Chamber of Trials Part 2

5273 Words
*Joie POV* "Teresa! Jeanine! Sallie! Tin!"sigaw ko habang naglalakad sa disyertong kalsada. May kalahating oras na siguro akong naglalakad ng paikot-ikot sa lugar na ito. Kalahating oras mula ng tumapak kami sa loob ng tinatawag nilang Chamber of Trials. Pagpasok na pagpasok namin ay sinalubong kami ng malakas na hangin. Pagdilat ko ay wala na ang mga kaibigan ko sa tabi ko at magisa nalang akong nakatayo sa gitna ng kalsada. Hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang mga kasama ko. Pero kahit anong lakas ng pagtawag ko sa kanila ay wala pa rin ni isa sa kanila ang sumasagot. Tanging ang echo na nilikha ng boses ko ang naririnig ko sa nakakatakot na lugar na to. Humugot uli ako ng malalim na hininga para labanan ang takot ko. Hindi pwedeng pangibabawan ako ng takot dahil siguradong magpapanick lang ako at wala akong mararating. Nakarating kami dito gamit ang isang pinto, kaya paniguradong may pinto ring palabas ng lugar na to. At yun ang kailangan kung hanapin. Palinga linga ako sa bawat eskinita para tingnan kung nandun ang mga kaibigan ko o kahit sinong pwedeng makatulong sakin para makaalis sa lugar na to. Sobrang tahimik ng lugar. Maging ang ihip ng hangin ay maririnig mo na sa sobrang katahimikan. Kanina pa nga tumatayo ang mga balahibo ko sa lugar na to. At napaparanoid na din ako. Kanina pa kasi ako may nararamdamang may nakatingin sakin. Pero wala naman akong makitang kahit sino sa paligid. Puro lumang building lang at nagkalat na basura. Patuloy parin ako sa paglalakad ng may malakas na kumalampag sa likuran ko. "Ahhh!" Sigaw ko sabay talon paharap sa pinanggalingan ng inggay. Tumalon yata ang puso ko sa sobrang pagkagulat. Bumilis din ang t***k niyon. Nararamdaman kong nanginginig ang katawan ko sa takot ng may maaninag akong palapit sakin. Medyo malayo pa ito kaya di ko makita ng maayos. Di pa nakatulong ang kapal ng hamog na tumatakip sa pigura. Pigil ko ang hininga ko hanggang sa unti unting luminaw ang itsura ng kung ano mang papalapit sa akin. Tao! Halos anino palang ito. Pero korteng tao talaga. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag sa isiping may makakasama na ko sa lugar na to. Baka matulungan pa nya kong makalabas dito. Hahakbang na sana ako palapit sa taong nakita ko ng mapansin kong di sya nagiisa. May dalawa pa sa likuran nya. Mas malayo ang mga ito kaya di ko agad napansin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Pinagpawisan din ako ng malapot. Hindi maganda ang kutob ko sa mga ito. At sa kalagayan ko ngayon.... mas pagkakatiwalaan ko ang kutob ko kesa sa mga taong to. Umaatras ako ng dahan dahan. Mukhang hindi pa naman nila ako nakikita. Mabagal parin kasi ang lakad nila. Baka may chance pa kong makapagtago. Dahan dahan akong umatras papunta sa gilid ng kalsada para makapagtago sa isang gusali. Halos isumpa ko ang sarili ko ng maatrasan ko ang isang trash can. Impit akong napatili at mabilis akong pumihit paharap para abutin at pigilan yon sa pagbagsak. Nagawa ko namang mahawakan ang dulo niyon pero di ko nakita ang boteng nasa taas nito. Nanlalaki ang mata kong tiningnan ang pagbagsak nun sa sementadong kalsada. Nakagat ko ang labi ko ng mabasag yun at gumawa ng ingay. Umalingawngaw ang tunog nun sa paligid. Mabilis kong nilingon ang mga taong nakita ko kanina. Lahat sila nakatayo lang kung saan ko sila huling nakita. Lahat sila parang bato at hindi gumagalaw. Nanigas din ako sa pusisyon ko. Hawak hawak ko parin ang trash can. Maya maya ay biglang tumakbo ang mga iyon papunta sakin! Bigla kong binitawan ang basurahan at kumaripas ng takbo. Binalot ng matinding takot ang pagkatao ko. At wala na kong ibang iniisip kundi ang makalayo sa mga taong yun. Ng lumingon ako ay nakita kong hinahabol pa din nila ako! Mas nakalapit na sila sa akin kaya kita ko na ang mga itsura nila. Para silang pulubi sa dumi ng damit nila. Lalo akong kinilabutan ng makita ang mga mata nila! Kulay berde! Walang puti o itim sa mga yun! Basta purong berde lang. At ang ngisi nila... para silang mga takas sa mental! Ano ba namam toh! Ayoko na! Ilabas nyo na ko dito!!! Nilingon ko ang mga humahabol sakin ng lumiko ako sa kanang kalsada. Isa sa kanila ang nagtaas ng kamay at iwinasiwas iyon patungo sa akin. Ano yun?! Di ko man alam kung ano ang ginawa niya ay umiwas parin ako. Pero masyado siguro akong mabagal sa pagiwas dahil may naramdaman akong dumaplis sa binti ko! "Ahh!" Sigaw ko ng maramdaman ko ang sakit. Tiniis ko yun at nagpatuloy parin sa pagtakbo. Ng sulyapan ko ang binti ko ay nakita kong may hiwa doon! Paano?! Wala naman silang matalas na hinagis sakin ah! Halos madapa ako ng may tumama sa likod ko. "Ahhhh!" Hiyaw ko sa sobrang sakit. Parang may humiwa sa likod ko! Ginamit ko ang takot ko para magpatuloy sa pagtakbo. Alam kong mas malala pa ang mangyayari sakin kung aabutan nila ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Halos doble narin magtrabaho ang baga ko dahil sa pagod at takot. Hindi ko namalayang umiiyak narin ako. Agad kong pinunasan ang mata ko para hindi iyon manlabo dahil sa luha. "Sallie! Teresa! Jeanine! Tin!" Sigaw ko. Baka nasa malapit lang sila at matulungan nila ko. Napadaing ulit ako sa sakit ng may dumaplis sa balikat ko. Nahiwa nun ang suot ko at nakita kong nagdugo ang balikat ko. Please! Tama na! Ayoko na talaga! Ano ba tong pinagawa nyo samin?! Medyo bumabara na ang luha sa ilong ko at nahirapan na kong huminga. Sumasakit narin ang paa ko sa pagtakbo. Ganun din ang mga sugat ko. "Ahhhhh!" Sigaw ko ng may tumama ulit sa likod ko. Mas malakas iyon kaya nadapa ako. Sumubsob ako sa kalsada. Halos magapoy ang mga palad, tuhod at mukha ko sa galos na natanggap ko. Umiiyak na sinubukan kong tumayo pero nagprotesta ang balikat at likod ko. Hindi nun masuportahan ang bigat ko. Pinalibutan ako ng mga humahabol sakin. Apat na sila ngayon. Lahat sila parang baliw na nakangisi sakin. "Please... tama na po.." umiiyak na pagmamakaawa ko. Garalgal na rin ang boses ko. Itinaas ng isa ang kamay nya at nakita ko ang pagikot ng hangin doon. Tumigil ang t***k ng puso ko ng ihagis niya ang hangin sa kamay nya papunta sa akin. Itinaas ko ang braso ko sa mukha ko bilang proteksyon. Tumama ang hangin sa tiyan ko. Napaubo ako sa impact nun at humapdi ang tyan ko. Ng tingnan ko, nakita kong may malaking hiwa na din mula dun. Hindi pa naman malalim pero sapat na iyon para labasan ng maraming dugo. Hangin? Baka kaya ko silang labanan kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko? Tiningnan ko ang kamay ng isang lalaki ng itaas nya iyon. Unti unti ulit ang pagikot ng hangin doon. Nagfocus ako at sinubukang baguhin ang ikot ng hangin. Hindi ko hiniwalayan ng tingin ang hangin sa kamay niya at ibinuhos ko ang lahat ng isip ko sa pagpapalaho niyon. Pero kahit gaano ko katagal tingnan at utusan ang hangin na maglaho ay walang nangyayari. Pabilis ng pabilis lang ang ikot niyon. Inihagis nya iyon sa akin at pinatama sa balikat ko. Napasigaw ulit ako sa sakit. Nagtawanan naman sila. Pinaglalaruan nila ko!!! Pahihirapan bago patayin! Dumapa ako at inilagay ang mga braso ko sa ulo ko ng makita kong itinaas ng iba ang mga kamay nila gaya ng ginawa ng nauna sa kanila. Sunod sunod ang naging daing ko ng tamaan nila ako ng kapangyarihan nila. Humihiwa iyon sa katawan ko. Naramdaman kong basa narin ang damit ko dahil sa dugong lumalabas sa mga sugat ko. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang sakit. Halos nagdidilim na rin ang paningin ko. Please..... ayaw ko pang mamatay.... tulungan nyo ko... Umiiyak na dalagin ko. Joie. Napatigil ako sa pagiyak ng marinig ang pagtawag sa akin ng isang lalaki. Nanigas ang katawan ko sa pagaakalang ang mga nagpapahirap sakin ang tumawag sakin. Joie. Ulit pa nito. Malamig ang boses nito at magaan sa pakiramdam. "S-sino ka?" Tanong ko. Huminto ang pagatake nila sa akin. Ng itaas ko ang tingin ko ay nagtataka ang mga berdeng mata nila na nakatingin sa akin. Mukhang wala talaga sa kanila ang tumawag sa akin. Nandito ako Joie. Sa loob mo. "H-ha?" Naguguluhang tanong ko. Hindi mo ba ko natatandaan? Ng manganib ang mga kaibigan mo. Nandun ako. Nanganib? Isang beses palang naman kami nanganib ng sobra ng mga kaibigan ko. Maliban ngayon at sa....... Cruise! I-ikaw yung kumausap sakin sa barko! Ako nga. Bakit ganun?! Di ko magamit ang kapangyarihang pinagamit mo sakin noon! Kailangan ko ba uling hanapin ang Link sa loob ko?! Hindi. Nasa iyo na yun. Ang problema lang, hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo ng magisa sa lugar na to. Kakailanganin mo ko. Kung ganun! Tulungan mo ko! You need to call my name. Para mawala ang harang sating dalawa at magising ako ng tuluyan. A-anong pangalan mo? A-anon... Ahhh!! Di ko naituloy ang sinasabi ko ng magsimula ulit akong batuhin ng matatalas na hangin. Napayuko ako at sinubukang indahin ang sakit. Sa kabila niyo ay nagfocus ako sa boses na naririnig ko. Sabihin mo ang pangalam ko Joie. Hanapin mo ang kasagutan sa mga alaala mo. Hirap man akong magisip dahil sa sakit ng mga sugat ko, ay pinilit ko paring sundin ang sinasabi niya. Inalala ko ang mga kaganapan sa buhay ko kung saan ko sya pwedeng makita. Pero naging mailap ang mga alaala sa ulak ko. Nagulat ako ng unti unting lumutang ang katawan ko sa ere. Takot na tiningnan ko ang mga halimaw sa harap ko. Lahat sila nakataas ang kamay at nakatingin sa akin. Nagpupumiglas ako sa invinsible force na nagpapaangat sakin. Pero nanatili parin ang pagtaas ko. Huminto ako sa taas na limang talampakan. Then, they sway their hands to the side. Parang may tumulak na malakas sa katawan ko at mabilis na tumama ako sa isang gusali. Naramdaman kong may nabaling buto sa tadyang ko. Narinig ko ring may nagcrack sa ulo ko. Mukhang nagsawa na silang paglaruan ako. Kaya papatayin na nila ako. Bumagsak ang katawan ko sa lupa. Umiikot na ang paningin ko. At bawat hugot ko ng paghinga ay sobrang sakit sa dibdib ko. Patihaya akong nahiga. Nakita ko ang asul na langit. Pinilit kong nilabanan ang pagkahilo ko. Pero nararamdaman kong bumibigay na ang baga ko. Mukhang napuruhan yun sa pagtama ko sa gusali. Milagrong buhay pa rin ako..... Sa nagdidilim na paningin ko ay may nakita akong lumipad na papel sa hangin. Para iyon ibon. Saglit akong natigilan. Ibon.... may pilit lumilitaw sa isip ko. Ang alaala ng isang ibon... ang naging kaibigan ko nung bata palang ako. Umangat ang gilid ng labi ko ng mangiti ako sa alaala. Naaalala ko na.... ikaw yun... ang lucky pet ko.... Avira. Biglang nagbago ang kulay ng langit. Naging berde iyon dahil sa kulay ng liwanag na lumabas sa akin. Naramdaman kong uminit ang leeg ko at kumalat iyon sa katawan ko. Lumabas ang berdeng bola sa harap ko. Nakalutang sa taas ng ulo ko. Lumabas doon ang isang mabalahibong nilalang. Dahan dahan siyang dumilat. Berde rin ang mga mata nya. Pero imbes na matakot, kumalma ang pakiramdam ko. Ikinagagalak kong makita ka ulit Joie. Sabi nya at naramdaman kong umihip ang napakalakas na hangin. Umikot yun samin at pinalibutan kaming dalawa. Napabaling ako ng bahagya sa mga halimaw na nagpahirap sakin. Nakita ko ng balutan sila ng ipo ipo. Bumalik na tayo Joie. Sa mga kaibigan mo. Sabi nya at natabunan ng makapal na hangin ang paningin ko. __________________________ *Christine POV* "Teresa! Hello..... tao po! Sallie! San ka na?! Jeanine! Dito na me! Joie! Asan kayo?" Sigaw ko sa kawalan. Pagod na ang paa ko sa kalalakad sa walang katapusang kalsada. Diretso lang naman ang lakad ko. Pero di ko pa rin maabot ang dulo nito! Kakapagod ah! Asan na ba kasi yung apat? Bakit bigla nila akong iniwan? Pumikit lang ako saglet eh! Nawala na. Naupo ako sa sidewalk ng makaramdam ako ng pagod. Tumingin tingin ako sa paligid ko para tingnan kung may tao ba. Pero mula kanina ay wala akong nakasalubong ni isa. Kahit nga hayop o daga wala! Asan na kasi ako? Mukha pa namang silent hill ang lugar na to! Arrgghhhh... takutin daw ba sarili ko? Jeanjne kasi eh.. hilig mag-aya manood ng horror, ayan tuloy. Ng mabawi ko na ang lakas ko ay tumayo na ko at nagsimula ulit maglakad. Nakakailang metro na kong naglalakad ng may makita sa harap ko. Napahinto ako at kinakabahang tumingin sa apat na lalaking nakatayo sa harap. May ilang metro pa naman ang layo nila at nasa likod nila ang isang harang. Napangiti ako at lumapit. Baka ayun na ang exit! Galing ko talaga! Mukhang naunahan ko sila Teresa ahh.. haha ako ang first place. Ng makalapit na ko ay nakita kong lahat sila nakapikit. Tulog? Ke aga-aga natutulog? Tsk tsk tsk. Gigisingin ko ba ang mga to? Wag na nga.... didiretso nalang ako palabas.. hehe I walk silently as I can. Nag tip toe pa ko para di sila maistorbo. Pero ng makarating ako sa gilid nila ay bigla nalang silang nagmulat ng mga mata. Nanigas ako bigla sa akmang paghakbang. Nakataas pa ang isang paa ko sa ere habang hinihintay ko ang gagawin nila. Sabay sabay naman silang tumingin sa akin. Yikes! Ang mata nila! Kulay brown at yellow! Ano yun?! Dahan dahan kong ibinaba ang paa ko at pigil hiningang umatras pabalik sa harapan nila. Binigyan ko rin sila ng inosente kong ngiti. "Uy mga kuya. Pasensya na ha. Akala ko kasi tulog kayo. Kaya ayun.. didiretso na sana ako. Hehe" kinakabahang sabi ko. Dumadagundong na ang t***k ng puso ko sa takot sa kanila. Nakakatakot kasi ng mata nila eh.... Nagtayuan ang mga balahibo ko ng ngumisi sila sa akin. Wahhhhh!! Kakatakot!! Humakbang sila palapit sakin kaya humakbang ako paatras. "Mga kuya... sorry na po... Hihintayin ko nalang mga kaibigan ko dito. Tatahimik ako promise! " itinaas ko paang kamay ko na parang nanunumpa. Lumaki ang pagkakangisi nila sa akin. Nginisihan ko rin sila kahit halos sumabog na ang puso ko sa bilis ng pagtibok niyon. Lalong lumawak ang pagkakangisi nila to the point na halos mawarak ang mukha nila. Nanlaki ang mata ko. Nanay ko po! Talo na ko! Kayo na! Humakbang ulit sila palapit sakin. Sa pagkakataong ito tinalikuran ko sila at tumakbo ng mabilis. Naman! Ano pa ba gagawin ko? Eh halatang di na tao ang mga yun noh! Sinundan nila ko. Ang bilis nila. At maaabutan nila ko kung diretso lang ang takbo ko. Kumaliwa ako sa isang eskinita. Hinabol pa rin nila ko. Tinumba ko ang lahat ng madadaanan kong pwedeng itumba. Basurahan, kahon at kung ano ano pa basta bumagal lang sila. Ng makalabas ako sa eskinita ay pumasok ako sa isang building. Isinara ko pa ang pinto para hindi sila makapasok. Hinarangan ko rin ng kung ano ano ang pinto. Ng matapos ay hinihingal na sumilip ako sa maliit na butas. Nakita ko silang lumabas sa eskinita at palingon lingon sa kalsada. Tinakpan ko ang bibig ko ng mga kamay ko para hindi nila marinig ang paghinga ko. Feeling ko kasi maririnig nila ang malakas na paghinga ko maging ang pagtibok ng puso ko. Nanlamig ang katawan ko ng makitang humarap sila sa gusaling pinagtataguan ko. Naglakad sila papunta sa akin. Lumingon ako sa loob ng building. Tumakbo ako papasok at naghanap ng matataguan. Bakit ba kasi ayaw akong tantanan ng mga yun! Ano bang ginawa ko sa kanila?! Nakakatakot pa sila.... gusto ko na umalis dito! Sumuot ako sa ilalam ng mesang nakita ko. Niyakap ko ang nanginginig na katawan ko. Humugot ako ng sunod sunod na paghinga para pakalmahin ang sarili ko. Relax Tin! Makakaya mo to! Test lang to! Hindi to totoo. "Sir Daniels, suko na po ako. Kahit ibagsak nyo na ko Okay lang sakin. Ialis nyo lang ako dito" bulong ko habang pinakikiramdaman ang paligid ko. Pinapakinggan ko rin kung nakapasok na ang mga halimaw na yun sa loob. Pero lumipas ang ilang minuto at wala akong narinig o naramdamang pagkilos mula sa paligid ko. Mukhang hindi nila nahulaan na dito ako nagtago. Swerto ko! Nakahinga ako ng maluwag at nagsimulang gumapang paalis sa ilalim ng mesa. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Napatingin ako sa paligid ko ng mapansing gumagalaw ang mga bagay sa loob ng gusali. Lumakas iyon ng lumakas hanggang sa natutumba na din ang ilang gamit. Lumilindol! Napahawak ako sa mesa ng lumakas pang lalo iyon. Dali dali akong gumapang pabalik sa ilalim ng mesa. Ano nanaman to? Tama na po! Suko na nga eh! "Ahhhhh!" Napasigaw ako ng malaglag ang ibang bahagi ng kisame. Nagkandatumba tumba narin ang mga gamit malapit sa akin. Napaiyak ako ng makitang nagkakalamat na ang mga pader! Pagbumigay iyon siguradong guguho ang gusaling to! Malilibing ako ng buhay! Gagapang na sana ako palabas ng mesa ng bumigay ang isang parte ng gusali. "AHHHH! sigaw ko. "Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na! Please iaalis nyo na po ako dito." Pagmamakaawa ko. Sobra na ang takot ko. Alam kong mamatay ako pag binagsakan ako ng buong gusaling to. Kailangan kong makalabas agad!. Christine. Napadilat ako ng marinig ang pangalan ko. "S-sino yan?" Gusto mong makalabas dito diba? "Oo! Please! Tulungan mo ko!" Sabi ko at mabilis na tumango kahit wala naman akong nakikita. "Basta makalabas lang.. gagawin ko kahit ano..." Tawagin mo ang pangan ko. Sabi niya na kinalito ko. A-ano bang Pangalan mo? Tanong ko sa kanya sa isip. Doon ko rin naman naririnig ang boses nya eh. Ikaw ang dapat na sumagot dun. H-ha? Ano ibig mong sabihin? Matagal mo nang alam ang pangalan ko. Alalahanin mo. Per...... "Ahhhhhh!" Sigaw ko ng tuluyang bagsak ang kisame sa taas ko. Nadaganan nun ang mesang pinagtataguan ko kaya bumigay ang isang paa ng mesa at naipit sa pagbagsak nun ang paa ko. "Ahhh! P-please..... tulong!" Sigaw ko. Parang nabale ang buto sa paa ko. Sobrang sakit niyon. Nakita ko rin ng umagos mula sa paa ko ang dugo ko! Tuloy parin ang pag lindol. Palaki ng palaki ang lamat sa pader at haligi ng gusali. Hindi magtatagal ay tuluyang babagsak iyon. Ang pangalan ko Christine. Hanggat hindi mo ko tinatawag ay hindi kita matutulungan! "Pero hindi ko alam ang pangalan mo!" Umiiyak na sabi ko. Unti unting nawawalan ng pakiramdam ang paa ko! hindi pwede! Bka maputol iyon! Ayoko! Tiningnan ko ang malaking bato na nakadagan sa mesa. Inabot ko iyon at sinubukang itulak. Ang kapangyarihan ko! Pinalakas ako nun noon. Baka magawa ko ulit sya ngayon. Buong lakas kong tinulak ang bato. Pero hindi gumagalaw iyon. Walang nangyayari! Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo ng wala ako. Iisa lang ang paraan para makaligtas ka dito. Yun ay ang alalahanin ang pangalan ko. Alalahanin mo ko! Umiiyak na tumigil ako sa pagtulak. Pilit kong pinakalma ang sarili ko para magawa ang sinasabi nya. Inhale... exhale... inhale... exhale... "Ahhhh!" Sigaw ko ng tuluyang gumuho ang gusali! Nagsipaglaglagan ang tipak ng malalaking bato. At tinabunan nun ang mesa kung nasaan ako. Bumigay ang dalawa pang paa ng mesa dahil sa bigat ng mga bato. Naipit nun ang kalahati ng katawan ko! Ang sakit!!! Parang hinahati ang katawan ko! Tuluyan ko ng hindi maramdaman ang paa ko. Parang hindi na iyon parte ng katawan ko. Iisang paa nalang ng mesa ang natitira. Pinipigilan nun ang bigat ng mga batong pwedeng umipit sa dibdib ko at sa ulo ko. Hirap na rin ang paghinga ko. Halos wala kasing hangin. Natabunan na ko ng mga bato at wala ni isang butas ang pwedeng pagdaanan ng hangin. Ang sakit! Ang sakit, sakit! Parang mahahati na ang katawan ko sa bigat ng mga batong nakadagan sa kalahati ng katawan ko. Halos umabot na sa likod ng dibdib ko ang dugong umaagos sa sahig mula sa katawan ko. Nahihilo na ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Hindi ko na kaya...... At hindi ko na din nararamdaman ang kalahati ng katawan ko.... Bumaling ang mukha ko sa kanan ng mawalan ako ng lakas. May nakita akong larawan ng isang aso. Nakaipit yun sa mga bato. Sa kabila ng pinagdadaanan ko ay nanghihinang napangiti ako. Aso... mahilig talaga ako sa aso.... kahit nung bata pa ko... Sumingit sa isip ko ang isang eksena nung bata palang ako. Sa gubat malapit sa bahay namin noon... Ang paglalaro ko dun ng magisa.... Ang pagkawala ko sa gubat ng minsang libutin ko yun ng walang kasama.. At ang asong nagturo sakin ng daan pabalik.... Ang guide ko....... "Yuri" mahinang usal ko. Lumabas sakin ang dilaw at brown na liwanag kasabay ng paglabas ng simbolo sa braso ko. Unti unti yung gumapang hanggang sa paa ko. At pinanumbalik nun ang pakiramdam ko sa bahaging yun ng katawan ko. Nakita ko ring gumagalaw paalis sa katawan ko ang mga batong nakatakip sakin kanina. Sumulpot ang bolang kulay yellow na may halong brown sa harap ko. Lumabas dun ang isang nilalang. Fox na kulay brown. Nagmulat sya at itinutok sakin ang dilaw nyang mata. Mahusay. Hindi mo parin pala ako nakalimutan. Nasisiyahang sabi nya. Halika na. Bumalik na tayo. Bumalot sakin ang liwanag na inilalabas niya at itinulak nun palayo ang mga bato at maging ang mesang dumadagan sa akin. Iyon ang huli kong nakita ng mawalan ako ng malay. ________________________ *Rosallie's POV* Dapat talaga hindi ko na inexpect na magkakasama sama kaming lima sa test na to eh! Kainis! Kung alam ko lang, hinawakan ko na sana ang mga kamay nila Teresa nung pumasok kami. Edi sana may kasama ako ngayon. Ano bang pinto ang pinasukan namin? Parang dinala kami nun sa ibang lugar eh... ilusyon lang kaya ito? Tiningala ko ang naglalakihang gusali sa paligid ko. Lahat sila luma, abandonado at nakakatakot! Feeling ko malapit ng bumagsak ang mga ito eh.. ano ba yan... Naglakad ako sa sidewalk. Mas mabuting sa gilid dumaan kesa sa kalsada. Hindi ko pa naman makita pag malayo. Ang kapal kasi ng hamog. Hindi ko rin alam kung ano makakasalubong ko. Hindi ko na sinubukang tawagin silang apat. Alam ko kasi na kung nandito sila, siguradong nagsisigaw na ang mga yun. At maririnig at maririnig ko ang lakas ng pagtawag nila. Pero ilang minuto na kong nandito at wala parin akong marinig kahit sino sa kanila. Tahimik na naglakad ako sa gilid ng kalsada. Asan na kaya sila? Katulad din kaya nito ang napuntahan nila? Hayyyyy.... ano ba kasing klaseng test to? Paunahan mahanap ang exit? Sabi nila gigisingin nito ang Element Spirit namin? Paano naman kaya? Napahinto ako ng may maalala. Nung araw na nakita kong lumabas ang mga Element Spirit namin, yun ang araw na.......... nanganib ang buhay namin!?! Napasinghap ako sa naisip. Wag mong sabihing kailangan naming dumaan sa ganun para magising lang ang Spirit namin?! Marahas akong lumingon sa paligid ko. Dumikit ako sa isang gusali at nagkubli. Mahirap na... kung tama ako... siguradong may nagaabang sakin dito. Kinabahan ako ng maalala ang mga kaibigan ko. Paano sila?! Ligtas kaya sila? Naikuyom ko ang mga kamay ko ng maalala sila Mr Daniels. Siguradong alam nila to! Hindi man lang kami sinabihan?! Lagot talaga sila sakin pag may nangyari sa mga kaibigan ko! Huminga ako ng malalim at sinubukang magrelax. Walang mangyayari kung magagalit ako sa kanila. Ang dapat kung gawin ay tapusin agad ang test na to. Ang kailangan ko lang naman ay gisingin ang Spirit ko diba? pero nung huling makita ko ang Spirit ko, eh medyo gising na sya. Tama! Nagawa ko syang hanapin noon! Baka magawa ko ulit ngayon! Tumingin muna ko sa paligid ko bago sumandal sa pader. Kailangan ko ng support para kung sakaling manghina ako sa gagawin ko eh hindi ako basta basta matutumba. Pinikit ko ang mata ko at pinayapa ang paghinga ko. Kinalma ko rin ang utak ko na parang nagmemeditate. Maya maya pa ay nasa loob na ko ng kamalayan ko. Nakita ko rin ang life force ko at yung threads of light na nakita ko noon. Hooray!!! Nagawa ko!! Ngayon.. kailangan ko nalang hanapin ang Spirit ko. Hinanap ko sya hangang sa palalim na ako ng palalim sa kamalayan ko. Hello! Spirit ko! Andito ka ba?! Paulit ulit na sigaw ko. May ilang minuto na kong ganun pero hindi sya sumasagot. Baka wala naman sya dito. At isa pa ,parang sobrang lalim ko na. Hala ka..... ayaw ko na... babalik na ko... baka mamaya sa sobrang layo ko na eh hindi na ko makabalik sa katawan ko. Ayaw ko dito. Pabalik na sana ko ng magsalita sya. Rosallie. Nagbunyi ako ng marinig ko ang pamilyar na boses nya. Ayos! Andito ka nanaman? Tanong niya. Oo. Masayang sabi ko. Bakit? Eh kasi hinahanap kita. Nga pala pwede bang sa labas na tayo magusap? Saglit syang natahimik. Siguro pinagiisipan nya kung lalabas talaga sya. Nasan ka? Tanong nya maya maya. Naguluhan naman ako sa tanong nya. Andito. Kausap mo. Ang pisikal na katawan mo ang tinutukoy ko. Ahhh.... yun ba. Nasa loob ng tinatawag nilang Chamber of Trials. Kaya pala. Hindi kita mapupuntahan sa loob nun ng hindi pa ko ganap na nagigising. Kailangan mong tawagin ang pangalan ko at buksan ang lagusan para makalabas ako. Ha? Eh ano bang pangalan mo? Hindi nya ko sinagot at nanatili lang na tahimik. Huy! Andyan ka pa ba? Untag ko sa kanya. Hindi mo.... naaalala? Tanong nya. Nahimigan ko ang lungkot sa boses nya. Hala?! Alam ko? May sinabi ba sya last time? Waka akong maalala! Naguilt naman ako. Pero kahit anong isip ko parang wala akong maalalang binanggit nyang pangalan. Pasensya ka na ha... nung una kasi tayong nagkita eh nagpapanick ako nun. At saka alalang alala ako kay Teresa kaya hindi ko narinig ang pangalan mo. Hindi yun ang una nating pagkikita...... Ano daw? Hindi? Eh yun lang ang natatandaan kong pagkikita namin ah. Kasi.... Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita. May panganib. Kailangan mo nang bumalik! Bilis! Ha?! Bilis Rosallie! Bumalik ka na sa katawan mo! Oo. Mabilis kong sabi at natatrantang bumalik ako sa katawan ko. Ng makabalik ako, alam ko na agad na may hindi magandang mangyayari. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang apat na lalaki sa harap ko! Lahat sila puti ang mga mata! Wala man lang itim. Hindi ko gusto ang pagkakangisi nila sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Eto na ba ang panganib na sinabi ng Spirit ko? Eto na ba ang test ko? Itinaas ng isang lalaki ang kamay nya at naglabas iyon ng apoy. Nanlaki ang mata ko ng ihagis nya iyon sa akin. Tumalon ako sa kanan. Hindi ko na rin hinintay ang susunod nilang atake at tumakbo ako ng mabilis palayo sa kanila. Hinabol nila ko at nagbato ng ilan pang atake. Ang isa ay matalas na hangin. Nadaplisan ako nun sa braso. Ang isa naman ay tubig. Ng makaiwas ako ay tumama yun sa poste at nagyelo! Ano sila? Bakit nila ko hinahabol? Talaga bang kailangan ko itong pagdaanan?! Nabigla ako ng biglang sumulpot ang isa sa harap ko. Binato nya ako ng kapangyarihan. Hindi ko nailagan iyon at bumagsak ako sa lupa. Aray! Ang sakit nun ah! Umupo ako agad at pinilit ang sarili kong tumayo. Umatras ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader ng isang gusali. Naulit lang ang pusisyon ko kanina. Napaligiran nila ko. Wala na kong matatakbuhan. Unang umatake sakin ang may gamit ng hangin. Tinamaan ako nun sa binti. Parang patalim yun na humiwa sa akin. Napaluhod ako sa sakit. Umagos din ang dugo sa sugat ko. Hindi tumigil ang lalaki sa pagatake. Binato nya ko ng kapangyarihan nya. Nahiwa ang balikat, braso at tyan ko sa ginawa nya. Naitakip ko naman sa mukha ko ang braso ko para protektahan ang ulo ko. Ng tumigil sya sa pagatake ay halos pula na ang uniform na suot ko. Basang basa na kasi iyon ng dugo. Nanlalabo na ang mata ko sa mga luhang lumalabas mula roon. Ang hapdi ng mga sugat ko! Sunod na umatake ang may tubig. Pinatamaan nya ko sa binti. Nagulat ako ng manigas iyon. Frostbite! Halos hindi ko agad maramdaman ang binti kong pinatamaan nya. Kailangan ko ng kumilos kung hindi ay mamatay ako bago pa man sila matapos! Rosallie. Tawag sakin ng Spirit ko. Ikaw? Alalahanin mo ang pangalan ko! Tawagin mo ko at tutulungan kita! Pero hindi ko maalala ang pangalan mo. Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin! Hindi pwede. Lalabag ako sa batas naming mga Spirit. Kailangang ikaw ang makaalala nun. Nanginginig na ko sa lamig. Hindi ko na rin maikilos ang katawan kong halos magyelo na. Sumunod na umatake ang may kapangyarihan ng lupa. Pinatamaan nya ko ng kapangyarihan nya. Parang literal na binato ako ng napakalaking bato! Narinig kong nabali ang ang buto ko sa braso dahil sa lakas ng tira nya. Nawalan iyon ng pakiramdam at parang gulay na lumupaypay. Hindi na ko makahinga sa sobrang sakit at takot. Ayaw ko na! Sobra na to! Rosallie..... Please.. tulungan mo ko... pagmamakaawa ko sa kanya. Rosallie.. alalahanin mo.... Napalakas ang iyak ko. Nararamdaman ko kasi ang lungkot at frustration nya... alam kong gusto nya kong tulungan pero hindi nya magawa. Huling umatake ang nagbato sakin ng apoy kanina. Itinapat nya sa akin ang kamay niya at lumabas doon ang apoy. Pumaikot sakin iyon. Palapit iyon ng palapit. Halos mapaso na ang balat ko sa init. "Ahhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ko. Sinusunog na ko nito. Sobrang sakit! Mas gugustuhin ko pang mawala nalang agad kesa maramdaman ang ganito! Rosallie.... malungkot na sabi niya. Sabihin mo sakin ang magagawa ko. Help me! Kung kaya ko lang... lahat gagawin ko mapawi lang ang sakit na nararamdaman mo... Please... a-ayaw ko pang mamatay.... umiiyak na sabi ko. You're not... I swear it! Just endure it for a little bit longer. Matatapos na yan. Then don't leave me.... please.. Never. I'm always here. I promise. Natigilan ako sa sinabi niya. Those words. I heard it before. Lagi kong naririnig yun sa oras na nasa panganib ako. Nakatatak na yun sa isip ko. Then it hit me. Ang alaala nung bata pa ko. Ang ala-alang inakala kong parte ng malikot kong imahinasyon..... ang paniniwala ko noon sa mga fairies. Ang pakikipaglaro ko sa kanila. At ang laging nandyan para protektahan ako... para gabayan ako. Ang taong laging nasa tabi ko at binabantayan ang pagtulog ko at nagpapagaling sa mga sugat ko...... Ang guardian angel ko..... Ryuu. Sumabog ang puting liwanag mula sa loob ko. At naginit ang noo ko. Nawala ang apoy na sumusunog sakin kanina. Napalitan iyon ng puting liwanag. Pinawi nun ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ng tumingin ako sa harap ko ay lumabas doon ang Spirit ko. Ang dating inaantok nyang mata ay bumuka ng tuluyan. Nawala ang bolang nakapaikot sa kanya at iniunat nya ang katawan nya. Alam kong maaalala mo rin ako. Sabi nya sa isip ko. Hindi mo talaga ako iniwan? Naramdaman ko ang pagngiti nya kahit hindi gumalaw ang bibig nya. Hindi. Not even for a second. Pilit akong ngumiti sa kabila ng panghihina ko. I know... somehow... i know. Nakita ko ng bumukas ang isang blackhole at higupin nun ang mga umatake sakin kanina. Naipikit ko rin ang mga mata ko ng tuluyang palibutan kami ng puting liwanag. Ibabalik na kita. Pero sa pagkakataong ito makakasama mo na ko. Narinig ko bago ko sakupin ng mainit na liwanag. _______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD