*Rosallie's POV*
Nanatili akong nakayakap kay Ryuu habang hinihintay ang pagsisimula ng klase. Nahihiya parin kasi akong tumingin sa mga kaklase ko.
Bwisit kasi tong nasa likod ko eh! Kung hindi dahil sa kanya eh hindi naman ako gagawa ng eksena kanina. At nakakainis na hanggang ngayon eh malakas parin ang t***k ng puso ko dahil sa presensya nya. Bakit ba kasi ako kinakabahan sa kanya?
Oo, malakas sya. Nakita ko naman sa naging party duel kahapon diba. At gwapo rin sya, halata naman sa atensyong nakukuha nya sa mga kaklase kong babae. Pero halatang antipatiko at suplado! Siya yung tipo ng tao na hindi pagaaksayahan ng oras ang mga taong mas mabababa sa kanya.
Tama! Yun nga! Naiintimidate lang ako sa kanya kaya ganito ang reaksyon ko! At siguradong nagkataon lang din ang pag-upo nya sa likod ko. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan yun. Tama. Tama.
Tumango tango pa ko.
Wahh!sinong kinukumbinsi ko? Sarili ko?
Huminga ako ng malalim at pinaupo sa gilid ng mesa si Ryuu. Tahimik na umupo naman siya dun at idinuyan pa ang paa sa ere.
I lean forward on my desk. Kinalabit ko si Racky para kunin ang atensyon nya. Kunot noong nilingon nya ko.
Inilagay ko ang isang kamay ko patakip sa gilid ng bibig ko at bumulong.
"Racky... bakit nandito sila?" Bulong ko. Maging ako halos hindi marinig ang sinabi ko sa sobrang hina ng boses ko. Ayoko ngang may makarinig sakin.
Pumihit si Racquel sa upuan nya para humarap sakin.
She leaned forward and whispered. "Sinong sila?"
Ininguso ko ang likuran ko.
Saglit nyang tiningnan ang likuran ko bago tumingin ulit sakin.
"Ahhh.. sila ba. Hmmmm...Dahil kaklase natin sila?." Patanong na sagot nya.
"Eh diba Elites yang mga yan? Eh Novice lang naman tayo ah. Bakit natin sila naging kaklase?"
"Ahh.. ang klase kase sa administrator's building ay base sa edad ng mga estudyante. Basic lessons kasi ang tinuturo dito. So kahit na Novice, Advance o Elites ka pa, basta magkakasing edad kayo eh may chance na maging magkaklase kayo." Paliwanag nya.
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Kasing edad lang natin sila?" Di makapaniwalang tanong ko.
Tumango naman siya. "Oo. Magkakasing edad lang tayo. Ang nasa second floor ay isang taon ang tanda satin. Nandun si Tyrone. Yung gumagamit ng yelo."
"Ahh.. kung kasing edad lang pala natin sila. Paano sila naging Elites?" Tanong ko pa.
"Ang level mo ay nakabase sa standing mo. Sa antas ng control at sa lakas ng kapangyarihan mo. So kahit bagong pasok ka palang sa Academy, kung makakakuha ka ng matataas na marka sa mga pagsusulit at makocontrol mo agad ang kapangyarihan mo, may chance ka na umakyat sa higher level. Pwede kang maging Advance o kaya Elites."
"Ahhh... ganun pala..."
"Sa pagkakarinig ko. Ang batch natin ang pinakamaraming naging Elites sa unang taon palang sa Academy." Dagdag pa nya.
"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko.
Tumango naman siya. Magtatanong na pa sana ako ng pumasok ang Professor namin.
Umayos kami ni Racquel ng upo at tumingin sa harap. Napangiti ako ng makita ang magiging guro namin.
Mukhang bumabawi ako sa kamalasan ko kanina ah.
"Good morning class." Bati ni Sir Christian sa buong klase.
Sumagot kami ng pagbati sa kanya.
Saglit nyang nilibot ng tingin ang kabuuan ng silid bago huminto ang mga mata nya sa akin. Nginitian nya ko bago hinarap ulit ang klase.
Teka? Ako nga ba ang nginitian nya o ilusyon ko lang yun?
Bigla namula ang mukha ko ng maalala kong binuhat nya ko pabalik sa dorm ko.
Kakahiya kay Sir Christian! Bigat ko pa naman.
May inilabas siyang maliit na cube. Pagkatapos ay may pinindot sya dun at lumabas ang malaking hologram screen. Kasing laki yun ng blackboard.
Mukhang pati ang pagtuturo nila dito high tech din ah.
May lumabas na simbolo sa screen sa harap. Limang bilog na magkakadikit. Meron sa taas, baba, kanan, kaliwa at sa gitna.
Kumunot ang noo ko ng makita ang simbolo.
Alam ko ang simbolong yun ah.....
"May isa ba sa inyong makakapagsabi sa akin kung ano ang simbolong ito?" Panimulang tanong ni Sir Christian sa buong klase. Sumandal siya sa mesa sa harap at naghintay ng sagot mula sa amin.
Lahat kami tumutok ang mata sa screen. Ang ilang kaklase ko halatang pinagiisipan ng husto ang sagot sa tanong ni Sir Christian. Ang iba naman nagtatanungan sa isat isa.
Ilang minuto rin ang lumipas pero wala ni isa samin ang sumagot sa tanong ni Sir.
Tumingin ako sa gawi ng mga Elites. Maliban yung nasa likod ko. Lahat sila nakakunot ang noo at tahimik na nakatingin sa harap. Mukhang hindi rin nila alam ang sagot.
Hindi rin naman pala perpekto ang mga Elites. May hindi rin pala alam ang mga to....
Nakaramdam ako ng tuwa sa sarili ko ng maisip na mukhang ako lang ang nakakaalam ng sagot. Kahit kasi sila Teresa mukhang hindi alam ang simbolo sa harap. Bahagya akong napangiti pero nawala iyon agad ng may sumipa sa upuan ko mula sa likuran! Wala sa isip na binalingan ko ang may gawa nun. At nakita ko si Kaeden na nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay.
Kumabog ang dibdib ko. Bumaling ako agad sa harap para iwasan ang tingin nya.
Anong problema nun? Lakas mang trip ah!
"Anyone? Walang may alam ng sagot?" Untag samin ni Sir Christian. Umiiling na ngumiti sya. "Alright. How about this? Magbibigay ako ng sampung puntos sa sinumang makakasagot ng tanong ko." Sabi nya.
Lumakas ang bulong bulungan ng mga kaklase ko. Combine efforts na ang ilan para makuha lang ang sampung puntos.
Pati sila Teresa nakita kong nagtatanungan.
Grabe ha. Sumagot na kaya ako? Kaso nakakahiya!
Ayoko pa naman ng recitation dahil ayokong sakin nababaling ang atensyon ng mga kaklase ko.
Nagulat ako ng may sumipa ulit ng upuan ko.
Grrrrrr... kainis tong lalaking to ha! Ano bang problema nya!
Hindi ko pinansin ang ginawa nya. Baka kasi aksidenteng nasipa lang niya ang upuan ko.
Pero hindi pa ko nakaka ayos ng upo ng sipain niya ulit ang upuan ko! Mas malakas iyon kaya halatang hindi aksidente ang ginawa nya!
Inis na lumingon ako sa kanya at matalim syang tiningnan.
"Anong problema mo?" I hissed at him. Nakita kong tumingin sakin sila Marvin at Jared. Pati si Teresa bumaling din sakin.
Naman! Buwisit kasi ang isang to eh. Makapagpalit nga ng upuan kela Tin.
He leaned forward in his desk.
Nangalumbaba siyang tumingin sakin.
Napigil ko ang hininga ko sa lapit ng mukha nya. Namula rin ata maging ang tuktok ng ulo ko sa sobrang kaba at hiya.
Pasimpleng lumayo ako sa kanya.
"Alam mo ang sagot diba?" Kaswal na tanong niya.
Nakita kong kumunot ang noo nila Jared at Marvin. Nakatutok na sa akin ang buong atensyon nila.
"H-hindi" kaila ko.
Bahagyang naningkit ang mga mata niya.
"Liar. Halatang halata sayo." Sabi nya. "Nageenjoy ka bang makitang nahihirapan sa pagiisip ang iba? Natutuwa ka bang nagmumukha kaming walang alam kumpara sayo?" Akusa niya. Medyo nakukuha na namin ang atensyon ng mga malapit samin.
Nagprotesta ang kalooban ko sa sinabi nya.
Ang lakas mambintang ng isang to ah! Nahihiya lang naman ako sumagot.... kung ano ano na sinabi nya?!
Matatag kong sinalubong ang tingin niya.
"Hindi, para sa dalawang tanong mo."
Hindi nya inalis ang pagkakatitig sakin. Nanatili din akong nakatitig sa kanya.
He's daring me to looked away, but Im not going to let him win this time.
"Then answer the question." Hamon niya.
Fine! Matapos lang ang usapang to.
Inirapan ko sya at tumingin sa harap. Halos lumubog ako sa kinauupuan ko ng makitang nasa amin na ang atensyon ng buong klase. Pati si Sir Christian nakatingin na sa amin.
Tumikhim ako para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Nahihiyang itinaas ko ang kamay ko.
"Yes, Rosallie?." Tanong ni Sir Christian.
Tumayo ako at nilabanan ang urge na umupo agad ng bumaling sakin lahat ng titig ng mga kaklase ko.
Ayoko nito....buwisit ka Kaeden! Pahamak ka sa buhay ko!
"I think I know the answer Sir." Mahina kong sabi.
Ngumiti si Sir Christian sa akin. Medyo nabawasan naman ang kaba ko.
"Go on." Sabi nya.
Tumikhim ulit ako para pakalmahin ang sarili ko.
"The five circles in the screen..... is what the celtic people called five fold symbol." Simpleng sagot ko.
Nanatili lang akong tahimik pagkatapos. Hinihintay ko si Sir Christian na paupuin na ko. Nasagot ko na naman tanong niya diba? Bakit nakatayo parin ako?
"That's it? I don't think na sulit ang ten points na ibibigay ko sa sagot mo." Sabi pa nya.
Akala ko ba kakampi kita Sir? Anong nangyari?
Humugot ako ng malalim na hininga at tinatagan ang loob ko.
Aiiisshhhttt! Bahala na.
"The circles in the symbol represent the Elements. Ang nasa hilaga ang sumisimbolo sa lupa, ang nasa silangan ay ang sumisimbolo sa hangin, ang sa kanluran ay ang sumisimbolo sa tubig at ang nasa timog Ang sumisimbolo sa apoy. At ang sa gitna......." natigil ako sa pagsasalita. Ngayon ko lang naisip ang posisyon ng Element ko sa apat na elemento.
"The center circle represents what ,Rosallie?" Untag sakin ni Sir Christian.
"Aether. The center circle represents the fifth element." Sagot ko.
Lumawak ang pagkakangiti niya. "Good job, Rosallie. Tama ang sagot mo. I'll give you ten points for that. Makakaupo ka na."
Mabilis akong umupo. Parang biglang nanghina ang katawan ko sa pagsagot lang ng tanong kanina.
"Gaya ng sabi ni Rosallie. Ang simbolong iyan ang kumakatawan sa Elemento sa mundo. Pwede nating isipin na bawat isa sa atin ay ipinanganak sa loob ng bawat bilog na nandyan. Ang mga Earth user sa hilaga. water user sa kanluran, Air user sa silangan at Fire User sa timog. Ang mga isinilang naman sa gitna ay ang mga Aether user. Tinatawag din ang elemento nila na void o space. Ang kapangyarihan ng mga isinilang sa unang apat na elemento ay madaling matukoy. Iisang elemento lang kasi ang nangingibabaw sa kanila. Pero iba ang mga Aether user, Kung mapapansin nyo nasa gitna sila ng apat na Elemento, kaya isa sa kapangyarihan ng Aether user ang manghiram ng kapangyarihan ng ibang elemento. Kaya nilang gumamit ng hangin, tubig, lupa at apoy. Pero syempre ... didepende ang lakas nila sa laki ng pinto ng kapangyarihan nila." Paliwanag ni Sir Christian.
Naamazed ako sa sinabi nya. Hindi ko alam yun ah. Totoo kayang kaya kong gamitin ang apat na elemento? Hmmm... masubukan nga minsan.. hehe.
"Isa pang tawag sa Aether user ay Soul or Spirit user. May kakayahan kasi silang makita ang Aura at life force ng tao. At nagagawa rin nila maapektuhan ang isang tao either physically, mentally or emotionally. " dagdag pa ni Sir Christian.
"Grabe namam sir! Kawawa naman kaming iisang elemento lang ang kayang gamitin. Unfair!" Reklamo ng isang lalaking Earth User sa harap.
"Oo nga Sir!" Sigunda pa ng ibang estudyante.
Hala?! Kasalanan ba naming ipanganak sa gitna ng mga elemento? Swerte lang kami noh. Better luck next time nalang. Baka sa susunod na lifetime nyo eh Aether user narin kayo.. hehe.
"Quiet class." Saway ni Sir Christian. Tumahimik naman ang mga kaklase ko.
"Hindi naman lahat ng sinabi kong kakayahan ng Aether user eh nagagawa nila. Gaya ng sabi ko. Depende sa laki ng pinto ng kapangyarihan nila ang magiging lakas nila. As of now, wala pa naman akong nakikitang Aether user na nagtataglay ng lahat ng kakayanang sinabi ko." Sabi niya. Napatingin sya sa gawi ko. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o parang natigilan talaga si Sir Christian ng makita ako.
Agad naman siyang bumaling sa iba kaya hindi ko na masyadong inisip ang naging reaksyon nya.
"Anyway, kaya ko pinakita sa inyo ang simbolong yan ay para ipakita sa inyo na kayang magsama-sama ng mga elemento. Fire to air, air to water, water to earth, earth to Aether at kung ano ano pang kumbinasyo. Yun ang magiging activity natin ngyon. You will do it in pair."
Humarap agad ako kay Teresa. Napangiti ako ng makitang halos sabay lang kaming bumaling sa isat isa. Kahit noon talaga. Kami na ang magpartner sa mga activity namin.
"Tere, tayo ang....."
Nahinto ako sa sasabihin ko ng magsalita si Sir Christian.
"We have four rows in this room. First and third row, face the one behind you. Sila ang magiging partner nyo. " instruction ni Sir Christian.
Unti unting nanlaki ang mata ko habang nakatingin ako kay Teresa. Nakita kong ganun din ang naging reaksyon nya. Nawala rin ang ngiti naming dalawa.
Third row. Kami yun ah. At ang nasa likod ko......
No! No! No! Please... ok na sakin si Teresa. O kaya si Racky sa harap ko. Wag lang ang nasa likod ko.
Natigilan din ang mga kaibigan ko. Kinakabahang nagkatinginan kami sa isat isa. Halatang hindi rin nila gusto ang nangyayari.
Hello?! Novice lang kaya kami! Itapat daw ba kami sa mga Elites?! Joie naman eh! Bakit ito pa kasi na napili mo!
Hindi parin namin hinaharap ang nasa likod namin. Naghihintayan pa kami kung sino ang matapang na mauuna samin humarap sa likod.
Naramdaman ko uling may sumipa ng upuan ko.
Argggghhhh! Kabwisit! Bakit ikaw paaaaaa.......
"Binge ka ba? Hindi mo ba narinig ang instruction ni Sir Christian? " narinig kong tanong ng suppose to be partner ko.
Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahan pumihit paharap sa kanya.
His arms are crossed in his chest as he leaned back on his chair.
"Ang sabi humarap, hindi tumagilid. Ayusin mo ang upo mo." Supladong sabi nya.
Grabe naman ang isang to! Ang bossy! Wala pa nga, utos na ng utos.
Nagdadabog na iniharap ko ang upuan ko paharap sa kanya. Matalim din ang pagkakatingin ko sa kanya.
He smirked at me and leaned forward. Dahil sa iisang desk nalang kami nakaharap, mas malapit na ang mukha nya sakin ngayon.
Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo ko. Alam kong pinaglalaruan nya lang ako. Mas mabuti kung hindi ako magpapaapekto sa kanya.
Tama! Deadma lang!
Pilit kong pinakalma ang paghinga ko. Ganun din ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Now, gusto kong hawakan nyo ang isang kamay ng kapareha nyo. Palm to palm. Habang ang isang kamay nyo ay nakalahad sa harap nyong dalawa."
Sir Christian naman eh.. bakit ito pa naisip mong ipagawa samin ngayon!!!
Itinaas ni Kaeden ang kaliwang kamay niya at inilapit sa akin. Kinakabahan ko namang itinaas ang kamay ko at idinikit sa kanya.
Pareho pa kaming napaigtad ng may kuryenteng dumaloy mula sa magkadikit naming palad. Gulat na napaatras kami pareho sa upuan namin.
Maya maya pa ay pumalatak siya at inis na tumingin sakin.
"Anong ginawa mo?" Tanong niya.
"W-wala. Baka ikaw tong may ginawa." Nauutal kong sagot. "Ikaw ang may nakakatakot na kapangyarihan satin eh" bulong ko pa.
"Ano?" Naniningkit ang matang tanong niya.
"Wala." Sagot ko.
"Kaeden. Rosallie. Bakit hindi nyo pa ginagawa ang sinasabi ko?" Tanong ni Sir Christian. Nagikot ikot pala sya para tingnan ang ginagawa ng mga magkakapareha.
"Kasi Sir....." naudlot ang pagsusumbong ko kay Sir Christian ng apakan ni Kaeden ang paa ko.
Aray! Sigaw ko sa isip. Naalarma naman si Ryuu. Tumayo siya at yumakap sa likod ng leeg ko. Nakatalikod kasi ako sa desk ko kaya leeg ko ang nayakap nya.
Sorry Ryuu ang isang to kasi... sabi ko sa isip sabay tingin ng masama kay Kaeden.
"Kamay mo." Masungit nyang sabi sabay taas ulit ng kamay nya.
Nag-aalinlangang inilapat ko ulit ang palad ko sa palad nya. Gaya ng una, may kuryenteng dumaloy ulit sa mga kamay namin. Bibitiw na sana ko ng hawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin naman siya ng diretso sa akin. Parang inaarok nya ang laman ng isip ko base sa pagkakatitig nya sakin.
"Ngayon, subukan nyong maglabas ng element force sa nakalahad na palad nyo." Sabi ni Sir Christian.
Napatanga ko sa sinabi nya. Hala! Di ko pa alam magpalabas nun eh... paano na.....?
Nakita ko rin ang mga kaibigan kong kinakabahan. Wala kasi ni isa samin ang may alam nun.
"Alam mo ang Link diba? Ang pinanggagalingan ng kapangyarihan natin?" Tanong ni Kaeden.
Tumango ako.
"Buksan mo ang pinto sa link mo para makakuha ka ng mas malakas na kapangyarihan. Humatak ka ng pwersa mula doon at papuntahin sa labas ng palad mo." Sabi pa nya.
Napatulala ako sa kanya. Tinutulungan nya ko? Bakit?
Mukhang nakita nya ang pagtataka sa mukha ko kaya hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.
"Aray! Wag masyadong mahigpit!" Daing ko.
"Magconcentrate ka! Bilisan mo."inis na sabi nya.
Ginawa ko ang sabi niya. Nagcocentrate ako para hanapin ang link sa loob ko. Ng makita ko yun, sinubukan kong buksan ng bahagya ang pintong nandoon. Humila ako ng kapangyarihan gaya ng ginawa ko noon. Mas madali na sya ngayon. Hindi gaya noong una. Mukhang nasanay na ko sa pagkuha ng kapangyarihan sa link. Pinapunta ko yun sa nakalahad kong palad.
Natuwa ako ng may lumabas na puting bola ng liwanag sa taas ng palad ko.
"Yan ang tinatawag na Spirit force." Sabi pa sakin ni Kaeden.
Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Lahat sila mukhang nakagawa na ng mga Spirit force nila.
Kung ganon... Spirit force pala ang nakita kong binabato nila sa duel kahapon. Ganitong ganito yun eh.
"Good job every one. Ang susunod ay ang pagsasanib nyo ng kapangyarihan. Ibigay nyo ang kalahati ng Spirit force nyo sa mga kapareha nyo. At tanggapin nyo rin ang kalahati ng kapangyarihan nila. Gamitin nyo ang magkahawak nyong kamay bilang tulay ng mga kapangyarihan nyo. Padaanin ninyo ang kapangyarihan ng isat isa at isama iyon sa kalahating Spirit force sa nakalahad na kamay niyo. Dahan dahan! Wag nyong bibiglain ang pagbigay ng kapangyarihan."
Tumingin ako sa Spirit force ni Kaeden. Hindi kaya ako mapahamak dun? Apoy eh! Nakakatakot.
"Sabay tayong magbigay ng kapangyarihan." Sabi ni Kaeden. "On the count of three. One. Two. Thr--"
"Wait!" Kinakabahang pigil ko sa kanya. "Saglit lang."
Naiinis na tiningnan nya ko.
Hindi ko siya pinasin.
Inhale... exhale... inhale... exhale. Relax. Kaya ko to.
Tiningnan ko sya at tumango.
"Ikaw na ang magbilang." Masungit na sabi nya.
"Okay. On three. One. Two. Three." Sabi ko at hinatak ang kalahati ng spirit force ko papunta sa kamay kong hawak ni Kaeden.
Nakita kong sumunod ang kapangyarihan ko sa utos ko. Parang nagbukas din ang mata ko at nakita ko ang pamilyar na thread of lights sa katawan ko.
Nakita ko rin ang kay Kaeden. Parang kay Teresa. Kulay pula din ang sa kanya.
Nakita ko kung pano nya hilain ang kapangyarihan nya sa kabilang kamay nya papunta sa kamay na hawak ko.
Parang nagliliyab na lubid ang nadadaanan ng kapangyarihan nya.
Napalunok ako. Hindi kaya sunugin nyan ang ugat ko? Sa nakikita ko kasi kay Kaeden parang lagablab ng apoy ang talagang kapangyarihan nya.
"Magfocus ka." Narinig kong utos nya.
Tumango lang ako at tiningnan ulit ang daloy ng kapangyarihan nya. Mabagal yun. Mukhang binabagalan nya talaga para sabayan ang kapangyarihan ko.
Naks! Akalain mo yun. Mabait din pala ang isang to.
Napigil ko ang hininga ko ng halos nasa kabilang palad na namin ang kalahati ng Spirit force namin. Kaunti na lang at magtatagpo na yun sa magkahawak na kamay namin ni Kaeden.
Hindi rin nagsasalita si Kaeden. Nakafocus lang siya sa pagpapadaloy ng kapangyarihan nya.
Ng tuluyang magtagpo ang mga kapanyarihan namin. Nagulat kami pareho ng biglang lumakas iyon. Parang ang kuryenteng naramdaman namin kanina ang nakapagpalakas ng pinaghalong kapangyarihan namin.
Teka. Parang may mali. Imbes kasi na dumaan lang sa mga kamay namin ni Kaeden ang mga kapangyarihan namin at pumunta sa nakalahad na kamay namin, ang nangyari ay naghalo ang kapangyarihan namin! Hala ka! Tama ba ginagawa namin?
Ang pulang kapangyarihan nya at ang puting kapangyarihan ko ay naghalo. Ni hindi ko na alam kung sa akin pa ba ang puting liwanag na nasa kanya. O kapangyarihan nya yun na naging puti na?
Halatang naguguluhan din si Kaeden. Nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin.
Naipon sa magkahawak naming kamay ang naghalong kapangyarihan namin.
Maya maya pa ay sinubukan kong hatakin pabalik sa loob ko ang puting liwanag na nasa kanya.
Nagulat si Kaeden sa ginawa ko at napasigaw.
"Wag!" Sigaw nya pero huli na. Nahatak ko ang pinagsama naming kapangyarihan. Nabitawan ko ang kamay nya ng maramdaman kong humalo sa buong katawan ko ang pwersang kinuha ko sa kanya.
Naramdaman ko rin na biglang naginit ang nakalahad kong palad. Ng bumaling ako dun ay nakita kong lumaki ang Spirit force na nandun. At hindi na sya hugis bola.
Nagliliyab na puting apoy na ang nakita ko sa palad ko.
Palakas iyon ng palakas. Nataranta ko. Pati ang mga kaklase ko napatalon sa upuan nila at lumayo samin ni Kaeden.
Napatayo din kami ni Kaeden sa kinauupuan namin. Pero hindi siya lumayo sa akin.
Dapat lang no! Sya may gawa nito! Kapangyarihan nya to diba?!
Pinilit kong pabalikin ang kapangyarihan ko pero hindi sumusunod iyon! Anong gagawin ko?
Ryuu! Takot na tawag ko sa isip.
Huminahon ka. Sinusubukan ko ng pabalikin ang kapangyarihan mo. Sagot nya sa pagtawag ko. Nanatili syang nakayakap sa leeg ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Tama nga sya. Nararamdaman kong untiunti nyang hinahatak pabalik sa link ang kapangyarihan ko. Pero hindi iyon sapat! Nagpapanick na ko! Baka tupukin ako ng puting apoy sa kamay ko!
"Rosallie. Huminahon ka." Utos ni Sir Christian. Nakalapit na sya sa akin. "Lahat kayo! Labas! Dali! Sigaw ni Sir Christian sa mga kaklase ko. Mabilis naman silang sumunod .
Nagulat ako ng makita kong hindi umalis ang mga kaibigan ko. Nanatili lang sila sa loob ng silid at nagaalalang nakatingin sa akin. Naiwan din ang mga Elites. Si Kaeden naman ay nanatili lang din sa kinatatayuan nya.
"Rosallie." Tawag ulit sakin ni Sir Christian. Naiiyak na tumingin ako sa kanya. Natatakot na talaga ako. "Isarado mo ang pinto ng kapangyarihan mo. Madali."
Hindi pwede. Sagot ni Ryuu. Pag-isinara mo ang pinto mas mahihirapan akong pabalikin ang kapangyarihan mo.
"Hindi daw po pwede sabi ni Ryuu." Naiiyak na sabi ko.
"Rosallie, kailangan mong isara ang kapangyarihan mo at itigil ang paghatak ng kapangyarihan sa link." Sabi ni Sir Christian.
"Hindi na po ako humihila sa link." Sagot ko pa.
Kumunot ang noo nya. "Kung ganon, san nanggagaling ang kapangyarihan mo?"
Napatingin ako kay Kaeden. Mula lang naman ng hatakin ko ang kapangyarihan nya nagkaganito na ko. Parang inenhance ng kapangyarihan nya ang kapangyarihan sa loob ko. Kaya biglang lumakas iyon at di ko makontrol.
Sinalubong ni Kaeden ang mata ko. Maya maya pa ay lumakad sya at huminto ilang hakbang sa harap ko. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Ibalik mo sakin. Ibalik mo ang kapangyarihang hinatak mo kanina." Seryosong sabi nya.
Ibalik ko daw? Eh pano sya? Baka sya naman ang magkaganito?
Aabutin na sana ni Kaeden ang isang kamay kong hawak nya kanina ng iiwas ko iyon sa kanya.
"Ayoko. Baka ikaw naman ang mahirapan."
Pumalatak siya at naiinis na tumingin sakin.
"Wag matigas ang ulo. Mas makakaya ko yan kesa sayo."
"Pero--"
Gawin mo ang pinagagawa nya. Makakatulong yun para mabigyan tayo ng sapat na oras para maibalik sa link ang sobra mong kapangyarihan. Sabihin mo lang sa kanya na wag nyang hahatakin yun papunta sa loob nya. Ipunin nyo lang yun sa kamay ninyo gaya ng ginawa nyo kanina. Ako ng bahalang magbalik ng paunti unti sa link.
Sabi ni Ryuu.
Sinabi ko ang sinabi nya kela Kaeden. Tumango sya at inilahad ulit ang kamay niya sa akin.
Sa pagkakataong iyon, tinanggap ko ang kamay niya at ibinigay ang sobrang kapangyarihan ko. Tinanggap nya yun at inipon sa kamay naming magkahawak.
Ibinalik naman ni Ryuu ang sobra sa link. Naramdaman kong unti unting nawawala ang apoy sa palad ko. Naramdaman ko rin ng hilain ni Ryuu ang magkahalong kapangyarihan namin ni Kaeden na nas mga palad namin.
Napatingin sakin si Kaeden ng maramdaman nya ang paghila ni Ryuu.
"Ok lang. Ibigay mo Kaeden." Sabi ko sa kanya.
Nagdududang tumango sya at unti unting ibinigay ang kapanyarihan kay Ryuu. Mayamaya lang ay naging normal na ang lahat. Nawala ang puting apoy sa kamay ko. At naramdaman kong naging normal na ang kapangyarihan sa loob ko.
Nanlambot ang tuhod ko sa pagod at takot. Bumigay yun at bumagsak ako sa sahig. Napabitaw din si Ryuu sa leeg ko.
Naging maagap naman si Kaeden. Nasalo nya ko at paupong niyakap.
Hinihingal na tiningala ko siya.
Tumingin naman sya sakin.
"Ikaw ang may kasalanan nito." Akusa ko sa kanya.
Laking gulat ko ng tumawa siya sa sinabi ko.
_______________________