Magkakaroon ng buhay kasama ang mga normal na tao, kaya kailangan parin naming sumabay sa mga pinag-aaralan sa labas. Parang sasabog na ang utak ko sa dami ng napag-aralan namin. Bukod kasi sa klase. Tinuturuan din ako ni Sir Christian ng mga lesson na namiss ko. Huli kasi kaming pumasok sa Academy at maraming lesson na ang nalaktawan ko. Kaya kung todo ang pagtu-tutor nya sa akin. Pagdating naman ng hapon. Halos sumakit ang katawan ko sa training. Paano ba naman.... patakbuhin daw ba ko ng ilang ulit paikot ng House namin. Pinalalakas daw kasi ni Sir Christian ang Stamina ko para hindi ako madaling mapagod sa tuwing hahawakan ko ang kapangyarihan ko. Kung alam ko lang na ganun magtraining si Sir Christian, nagmakaawa na sana ako kay Ms Hale na siya nalang ang maging mentor ko. Babae siya, kaya mas madali siguro ang training niya. Napaismid ako ng may maisip. Tingin ata sakin ni Sir Christian eh lalaki ako eh. Hard kung hard agad ang ibinigay na training. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa binti ko ng umiba ako ng pwesto sa upuan ko. Pati stretching... pahirap! Bumuntong hininga ako ng malalim at nilingon si Racky sa katabi kong upuan. Nakayuko siya sa librong nasa harap niya. Nakatakip sa mukha niya ang buhok niya. Kanina pa sya ganun. Ni hindi man lang kumilos mula kanina. Tumaas ang gilid ng labi ko. Taray! Talagang subsob sa pagaaral? Kaw na masipag.... Natigil ako sa iniisip ko ng makita kong bumababa ang ulo niya sa librong nasa harap niya. Kumunot ang noo ko. Malabo ba mata ni Racky? Kailangan, malapitan talaga ang pagbabasa? O baka naman nadidiliman siya sa bibabasa niya. Kapal kasi ng buhok na nakaharang sa mukha niya eh.. ayaw hawiin.... masabihan nga... Itinaas ko ang isang kamay ko para abutin sana ang balikat niya ng biglang bumagsak ang ulo ni Racky papunta sa nakabukas na libro niya. My hand froze in mid air. Nanigas din ako sa pagkakaupo at tiningnan ang pabagsak ng ulo niya. Hala! Literal na susubsob yun sa libro niya! Biglang huminto ang ulo niya isang dangkal ang layo sa desk niya. Bigla rin niyang itinaas iyon dahilan para mawala ang pagkakatakip ng buhok niya sa mukha niya. Inaantok na idinilat nya ang mata. Pinalaki pa niya iyon para tuluyang magising. Saka sya biglang humarap sakin. Muntik na kong bumanghalit ng tawa sa itsura ng mukha niya. Mabuti nalang at mabilis kong na itakip ang mga kamay ko sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Nandidilat kasi ang mata niya ng tumingin sa akin! Mamula mula pa iyon. Ibig sabihin kanina pa pala siya natutulog sa klase! Umalog alog ang balikat ko dahil sa pagpipigil kong matawa ng malakas. Halos isubsob ko na rin ang mukha ko sa desk ko para takpan ang ingay na ginagawa ko. May kumakawala pa rin kasing impit na tawa mula sakin. Napatingin narin ang mga kaklase kong malapit sa akin. Langya! Akala ko seryoso sya sa pagbabasa... yun pala, milya milya na ang layo niya sa panaginip niya. At hindi pa obvious ang pagtulog niya ah! Galing! Idol! Humugot ako ng sunod sunod na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Sumasakit narin ang tiyan ko sa pigil na pagtawa ko. Iniharap ko ang mukha ko sa gawi ni Racky habang nanatili parin ang ulo kong nakapatong sa desk ko. Hindi parin kasi ako makadiretso ng upo sa takot na biglang lumakas ang tawa ko. Mahirap na.. yari ako... Nakita ko naman syang nakatingin sa akin. Nakataas ang isang kilay niya. What? She mouthed. Inosenteng inosente ang itsura niya. Hindi mo aakalaing kanina lang eh muntik ng sumubsob ang mukha nya dahil sa pagtulog sa klase. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko. Isinubsob ko ulit ang mukha ko sa desk ko at pinisil ko na rin ang braso ko para mafocus ako sa sakit imbes na sa nakakatawang itsura ni Racky kanina. Inhale... exhale... inhale... exhale... Unti unti kong naramdamang kumakalma ang katawan ko. Hindi narin gaano umaalog ang balikat ko. Itinuloy tuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa marinig kong nagpaalam na ang Professor namin. Tapos na pala ang klase. Hayyyyy... wala tuloy akong naintindihan sa lesson kanina... racky kasi eh. Naramdaman kong may mahinang humampas sa balikat ko. "Hoy, anong problema mo? Anong pinagtatawanan mo?" Narinig kong tanong niya. Umupo ako ng maayos at hinarap siya. Pinunasan ko rin ang luhang lumabas dahil sa katatawa ko sa kanya. "Hindi ano. Sino." Natatawang pagtatama ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Sino?" Tanong pa niya. Hindi ko na napigil ang tawa ko. Tutal naman, tapos na ang klase, ok na siguro kahit tumawa ako ng malakas. "Ikaw! Itsura mo kanina! Grabe! Loko ka Racky, bakit ka natutulog sa klase?" Sabi ko sa pagitan ng tawa. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Shhh... wag ka maingay." Sabi pa niya. Natatawa kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Oo na. Grabe ka! Kala ko pa naman din seryoso ka kanina sa pagbabasa. Yun pala...." nakangiting sabi ko. Nginisihan niya ko. "Galing ko no. Master ko na ang style na yun." Sabi pa niya. Di makapaniwalang tiningnan ko siya. "Bakit? Lagi ka bang natutulog sa klase.?" Nagkibit balikat siya. "Pag boring ang pinaguusapan, minsan tinutulugan ko nalang. Oh kaya, basta antukin ako, natutulog ako kahit ano pang subject yan.." Sagot niya. Napailing ako sa sinabi niya. Ng lingunin ko ang mga kaklase ko, nakita kong iilan nalang kami sa loob ng klase. Mukhang pumunta na ang iba sa Cafeteria para kumain. "Tara na sa Cafeteria. Nagugutom na ko." Yaya ni Racky. Tumayo na siya at naunang naglakad papalabas ng classroom. Tumayo ako at mabilis siyang sinundan. Naglakad kami pumuntang North East building kung nasaan ang Cafeteria. Ng makalabas kami ng building namin, nakita kong nagsisipaglabasan na rin ang ibang estudyante mula sa kanya kanyang building nila. Nakita ko sila Teresa at Tin na naghihintay samin sa gilid ng pinto ng Cafeteria. Kinawayan nila kami at gumanti ako ng kaway sa kanila at hinila si Racky. Ng makapasok kami ay agad kaming pumila para makakuha ng pagkain. Punong puno ang Cafeteria. Parang lahat ng taga Lumiere, present. Ang iba bitbit ang mga Spirit nila. Ngayon ko lang napansin na ang mga estudyanteng walang kasamang Spirit ay may suot suot naman na ibat ibang uri ng accessories. Napahawak ako sa kwintas sa leeg ko. Natutulog parin si Ryuu mula kahapon. Namimiss ko nang marinig ang boses niya o di kaya ay mayakap ang maliit na katawan niya. Ayoko naman siyang gisingin. Baka hindi pa sya lubos na nakakapagpahinga. Hihintayin ko nalang na kusa syang gumising. Naghanap kami ng bakanteng mesa ng makuha namin ang mga pagkain namin. Nakakita kami sa bandang dulo ng silid. Sama sama kaming umupo dun at kumain. Panaka naka ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa naging lesson namin sa magkakahiwalay na building. Nang matapos kaming kumain, dumako sa naging training namin ang usapan. Napangiti ako ng marinig ang reklamo nila Teresa at Tin tungkol sa mga Mentor nila. "Naku kung alam niyo lang kung gano kaestrikto si Sir Daemon, siguradong magpapasalamat kayo na sa iba kayo napunta." Sabi ni Teresa. "Hindi rin Tere. Grabe din kaya si Sir Adam. Walang awa! Halos humilata na nga ako sa lupa sa sobrang hingal eh sige parin ng utos sakin." angal ni Tin. "Eh ikaw Sallie? Kamusta Training niyo ni Sir Christian? " tanong ni Teresa sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago sya sinagot. "Ayun. Parang sa inyo din. Grabe kung magbigay ng training. Daig pa ata natin ang nasa Military eh. Unang araw palang pero parang susuko agad katawan ko sa training niya. Yung totoo? Ano ba tong napasukan nating Academy?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat si Teresa at Tin. Nangalumbaba naman si Racky at yamot na tumingin samin. Ay naku... inaantok na naman tong Roommate ko. "Hindi nyo alam? Hindi ba sinabi sa inyo ng Mentor nyo?" Tanong ni Racky. Nagtatakang napatingin kaming tatlo sa kanya. Maya maya ay bumaling kami sa isat isa. Lahat kami mukhang walang alam. May nasabi ba sakin si Sir Christian tungkol sa klase ng paaralan ang Guillier? Parang wala naman ah. Alam kong kakaiba ang Guillier sa ibang Academy sa mundo. Bukod sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga Estudyanteng pumapasok dito, tinuturuan din nila kaming palakasin ang physical and elemental powers namin. Pati Special abilities tinitrain nila para mas lalo iyong lumakas. May nakikita rin akong training para sa paggamit ng mga Spirit weapon....... Teka! Power.... special abilities.... and weapon..... May idiyang namumuo sa isip ko habang binabalikan ang mga bagay na itinuro dito. Nanahimik ako at nahulog sa malalim na pagiisip. Hindi lang nila kami basta tinuturuan ng control dito. Pero mas hinahasa nila kami sa paggamit ng mga iyon ,para..... Sumingit sa isip ko ang nangyaring labanan nung unang araw ko sa Academy. Ang tagisan ng dalawang grupo. Party Duel.... Nanlaki ang mata ko ng magtagpo tagpo ang laman ng isip ko. Tinitrain nila kami para...... makipaglaban. Mabilis akong tumingin kay Racky. Mukhang hindi niya inalis ang tingin niya sa akin mula pa kanina. Bahagya siyang ngumiti ng makita ang ekspresyon ng mukha ko. Dahan dahan siyang tumango bilang pagkumpirma sa iniisip ko. Halos mapanganga ako sa gulat. Nagpalipat lipat naman ang tingin nila Teresa at Tin saming dalawa ni Racky. Hindi ako makapagsalita sa pagkabigla. Hindi ko rin naman alam kung pano sasabihin ang nalaman ko. Shock parin ako... Si Racky ang nagsalita para sakin. "They training us to become soldiers. As a matter of fact, The name of our Academy is a combination of two words." She leaned forward and continue. "from the word GUILd.... and SoldIER... Guild of Soldier. GUILLIER. " sagot niya. Napanganga sila Teresa at Tin. Maging ako natigilan sa sinabi ni Racky. Akalain mo yun, may meaning pala talaga pati name ng Academy. Nakita kong kumunot ang noo ni Tin at napatingin sa malayo. Gumalaw ang mga daliri niya na parang nagsusulat sa hangin. Bumubuka din ang bibig niya pero walang tinig na lumalabas mula roon. Maya maya ay bumaling siya kay Racky at seryoso ang mukang nagtanong. "Sobra ng isang L, racky... san yun galing?" "Ha?" Takang tanong ni Racky. Pati kami ni Teresa kunot noong tumingin sa kanya. "Sabi mo galing sa Guild at Soldier ang Guillier. So pag inispell mo. GUIL-IER lang dapat. Sobra ng isang L" sabi pa niya. Napailing kami ni Teresa. Natuptop ko rin ang noo ko. Tin-Tin talaga.... hayyy.... Pinatulan naman ni Racky ang sinabi ni Tin. "oo nga no. Di ko alam. Tanong mo kay Headmaster. Tapos sabihin mo sa akin pag sinagot ka niya." Napalabi si Tin. "Ayaw. Nakakatakot kaya kausap ni Headmaster." Sagot pa niya. May sasabihin pa sana si Tin ng biglang may lumabas na dalawang malaking screen sa taas ng Cafeteria. Umilaw iyon ng pula at umalingawngaw sa buong silid ang alarm. Halos mapatalon ako sa sobrang pagkagulat ng maghiyawan ang lahat ng estudyante. May mga nagtayuan pa nga sa kani-kanilang mga upuan. "Wahhhhhh! May sunog! May sunog?! Saan ang sunog?!Bilis Tere! Takbo!" Sigaw ni Tin sa amin. Nagpapanick pa niyang hinila patayo si Teresa. Halos natumba naman si Teresa sa pagkakahila ni Tin. Sumabit kasi ang paa niya sa upuan niya. "Tin ano ba?! Umayos ka nga! Walang sunog!" Sigaw pa ni Teresa kay Tin at binawi ang kamay niyang hawak nito. "Anong wala?! Ayan oh! Fire alarm!" Sagot niya at itinuro ang screen sa taas. Natigilan siya ng makitang may nakasulat na sa dalawang screen. Ang isa, TEAM ang nakasulat. At sa kabila, BATTLE ang nakalagay. Dahan dahan siyang tumingin saming tatlo. Kami ni Racky nakaupo parin habang pinipigilang matawa sa pagpapanick niya. Si Teresa naman inis at nahihiyang inayos ang uniporme niya. Namumula din ang mukha niya dahil natigil sa paghiyaw ang maraming estudyante at napatingin sa kanila ni Tin. Binitawan ni Tin si Teresa at hinawi ang buhok niya. Pasimple siyang umupo at nahihiyang nagkamot ng ulo. Nahihiyang tumabi din sa kanya si Teresa. Hindi ko mapigilang may kumawalang tawa sa akin. Kaya sabay pa nila kong pinaningkitan ng mata. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko pero hindi si Racky. Bumanghalit siya ng tawa. Mukhang nahawa ang mga estudyanteng nakatingin kanina kela Tin at Teresa dahil tumawa rin sila ng malakas. Ang iba, nakangiting umiling naman. Matalim na tumingin si Tin kay Racky. "Sige lang Racky. Tawa pa... kahiya naman sayo eh." Sarcastic na sabi niya. " Sumakit sana tiyan mo mamaya." Narinig kong bulong niya. "Uy Tin.. masama yan ah." Saway ko sa kanya. Umabreseta siya at isinubsob ang mukha niya sa balikat ni Teresa. "Kasi ehhhhh.... kakahiyaaaaa...." sabi niya na kinatawa nalang namin ng marahan ni Teresa. "Huy... tama na yan. Kabagan ka sige!"saway ko kay Racky. Naiiyak na pinigil naman niya ang tawa niya. "Grabe. Sorry Tin. Hindi ko napigil eh." Natatawang paumanhin niya kay Tin. "Tse! Walang sorry sorry." tampong sabi naman ni Tin. Nanatili siyang nakasubsob sa balikat ni Teresa. Bumaling ako kay Racky. "Ano ba kasi nangyayari? Halos tumalon ang puso ko sa gulat ng nagsigawan sila ah!" Itinuro niya ang dalawang screen sa taas. "Ayan oh! May Team battle." Sagot niya. Ayos to kausap ah! "Racky.. nakakabasa naman ako. Kaya alam kong may Team battle . Ang tanong ko... kung ano ibig sabihin nun." Tanong ko pa sa kanya. Umiling siya. "Sa Team battle, Pipili ang Screen ng isang estudyante randomly para maging Team Leader. Pagkatapos pipili siya ng siyam na makakasama niya na bubuo sa Team nya. Dalawa kada element. Dalawang elites, apat na advance at apat na novice." Paliwanag niya. "Ahhhh... eh sinong makakalaban ng mabubuo nating Team?" Tanong ko pa. Napalingon kaming lahat sa screen ng magbago yun. Sa unang screen makikita ang mga estudyanteng may puting blazer. Napatingin ako sa ceiling ng Cafeteria. Malinaw kasi na ang buong Cafeteria namin ang nasa unang screen. Mukhang may camera sa taas na hindi ko makita. Ng tingnan ko ang kabilang screen, nakita ko ang mga estudyanteng may itim na blazer. Mukhang Cafeteria naman ng House of Nacht ang nandun. Punong puno din ang Cafeteria nila gaya sa amin. Nakakaamazed titigan ang pinagsama samang estudyante ng dalawang house. Napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo ang Elites ng Nacht. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ang isang grupo ng Elites na nakaupo malapit sa bintana. Hindi ko man makita ng mabuti ang mukha niya at ang kulay sa blazer niya, alam kong isa sya sa tatlong nakaupo dun. Kaeden.... Wahhh... ano tonng iniisip? Bakit siya? Erase! Erase! Natahimik ang lahat ng pumasok sila Mr Daniels at mga Professor ng Lumiere sa Cafeteria. Nakita ko rin si Sir Christian at Sir Christoffe ng pumunta sila sa harap. Humilera sila sa likod ni Mr Daniels. Kung titingnan ko nga ng mabuti.... mukha ngang hanay ng sundalo ang pagkakaayos nila. "Good afternoon students." Bati ni Mr Daniels hindi lang sa aming mga taga Lumiere kundi pati na rin sa mga estudyante ng Nacht. Nagappear sa screen ang mukha ng dalawang Head of House. "Ito ang ikalawang Team Battle natin sa taong ito. Gaya dati, pipili ng isang estudyante randomly bilang Team Leader. Isa bawat House. Pagkatapos ay pipili siya ng siyam na kocompleto sa magiging Team niya. Alam niyo na siguro ang bilang ng estudyanteng pipiliin nyo bawat level." Sabi ni Mr Daniels. Ipinagpatuloy naman ni Mr Pierce ang pagsasalita."At the end of this month, maghaharap ang dalawang Team sa Arena ng City Proper. Doon ay magtatagisan kayo ng galing hanggang sa isang House ang tanghaling panalo. The victors will received two hundred and fifty points, habang ang Team Leader nila ay makakakuha ng five hundred points. At ang bawat estudyante sa nanalong House ay makakatanggap ng tig dalawampong puntos bilang premyo" paliwanag niya. "Kaya wag na nating patagalin pa. Let's see kung sino ang dalawang maswerteng estudyante na magiging Team Leader. Let's start with Nacht" Nakangiting sabi ni Mr Daniels. Nawala sa screen ang mukha nila. Naging white ang screen ng Lumiere at black sa Nacht. Maya maya lang ay may lumabas na larawan sa Black screen. Mabilis na nagpapalit palit iyon habang namimili ang screen ng isang estudyante. Ramdam ko ang makapal na tensyon sa dalawang House. Wala ni isa ang kumikilos. Lahat nakatingala sa screen at pigil hiningang naghihintay. Halos lumundag naman ang puso ko ng makita ang larawang napili ng screen para sa Nacht. Malakas na naghiyawan ang mga taga House of Nacht. Lalo namang kumapal ang tensyon saming taga Lumiere. "Kaeden Fiore" tawag ni Mr Daniels sa magiging Team Leader ng Nacht. Nakita ko sa screen ng tumayo si Kaeden mula sa upuan niya. Tama nga ako. Isa sya sa tatlong nakaupo malapit sa bintana. Kaswal na pumunta siya sa harap katabi ni Mr Pierce. Idinantay naman ng Head of Nacht ang kamay niya sa balikat ni Kaeden at nakangiting tumango. Mukhang masaya siya sa nangyaring pagpili. Sumunod na naglabas ng larawan ang puting screen. Mabilis din na nagpapalit palit ang mga larawang nandun. Halos pigil ko na ang hininga ko habang hinihintay na huminto ang larawan sa screen. Grabe! Kakatense ah! Sana yung katapat ni Kaeden ang mapili. Para manalo naman kami. Isip isip ko ng sa wakas ay huminto ang larawan sa screen. Nawala ata ang lahat ng dugo ko sa katawan ng makita ang mukha ng magiging Team Leader ng House namin. Alam kong namumutla ako ng tingnan ko si Teresa. Gulat at namumutla din siyang tumingin sa akin. Pati si Tin pareho namin ng itsura. Hindi gaya ng sa Nacht, walang nagbunyi sa House namin, sobrang tahimik ng paligid. Pagkatapos ay unti unting bumaling ang mga estudyante sa gawi namin. Nakita ko ang takot ni Teresa ng tingnan ako. Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Napahawak din ako ng mahigpit sa kanya. Unfair! Mukhang may mali sa screen namin! Dapat ulitin ang pagpili! Nawala ang pagasa kong mababago pa ang desisyon ng marinig kong nagsalita si Mr Pierce para kilalanin ang magiging Team Leader namin. Halos dumagundong ang boses niya dahil sa sobrang katahimikan. "Rosallie Tuazon". Tawag ni Mr Pierce. KILL. ME. NOW! PLEASE! AYOKO!!! Para akong napako sa kinauupuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang kaba at takot. Halos maputol din ang sirkulasyon ng dugo sa mga kamay ko sa higpit ng pagkakahawak namin ni Teresa. "Rosallie. "Narinig kong tawag sakin ni Mr Daniels. "Come here." Utos pa niya. Wala paring nagsasalita sa mga kaklase ko. Lahat sila hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Ang iba pa nga disappointed ang itsura. Naramdaman ko ng may marahang tumulak sa balikat ko. Parang robot na bumaling ako sa kanya. Si Racquel. Itinulak niya ako patayo kaya napabitaw ako kay Teresa. Wala akong maramdaman. Parang nagyelo ako sa sobrang panlalamig ng katawan ko. Feeling ko maiiyak na ko sa takot. Bakit kasi ako pa?! Kabago bago ko lang ah! Ni hindi ko pa nga alam gamitin Spirit Weapon ko eh! Tapos makikipaglaban na ko sa mga yan? Unfair talaga! Eh halos magpatayan na sila nung party duel palang.... sa Team battle pa kaya..... "Rosallie." Narinig kong tawag ng tao sa harap ko. Itinaas ko ang tingin ko at nakita ko si Sir Christian. Mukhang pinuntahan na nya ako para sunduin papunta sa harap ng Cafeteria . Lumapit siya sa akin at hinawakan ang siko ko. "Halika na. Kailangan mong pumunta sa harapan."bulong niya. "S-sir Christian... A-ayoko po." Nanginginig na sabi ko. Bahagyang humigpit ang hawak niya sa akin. Lumapit pa sya para takpan ako. "Shhh.. it's ok. Wag kang matakot. Tutulungan naman kitang maging handa sa laban. Trust me." Bulong ulit niya. "Wag mong ipakitang natatakot ka." Wag ipakita? Paano? The thought of me, in the center of a fight, scared the hell out of me! One glimpsed of me and you will know that Im scared....no.. scratch that! Im terrified.! Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi pwede ang ganito... pinapahiya ko na ang House ko. Ayoko naman ikahiya nila ko. Kailangan kong harapin ito kahit magisa lang ako. Hindi ka nagiisa. Kasama mo ako. Narinig kong sabi ni Ryuu. Ramdam kong gising na siya. Parang nabawasan ang takot ko ng maalala kong kasama ko pala si Ryuu. Hindi niya ko iniwan kahit kelan. Kaya alam kong tutulungan din nya ko ngyaon. Bumaling ako sa mga kaibigan ko. Tumingin sila sa akin at nginitian ako. Itinaas pa nila ng bahagya ang mga kamao nila para ipakita ang suporta nila. Tama... hindi ako nagiisa. Itinaas ko ulit ang tingin ko kay Sir Christian. Tinatagan ko ang loob ko at pinatapang ang itsura ko. Napangiti sya sa nakita. Umalis siya sa harap ko at tumabi sa akin. Hawak parin niya ang siko ko. Sabay kaming naglakad papunta sa harap. Diretso lang ang tingin ko kay Mr Daniels. Ayokong tingnan ang mukha ng mga kaHouse ko at baka panghinaan na naman ako ng loob. Nakangiti si Mr Daniels ng makarating ako sa harap niya. Ewan ko ba, pero parang hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti niya. Umalis naman sa tabi ko si Sir Christian at bumalik sa pwesto nya sa likod. Ano ba yan... pati Head of House namin walang tiwala sa akin... hayyyy..... Tumabi ako sa kanya at humarap sa lahat ng estudyante ng Lumiere. Pinigilan ko ang panginginig ng tuhod ko. Agad kong tinutok ang mata ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko rin binalingan ang screen sa taas dahil ayokong makita si Kaeden. Naramdaman kong dumantay sa balikat ko ang kamay ni Mr Daniels. Pinisil niya iyon ng marahan. Siguro para siguruhing hindi ako tatakbo pabalik sa mga kaibigan ko. Hmmmm... natetemp ako. "Ngayong nakapili na tayo ng dalawang Team Leader. Mamimili na sila ng makakasama nila." Gusto kong balingan si Mr Daniels sa sinabi niya. Pipili? Ngayon na? Seryoso? Eh wala pa nga akong masyadong kilala eh! Paano ako pipili? Ano? Magtuturo ako sa mga taong nasa harap ko? Lahat na ata ng disadvantage binigay nyo na sa akin ah!!! Luto ata ang labang to eh... sabihin nyo lang.. Gusto kong sumimangot pero pinanatili kong walang ekspresyon ang mukha ko. "Unang pipili ang Nacht. Kaeden, go on..." sabi ni Mr Daniels. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang ginawang pagpili ni Kaeden. Namomoblema kasi ako kung sino ang pipiliin ko para makasama ko sa Team na gagawin ko. Bwisit! Kakatawa ko kanina.... ayan tuloy... para kong nakarma. Ng tumingin ako sa screen, nakita kong pinili ni Kaeden ang mga kasama niya sa Party duel. Si Marvin ang kasama niyang Elites. At yung kasama niya ng Advance noon, kasama rin nya ngayon. Nanlaki ang mata ko ng makita kong pinili ni Kaeden sila Joie at Jeanine para sa mga novice na kasama niya. Nananadya ba sya? Alam nyang kaibigan ko sila Jeanine. Ano? Gagawin nyang pananggala yung dalawa laban sakin? Kaasar! Nakatutok ang mga mata ko sa screen kaya nagulat ako ng biglang napalitan ng mukha ni Kaeden ang larawan ng makakasama niya sa battle. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa titig nya. Alam kong hindi niya ko direktang tinitingnan at nakaharap lang sya sa nakatagong kamera. Pero sa intense ng tingin niya, feeling ko kaharap ko lang siya. Nakita kong kinikilig din ang ibang kaklase ko. Nararamdaman din siguro nila ang nararamdaman ko. Traydor! Ako kaya Team Leader nyo. Kaya dapat galit kayo sa kanya, dahil kalaban natin siya. "Rosallie, ikaw na ang pipili." Narinig kong sabi ni Mr Pierce mula sa screen. Nilibot ko ng tingin ang buong Cafeteria. Sino kayang pwede kong piliin? As if marami akong choice..... Sinabi ko nalang ang mga pangalang kilala ko na. "Teresa Alcayde, Christine Borromeo at Racquel Tejada" sabi ko. Nakita ko ng manlaki ang mga mata nilang tatlo at gulat na tumingin sakin. Sorry guys... friends ko naman kayo eh... walang iwanan diba? Kapit bisig tayo dito... hehe Napipilitang tumayo ang mga kasama ko para pumunta sa harapan. Pumwesto sila sa likod namin ni Mr. Daniels. "What about your Advance and Elites?" Tanong ni Mr Daniels. Sinabi ko ang Elites na sa tingin ko may laban kay Kaeden at Marvin. Sila lang din ang kilala ko. "Tyrone Sy at Sean Collins." Sagot ko. Nakagat ko ang labi ko at hindi sila tiningnan ng tumayo sila at naglakad papunta sa harap. Napayuko ako. Baka mamaya magalit sila sakin. Hindi naman nila ako kilala tapos sila pa pinili ko, eh dehadong dehado ako sa laban namin ni Kaeden. Nakatingin lang ako sa sahig hanggang sa makarating sila kung nasaan kami ni Mr Daniels. Nagulat pa ko ng makita ang dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Nanatili lang akong nakayuko, hinihintay silang pumunta sa likuran. Pero hindi naman sila umalis sa kinatatayuan nila. Maya maya ay may narinig akong tumikhim mula sa kanilang dalawa. "Team Leader." Tawag sakin ng isa. Napangiwi ako sa title na tinawag niya sakin. Dahan dahan akong tumingala sa kanila. Natigilan ako ng makitang nakangiti silang nakatingin sakin. Tyrone closed his fist and offered it me. May ilang segundo ko rin tinitigan lang ang kamay niya. Then, I slowly raised my hand, closed it and bumped it to his. Lumaki ang pagkakangiti niya. "Don't worry Team Leader, we're yours to command. Gagawin namin ang lahat ni Sean para matulungan ka sa laban." Sabi pa niya. "Tama. Bigyan natin sila ng magandang laban." Sabi naman ni Sean. Ginaya niya ang ginawa ni Tyrone. He offered his closed fist and I bumped mine to his. Nakangiting pumunta sila sa likuran ko. Ng balingan ko ang mga kaHouse ko, nakita kong parang nabuhayan sila ng loob ng makitang nasa Team ko sila Tyrone at Sean. "Piliin mo na ang mga Advance na isasama mo sa Team mo."sabi ni Mr Daniels. Marahan akong tumango at tumingin sa harap. Sinong Advance nga ba ang kilala ko na? Hmmm... aha! "Gairu and Haru?" Patanong kong sabi. Sila yung unang nakita ko dito sa Academy. Kaya hindi ko sila makakalimutan. Nakita kong tumayo sila mula sa mga upuan nila. Nakangiti rin silang pumunta sa harapan. Nakipag fist bump din sila sa akin. Taray! I'm one of the boys na.... hehe Dalawa nalang..... Pero wala na kong maalalang pangalan.. paano to? Tumingin ako sa likod ko. Mukhang tig isang water user at earth user nalang ang kulang ko.. Bumaling ulit ako sa harap. Paano ko malalaman kung sino sa kanila ang malalakas? Biglang may pumasok na idea sa isip ko. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ryuu. Tulungan mo ko. Kailangan kong buksan ang mga mata kong may kakayanang makita ang life force. Sabi ko kay Ryuu. Wala naman sinabi sila Mr Daniels na bawal gumamit ng kapangyarihan sa pagpili diba? Hehe Sige. Tutulungan kita. sagot ni Ryuu. Kaunti lang Ryuu ha. Sabi ko pa. Sige. Ng maramdaman ko ang kapangyarihang binigay ni Ryuu, untiunti kong binuksan ang mata ko. Napangiti ako ng makitang parang Christmas light ang nasa harap ko. Iba iba kasi ang kulay ng life force nila. Iba iba rin ang laki ng mga iyon. Naagaw ang pansin ko ng dalawang may pinaka malakas na life force sa pwesto ng mga Advance. Inalis ko ang kapangyarihan ko at bumalik sa dati ang paningin ko. Tiningnan ko ang dalawang babaeng nagtataglay ng malaking life force. Isang Water user at Earth User. "Sila po." Sabi ko sabay turo sa kanilang dalawa. Halatang nagulat yung dalawa. Hindi makapaniwala kasi nila akong tiningnan. "Ahhh.. Karen Bautista at Sandra Miller " tawag ni Mr Daniels sa dalawang itinuro ko. Nagkatinginan ang dalawa bago lumapit sa amin. Nginitian ko sila. Gumanti naman sila ng ngiti at pumunta sa likod ko. Ngayon, kompleto na ang Team ko. Tumingi ako sa Screen at sinalubong ang mga mata ni Kaeden. Matalo man o manalo, kailangang ipakita ko kung ano ang kaya ko. Hindi ako susuko.... Nagsalita si Mr Pierce at binangit lahat ng pangalan ng kasali sa House of Nacht. He called them one by one and give his approval. Ng matapos siya, si Mr Daniels naman ang humarap sa aming sampu. "For Team Lumiere. Tyrone Sy, Sean Collins, Karen Bautista, Sandra Miller, Haru Tokiya, Gairu Mikazuchi, Teresa Alcayde, Christine Borromeo, Racquel Tejada and Team Leader, Rosallie Tuazon. As the Head of your House, I give my approval. " Nagpalakpakan ang natitirang estudyante sa magkabilang House. Na o-overwhelmed na inikot ko naman ang tingin sa kanilang lahat. Mukhang excited na din ang mga kaHouse ko. Nginingitian na nila ako at chinicheer. Pero nahinto lahat ng yun ng biglang bumukas ang pinto ng Cafeteria. Gumawa iyon ng malakas na ingay. At pati ang House of Nacht napatigil sa pagsasaya nila. Lumingon ako at nakita ko ang isang estudyante na nakatayo sa gitna ng pinto. Lahat ng nasa Cafeteria nakatingin din sa bagong dating. Kumunot ang noo ko ng makitang direkta siyang nakatingin sa akin. Nagsimula siyang maglakad palapit kung nasaan ako. Habang hindi nya inaalis ang pagkakatitig sa akin. Ng makalapit siya. Nakita kong parang maluha luha ang mga mata niya. Hala! Sino to? Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung may tao. Baka dun pala talaga siya nakatingin. Ng wala naman akong makitang iba ay ibinalik ko ang tingin sa kanya at hinintay syang makalapit. Huminto siya sa harap ko at pinakatitigan ang mukha ko. Sobrang tahimik din ng buong Cafeteria. Wala ni isa ang nagsasalita. Ganun nalang ang gulat ko ng bigla niyang tawirin ang space sa pagitan namin at yakapin ako ng mahigpit. Nanlaki ang mata ko at awtomatikong naihawak ko ang mga kamay ko sa braso niya para sana itulak siya palayo sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga estudyante sa harap ko. Napasinghap pa ang iba. Habang napatayo naman ang iba sa pagkakaupo. Ng mahagip ng mata ko sa screen, makita kong gulat ang ekspresyon sa mukha ni Kaeden, maya maya pa nakita kong naningkit ang mga mata niya. Dun ako biglang natauhan. Pilit kong inalis ang mga brasong nakapaikot sa akin. Pero mahigpit talaga ang pagkakayakap niya. Natigil ako sa paggalaw ng magsalita siya. "I-ikaw nga. Ikaw nga talaga yan." Bulong niya. Parang maiiyak ang boses niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano? Bitiwan mo nga ako. Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Bigla niyang inalis ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Pero nanatiling hawak niya ang mga braso ko. "Hindi mo ba ko natatandaan?" Tanong pa niya. Mabagal na umiling ako bilang sagot. Malungkot na ngumiti naman siya. "Sa bagay, ang babata pa natin nun." Sabi niya at pinakatitigan ang mga mata ko. "Ako to, Rosallie. Alalahanin mo" Tiningnan ko ang mukha nya. Parang pamilyar nga. Pero hindi ko matukoy kung saan ko siya nakita. Lalo siyang nalungkot ng makita ang pagkalito sa mukha ko. Bumintong hininga siya at direkta akong tiningnan sa mga mata. "Ako to, si Simon." Sabi niya. Si...mon? Wala akong kilalang Simon, maliban nalang sa..... Gulat na tiningnan ko siya. Ang mata niya, ilong, labi at buhok.... Ngayong sinabi na niya sa akin ang pangalan niya. At napagmasdan kong mabuti ang mukha niya.... nakilala ko na siya. Unti unting napalitan ng ngiti ang pagkalito ko kanina. Napatigil naman siya ng makita ang ngiti ko. "Naalala ko na. Ikaw yon.... Simon. Si Simon Reed."sabi ko. Ngumiti siya at tumango. "Ako nga." Sabi niya at muli akong niyakap. Gumanti ako ng yakap sa kanya at binalewala ang shock na mga kaeskwela ko. _________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD