Spirit Forms

4606 Words
*Christian Hale's POV* Tumingin ako sa pinto ng Chamber of Trials kung saan pumasok sila Rosallie. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon para magising ang mga Element Spirit nila. Lahat naman kami dumaan sa ganun. Yun lang kasi ang tanging paraan para lumabas ang mga Spirit. Ang nakakapag-alala lang ay kung hindi nila magigising ang mga Spirit nila. Kailangan kasi nilang ulitin ang pagsubok sa loob ng Chamber. Pagdadaanan nila ulit ang mga nakakatakot na na naranasan nila sa loob. "Wag kang magalala sa kanila. Sigurado naman akong magtatagumpay sila." Sabi ni Daemon habang nakatingin sa pinto. Walang pagaaalala sa mukha niya. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga kasama ko sa silid. Lahat kami tahimik lang na nagaabang sa muling pagbukas ng pinto. Ilang minuto na ba mula ng pumasok sila? Siguro mahigit labing limang minuto na. Mukhang matagal tagal pa ang hihintayin namin. Hindi kasi nagbubukas ang Chamber hanggat hindi pa tapos ang lahat ng estudyanteng kumukuha ng pagsubok. Ang pinaka average time ng isang estudyante sa loob ng chamber ay isang oras. Ang pinakamabilis naman ay apat napung minuto. Iba ang oras sa loob ng Chamber. Maaring abutin ng ilang araw ang estudyante sa loob pero ang katumbas lang nun ay isang oras sa labas. Lima pa naman silang magkakasabay pumasok. Kaya didepende sa huling makakatapos ang pagbubukas ng pinto. Tumingin ako sa dalawang Head of House namin. Nasa unahan sila mas malapit sa pinto. Maya maya ay may sinabi si Mr Pierce kay Mr Daniels. Mahina lang ang mga boses nila kaya di ko marinig ang pinauusapan nila. Nagsimula naring magusap sila Cassie at Adam. Habang si Christoffe ay tumabi samin ni Daemon. Namulsa sya at tahimik na nakatingin sa pinto. "Anong tingin nyo sa mga tuturuan nyo?" Tanong ni Christoffe samin ni Daemon. Hindi niya inalis ang tingin sa pinto. Nagkibit balikat lang si Daemon kaya napilitan akong sumagot kay Christoffe. "Okay naman. Mukha namang madaling turuan si Rosallie. Sa tingin ko mabilis niyang makocontrol ang kapangyarihan nya." Tumango si Christoffe. "Ingat ka lang Christian, dahil mahilig manopresa silang lima, lalo na ni Rosallie." Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi sakin ni Allison tungkol kay Rosallie. "Alam ko Christoffe. Sinabihan na ko ni Allison tungkol dyan." Saglit lang nya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa pinto. "Oo nga pala..." nahinto ako sa pagsasalita ng makita kong dumiretso ng tayo sa Christoffe. Sinundan ko ang tingin nya at nakita kong unti unting bumukas ang pinto ng Chamber of Trials. Lahat kami gulat na napabaling sa pinto. Maging ang Head of Houses namin ay halatang nabigla sa maagang pagbubukas ng pinto. Tapos na? Ganun kabilis? Wala pang tatlongpung minuto ah... Ng tuluyang bumukas ang pinto ay tahimik na naghintay kami para sa paglabas nilang lima. Kumunot ang noo ko ng lumipas ang ilang minuto at wala parin ni isa sa kanila ang lumalabas. Nagtatakang napatingin ako sa iba. Lahat sila halatang nagtataka din gaya ko. Nagkatinginan din ang dalawang Head of House. Maya maya pa ay nagsimula na silang maglakad papasok ng Chamber. Sumunod kaming lima at pumasok ng silid. Malawak ang loob ng silid at wala ring bintana o mga gamit sa paligid. Napahinto kaming lahat sa paglalakad ng makita ang mga estudyante. Lahat sila, nakahiga sa sahig at walang malay. Pero hindi lang sila ang taong naabutan namin sa silid..... may lima pa. Mga lalaki. They crouching beside the unconscious students. Inanggat nila ang tinggin ng mapansin nila kami. They looked at us with apathy. They all stood up and face us. Naging alerto kaming lahat. Maging sila Mr Daniels ay halatang naghanda kung aatake ang mga lalaki. "Sino kayo?" Tanong ni Mr Pierce. Nanatili lang silang tahimik at pinagmamasdan kami. Mayamaya ay may lumabas na puting liwanag sa harap ng lalaki malapit kay Rosallie. Nanlaki ang mata ko ng makitang aatakihin nga nya kami. Elementals? Bakit sila nasa loob ng Chamber? Iisa lang ang daanan papasok, at nagbabantay kaming lahat doon. Kaya pano sila nakapasok? Humarang samin ang dalawang Head of House at gumawa ng malaking harang. Kasabay nun ang pagbato sa amin ng kapangyarihan ng lalaki. Tumama ang atake nya sa shield nila Mr Daniels. Naglabas iyon ng matinding liwanag at nakita kong napaatras sila Mr Pierce sa lakas ng impact nun. Nailagay ko ang braso ko sa harap ng mata ko para takpan ang nakakasilaw na liwanag. Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng sumilip ako. Ang harang na ginawa ng dalawa sa pinaka malalakas sa Academy ay unti unting nagkakalamat! Isang atake lang ang ginawa nya pero halos mabasag nun ang pinagsamang harang ng dalawang Head of House namin! Sino ang mga ito? At bakit nila kami inaatake? Mga kalaban ba sila? Pero kung Elemental din sila diba dapat ay kakampi namin sila? Ganun nalang ang pagkabigla ko ng tuluyang mabasag ang harang at tumama samin ang atake ng lalaki. Lumipad kaming lahat at humampas sa dingding ng Chamber. Napadaing ako ng tumama ng malakas ang katawan ko sa solidong pader. Napabuga ako ng hangin at bumagsak sa sahig. Nakita kong ganun din ang mga kasama ko. "Masyado atang mainit ang ulo mo Ryuu." Narinig kong sabi ng lalaki malapit kay Teresa. Nakasuot sya ng purong pula. His arms are crossed infront of his chest as he looked at us. "Oo,nga. Tama si Houjin. Sobra naman ata ang ginawa mo." Pagsangayon ng lalaking nakatayo malapit kay Joie. Purong berde ang suot nya. "Tama lang yan sa kanila, tinakot nila ng husto ang vessel ko. Kahit sabihing hindi totoo ang mga sugat na natamo nya, nakaramdam parin siya ng matinding sakit." Sagot ng umatake samin kanina. Ngayon ko lang napansin na purong puti ang suot nya. Natigilan ako sa sinabi nya. Vessel? Dumako ang tingin ko sa walang malay na si Rosallie. Pagkatapos ay sa iba pang estudyante. Wala kong makitang hayop malapit sa kanila. Nasan ang mga Spirit nila? Hindi ba sila nagtagumpay? Pero.... tinawag syang vessel ng lalaki.... hindi kaya.... Hindi makapaniwalang tiningnan ko isa-isa ang mga lalaki. Paanong...? Impossible..... wala pang ganun diba? Nakita kong tumayo ang mga kasama ko kaya namamanghang tumayo narin ako. Hindi parin ako makapaniwala sa iniisip ko. Bumaling samin ang lalaking nakabrown. "Tinakot din nila ang vessel ko. Siguro dapat gumanti rin ako para sa kanya." Walang emosyong sabi nya at itinaas ang kamay. Naglabas siya ng kulay dilaw at tsokolateng liwanag. Tatawagin ko na sana ang Spirit ko ng itaas ni Mr Daniels ang kamay niya. Tumingin sya sa aming limang alumni at umiling. Nagaalinlangan akong tumango. Ganun din sila Daemon. Bumaling si Mr Daniels sa mga lalaki at kalmadong nagsalita. "Alam nyong hindi namin intensyong saktan sila. At ang pagsubok lang ng Chamber ang makakapagpagising sa inyo.... kung tama ako, kayo ba ang mga spirit nila?" Narinig kong suminghap si Cassie. At nakita kong nagulat ang ibang alumni. So.... tama nga ako? Human form. Yun ang anyo ng Spirit nilang lima. "Oo. Kami nga ang Spirit nila." Sagot ng lalaking naka asul. Ang Spirit ni Jeanine. "At pagpasensyahan nyo na sila, hindi lang talaga nila nagustuhan ang nangyari sa mga vessel nila. Kahit ako ganun din. Pero nauunawaan kong kailangan nilang pagdaanan yun." Dahan dahan tumango si Mr Daniels. Tumingin ulit sya sa lalaking naka brown. "Pwede mo ng itigil yan Yuri" sabi nung Houjin. Ang Spirit ni Teresa. Nakahinga ako ng maluwag ng ibaba nung Yuri ang kamay niya. Iminuwestra ni Mr Pierce sila Rosallie. "Dadalhin na namin sila sa mga dorm nila para makapagpahinga." Tumango ang mga Spirit. Naging hudyat namin yun at maingat na lumapit kaming mga alumni sa mga estudyante. I crouched beside Rosallie. Tiningnan ko kung anong lagay niya. Wala naman siyang ano mang galos at mukhang panatag naman ang paghinga nya. Akmang bubuhatin ko na sya ng balutan ang ibat ibang liwanag ang mga Spirit nila. Dahan dahang lumiit ang anyo ng mga ito hanggang sa mawala ang liwanag. Napangiti ako ng makitang may ibang form pa pala sila. Akala ko Human form lang. At siguradong matutuwa si Rosallie sa animal form ng Spirit nya. Tiningnan ko rin ang sa iba. Napailing na nakangiti ako ng makitang kahit ang animal form nila kakaiba. Tumingin sakin ang Spirit ni Rosallie. Kung hindi ako nagkakamali, Ryuu ang pangalan nya. Maingat kong binuhat si Rosallie. Ganun din ang ibang Mentor. Si Mr Pierce naman ang bumuhat kay Jeanine para hindi na mahirapan si Cassie. Unang naglakad palabas si Mr Pierce buhat si Jeanine. Nakasunod sa kanila ang Spirit ni Jeanine. Magkakasunod na kaming lumabas ng silid. Nahuli si Mr Daniels. Ng tingnan ko si Ryuu, nakita kong nakasunod lang siya sa akin. Panaka naka ay tumitingala sya para sulyapan si Rosallie. Tumingin ako sa harapan at iningatan ang paghakbang. Mahirap na.. baka pag nahulog ko si Rosallie ay kung ano pa ang gawin sakin ng Spirit nya. Lihim akong natawa sa sarili ko. Tama nga si Christoffe. Ang hilig manopresa ng limang to. Sinong magaakala na makakakita kami ng Spirit sa Human Form? Sinulyalan ko ang mukha ni Rosallie. Mukhang mageenjoy akong makita ang kakaiba pang magagawa nila habang nandito sila sa Academy. _______________________ *Rosallie's POV* Inaantok na nagmulat ako ng mga mata at kinurap kurap iyon para iadjust sa liwanag na sumalubong sa akin. Pagkatapos ay tiningnan ko ang paligid ko. Pamilyar sa akin ang silid at maging ang kamang hinihigaan ko. Nasan na nga ba ko? Ahhh... sa kwarto namin ni Racky. Paano nga ko napunta dito? Tumagilid ako sa kanan ko kung nasaan ang bintana. Maaga na pala... kailangan ko na sigurong bumangon.. Yun nga lang ay parang tinatamad pa ang katawan ko. Napasimangot ako at babaling na sana sa kaliwa ko ng may mahagip ang mga mata ko sa gilid ng kama. Nakasandal iyon sa pader at nakatapat sa mukha ko. Teddy bear. Saan galing to? Tanong ko sa isip at napangiti. Ang cute! Kulay puti! Mabalbon pati! Sino kaya nagiwan nito dito? Kamusta ang pakiramdam mo? Biglang sabi ng kung sino. Agad akong natigilan at nawala rin ang pagkakangiti ko. Tila naging estatwa din ako sa pagkakahiga ko. San nanggaling yun? Teka... kilala ko ang boses na yun ah.... boses yun ni.... "Ryuu.." mahinang usal ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong gumalaw ang teddy bear at lumapit sa mukha ko! Inilagay pa nya ang maliit na kamay niya sa noo ko. Mabuti at hindi ka nilagnat. Ang akala ko kagabi ay aapuyin ka ng lagnat sa sobrang takot mo kahapon. "Ahhh!" Sigaw ko at napabalikwas ng bangon. Halos mahulog pa ako sa kama sa pagatras ko. Mabuti nalang at nakakapit agad ako sa gilid niyon. "P-pano... s-sino.... a-ano..." nauutal kong sabi. Ni hindi man lang ako nakabuo ng isang sentence sa gulat. Ako to. "R-ryuu?" Oo. Ako nga. "Y-yan..... yan ba ang totoo mong itsura?" Sabi ko at itinuro ang teddy bear sa harap ko. "T-teddy bear?" Umupo ang Teddy bear sa kama ko at tiningnan ako. Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko ang amusement nya sa loob ko. Polar bear. Hindi teddy bear. Sagot niya. Tiningnan ko ng maigi si Ryuu. Oo nga, buhay na buhay ang katawan nya. Gumagalaw ang mga mata, ilong , tenga at bibig nya! Hinimas din nya ang tengga nya na parang nangangati. Ang cute!!! Baby polar bear! Impit akong tumili at niyakap sya. Ang lambot at ang init ng katawan nya. "Ang cute mo naman Ryuu!" I said as I hold him up in the air. Kumawag kawag ang kamay at paa nya. Cute!!! "Bakit ang liit mo?" Nakangiting tanong ko. Ang iba ko kasing nakita eh puro malalaki na. Si Ryuu... parang baby pa talaga. Bumabagay lang naman ang animal form namin sa mga vessel namin. "Vessel?" Takang tanong ko. Vessel. Ikaw ang vessel ko. "Ahhh. Anong kinalaman ko sa naging anyo mo? Bakit? Dahil baby face ako? Kaya nagmuka ka ring baby?" Inosenteng tanong ko. Hindi. Isip bata ka kasi. Panonopla nya. Aba!! Loko to ah! Napalabi ako sa sinabi nya. "Ganun?" Naramdaman ko ang pagtawa nya. Hindi. Nagbibiro lang. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang itsura ko. Pero wala namang kaso yun. Ako parin to. "Pero iba ang pagkakatanda ko sa itsura mo.... diba tao ka nung bata pa ko? Bakit naging hayop ka na ngayon? Yun ang isa ko pang form. Kung gusto mo, magpapalit ako ng anyo ngayon. Umiling ako. "Aaaaayaw. Cute mo rin naman pag ganyan eh. Mabibitbit pa kita kahit saan. Hehe." Sabi ko at nangigigil na niyakap ulit sya." Ayyyiiee....Ang cute mo ryuu..." Oo na. Bitiwan mo na ko. "Ayaw." "Hoy! Itigil mo nga yang pangmomolesya mo sa Spirit mo. Ang liil liit na nga eh. Bitiwan mo na nga yan at maghanda ka na. Malapit na tayong pumasok oh!" Sabi ni Racky. Nilingon ko sya at nakita kong nakasandal sya sa pinto ng banyo. Nakauniform narin sya. Ganda nya ah! Bagay na bagay ang uniform nya sa kanya. Kainggit! Kinandong ko si Ryuu at nginitian si Racky. Ngumiti rin sya sa akin. "Good morning Racky! Nga pala.. spirit ko si Ryuu. Ryuu, sya ang roommate ko, si Racquel, aka racky." Pakilala ko sa kanila. Tumago si Ryuu kay Racky. Itinaas pa nya ang maliit na kamay at kumaway sa gawi nito bilang pagbati. Ang cute!!!!!!!! Kawaii!!!! "Naipakilala na sya sakin ni Sir Christian kagabi, nung ihatid ka nya dito." Sabi ni Racky. "Ang taray mo ha. Talagang buhat buhat ka pa ni Sir Christian. Ang swerte mo te!" kinikilig na sabi ni Racky. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Hala! Nakakahiya! Si Sir Christian pa pala ang bumuhat sakin pabalik dito pagkatapos kong pumasok sa Chamber of Trials..... Nanigas ako sa pagkakaupo ng maalala ko ang tungkol sa Chamber. Unti unting nanlamig ang katawan ko ng maalala ko ang nangyari sa loob nun. At wala sa loob na napahigpit din ang pagkakayakap ko kay Ryuu. Bigla kong tinaas ang braso ko ng maalala kong nabale iyon. Pero laking gulat ko ng sumunod ang braso ko sa pinagagawa ko at nakita kong walang sugat doon! Ganun din sa kabilang braso ko. Naalis ko pa si Ryuu sa kandungan ko at pinaupo sya sa kama para makita ko ang mga binti ko. Wala ring sugat doon, bagay na ikinamangha ko. Huh? Pero naalala ko ng masugatan ako kahapon ah. Sobrang sakit pa nga iyon. Paanong...? Gumaling agad? Tumayo si Ryuu sa kama at lumapit sa akin. Ipinatong niya ang mga kamay sa hita ko at tumingala sa akin. Lahat ng naranasan mo sa loob ng Chamber ay ilusyon lang. Ganun din ang mga sugat mo. May kakayahan lang ang Chamber na iparamdam sayo ang sakit kahit wala naman talagang nagiging pinsala sa katawan mo. Paliwanag nya. May masakit pa ba sayo? Tanong nya maya maya ng hindi ako umimik man lang. Nahihimigan ko rin ang matinding concern sa boses niya. Umiling ako. Ngumiti din ako sa kanya para mapawi ang pagaalala nya. "Wala na. Mabuti nalang.... ang akala ko talaga totoo ang lahat ng yun". Bulong ko. Dumiin ang mga kamay nyang nakadantay sa hita ko. Wag ka magalala. Hindi ko na hahayaang maramdaman mo ang ganun. Kasama mo na ko diba? Lumaki ang pagkakangiti ko. Gumaan din ang loob ko. Tama si Ryuu. Kasama ko na sya. At kung may magandang idinulot ang masamang naranasan ko sa Chamber, yun ay ang tuluyang pagkagising ni Ryuu. "Wag kang magalala Sallie. Lahat din naman kami dumaan sa ganun. At talagang hindi ko rin makalimutan ang naging pagsubok ko dun no. Grabe.. ayoko ng alalahanin." Sabi ni Racky na parang kinikilabutan. "Oo nga Racky. Ayoko na rin maalala. Baka bangungutin pa ko." Sabi ko at tumayo na. Inunat ko ang katawan ko at tumingin kay Ryuu. Nakaupo na sya ulit sa kama at tinitingnan ako. "Maliligo na ko. Dyan ka lang ha. Wag kang aalis." Nakangiting bilin ko. He c****d his head. Saan naman ako pupunta? "Hmmm... ewan ko. Basta dyan ka lang. Hintayin mo ko. Okay?" Oo na. Bilisan mo. Malelate ka na. "Okedoki." Hinarap ko si Racquel. "Wait lang Racky ah. Intayin mo ko. Sabay na tayo." "Sige ba. Basta bilisan mo. Ayoko ko malate sa klase." Sagot nya at umupo sa kama niya. Wow. Taray ng Roommate ko. Sipag pumasok. Di nga? Nagmadali akong maligo at magbihis. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo parin sila Racky at Ryuu sa kama. Nakataas ang braso ni Racky at nakalabas ang hologram screen sa ID bracelet nya. Katulad na katulad iyon ng sa akin. "Anong Schedule mo ngayon Sallie? Baka magkaklase tayo." Tanong nya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa hologram screen nya. Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam. Wala naman nabanggit si Mr Daniels eh." Tumingin sya sa akin. "May ID bracelet ka na diba. Tingnan mo ang schedule mo sa Standing option mo." Ahhhh... yun pala yun. Ginawa ko ang sinabi nya. Pinindot ko ang buton para sa standing ko. Lumabas ang hologram screen sa harap ko. "Pindutin mo yung 'schedule' sa baba ng screen." Turo ni Racky. Sinunod ko ulit sya. Nagbago ang nakasulat sa screen at nakita ko dun ang schedule ko. Wow! High tech talaga. Kakatuwa! Lumapit sakin si Racky at tiningnan ang schedule ko. "As usual, magkasama tayo most of the time. Pareho kasi tayo ng Element. Pati sa mixed class eh magkasama tayo. Ayos ah." Ngumiti sya sa akin. "Halika na... punta na tayo ng cafeteria para magbreakfast. Bilis!" Sabi nya sa akin pagkatapos ko isara ang screen at hinila ako papalabas. Nasa pinto na kami ng maalala ko si Ryuu! Hala! Kawawa naman... nakalimutan. Ng lumingon ako, nakita ko siyang magisang bumababa sa kama! Nakaharap at nakahawak sya sa taas ng kama habang kakawag kawag ang paa nyang inaabot ang sahig! Ang cute!!! Ang liit kasi nya kaya di nya abot ang lapag. "Wait lang Racky." Sabi ko at binawi ang kamay kong hawak nya. Pupuntahan ko na sana si Ryuu ng makababa sya at tumakbo palapit sakin. Hayayay..... ang cute ng Spirit ko! Tumabi ako sa gilid para makalabas siya ng pinto. Pagkatapos ay sumusunod lang sya samin ni Racky habang papunta kami ng House namin. Ng hindi na ko makatiis sa itsura ni Ryuu, binuhat ko siya at niyakap sa harap ko. Parang teddy bear lang talaga kung bitbitin ko sya. Hayyyyyyyy... Ng makarating kami sa Cafeteria ay nakita namin sila Teresa at Tin. Mabilis namin silang sinamahan sa mesa nila pagkakuha namin ng pagkain. Napangiti ako ng makita ang hawak hawak nila. Ang mga Spirit nila. "Teresa, Tin, good morning " masayang bati ko. "Good morning din" bati nila. Umupo ako sa harap nilang dalawa. Tumabi naman sakin si Racky at pinaupo ko si Ryuu sa taas ng mesa. "Si Ryuu, Spirit ko." Pakilala ko kay Ryuu. Gaya kanina, tinaas nya ang maliit na kamay niya at nagwave kela Tin. Natuwa naman ang mga kaibigan ko. "Si Houjin, ang Spirit ko." Pakilala ni Teresa sa kuting na nasa tabi nya. Mamula mula ang makapal na balahibo nito. Nag 'meow' pa ito bilang pagbati samin. Gaya ni Ryuu, nakaupo din ang mga Spirit nila sa taas ng mesa. "Si Yuri, ang Spirit ko."sabi ni Tin. Itinuro nya ang baby wolf na katabi ng Spirit ni Teresa. Brown ang kulay ng balahibo nya. Kumahol ito samin ni Racky. Nagkatinginan kaming tatlo nila Teresa at Tin. Mayamaya ay napahagikgik kami. Paano ba naman.... ang kucute ng Spirit namin! Kuting, tuta at maliit na bear.... ano kaya yung kela Joie at Jeanine? "Ayos din mga Spirit nyo ah. Ang liliit." Nakangising sabi ni Racky. "Oo nga... bakit kasi ang liit nyo? Tingnan nyo yung iba. Ang lalaki, kawawa naman kayo pag-inaway kayo ng mga yun." Sabi ni Teresa. Lumapit si Ryuu kela Houjin at Yuri. Naupo sya katabi ng dalawa. Kumakawag kawag pa ang buntot ni Yuri habang nakikipaglaro kay Houjin. Napangiti ako kay Ryuu. Kumuha ako ng tinapay sa plato ko at inabot sa kanya. Kinuha naman nya iyon at kinagatan. Hayyyy.... i love Ryuu na talaga.... Inabutan din nila Teresa at Tin ang mga Spirit nila ng pagkain. Tahimik na kinagat naman yun ng mga ito. "Hala sige... kain lang ng kain ng lumaki kayo." Sabi pa ni Tin habang hinahaplos ang Spirit nya. Ng matapos kaming kumain ay tiningnan namin ang schedule nila Teresa at Tin. Dalawa lang ang pareho kami... Ang first period namin, ang mixed class sa Administrator's building at ang mixed class sa center tower ng House namin. The rest, magkakahiwalay na kami. Binuhat ko si Ryuu ng tumayo ako para pumunta sa Administrator's building. Ganun din sila Teresa at Tin. Binuhat nila sila Houjin at Yuri. Sama sama kaming naglakad papunta sa klase namin. May ibang estudyante rin galing sa Lumiere ang nakasabay namin sa daan. Ng marating namin ang Golden Castle at ang classroom namin sa first floor ay agad kong nakita sila Joie at Jeanine. Kinawayan ko sila. Gumanti naman sila ng kaway at pinalapit kami. Nagsave na pala sila ng upuan para samin. Naisip daw kasi nila na baka magkakasama kami ngayon kaya maaga silang pumasok. Mga silya sa bandang hulian ang napili nila. Di naman likod na likod. Second to the last lang. Hehe "Nga pala si Irvin, Spirit ko."turo ni Jeanine sa Spirit nyang nakaupo sa isa sa mga silyang sinave nila. Impit na tumili kami nila Teresa at Tin ng makitang baby penguin ang nandun. Itinaas din nya ang maliit na pakpak para kumaway samin. Ang cute! Itinuro naman ni Joie ang nasa tabi ni Irvin. "Si Avira naman ang sakin". Isang maliit na falcon si Avira. Nakatungtong siya sa mesa. Taray! Ang cute ah! "Maliliit din pala Spirit nyo? Ayos ah... parepareho tayo. Bakit kaya?" Tanong ko. Nagkibit balikat silang lima. Dumami na ang pumapasok na estudyante kaya naupo na kami sa mga silyang sinave nila Joie. Ako ang naupo sa pinaka dulo katabi ng bintana. Tumabi sakin si Teresa, tapos si Tin, Joie at Jeanine. Anim ang upuan kada row. May katabi si Jeanine na babaeng taga house namin. Naupo naman si Racky sa harap ko. Tumabi rin siya sa bintana. Pinaupo ko sa mesa ko si Ryuu. Ganun din ang ginawa nilang apat. Ang Spirit naman ng ibang estudyante ay sa sahig lang umupo. Ang laki kasi. Di kakayanin ng mesa. Mga estudyante mula sa magkaibang House ang nandito. Black and white ang suot nila. Pansin ko rin na hindi sila nagpapansin. Mukhang kahit sa mixed class eh magkalaban parin ang tingin nila sa isat isa. "Joie. Bakit naman ito ang sinave nyo. Ang dami namang bakanteng upuan kanina sa harap ah?" Tanong ni Teresa. "Ming, ayoko dun. At saka bago lang tayo. Baka may nakaupo na dun. Mapaaway pa tayo." Sagot naman ni Joie. "Pipili ka lang sa likod eh di mo pa sinagad sagad. Nagiwan ka pa ng isang row sa likod natin oh." Puna ni Tin. "Eh ming, ang sabi kasi samin ni Jeanine ng mga nauna kanina, eh may nakaupo na daw dyan. At wag na daw nating tangkaing umupo dun kung ayaw nating mapahamak." Kumunot ang noo ko. "Bakit sino bang nakaupo dyan?" She shrugged her shoulders. "Ewan ko. Hindi nila sinabi." Magtatanong pa sana ako sa kanya ng impit na magtilian ang mga babaeng estudyante ng House namin. May mga babae rin sa kabilang House ang excited na nakatanaw sa corridor. Anong meron? May tatlong lalaki ang pumasok sa pinto. Taga House namin at may gold badge at line sa blazer. Elites. Ang taray! Classmates namin sila? Yung dalawa sa kanila kilala ko. Sila yung kasali sa party duel kahapon. Yung air user na si Sean Collins at yung water user na si Yael St. James. Yung isa hindi ko kilala. Pero fire user sya.. hmmm.... wala sya kahapon sa duel ah. Umupo ang mga bagong dating sa last row. Ung fire user sa dulo at sina Sean at Yael sa likod nila Joie at Jeanine. Napaayos ng upo sila Joie at Jeanine. Mukhang naintimidate sila sa Elites ng kabilang House. Hinga hinga rin pag may time mga kapatid. Hehe Nangingiting isip ko. Napalingon ako sa pinto ng tumili ulit ang mga kaklase kong babae. Lumiere man o Nacht parehong kinikilig na nakatanaw ulit sa corridor. Sino naman kaya ang papasok? Si Tyrone? Sikat din sya diba? Maya maya lang ay may pumasok sa pinto. Taga Nacht. Kilala ko rin sila. Ang unang pumasok ay si Jared Pearson. Ang Earth user na halos sumira sa field. Sumunod sa kanya si Marvin Sinclair, Aether user. Pareho silang may gold badge at line sa itim na blazer nila. Elites din. Napahugot ako ng hininga at parang nahinto ang mundo ko ng pumasok ang isa pang estudyante ng Nacht. Nanlalaki ang mata ko ng tingnan ang suot nyang black uniform. Gold badge sa left chest at gold and red line sa lapel at dulo ng sleeve ng blazer niya. Pigil ang hininga kong itaas ang tingin sa mukha nya. At ganun nalang kalakas ang pagkabog ng dibdib ko ng salubungin ako ng maiitim na mata nya. Hindi ko inaasahang nakatingin din pala siya sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin. Naramdaman ko ring naginit ang pisngi ko. Mukhang ako naman ata ang kailangang huminga pag nakahanap ng time....GRABE!! aatakihin ata ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko nang dumiretso sa likod namin ang mga bagong dating. Halos hindi na talaga ako humihinga sa upuan ko. At parang sasabog ang puso ko sa kaba. Please. Please. Please. Sana po hindi siya ang umupo sa likod ko. Parang awa nyo na. Magpapakabait na po talaga ko. Nakita ko ng umupo ang unang pumasok kanina sa likod ko. Si Jared. Si marvin naman sa likod ni Teresa. Ibig sabihin sa likod ni Tin uupo yung huling pumasok. Hihinga na sana ako ng maluwag ng may magsalita sa likod ko. "Jared palit tayo ng upuan." Nanigas ang katawan ko at lumundag ata ang puso ko ng marinig ang boses. "Bakit?" Narinig kong tanong ni Jared. "Basta. Palit tayo ng upuan." Ang angas ha! Wag kang papayag Jared! Nanatiling tahimik si Jared. Please... please Jared. Wag kang papayag. Please.... "Akala ko ba ayaw mo ng view sa bintana kaya ayaw mong maupo dito." Sabi pa ni Jared. "Nagbago ang isip ko ." Peste! Wag na! Wag ka na dito. Ayaw ko sayo.... Parang nagaapoy na ang baga ko sa pagpipigil kong huminga. Sobrang bilis din ng puso ko sa pagtibok. "Ewan ko sayo Kaeden. Ang g**o mo." Sabi ni Jared at tumayo na. Naman... bakit ka pumayag Jared! Kaasar ka naman eh! Ano ba yan.... Naramdaman ko ng umupo si Kaeden sa likod ko. Ganun din ang titig nya sa likod ng ulo ko. Aware na aware ang katawan ko sa presensya nya. Napaigtad pa ako ng marinig ang boses nya malapit sa tenga ko. "Breath. Baka mahimatay ka pag hindi ka pa huminga." Bulong nya sakin. I can hear the laughter in his voice. Naibuga ko ang hangin na pinipigil ko dahilan para magkanda ubo-ubo din ako. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa ko ng tumingin sakin ang mga kaklase ko. Pati ang mga elites napatingin din sakin.Tumayo si Ryuu at hinimas himas ang ulo ko. Nag-aalala rin ang mga kaibigan kong nakatingin sakin. Naman!!!..... ano bang nagawa ko at minamalas ako? Hindi ko lubos na kilala si Kaeden, pero hindi ko gusto ang nagiging reaksyon ko pag nasa malapit sya. Parang.... ay basta! Iba talaga sya. May kakaiba sa kanya. Kinuha ko si Ryuu sa itaas ng mesa at kinandong sya. Niyakap ko sya at itinago ang ulo ko sa likod ng mabalahibo nyang ulo. Hayyyy.... sana matapos na ang klase na to. Tahimik na naidalangin ko. ______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD