*Rosallie's POV*
Nilaro laro ko ang tenga ni Ryuu habang naghihintay sa Office ni Mr. Daniels. Nakaupo ako sa silyang nasa harap ng desk niya habang kandong kandong ko si Ryuu.
Bahagya akong napangiti ng gumalaw galaw ang tenga ni Ryuu at kinamot nya na parang nangangati pero dagli ring napalis iyon at napabuga ako ng hangin.
Mabigat ang loob na sumandal ako sa upuan ko. At napatingin sa mesa ni Mr Daniels.
Ano ba yan... first day of class pero andito agad ako sa Office ng Head namin.. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari kanina ah! Ginawa ko lang naman ang pinagagawa ni Sir Christian kanina eh. Malay ko bang ganun ang mangyayari......
Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko ng ginawa yun. Pero kahit gaano karami ang buntong hininga ko. Ang bigat parin ng loob ko.
Ganito nalang ba lagi? Paulit ulit na mawawalan nalang ba ako ng control sa kapangyarihan ko? kainis! At si Kaeden naman... bakit wala sya rito? May kasalanan din naman siya ah! Bakit ako lang.....
Tumingala sakin si Ryuu. Tumayo sya ng makita ang ekspresyon ng mukha ko at humarap sa akin. Hinawakan ko ang katawan nya para balansehin sya sa mga hita ko. Hinawakan naman niya ang braso ko.
Wag ka ng malungkot. Wala ka namang kasalanan. Nagsisimula ka palang naman magaral ng kontrol. Pasasaan ba at matututunan mo rin yun. Pagaalo nya sakin.
Pilit na ngiti ang ibibigay ko sa kanya. Kumawala sya sa hawak ko at yumakap sakin. Niyakap ko rin ang maliit na katawan nya.
Ayoko ng ganito.... ang bigat sa dibdib. Parang kahit ano ang gawin ko, hindi ko maalis ang lungkot at sakit sa puso ko.
Pakiramdam ko .... failure ako.
Humigpit ang pagkakayakap ko kay Ryuu ng maramdaman kong naluluha na ko.
Ahhhhhh! Wag kang iiyak! Wag kang iiyak Sallie! Pagkausap ko sa sarili ko. Idiniin ko sa ibabaw ng ulo ni Ryuu ang mukha ko para pigilan ang mga luha ko.
Hindi ako kumilos ng marinig kong bumukas ang pinto.
I heard two sets of footsteps. Narinig kong umupo ang isa sa likod ng desk. Siguradong si Mr. Daniels ang nandoon. Ang isa naman, umupo sa upuang paharap sa akin.
Nanatili paring nakatago ang mukha ko sa ulo ni Ryuu. Pilit ko parin kasing pinipigilan ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko.
Eto na... pagagalitan na nila ako sa kapalpakan ko. Naiiyak na isip ko.
"Rosallie" mahinang tawag sakin ni Mr Daniels. Wala naman akong nahimigang inis at galit sa boses nya.
"Look at me. Come on." Pagaanyaya nya.
Huminga muna ako ng malalim bago iniangat ang ulo ko.
Una kong nakita si Sir Christian sa harap ko. He looked at me with concern. Ngumiti rin siya para pagaanin ang loob ko.
Hindi ako gumanti ng ngiti sa kanya. Naiiyak parin kasi ako.
Binalingan ko si Mr Daniels. Gaya ni Sir Christian, concern na nakatingin siya sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Marahang tanong niya.
Tumango lang ako.
"May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba kanina?"
Umiiling ako.
He sighed. "It's ok. Don't worry. Hindi naman kita pagagalitan dahil sa nangyari kanina. Nag-alala lang ako ng marinig ko ang nangyaring insidente kaya gusto kitang makita." Sincere na sabi niya.
Lalo tuloy akong naluha sa sinabi niya. Ang bait bait kasi ni Mr Daniels. Naalala ko tuloy ang papa ko.... pag masama ang pakiramdam ko lagi syang nandyan para pagaanin ang loob ko.
Tumulo ang mga luha ko at napahikbi ako. Humigpit ang yakap sakin ni Ryuu.
"S-sorry po". I murmured.
Bumukas ang pagalala sa mukha nya. "Don't cry. It's ok...."
"Here." Sabi ni Sir Christian. Tumingin ako sa kanya at nakita kong inaabot nya ang panyo nya sakin. Kinuha ko yun at pinunas sa mga luha ko.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nanatili namang tahimik ang dalawang lalaking kasama ko. Nakakahiya na nakikita nila ang kahinaan ko.
"Ayos ka na ba?" malumanay na tanong ni Mr. Daniels.
Tumango naman ako. Medyo kalmado na ako.
"Is it ok if I ask you what happened during your activity?"
Tumango ulit ako. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko dahil sa pagiyak.
"Yes Sir. Ginawa ko lang naman po ang pinagagawa ni Sir Christian. Hindi ko po alam kung anong nangyari at anong ginawa naming mali ni Kaeden, basta po nung nagtagpo ang kapangyarihan namin.... nakita ko pong agad na naghalo yun. Hindi po yun dumaan lang sa kamay namin. Naghalo na sya to the point na hindi ko na alam kung kaninong kapangyarihan ang nakikita ko. Ng sinubukan ko po yung hilain, nahila ko rin ang kapangyarihan ni Kaeden. Sumama yun sa loob ko at humalo sa natitirang kapangyarihan sa loob ko. Nagulat nalang po ako ng biglang lumakas ang kapangyarihan ko at hindi ko na po nakocontrol." Dire- diretsong sabi ko.
"Naghalo ba kamo?" Nakakunot ang noo na tanong ni Mr. Daniels. Nakita ko ng magpalitan sila ni Sir Christian ng makahulugan tingin.
I nod at him. "Opo. S-sorry sir. Hindi ko po talaga alam ang nangyari." Sabi ko pa at naramdaman ko nanamang namumuo ang mga luha ko.
"It's ok... wag ka ng umiyak." Sabi nya. " May isa pa sana akong itatanong sayo. Kung ok lang?"
"Sige po..."
"Paano mo nailabas ang kapangyarihan sa loob mo? Sabi ni Christian, hindi nya nakitang pinakawalan mo ang naipong kapangyarihan kanina. Ang sabi pa nya ay basta nalang daw humina ang kapangyarihang nasayo hanggang sa mawala yun. Anong ginawa mo?" Tanong niya. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Na para bang napakaimportante ng isasagot ko.
Tumingin ako kay Sir Christian. Maging siya ay seryosong nakatingin sakin. Hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin.
Naguluhan ako sa tanong ni Mr Daniels. Hindi pa ba obvious ang ginawa ko kanina?
Tumingin ulit ako sa Head of House ko. "Ibinalik ko po sa Link ang sobrang kapangyarihan ko." Sagot ko.
Nakita kong natigilan siya at halos hindi kumurap sa pagkakatitig sa akin. Maya maya ay kumunot uli ang noo niya. "Anong ibig mong sabihing binalik mo? Paki klaro ang sagot mo."
Nagtatakang sinagot ko sya. "Ibinalik ko po sa Link. Tinulungan po ako ni Ryuu. Sya ang humila ng kapangyarihan at nagtulak pabalik sa link."
Dahan dahang sumandal si Mr Daniels sa upuan. Hindi nya ako hinihiwalayan ng tingin. Parang ang lalim lalim ng iniisip nya.
Bumalot ang katahimikan sa silid. Hindi na rin ako nagsalita.
Ng sumulyap ako kay Sir Christian, nakita ko syang nakatingin kay Mr Daniels. Naramdaman nya siguro ang titig ko kaya bumaling sya sa akin. Bahagyang ngumiti sya ng magtagpo ang mga mata namin.
Sa pagkakataong ito, ginantihan ko ang ngiti niya. Kumawala sa pagkakayakap ko si Ryuu at umupo sa kandungan ko. Tiningnan nya pareho sila Mr Daniels at Sir Christian.
Tumingin din ang dalawang lalaki sa Spirit ko.
Anong meron?
Lumipas ang ilang minuto bago nagsalita ulit si Mr. Daniels.
"Siguradong ok ka lang ba Rosallie? O baka kailangan mo munang pumunta sa Clinic?"
Umiling ako.
"Hindi na po. Ok na po talaga ako."
Tumango tango sya.
"Kung ganon makakabalik ka na sa klase mo. Ano bang sususnod sa Schedule mo?" Tanong pa nya.
Tumingin ako kay Sir Christian. Bumaling naman siya kay Mr.Daniels.
"She's with me. Solo training namin ngayon." Sagot nya para sakin.
"Alright .... Rosallie, pwede bang hintayin mo nalang si Christian sa labas ng Office ko. May paguusapan lang kami." Sabi ni Mr. Daniels.
"Ok po." Sabi ko at tumango. Tumalon si Ryuu pababa. Nakatingala syang naghintay sa akin.
"Hintayin mo nalang ako sa labas. Hindi naman magtatagal to." Sabi ni Sir Christian pagkatayo ko.
"Ok po."sagot ko. Humarap ulit ako kay Mr. Daniels. "Sorry po ulit."
Ngumiti sya sa akin. "Don't apologize. Wala kang kasalanan. Magaral ka at magtraining ng mabuti para mabilis mo ng makontrol ang kapangyarihan mo. Para maiwasan na natin na maulit ang ganito"
"Promise po. Pagbubutihan ko ang pagaaral at training ko." Pangako ko sa kanya.
Lumaki ang pagkakangiti nya. "Aasahan ko yan"
Tumango ako. Bahagya ko ring tinanguan si Sir Christian bago ko naglakad papunta sa pinto. Sumabay naman sakin si Ryuu.
_________________________
*Matt Daniels's POV*
Nahulog ako sa malalim na pagiisip ng makalabas si Rosallie.
Ang mga sinabi niya.... totoo kaya yun? Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa mga narinig ko sa kanya.
"Mr Daniels." Untag sakin ni Christian.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong seryoso syang nakatingin sakin. Nanatili lang akong tahimik.
"Ano na pong gagawin natin? Mukhang nagbigay na naman satin si Rosallie ng iisipin." Maya-maya ay napangiti siya."At sa lahat ng estudyante... kay Kaeden pa. Paano natin sasabihin kay Headmaster to?"
I sighed. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kombinasyon ni Kaeden at Rosallie. Masyadong unstable pa ang lagay ng kapangyarihan ni Rosallie. Kung dadagdagan pa ni Kaeden........
Nabalot ng kaba ang pagkatao ko sa iniisip ko. Tumingin ako kay Christian.
"Gusto kong malaman ulit ang bersyon mo ng pangyayari kanina." Sabi ko at hindi sinagot ang tanong nya.
Seryosong humarap sya sa akin. "Gaya ng sabi ko kanina. Nakita kong lumabas ang puting apoy sa palad ni Rosallie. Nakatutok talaga sa kanilang lima ang atensyon ko kaya nakita ko kung pano nagwala ang kapangyarihan nya. Mukhang tama siya... naghalo ang kapangyarihan nila. Ang Apoy ni Kaeden at puting Spirit force nya. Pinalabas ko ang lahat ng Estudyante sa silid at hinanda ko ang sarili ko para buksan ang pinto ng Shadow Realm. Balak ko sanang dalhin siya doon para doon nya mapakawalan ang nagwawalang kapangyarihan nya. Pero may naisip ang Spirit nya at pinagawa sa kanya. Nakita ko ng hawakan nya ang kamay ni Kaeden. At naramdaman kong may malakas na pwersang naipon sa magkahawak nilang kamay. Maya maya pa ay naramdaman kong unti unting nawawala ang apoy sa palad ni Rosallie hanggang sa tuluyang nawala yun at naging normal ang kapangyarihan niya. Hindi ko rin naramdaman na pinakawalan nya yun sa labas ng katawan nya. Basta unti unti nalang yun nawala." Kwento niya.
Napapikit ako at hinilot ang sentido ko. Ano ba ang nagyayari sa batang yun? At ang kakayahan niya.... napakamisteryo.
"Mr Daniels, possible bang maibalik ang kapangyarihan kinuha natin sa Link?" Tanong ni Christian.
Dumilat ako at pinakatitigan siya.
"Hindi. Impossible yun. Iisa lang ang kayang gawin ng LAHAT ng Elemental. Yun ay humila ng kapangyarigan sa Link. Pero hindi natin kayang magbalik ng kapangyarihan doon."
Kumunit ang noo niya.
"Pero ang sabi ni Rosallie.... nagawa niya yun. Sa tulong ng Spirit nya. At base sa nakita kong pagkawala ng kapangyarihan niya kanina, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. "
"Hindi ko rin alam Christian. Kahit ang Headmaster walang kakayahang magbalik ng kapangyarihan sa Link. Kaya hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinasabi ni Rosallie."
Kumunot ang noo niya at sandaling tumahimik. Maya maya ay matiim siyang tumitig sa akin.
"I trust her. Hindi ko alam kung bakit. Pero kung sinabi nyang nagawa niyang magbalik ng kapangyarihan sa Link, naniniwala ako sa kanya." Seryosong sabi niya.
Sumandal ako sa upuan at matiim siyang tinitigan. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko sa Aura nya.
"Wag mo masyadong iattached ang sarili mo kay Rosallie, Christian. Mentor ka nya. At estudyante mo sya. Kailangan ko bang ipaalala yun sayo?" Seryosong sabi ko.
Nagkibit balikat siya. "Don't worry Mr Daniels, hindi ko nakakalimutan yun." Sagot nya. Nagsasalita na sana ako ng magpatuloy pa siya. "Pero hindi ko naman sya habang buhay na magiging estudyante diba?. After all... tatlong taon lang ang tanda ko sa kanya. So malay natin...."seryosong sabi nya.
Napanganga ako sa sinabi nya at gulat na tiningnan ko lang sya. Wala akong maisip na sabihin sa sobrang pagkagulat. Seryoso ba sya? Aba! Kung oo, kailangan ko ng putulin ang ano mang ugnayan meron sila ngayon pa lang.....
Nabigla ako ng bumanghalit siya ng tawa. sapo sapo pa niya ang tiyan nya.
"Relax, Mr Daniels. Nagbibiro lang ako." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa. "Kung nakita mo lang ang itsura mo kanina..... kahit ikaw matatawa." Dagdag pa nya habang tumatawa.
Sa inis ko. Naibato ko sa kanya ang nadampot kong marmol na paper holder. Dumiretso yun sa kanya pero nahinto yun ilang dangkal mula sa mukha nya. Nanghiram siya ng kapangyarihan sa hangin para protektahan ang sarili niya.
Inilahad nya ang palad nya at pumunta dun ang paper holder na binato ko.
"Sorry na Mr Daniels. Nagjojoke lang ako." Paghingi nya ng paumanhin pero nanatili siyang nakangiti.
"Ayusin mo ang sagot mo Christian. Kung kay Headmaster mo sinabi yan, paniguradong hindi lang paper holder ang ibabato nya sayo."
"Syempre hindi ako sasagot ng ganun kay Headmaster. Takot ko lang sa kanya." Sabi pa niya at ibinalik sa mesa ko ang paper holder. Bumalik siya sa pagkakaupo at tumingin sakin."Ano na po ang plano nyo kay Rosallie?"
Bumuntong hininga ako.
"Sa ngayon.. bantayan mo muna sya. Turuan mo rin sya para makontrol na nya ang kapangyarihan nya at hindi na ulit magwala yun. Sabihin mo agad sakin kung may iba pa siyang kakaibang kakayahan. Pagdating ni Headmaster, ako na ang bahalang magsabi ng lahat sa kanya."
Tumango sya. "Eh pano naman ang ang tungkol kay Kaeden?"
"Paghiwalayin mo muna ang dalawang yun. Si Headmaster na rin ang bahalang umisip ng solusyon dyan." Sabi ko pa.
Tumango ulit sya at tumayo na.
"Kung ganun... aalis na po ako. May estudyante pa akong naghihintay sakin sa labas." Sabi nya at ngumiti.
Umiling iling ako bago siya pinalabas ng opisina ko.
Sumandal ako sa upuan ko at pumikit.
Magbalik ng kapangyarihan sa Link? Impossible... ang link ay parang hose ng tubig. Iisang daan lang ang daloy. Yun ay papalabas. At hindi papasok. Kaya impossibleng salungatin mo ang daloy ng kapangyarihan..... pero kung totoo nga? Pano nya nagagawa yun? At bakit?
___________________________
*Rosallie's POV*
Marahan kong isinara ang pinto ng opisina ni Mr Daniels at nakayukong naglakad papunta sa dulo ng Hallway. Dun ko nalang siguro hihintayin si Sir Christian. Wala kasing waiting area sa palapag na to eh. Wala rin akong mauupuan.
Ng iangat ko ang ulo ko para tingnan ang dadaanan ko ay saka kayo natigilan. Bumilis ulit ang t***k ng puso ko ng makita ko ang lalaking nasa harapan ko.
Si Kaeden... Nakasandal siya sa dingding at nakacross ang braso sa dibdib. Nakatayo siya dun na parang may hinihintay.
Tiningnan ko ang pintong nasa harap niya. HEAD OF THE HOUSE OF NACHT ang nakasulat.
Mukhang hindi lang pala ako ang napatawag sa office ah... buti nga sa kanya. Siya naman talaga may kasalanan eh... kapangyarihan nya yun...
Napigil ko ang hininga ko ng makitang lumingon siya gawi ko. Tumutok agad ang mga mata niya sa akin. Nakita ko rin ng magangat ng ulo ang gray wolf na kasama niya. Nakahiga yun sa sahig at nakapatong kanina ang ulo sa magkapatong na paa sa unahan.
Nagiwas ako ng tingin at dirediretso sa paglalakad. Nakasunod lang sakin si Ryuu.
Lalampasan ko na sana sya ng umalis siya sa pagkakasandal sa dingding at humarang sa daraanan ko. Sa mismong gitna ng hallway!
Nanadya ba to? Ang laki laki ng daan ah, sa harap ko pa talaga haharang?! Mukhang pinagtritripan nanaman ako nito ah!
Inis na humakbang ako sa kanan para umiwas sa kanya. Pero humakbang din siya para harangan ako. Nanatili lang na diretso ang tingin ko, at dahil nasa harap ko sya at mas matangkad sya sa akin. Natutok tuloy sa dibdib niya ang mga mata ko.
Namula ata ang pisngi ko sa sobrang lapit niya. Kahit na naiinis parin ako sa kanya hindi ko naman mapigilan ang reaksyon ko pag nasa malapit siya.
ARRRRGGGGHHHHH! buwisit ka Kaeden lubayan mo na ko. Please!
Humakbang ulit ako sa kaliwa. Pero inulit lang nya ang pagharang sakin.
Itinutok ko nalang ang mata ko sa badge na nasa left chest ng blazer nya bago nagsalita.
"Padaanin mo ko." Walang emosyong sabi ko.
"Magusap tayo."
Dumoble ata ang inis ko sa sinabi niya. Ano ko utusan?! Kung makapag-utos sya akala mo kung sino?!
Pinigil ko ang inis ko. "Wala naman tayong dapat pag usapan. Hindi kita kilala at hindi mo ko kilala. Tumabi ka. O di kaya hayaan mo kong makadaan." Malamig kong sabi.
Nakita ko rin ng tumayo ang grey wolf na kasama ni Kaeden at pinaikutan si Ryuu. Halos doble ang laki ng wolf ni Kaeden kesa kay Ryuu. Spirit nya kaya yun?
"Alam mo ang pangalan ko. At alam ko ang pangalan mo. So technically.... magkakilala tayo." Narinig kong sabi nya.
Aba..... sumasagot pa. Ewan!!
Itinulak ko siya gamit ang isang kamay ko paalis sa daraanan ko. Nakakailang hakbang palang ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinatak ako paharap sa kanya.
Tumakbo si Ryuu para tulungan ako pero humarang ang wolf ni Kaeden. Hindi nya hinayaang makalapit sakin si Ryuu.
Naramdaman ko ang galit na nagmumula kay Ryuu. Ganun din ang kapngyarihang inilalabas nya. Naalarma ako. Baka pagnaglabas ng kapangyarihan si Ryuu eh hindi ko na naman makontrol yun!
Ryuu! Wag! Sigaw ko sa isip.
Mukhang narinig naman nya ang sigaw ko dahil naramdaman kong pinigil niya ang kapangyarihan nya. He crouched and growled at the wolf in front of him. Bumalasik ang anyo ni Ryuu. Mukhang kahit maliit siya eh matapang din pala.
"Bitawan mo ko." Utos ko at sinubukang hilain ang kamay ko.
"Magusap muna tayo." Sabi ulit nya.
Naramdaman ko ang pamilyar na kuryente sa kamay kong hawak niya.
Hindi na ko nakatiis. Parang bulkan na sumabog ang emosyong kanina ko pa kinikimkim. Ang galit at inis ko sa pagsusungit nya. Ang takot na naramdam ko ng mawalan ako ng kontrol kanina. Ang sobrang pagkamiss ko sa mga magulang ko. Ang kagustuhan kong bumalik sa simpleng buhay ko. At sa takot sa paglalapit naming dalawa.
"Ano bang problema mo?! Hindi mo ko maid para utus utusan mo! Sino ka ba sa akala mo? Di porket Elites ka eh mangpo-power trip ka na! Wag mo ng guluhin ang buhay ko dahil magulong magulo na yun kahit wala ka! Maghanap ka ng mapagtritripan mo!" Sigaw ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung sa inis, galit, o takot kaya ako napaiyak.
Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Marahas kong binawi iyon sa kanya ng hindi siya tinatapunan ng tingin.
Napaupo ako sa sahig at umiyak. Pinupunasan ko ang luha ko pero patuloy lang yun sa pag-agos.
"A-ayoko na dito." Umiiyak na sabi ko. Itinakip ko sa mukha ko ang mga kamay ko.
Naramdaman kong may yumakap sa binti ko. Si Ryuu. Naramdaman ko rin ang paaalala nya sakin.
Nagulat ako ng may dumila sa gilid ng mukha ko. Napabaling ako sa may gawa nun. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang grey wolf ni Kaeden ang may gawa nun. Inihimas pa nya ang ulo niya sa balikat ko.
Umupo si Kaeden sa harap ko. Tumingin ako sa kanya. Tumingin lang din sya sakin. Umaagos parin ang luha sa pisngi ko.
Itinaas niya ang kamay niya at ipinatong sa ulo ko. Inilapit niya ang mukha nya sa mukha ko at pinakatitigan ang mata ko.
"Tahan na." Mahinang sabi niya. "Im sorry".
Lumundag ata ng puso ko sa pagkagulat sa paghingi nya ng tawad.
Totoo ba to? O nananaginip lang ako?
Inalis nya ng pagkakapatong ng kamay nya sa ulo ko at pinunasan ang mga luha ko.
Napaigtad ako ng bahagyang dumikit ang daliri nya sa mukha ko. Parang napaso ako sa init ng kamay niya.
Bumaba ang mata nya sa mga kamay ko.
"Punasan mo ang luha mo" marahang utos niya.
"Ha?" Tanong ko. Hala! Hindi na ata nagpafunction ang utak ko.
"Yung panyo mo. Ipunas mo sa luha mo." Sabi pa nya.
Napatingin ako sa kamay ko. Hawak ko parin pala ang panyong binigay ni Sir Christian kanina.
"Ahh... kay sir Christian " wala sa loob na usal ko.
Kununot ang noo nya. "Ano?"
"Kay Sir Christian. Sa kanya galing ang panyo." Sagot ko. Ipupunas ko na sana sa luha ko ang panyo ng marinig ko syang pumalatak at mabilis na hinablot ang panyo sa kamay ko.
"Ano ba?!" Reklamo ko.
"Marumi na yun. Itong gamitin mo." Sabi niya at binigay sakin ang panyong nakuha niya sa bulsa nya.
Hindi ko kinuha ang panyong ibinibigay niya. Kunot noong tiningnan ko lang siya.
Pumalatak ulit siya at ipinunas ang panyo sa pisngi ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya nahawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
Dumaan ulit ang kuryesnte sa magkahawak naming kamay. Napabitaw ako bigla at kinuha ang panyo sa kamay niya.
"Ako na." Sabi ko. Pinunasan ko ang mukha ko ng panyo na galing sa kanya.
Bakit kaya lagi kong nararamdaman ang kuryenteng yun sa tuwing hahawakan ko sya? Baka hindi lang apoy ang kapangyarihan nito ah!
Tiningnan ko sya ng matapos ako sa pagpunas ng luha ko.
"Ibabalik ko nalang ang panyo mo pag nalinis ko na."
"Sayo na yan." Simpleng sagot niya.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Nagtataka naman siyang tumingin sakin?
"Ano?" Tanong niya.
"Yung panyo ni Sir Christian. Akin na."
Nawala ang ekspresyon sa mukha nya.
"Bakit?"
"Ibabalik ko rin yan kay Sir pagnalinis ko na." Sagot ko.
"Tsk. Ako nang magbabalik sa kanya." Sabi niya.
Tinitigan nya ako pagkatapos. Nailang naman ako sa tindi ng pagkakatitig niya. Alam kong mugto ang mata ko sa pagiyak ko kanina. Kaya siguradong ang pangit ko! Hala!
"B-bakit?" Naiilang na tanong ko.
"Kailangan nating magusap." Seryosong sagot niya.
Mukhang seryoso nga ang gusto niyang pagusapan namin. Kanina pa kasi siya nangungulit tungkol dun eh.
"A-anong paguusapan natin?" Tanong ko.
"Tungkol dito." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ulit ang mahinang kuryente sa magkahawak naming kamay.
Namula din ang mukha ko ng marealize na kaholding hands ko si Kaeden! Babawiin ko sana ang kamay ko ng higpitan nya ang hawak nya.
Napatingin ako sa mukha niya.
"Hindi ka ba nagtataka na sa tuwing hahawakan natin ang isat isa ay nararamdaman natin yan? Pati ang nangyari kanina sa klase. Ang reaksyon ng kapangyarihan mo sa kapangyarihan ko." Sabi niya.
Marahang tumango ako.
"Nagtataka rin. Bakit? Alam mo ba ang sagot?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Alam ko." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko. Alam niya? Eh bakit ayaw pa nya sabihin?
"Anong ibig sabihin ng lahat ng yun?" Tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana sya ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Rosallie."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Sir Christian na nakatayo di kalayuan samin. Natapos na pala syang makipagusap kay Mr Daniels.
Nakakunot ang noo nya habang tinititigan kami ni Kaeden.
Mabilis kong hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kaeden. Parang kamatis na siguro ang kulay ng mukha ko sa sobrang pula sa sobrang hiya ko.! Pakiramdam ko nahuli kami ni Sir Christian na gumagawa ng hindi maganda.
Tapos nakaupo pa ko sa sahig, ganun din si Kaeden.....
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang posisyon namin. Natataranta akong tumayo. Inayos ko rin ang uniform ko. Bumitiw sa hita ko si Ryuu. Pero nanatili lang siya sa tabi ko.
Kaswal na tumayo naman si Kaeden. Namulsa pa siya at tiningnan si Sir Christian. Pumunta sa gitna namin ang wolf niya.
Lumapit samin si Sir Christian.
"Anong nangyari dito? Tanong niya. Bumaling siya sa akin. "Bakit nakaupo ka sa sahig?"
"A-ano po kasi...." simula ko, pero hindi ko naman alam ang susunod na sasabihin ko. Ano ba dapat ang idahilan ko? O dapat sabihin ko ang totoo? Na ano? Na umiyak ako sa harap ni Kaeden ng walang dahilan?
Naningkit ang mata ni Sir Christian ng makita ang mata ko. Binalingan niya si Kaeden.
"Anong ginawa mo?"
Nagkibit balikat lang si Kaeden.
"Wala akong ginawa sa kanya. Naguusap lang kami."
"Tungkol saan?"
Sinalubong ni Kaeden ang tingin niya.
"Tungkol sa bagay na dapat ay pinapaliwanag nyo na sa kanya."
Nagtaka ko sa sinabi ni Kaeden. Ipapaliwanag sakin? Ang ano?
"Kaeden" babala ni Sir Christian. "Ang Headmaster lang ang pwedeng magsabi nun. At hanggat wala siya, hindi mo pwedeng sabihin ang kahit na ano."
"Malalaman at malalaman din naman nya ang katotohan." Matigas na sagot ni Kaeden.
"Oo. Pero hindi yun ngayon." Sagot ni Sir Christian.
Nagsususkatan sila ng tingin. Walang gustong sumuko. Hala! Ano to?
Maya maya ay tumaas ang gilid ng labi ni Kaeden.
"She's mine. At hindi na yun magbabago. Alam mo yan." kampanteng sabi nya.
Parang lalong nainis si Sir Christian sa sinabi ni Kaeden. "Hindi pa sigurado ang lahat." Tanging sabi ni Sir Christian.
Kaeden smiled. "We will see."
Sabi niya at bumaling sakin. "Hindi pa tayo tapos. Maguusap at maguusap pa tayo." Sabi niya at tumalikod.
Naglakad siya papunta sa hagdan. Sumunod sa kanya ang wolf niya.
Ng mawala sa paningin ko si Kaeden ay saka ako bumaling kay Sir Christian. Nakatingin din siya sa pinuntahan ni Kaeden.
"Sir Christian?" Tawag ko sa kanya.
Bumaling sya sa akin.
"Ano pong sinasabi ni Kaeden? Tungkol po ba yun sa nangyari kanina sa klase natin?" Tanong ko pa.
He sighed and looked at me for a moment.
"Hindi ako ang dapat na magsabi sayo. Hinntayin mo ang Headmaster na makabalik. Siya ang magsasabi ng lahat sayo. Sa ngyon., ang isipin mo ay kung pano makokontrol ang kapangyarihan mo." Sabi niya.
Hindi na ko nagpilit pa. Mukhang kahit anong tanong ko sa kanya, hindi nya talaga sasabihin sakin ang sagot sa mga tanong ko.
Tumango ako sa kanya.
"Halika na. Late na tayo para sa training mo." Sabi niya at naunang naglakad.
Napatingin ako sa kamay kong may hawak ng panyo ni Kaeden. Maguusap pa daw kami.... ano kaya yung sasabihan nya?
Kibit balikat na ipinasok ko sa bulsa ng palda ko ang panyo ni Kaeden. Pagkatapos ay binuhat ko si Ryuu at patakbong sinundan si Sir Christian.
________________________