*Kaeden POV*
Ano nang balak mo? Tanong ni Aethon habang sumasabay sa paglalakad ko sa pathway papuntang House of Nacht.
Hindi ako agad sumagot sa tanong niya. Ang totoo wala pa talaga akong naiisip na gawin. Biglaan lang naman ang lahat, at hindi pa naman ako isandaang porsyentong sigurado sa kutob ko.
Wala pa. Susundin ko muna sila. Hihintayin ko nalang si Headmaster. Sagot ko sa kanya.
Tumahimik siya saglit bago tumingin sa akin.
Anong gagawin mo kung hindi sila pumayag na ipaalam sa kanya? Tanong pa niya.
Saglit ko siyang tiningnan bago tinutok uli ang mata ko sa daan.
Kapag hindi sila pumayag, ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Hindi pwedeng wala siyang alam. Tsk! Hindi ko rin naman gusto to. Pero andyan na.
Bakit hindi mo nalang sya iwasan?
Nabigla ako ng bahagyang sumikip ang dibdib ko sa tanong ni Aethon. Every part of me screamed in protest against the thought of not seeing her.
Arrrgghhhh! Ano ba to! Kung ano anong naiisip ko. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Sa tingin mo mababago ko ang lahat pag iniwasan ko siya?! Inis na tanong ko sa kanya.
Ngayon pa nga lang, hirap na ko sa sitwasyon ko. Bago sa akin ang mararamdaman ko. Ang maging aware sa isang tao. Hindi magtatagal mas lalala pa to. Kung tama ang alam ko sa kalagayan ko ngayon. Walang paraan para pigilan yun.
Malay mo. Kakikilala mo pa lang naman sa kanya. Hindi pa ganun kalakas ang ugnayan nyo. Kalmadong sabi niya.
Sasagot na sana ako sa kanya ng mapansin ko ang grupo ng estudyante sa gilid ng pathway. Ang isa sa kanila, prenteng nakasandal sa poste ng ilaw. Habang ang isa naman ay nakatayo sa tabi niya. Sa harap nila,may dalawa pang nakaupo sa bench.
Kumumot ang noo ko ng makilala ko ang dalawang nakaupo kaharap ng mga kaibigan ko.
Anong ginagawa nila dito? Bawal ang taga Lumiere dito ah.
Isip isip ko ng tumingin sa gawi ko si Marvin.
"Kaeden" tawag niya sa akin at hindi umalis sa pagkakasandal sa poste.
Bumaling ang tatlo sa akin. Tumayo sina Sean at Yael sa pagkakaupo nila at hinintay akong makalapit.
Huminto ako sa harap nilang apat. Namulsa ako at tiningnan ang dalawang Elites ng Lumiere.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanila.
Parte na ito ng House of Nacht. Kaya hindi na sila allowed dito.
"Gusto lang namin malaman kung ano ang sinabi sayo ni Mr Pierce tungkol sa nagyari kanina sa klase." Sagot ni Yael.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Yun lang ang ipinunta nila dito?
"At bakit mo naman gustong malaman?" tanong ko. Hindi ko alam may pagkatsismoso din pala ang mga taga Lumiere.
Saglit syang natigilan. Halatang nagiisip kong paano sasagutin ang tanong ko.
"Hmmm.. siguro dahil alam namin ang totoong nangyari kanina. Sa pagitan mo at ng isang Novice sa House namin." sagot niya.
Napadiretso ako ng tayo sa sinabi niya. Naramdaman kong naging alerto din ang buong katawan ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya at matiim siyang tinitigan.
Sinalubong niya ang tingin ko."The connection between the you of two. Alam naming hindi lang ordinaryong pagkawala ng kontrol ang nangyari kanina."sagot pa niya.
Nanatili akong tahimik. Inalis ko rin ang lahat ng emosyon sa mukha ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Kaila ko.
"Come on, Kaeden. Sabihin mo na ang totoo." Narinig kong sabi ni Jared. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Sino bang kakampi niya? Ako o ang mga taga Lumiere na to?
Mukhang naintindihan naman nya ang tinging ibinigay ko sa kanya. Bumintong hininga siya bago nagsalita.
"We felt it too." Sabi niya.
I stiffened. My body got tensed after I heard what he said. Hindi ko napansing naikuyom ko ang mga kamay ko.
"Imposible ang sinasabi mo." I said coldly. Tumalim din ang tingin ko sa kanya.
Bahagyang nanlaki ang mata niya sa pagkakatitig sakin. Pumalatak din siya at nagsalita. "Not to her! Damn it. But to her friends." Inis na sabi nya.
Naramdaman kong nawala ang tensyon sa katawan ko ng kaunti.
"What do you mean?" Tanong ko pa. Naunahan syang magsalita ni Marvin.
"Ang gusto niyang sabihin.... naramdaman din naming apat ang naramdaman mo kanina. Ng mahawakan ko ang kamay ni Teresa, nakaramdam din ako ng mahinang kuryente sa pagitan namin. At ng magtagpo ang kapangyarihan namin, naghalo iyon at pinalakas pang lalo ang kapangyarihan na sa loob namin. Hindi nga lang kami nawalan ng kontrol gaya ninyo." Paliwanag pa niya.
Kumunot ang noo ko. Sila din? Huh.. mukhang hindi lang ako nagiisa sa problemang to ah....
"Ganun din ang nagyari sakin kanina. Sa kaibigan nilang Air user." Sabi ni Sean.
"Sa akin din. Kay Christine." Sabi ni Jared at diretsong tumingin sakin.
"Kaya gusto naming malaman kung ano ang paliwanag ni Mr Pierce sa nangyari kanina. Pinatawag ka nya sa Office niya, kaya malamang na sinabi niya sayo ang sagot." Sabi ni Sean.
Tumutok ang mata nilang apat sa akin. Lahat sila seryoso at eager na marinig ang dahilan ng lahat.
"Hindi nyo talaga alam?" Nagdududang tanong ko pa.
Kumunot ang noo nila at nagtinginan. Maya maya ay umiling sila bilang sagot sa tanong ko.
Lihim akong napangiti. Ano kaya kong hindi ko sabihin sa kanila? Hindi ko naman obligasyong magpaliwanag sa kanila diba? Hindi ko kasalanang hindi nila alam ang nangyayari sa kanila.....
Nahinto ako sa pagiisip ng magsalita si Marvin.
"Kilala kita Kaeden, alam ko ang ibig sabihin ng pananahimik mo at kislap ng mata mo. Kung may nalalaman ka, sabihin mo na. Wag mo kaming pagtritripan." Masungit na sabi pa niya.
Hindi ko na napigil ang ngiti ko. After all, ang sarap malaman na hindi lang ako ang magiging miserable mula ngayon.
I smirked at them. "At paano kung hindi ko sabihin ang nalalaman ko? May magagawa ba kayo?"
Umalis si Marvin sa pagkakasandal sa poste at lumapit sa akin. "Magkaibigan tayo,Kaeden. Pero kung hindi mo sasabihin ang nalalaman mo ngayon, mapipilitan akong kunin ang sagot sayo sa ibang paraan." He threatened.
Lumawak ang pagkakangiti ko sa sinabi niya. Pikon talaga ang isang ito.
"Sa tingin mo ba matatakot ako sa pagbabanta mo? Hindi Marvin. Pero gaya nga ng sabi mo, kaibigan kita. Ganun din si Jared. Kaya sige sasabihin ko sa inyo."
Tiningnan ko sila isa isa. Lahat sila seryosong nakatingin sakin.
"They belong to us. And we belong to them. The five of them, and the five of us....were matched." Sabi ko sa kanila.
May ilang segundo rin silang nakatingin lang sa akin. Mukhang naghihintay pa sila na dugtungan ko ang sinabi ko.
Tahimik na tumingin lang din ako sa kanila. Hindi nagtagal ay nakita ko ng magbago ng ekspresyon sa mukha nila.
Si Jared at Yael, mukhang naguluhan sa sinabi ko. Pero sina Marvin at Sean parang nagulat sa nalaman.
"Matched? Anong ibig mong sabihin Kaeden?" Nalilitong tanong ni Jared.
Bumaling ako sa kanya at pinakatitigan siya.
"Matched. Your partner.Your other half. Soulmate at kung ano ano pang tinatawag nila dun."sagot ko sa kanya.
"Ano?!" Gulat na sabi ni Jared.
"May ganun ba? Diba puro kalokohan lang yun?" Tanong ni Yael.
Nagkibit balikat ako." Sana nga kalokohan lang." Bulong na sagot ko.
Mukhang narinig parin ako ni Marvin."Hindi ka pa sigurado?" Kunot noong tanong nya sa akin.
"Hindi. Pero malakas ang kutob ko na tama ako."
"Kung ganun? Paano tayo makakasigurado na tama ka?" Tanong ni Sean. Mukhang kinakabahan siya sa kutob ko.
Tsk! Pati ako kinakabahan. Paano nalang kung tama ako?
"Ang Headmaster lang ang makakapagpatunay dun. Siya lang ang nakakaalam ng paraan para malaman kung tama ako."
"Teka! Teka nga! Seryoso kayo sa pinaguusapan niyo? " singit ni Yael.
Tumango kaming tatlo nila Marvin at Sean.
"Hindi kayo nagbibiro?" Kumpirma pa niya.
"Oo nga." Inis na sabi ni Marvin.
"Eh bakit wala naman akong naririnig na ganun?" Nagtataka paring tanong ni Jared.
"Dahil bihira ang ganun, Jared" sagot ni Marvin. "Bihirang nahahanap ng mga Elemental ang kamatch nila. Lalong lalo na sa edad natin."
"Talaga?" May pagdududang tanong ni Yael.
"Oo. Pero totoo yun. May mga kilala akong Elemental na nahanap ang kamatch nila." Sagot ni Sean. "Bihirang bihira yun. Dahil sa dami ng elemental sa buong mundo, madalas hindi nagtatagpo ang landas ng magkakamatch."
Napapalatak si Jared. "Ano ng gagawin natin?" Tiningnan niya kami isa isa.
Wala namang sumagot sa aming apat. Mayamaya pa ay bumaling sakin ang tingin nilang lahat.
"Bakit?" Nagdududang tanong ko.
"Anong balak mo Kaeden?" Paguulit ni Marvin sa tanong ni Aethon kanina.
I shrugged my shoulder. "Wala. Sinabihan ako ni Mr Pierce na wag munang sasabihin kahit kanino ang nalalaman ko. Lalong lalo na sa kanya."
"Eh bakit sinabi mo samin? Pinagbawalan ka pala." Tanong ni Jared.
Tingnan mong isang to. Kanina lang halos awayin ako dahil sa pananahimik ko. Tapos ngayon.... ewan!
"Dahil kapareho ko kayo. Nasa iisang sitwasyon lang tayo. Kaya sinabi ko sa inyo" sagot ko.
"Sasabihin mo ba sa kanya?" Tanong ni Sean. Kahit hindi siya nagbanggit ng pangalan, kilala ko na ang tinutukoy niya.
"Binalak ko. Pero hindi natuloy."
"Itutuloy mo ba ang pagsasabi sa kanya?" Tanong ni Marvin.
"Hindi na. Sinabihan akong hintayin si Headmaster bago siya kausapin tungkol dito, kaya yun nalang muna ang gagawin ko."
Tumango tango sila bilang pagsangayon.
"Yun lang ba ang sinabi sayo ni Mr Pierce?" Tanong ni Marvin.
Umiling ako.
"Inutusan din nya kong layuan si Rosallie." Muntik na kong mapangiti ng banggitin ko ang pangalan niya. Naalala ko kasi ang nangyari sa Hallway kanina. Napakaiyakin pala niya.
Mabuti nalang at napigil ko ang sarili kong ngumiti. Kung hindi siguradong hindi palalampasin ni Jared at Marvin na asarin ako.
Matiim nila akong tiningnan.
"Susundin mo ba?" Nakangising tanong ni Jared. Kilala nya talaga ako.
I grinned at him. "For now."
Umiling iling si Marvin."Sa tingin ko, dapat sundin mo ang sinabi ni Mr Pierce, Kaeden. Hindi biro ang ugnayan ng Magkakamatch na Elemental. At hindi pa nakatulong na masyado pa tayong bata para dun."
Nginisihan ko sya."Tingnan natin kung masusunod mo ang sarili mong payo sa mga susunod na araw Marvin. "
"Oo nga." Sang ayon ni Sean. Akalain mo yun. Hindi ko inakalang may pagkakasunduan din kami ng taga Lumiere na to. "Kung tama si Kaeden.... Tsk! Siguradong problema to."
Marvin scowled at us. "Basta. Gawin nalang muna natin ang gusto nila Mr Pierce. Saka na natin problemahin ang tungkol dito pag nakumpirma ni Headmaster ang kutob ni Kaeden."
"Fine." I said and rolled my eyes.
Sumang-ayon din ang tatlo. Maya maya pa ay nagpaalam na sina Sean at Yael.
Nakakailang hakbang palang silang dalawa ng tawagin ko si Sean. Lumingon naman siya sa akin.
May hinugot ako mula sa bulsa ko at ibinato sa kanya.
Nasalo naman niya iyon at nagtatakang tiningnan ang kamay niya. Pagkatapos ay tiningnan ako ng nakataas ang isang kilay.
"Ano to?" Tanong niya.
"Panyo." Sagot ko.
Pumalatak siya at inis na tiningnan ako. "Alam kong panyo to Kaeden. Ang tanong ko, bakit mo binibigay sakin to?"
Nayayamot na tiningnan ko siya.
"Hindi sayo. Kay Sir Christian. Ibalik mo yan sa kanya. Siya ang may ari niyan."
Kumunot ang noo niya.
"Kay Sir Christian? Bakit na sayo ang panyo niya?" Takang tanong niya.
"Napulot ko." Pagsisinungaling ko. "Pakalat-kalat kasi."
Nagdududang tiningnan niya ko.
"Eh paano mo nalamang kay Sir Christian to kung napulot mo lang pala?"
Pumalatak ako."Tsk! Dami mong tanong. Basta ibigay mo nalang. Kung ayaw mo, akin na at susunugin ko nalang." Sabi ko at naglabas ng apoy sa palad ko.
Umiiling na tinago niya ang panyo." Wag na. Ibibigay ko nalang." Sabi niya at tumalikod na.
Nanatili lang kami nila Marvin at Jared sa kinatatayuan namin habang tinatanaw ang papalayong pigura nila Sean at Yael.
"Arrrggghhhh! Ano ba tong napasukan natin?!" Frustrated na tanong ni Jared at inihilamos ang mga kamay sa mukha niya.
Nagkibit balikat lang kami ni Marvin.
"Huwag mo munang isipin yan. Sa ngayon, umarte kang walang alam at walang nangyari." Sabi ni Marvin.
Jared scowled at him then sighed. "Ano pa nga ba?"
Napangiti ako. "Dati nagrereklamo kayo na naboboring kayo sa buhay sa loob ng Academy. Ngayon namang may kakaibang nangyayari, nagrereklamo parin kayo?"
"Hindi biro ang sitwasyon natin Kaeden. Natural lang siguro na mabahala kami." Sagot ni Marvin. Tumango naman si Jared.
Nginisihan ko sila. "Bakit Light? Ramir? Wag nyo sabihing natatakot kayo?" Tukso ko sa kanila.
Tumalim ang tingin nila sa akin ng tawagin ko sila sa pangalawang pangalan nila. Napalaki naman ang ngisi ko.
Hindi na rin sila sumagot kaya nakangising tinalikuran ko sila at nagpatuloy sa daan patungo sa House namin. Narinig kong sumunod naman sila sa akin.
Bumalik ang isip ko sa babaeng kamatched ko. Kaya pala ng una ko palang siyang makita may kakaiba na kong naramdaman sa kanya. At ngayong nagtagpo na ang kapangyarihan namin, alam kong mas lumakas ang naguugnay samin. At kahit anong gawin nilang pigil samin. Hinding hindi nila mapipigil ang paglalapit namin.
Hindi ko lang pinahalata kanina. Pero natatakot din ako sa magiging epekto niya sa buhay ko.
Ngayon lang ulit na magkakaroon ng espesyal na tao sa akin.
Magkahalong tuwa at takot ang bumabalot sa puso ko.
_______________________
*Rosallie's POV*
Sumunod ako kay Sir Christian sa fourth floor ng Administrator's building. Bitbit ko si Ryuu habang naglalakad kami sa hallway. Hindi nagtagal ay huminto siya sa harap ng malaking pinto. Hinarap niya ko at ngumiti.
"Ito ang Training Room. Dito ka pupunta kapag may Solo training tayo." Sabi niya sa akin.
"Ok Sir." Sagot ko. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako. Humakbang ako papasok at namamanghang inilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. "Wow." I breathed.
Ang laki laki kasi ng training room! Napakalawak at napakataas ng ceiling! Kahit isang basketball court siguro kasya dito.
May nahagip ang mata ko sa kanan. Bumaling ako dun at gulat na tumingin sa taong nakatayo sa hindi kalayuan. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napangiti rin ako ng malaki.
"Ms Hale!" Excited na sabi ko at patakbong nilapitan siya. Ganun parin ang itsura niya. All white uniform, gaya ni Sir Christian.
Bahagya siyang natawa ng makalapit ako.
"Kamusta?" Nakangiting tanong niya.
"Ok naman po, Ms Hale. Kayo po?" Balik kong tanong sa kanya.
"Ayos lang din." Sagot niya. Bumaba ang tingin niya sa bitbit ko.
"Ay! Oo nga pala. Si Ryuu po. Spirit ko. Ryuu, siya si Ms Allison Hale." Pakilala ko sa dalawa.
"Hello Ryuu" bati ni Ms Hale.
Gumanti ng kaway si Ryuu sa kanya.
Napabungisngis ako. "Hello din daw po." Sabi ko.
Pareho kaming napatingin ng may magsalita sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito Ally?" Takang tanong ni Sir Christian.
"Wala. Hindi mo ba ko gustong makita?" Tukso ni Ms Hale sa kakambal niya.
Lumapit si Sir Christian sa kanya at inakbayan siya. "Tinatanong pa ba yan? Syempre kakambal kita kaya masaya kong makita ka." Nakangiting sagot niya.
Natuwa ako sa nakikitang closeness nila ni Ms Hale. Mukhang kasundong kasundo nila ang isat isa. Napansin ko rin na talagang magkamukha sila.
"Yung totoo. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sir Christian.
"Solo training niyo ngayon diba? Kaya nandito ako. Isa pa, alam kong balak mo ng palalabasin ang Spirit Weapon nya. Gusto kong makita."
Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Ms Hale. Nawala rin ang ngiti ko at mabilis akong bumaling kay Sir Christian.
Umiiling na nagkamot naman siya ng ulo "Ikaw talaga,Ally. Ganun ba ko kaobvious sa mga plano ko?"
Nginitian siya ni Ms Hale.
"Hindi. Pero dahil kakambal kita, mas alam ko ang kilos at isip mo. Kaya nahuhulaan ko ang plano mo."sagot niya.
He looked fondly at his twin." Oo na. Binigla mo naman si Rosallie oh. Sasabihin ko palang sa kanya, inunahan mo na ko."
Bumaling sila pareho sa akin.
"Naku! Sorry Rosallie. Hindi pa pala sinasabi sayo ni Christian. Pasensya na. Naexcite lang." Apologetic na sabi ni Ms Hale.
"Ok lang po." Sabi ko. Kinakabahan na naeexcite ang nararamdaman ko ng malaman kong makikita ko na ang Spirit Weapon ko.
Ano kaya ang magiging sandata ko?
Napalingon kaming tatlo sa pinto ng bumukas yun at natuwa ako ng makitang pumasok si Teresa. Kasunod niya si Sir Daemon.
Natawa ako ng bahagya, ng makitang medyo umuwang ang labi niya sa pagkamangha sa laki ng training room. Nagulat pa siya ng makita ako. Ngumiti siya at patakbong lumapit sakin. Nakita kong ring bitbit niya si Houjin.
Sinalubong ko siya at patagilid na niyakap. Pareho kasi naming bitbit sila Ryuu at Houjin sa harap namin.
"Sallie. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Training namin ni Sir Christian ngayon." Sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Ha? Eh training din namin ni Sir Daemon ngayon eh." Takang sabi niya.
Tatanungin ko na sana si Sir Christian ng bumukas ulit ang pinto at pumasok sila Joie,Jeanine at Christine. Nasa likod nila ang mga Mentor nila. Gaya namin ni Teresa. Bitbit din nila ang mga Spirit nila.
Bakit nandito din sila? Magkakasama ba kaming magtretraining? Pero diba Solo Training namin ni Sir Christian? Bakit may kasama? Hmmmmm.... di bale na nga. The more, the merrier.... hehe.
Napalingon ako kay Sir Christian. Nagtataka rin siyang nakatingin sa mga bagong dating.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sir Christian sa kanila.
"Magtretraining." Kaswal na sagot ni Sir Daemon.
Lalong kumunot ang noo ni Sir Christian.
"Akala ko ba sa ibang Room nyo gagawin ang training niyo? May assigned rooms tayo Daemon. Dito ang room namin ni Rosallie para magtraining. Kaya hindi kayo pwede dito." Sabi ni Sir Christian. Dumiretso sya ng tayo at lumapit sakin.
Lumapit din si Ms Hale at hinawakan ang balikat ni Sir Christian.
"Relax, brother dear. Ako ang nagpapunta sa kanila dito." Sabi ni Ms Hale.
Bumaling sa kanya si Sir Christian. "Ano? Bakit mo naman ginawa yun?"
"Dahil sa tingin ko mas makakampante silang lima kung kasama nila ang isat isa sa pagpapalabas ng Spirit Weapon nila." Sagot ni Ms Hale.
Bahagyang natigilan si Sir Christian. Pinagiisipan niya marahil ang sinabi ni Ms Hale. Bumaling siya sa akin.
"Yun ba ang gusto mo? Ang makasama sila sa training natin ngayon?" Tanong niya sa akin.
I eagerly nod at him. "Yes po. Mas ok sakin na kasama sila." Sagot ko.
Tiningnan niya ang mga kasama namin sa silid bago tumutok ulit ang mga mata niya sa akin.
"Fine. Pero ngayon lang Rosallie. Dapat masanay ka ng hindi kasama ang mga kaibigan mo sa mga lessons at training mo." Pagpayag niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige po. Salamat Sir Christian. "
He nod and smiled at me.
"Ok na? Good." Masayang sabi ni Ms Hale.
"Paano po ba namin papalabasin ang Spirit Weapon namin?" Tanong ni Teresa. "Kailangan po ba naming pumasok ulit sa Chamber of Trials?"
Parang nanlamig ako ng marinig ko ang Chamber of Trials. Takot na humarap ako kay Sir Christian. Nakita niya siguro ang takot ko kaya hinawakan niya ang balikat ko.
"It's ok. Hindi nyo na kailangang ulitin ang pagpasok sa Chamber para palabasin ang mga Spirit Weapon nyo." He said.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin nya yun. Ayoko na talagang bumalik sa loob ng Chamber no! Natrauma na ata ako sa pinagdaanan ko dun.
"Kung ganun po.... anong gagawin namin? Gagawin po ba namin yun by group?" Hoping na tanong ni Tin.
Halos sabay sabay umiling ang mga mentor namin.
"Nope. You will do it alone. One by one." Sagot ni Ms Cassie.
Nagkatinginan kaming lima. Lahat kami kinakabahan. Hindi naman kasi namin alam kung anong ipapagawa nila samin eh. Sa huling pinagawa nila.... halos natrauma na kami. Baka mamamaya buwis buhay nanaman ah! Ayoko na!
One by one daw? Ang tanong..... sinong mauuna?
Nakita ko ng unti unting ngimisi si Tin. "One by one ba kamo Maam? Sus yun lang pala eh." Sabi niya at lumapit sakin. Hinampas niya ng marahan ang balikat ko. "Kayang kaya na po yan ni Sallie. Oh Sallie, galingan mo ha. Ichicheer ka namin."
Marahas akong napabaling sa kanya. Nahampas ko rin ang kamay niya. "Bakit ako?! Ako agad? Ako agad? Hindi ba pwedeng ikaw nalang?"
"Ako?" Tanong niya at itinuro ang sarili niya. "Ano ka ba... ok na ko sa dulo. Pauunahin ko na nga ka kayo eh, mapagparaya naman ako." Bait baitang sabi niya.
Sarap batukan ng isang to!
"Ayoko!" Tanggi ko.
"Oh..edi sige. Si Teresa nalang. Go Tere!" Nakangising sabi ni Tin. Itinaas pa niya ang nakakuyom na kamay para icheer si Teresa.
"Anong ako? Gusto mong masapak Tin?" Asik ni Teresa sa kanya.
Nakalabing bumaling si Tin kay Sir Adam. "Sir oh.... bayolente." Pagsusumbong pa niya.
Nakangiting umiling si Sir Adam.
Napaubo naman si Sir Christian, Sir Daemon at Sir Christoffe. Habang natuptop naman nila Ms Hale at Ms Cassie ang mga bibig nila. Halatang pinagtatawanan nila kami.
"Sige na kasi Tin! Ikaw na." Sabi ni Jeanine.
"Makaturo ka Jeanine, wagas! Kung gusto mo ikaw nalang." Ganting sabi ni Tin.
"Bakit ako? Joie ikaw nalang." Baling ni Jeanine kay Joie.
"Ay naku mga Ming, kaya niyo na yan. Malalaki na kayo. Ihuli niyo nalang ako. Hindi pa ko prepared eh." Sabi naman ni Joie.
"Magbato-batopik nalang kaya tayo?" Suhesyon ni Tin.
"Tin naman, ano tayo bata?" Reklamo ni Teresa.
Napalabi si Tin. "Eh sino mauuna satin? Ayaw niyo naman ng bato-batopik.?"
"Alam ko na! Yung pinakamatanda nalang satin!" Sabi ni Jeanine.
Bumaling silang apat sakin.
"Kung makamatanda ka naman Jeanine! Buwan lang naman tanda ko sa inyo ah!" Reklamo ko.
"Sorry Sallie" sabi niya at nagpeace sign.
"Oo nga ate. Kaw na mauna." tukso ni Tin.
"Maka-ate ka ha. Dagukan kita eh." Banta ko kay Tin.
Nagtago siya sa likod ni Jeanine.
"Tsk Tsk Tsk, napakabayolente niyo naman. Hindi nyo ko gayahin. Ang bait bait ko kaya." Sabi pa niya.
Matutuyuan ata ako ng dugo sa kakulitan ng babaeng to! Haisssttt.... Sige na nga! Ng matapos na.
Tumingin ako kay Sir Christian. Nakangiti naman siyang naghintay ng sasabihin ko. Pati si Ms Hale mukhang pinipigil ang matawa. Namumula na nga ang pisngi nya oh...
"Sige Sir. Ako nalang ang mauuna." Napipilitang sabi ko sa kanya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Ok. Sige. Pumunta ka sa gitna ng silid." Utos niya.
Ibababa ko na sana si Ryuu ng magsalita siya.
"Isama mo si Ryuu at patayuin mo siya sa harap mo." Dagdag niya.
Tumango ako at naglakad sa gitna ng silid. Ang layo ha! Ganito talaga dapat kalayo? Parang ilang metro rin ang layo ko kela Teresa.
Ng makarating ako sa gitna. Binitawan ko si Ryuu sa harap ko. Tumayo naman siya at tumingala sa akin.
Tumingin ako kay Sir Christian. Sumunod siya sa akin sa gitna. Pero huminto siya mga sampung hakbang mula sa akin.
"Now. Close your eyes." Utos niya.
Tumalima ako sa kanya.
"Irelax mo ang sarili mo. At magfocus ka sa Spirit mo"
Sinunod ko ulit ang utos niya. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. I emptied my mind and focus on the spot where I left my Spirit.
Ayun... nakita ko. Para siyang mapusyaw na liwanag sa gitna ng kadiliman. Kahit pala nakapikit ako, magagawa ko paring makita kung nasaan si Ryuu. Napangiti ako.
"Nakikita mo ba ang Spirit mo?" Narinig kong tanong ni Sir Christian.
Tumango ako.
"Ngayon, bigyan mo siya ng kapangyarihan galing sayo."
Humugot ako ng kaunting kapangyarihan at binigay kay Ryuu. Nakita kong tumindi ang liwanag na nasa kanya.
"Good. Now, Iconnect mo ang sarili mo sa kanya at hayaang dumaloy sa inyo ang kapangyarigang ibinigay mo sa kanya kanina."
Sumunod uli ako. Inimagine ko na may lubid na kumunekta samin ni Ryuu at tumulay doon ang kapangyarihan. Nakita kong umangat ang liwanag mula sa sahig. Huminto iyon sa tapat ng dibdib ko. Nagpabalik balik samin ang kapangyarihan. Napansin ko rin na sa tuwing babalik sa akin ang kapangyarian, umiikot muna yun sa buo kong katawan bago bumalik kay Ryuu. Parang iniis-scan ako nun. Nakita kong humulma ang katawan ni Ryuu hanggang sa maging bilog iyon.
Anong nangyayari?
"Open your eyes Rosallie." Narinig kong sabi ni Sir Christian.
Minulat ko ang mga mata ko. Pero napapikit din ako agad sa sobrang liwanag. Naitakip ko pa ang kamay ko sa mga mata ko para matakpan ang nakakasilaw na liwanag. Dahan dahan ko ulit binuksan ang mata ko hanggang sa makita ko ang malaking bola ng liwanag sa harap ko.
Ryuu? Tanong ko sa isip.
Ako nga. Sagot ni Ryuu.
Nanlaki ang mata ko. HALA! Anong nangyari sayo?
Si Sir Christian ang sumagot sa tanong ko. Nakita niya siguro ang pagkagulat ko sa anyo ni Ryuu.
"Relax Rosallie. Nagbabago lang siya ng anyo. Ilahad mo ang kamay mo sa kanya."
Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko. Pumunta sa taas nun si Ryuu. Maya maya pa ay nakita kong humaba iyon. At nagkaroon ng korte.
Lumapag iyon sa palad ko at unti unting humina ang nakakasilaw na liwanag hanggang sa tuluyang mawala iyon.
I smiled when I saw my Weapon. Its a bow. A long bow.
Kulay puti at may mga diamonds sa buong katawan nito.
I gripped the handle and examined it closely.
Ryuu? Tanong ko ulit.
Rosallie. Tawag niya sakin.
Ikaw nga! Natutuwang sabi ko. Namamangha parin akong tiningnan ang kabuuan niya. Kumikislap kislap pa ang mga dyamanteng natatapatan ng liwanag.
Naramdaman kong natawa siya.
Oo. Ako nga. Sabi pa nya.
"Well done Rosallie. Congratulations. You now have your Spirit weapon." Bati sakin ni Sir Christian.
Tiningnan ko siya at nginitian ng napakalaki. Sobrang saya ko kasi! Ang ganda ng Weapon ko!
"Salamat po." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Trabaho kong itrained ka." Sabi pa niya.
Nagulat ako ng biglang lumiwanag ulit ang panang hawak ko. Bumilog ulit yun at lumiit iyon ng lumiit. Napatalon pa ko ng pumunta yun sa leeg ko at pumaikot. Maya maya pa ay nawala ulit ang liwanag at nakita kong naging necklase si Ryuu.
Ryuu? Tanong ko sa kanya. Paulit ulit nalang ako ah....
Matutulog muna ko. Napagod ako sa ginawa natin. Hindi ka pa kasi sanay. Kaya ako ang humawak ng control sa kapangyarihan mo kanina habang nagbabago ako ng anyo. Wag ka magalala, tawagin mo lang ang pangalan ko at gigising agad ako. Sabi niya.
Napangiti ako.
"Ganun ba? Ok. Pasensya na. Wag ka magalala magaaral at magtretraining ako ng mabuti para hindi ka na mahirapan sa susunod." Pangako ko sa kanya.
Wala yun. Alam ko namang hindi magtatagal ay makokontrol mo rin yan ng magisa. Sa ngayon, maasahan mo kong tulungan ka.
"Salamat Ryuu" bulong ko.
Naramdaman ko ang kasiyahan nya bago ko naramdamang unti unti siyang nakatulog.
Nahaplos ko ang kwintas sa leeg ko. Star shape ang pendant nun. May maliliit na dyamante sa pendant at may malaking diamond sa gitna.
Tumingin ako kay Sir Christian, ngumiti siya at iginaya na ko papunta sa mga kasama ko.
Binati nila ko at excited na tiningnan ang kwintas ko.
Di nagtagal, si Teresa naman ang sumubok. Ganun din ang nangyari. Naging pulang bola ng liwanag si Houjin.
Ng ilahad ni Teresa ang kamay niya. Pumunta doon si Houjin at naging espada. Kumikislap din ang hilt ng sandata niya. May mga dyamante din dun at base sa kulay. Mukhang Ruby ang nandun. Ilang sigundo ang lumipas at naging bilog ulit ang espada. Lumiit iyon at pumunta sa kanang kamay ni Teresa. Ng lumapit siya ipinakita niya sa amin ang singsing niya. Ruby ang batong nandun at may nakapaikot na tila alab.
Sumunod si Joie. Naging Dual sword ang Spirit niya. Hula ko ay may mga bato din sa hilt ng sandata niya. Emerald siguro. Maya maya ay naging hikaw ang dual sword nya.
Si Tin ang sumunod na sumubok. Isang Glaive ang Spirit Weapon niya. Para yung Spear pero malaki ang patalim sa dulo. Kulay brown ang katawan ng sandata niya at may kulay dilaw na bato paikot. Ng magbago iyon, pumunta yun sa braso niya at naging armband. Para iyong manipis na chain na umikot sa braso niya. May dilaw na bato rin sa gitna nun.
Ang huli ay si Jeanine. Ang Spirit Weapon niya ay Staff. Mahaba yun at may malaking asul na bola sa taas. May nakaikot din sa bola na manipis na metal na tila alon. Sapphire ang nakabit sa katawan ng staff niya. Ng magbago ang anyo nun, pumunta yun sa kamay niya at umikot. Naging Bracelet yun na may malaking Sapphire sa gitna. At maliliit na asul na bato sa gilid.
Ng matapos kaming lahat. Binati kami ng mga mentor namin. Mukhang masaya naman din sila na madali naming nakuha ang mga weapon namin. Madali daw kaming turuan kaya hindi sila nahirapan.
Nasa gitna kami ng masayang batian ng bumukas ang pinto ng Training Room. Pumasok ang isang Professor mula sa House namin.
"Nandito ka lang pala Allison." Sabi niya ng makita si Ms Hale. Lumapit siya at tiningnan si Ms Hale. "Pinapatawag ka sa Headmaster 's Office. Gusto kang makausap ni Headmaster."
Kumunot ang noo ni Ms Hale. Napabaling din kaming lahat sa kanya.
"Nakabalik na siya." Bulong ni Ms Hale. Mahina lang yun. Pero dahil malapit sya sa akin, narinig ko ang sinabi niya.
Nagkatinginan sila ni Sir Christian. Mukhang naguusap sila gamit lang ang mga mata nila. Maya maya ay tumango si Sir Christian. Ngumiti si Ms Hale at bumaling samin.
"Mauuna na ko. Congratulations ulit sa inyong lima. Ang gaganda ng Spirit Weapon nyo." Sabi niya at nagpaalam na.
Tahimik na sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas siya at sumara ang pinto. Kasama niya yung Professor na naghanap sa kanya.
Ng tingnan ko si Sir Christian, nakita ko ang pagaalala nya para sa kakambal.
Tinakpan nya agad ang ekspresyon nya ng mapansin nya kong nakatingin sa kanya. Ngumiti siya at iginaya na kami palabas ng silid.
______________________