*Kaeden's POV*
Napatingin ako sa gawi ng mga estudyante ng Lumiere ng makarinig ako ang malakas na sigaw. Maging ang lahat din ng mga kasama ko sa gitna field napabaling sa pinanggaling ng ingay.
Maya maya pa ay nakita naming nahati ang mga estudyante ng Lumiere at mula sa likuran ay may naglakad papunta sa harapan.
Si Racquel. Kilalang Aether user. Maging sa House namin ay kilala siya dahil na rin sa kakaiba niyang abilidad.
Pero ang higit na nakakapagtaka at nakakabigla sa kanya ngayon.... Ay ang makita siyang may hawak hawak na isang Estudyante. Bagay na hindi niya ginagawa noon.
Napabaling ang tingin ko sa hila niyang Aether user din at nasa Novice level.
Sa una ay mukha lang siyang ordinaryo pero napakunot ang noo ko ng may maramdaman ako habang nakatingin sa kanya. Kakaiba... Hindi ko mapaliwanag kung ano, pero hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya.
Maganda sya, oo. Pero marami din naman ang magandang estudyante sa House namin. At isa pa, hindi lang pisikal na anyo nya ang nakapukaw ng pansin ko. Para kasing may hindi ako maipaliwanag na bagay na humahatak sakin papunta sa kanya. Ang weird.
Kahit ako nabigla sa reaksyon ko. Hindi naman ako ganito. Kelan pa ko nagkaroon ng interest sa mga tao sa paligid ko?
Muli kong pinagmasdan ng mabuti ang mukha niya. At kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi nya. Mukhang nahiya sya sa eksenang ginawa nila kanina. Hindi ko alam kung sya ang sumigaw ng ubod lakas kanina o isa sa mga kasama nya. Parepareho kasi silang tila kamatis na ang mukha sa sobrang kahihiyan.
Narinig kong nagsimulang magpaliwanag ng rules si Ms Hale para sa Duel. Kaya pilit kong inalis ng tingin ang babae at bumaling sa kanya. Sinubukan ko ring ituon ang isip ko sa mga sinasabi nya. Pero nananatili akong aware sa presensya ng babae.
Tsk! Ano bang problema ko? Sino ba ang babaeng yun?
Isip isip ko bago tinawag ni Ms Hale kaming dalawa ni Tyrone para lumapit. Naglakad ako papunta sa kanya. Ganun din si Tyrone.
Ng makalapit kami, saka ulit siya nagsabi ng ilang paalala.
Nakatingin ako sa makakalaban ko at abala sa pagiintindi ng mga sinasabi ni Ms Hale ng biglang nanayo ang balahibo sa likod ng leeg ko. Maging ang katawan ko ay biglang naalerto.
Alam ko, kahit hindi ko sya nakikita, ay nakatingin sya sa akin. Pilit kong nilabanan ang urge na tingnan sya, pero kahit anong gawin ko ay nanaig parin ang kagustuhang makita sya.
Tumingin ako sa gawi nya at nakita kong nakatingin siya diretso sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin nya. At yun ata ang pinakamaling desisyong ginawa ko.
The moment our eyes meet. I felt a sudden connection. My heart skip a beat and a volt of electricity runs to my body. I hold my breath as I looked at her.
What's.... this? Tanong ko sa isip.
Napakunot noo ako sa pagiisip ng dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Sinuri ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Halos naninigas din ang katawan nya sa pagkakatayo at sapo din nya ang dibdib nya.
Nararamdaman din kaya nya ang naramdaman ko?
Pinakatitigan ko sya ng mabuti. Halos hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko. Tanging sa kanya lang ako nakafocus.
Nagulat pa ko ng marinig ang pangalan ko. Si Ms Hale ang tumatawag sakin.
Gaya ng una, hirap kong binawi ang tingin ko sa kanya.
I cant explain why, but my entire being is telling me to looked back at her. To go there, and be near her.
What the f----! Anong nangyayari sakin?! May kinalaman ba sya? Aether user sya... ito ba ang ability nya? Arrghhhhh! Focus Kaeden!
Pinabalik na kami ni Ms Hale sa grupo namin. Ng makarating ako sa grupo ko ay nakita ko si Marvin at Jared na nakatingin sa gawi ng babae.
What? Don't tell me... sila din?!
Hindi ko maintindihan ang inis at galit na umusbong sa dibdib ko ng isipin kong sa kanya nakatingin ang mga kaibigan ko.
Arrggghhh!!! Stop it! Hindi ka ganito Kaeden!
Pilit kong kinalma ang sarili ko. At hindi ko pinahalata kahit kanino ang nangyayari sa loob ko.
Later... pag tapos na ang Duel saka ko iisipin.
Huminga ako ng malalim at sinimulang gumawa ng shield.
Mula ng magsimula hanggang sa matapos ang laban, ay nagawa kong iaalis ang babae sa isip ko. Pero aware parin ako kung nasan sya. Ramdam ko parin ang presensya nya.
Ng matumba si Tyrone at magawa kong mabasag ang shield nya, narinig kong sumigaw si Ms. Hale.
"Enough Kaeden! Tyrone is out"
Binawi ko ang espada ko at tiningnan si Tyrone.
"Tell Simon na sya na ang susunod na patutumbahin ko" sabi ko at tinalikuran na sya. Hinarap ko ang iba pang kasama namin sa laban. Mukha namang kayang kaya na ng mga kasama ko ang mga kalaban nila. Kaya hindi na ko tumulong pa.
Kaeden.
Narinig kong tawag ng Element Spirit ko sa isip. Siya ang hawak hawak kong espada.
Aethon. Tawag ko sa pangalan nya.
Mukang destracted ka. Kanina ko pa nararamdamang inis at galit ka bago pa man magsimula ang laban. Bakit?
Tsk! Di ko alam Aethon. Di ko rin maintindihan ang sarili ko.
Ano bang pinagsimulan ng pagkasira ng mood mo?
Hindi ko agad siya sinagot. Hindi ko kasi alam kung dapat kong sabihin sa kanya. Pero naisip isip ko din na kung may makakatulong man sakin sa pagintindi ng sarili ko... alam kong si Aethon yun.
That girl. From Lumiere House. Aether user siya. Nasa harapan sila. May katabi siyang Aether at Fire user. Sila ung gumawa ng eksena kanina.
What about her?
May kakaiba akong naramdaman sa kanya. I don't know what.... basta may kakaiba sa kanya.
Tumahimik sya sandali. Malamang iniistima nya ang babaeng sinabi ko. Ipinusisyon ko pa ang kamay kong may hawak sa kanya sa lugar ng babae pero pinanatili kong nakatutok ang mata ko sa laban sa harap ko.
I don't see her spirit. Hindi ko rin maramdaman iyon. Maya maya ay sabi ni Aethon.
Ano? That means new student sya?
Malamang.
Pero bakit ako nakakaramdam ng kakaiba sa kanya kung wala pa pala ang spirit nya? Hindi ba ibig sabihin nun na sarado pa ang kapangyarihan nya.
Hindi ko rin alam.
Lalo tuloy akong nacurious sa babaeng yun.
Ng matapos ang laban ay nilapitan ko ang mga ka grupo ko. Si Marvin at Jared ay tahimik na tumango sa akin. Tinanguan ko din sila. Ang dalawang Advance naman ay hinihingal parin sa pagod. Mukhang napasabak sila sa naging laban nila.
Muli akong lumingon sa babae. Nakatingin siya kela Tyrone na ngayon ay dinadaluhan na nila Ms Hale. Mababakas ang awa sa mukha niya para sa mga kasama.
Nakatingin parin ako sa kanya ng bumaling sya sa akin. Halatang nagulat pa siya ng makitang nakatingin din ako sa kanya. Lumingon pa siya sa likod niya
"Kaeden" tawag sakin ng mga kaHouse ko. Bumaling ako sa kanila at tahimik na tinanggap ang pagbati nila sa pagkapanalo namin. Lumapit din samin ang ilang Professor namin para bumati.
Napalingon ako ng may marinig akong tumawag sa kin. Galing yun sa gawi ng babae. Pero ng tingnan ko sya, nakita kong naglalakad na sya ng mabilis pabalik sa House nila. Kasama niya ang tatlo pa nyang kaibigan.
Nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Ngayon lang nangyari napukaw ng kahit sino ang interest ko mula ng pumasok ako ng Academy.
I'll swear that Im going to find out everything about you. Just wait... bulong ko ng hindi sya hinihiwalayan ng tingin.
_______________________
*Rosallie's POV*
May pagmamadaling bumalik kami nila Teresa, Tin at Racquel sa House of Lumiere. Habang nasa daan ay naririnig pa namin ang usapan ng mga kasabay naming estudyante.
"Sayang! Kung hindi sana missing in action si Simon kanina edi mananalo sana tayo. Siya lang naman pwede nating ipantapat kay Kaeden eh." Malakas na sabi ng lalaki sa likod namin.
"Oo nga. Bakit ba kasi hindi siya sumipot?. Ayan tuloy.... " naiinis pang dagdag ng kasama nyang babae.
"Haisst!... siguradong aangas nanaman ang mga Nacht! Dapat sa susunod tayo ang manalo!" gigil na sabi ng isa pang lalaking kasama nila.
Grabe! Napaka competitive naman ng mga to. Walang suko suko. Hehe Go lang... ichicheer ko kayo....
Ng makarating kami sa pinto ng House namin ay wala pa si Mr Daniels. Nagkwentuhan nalang kami nila Teresa at Tin tungkol sa nangyari kanina. Si Racquel naman nagpaalam na may klase pa sya. Kikitain nalang daw nya kami sa Dinner.
"Good afternoon Ladies." Bati ni Mr Daniels ng dumating. May kasama pa siyang tatlong lalaki. Yun ay walang iba kung hindi ang mga kasama ni Ms Hale nung sunduin nya kami.
"Gaya ng sinabi ko kanina. Ipakikilala ko na kayo sa mga magiging mentor niyo. Sila ang magtuturo ng basic sa inyo tungkol sa kapangyarihan nyo. Teresa, this is Daemon Moore. Your mentor" pakilala ni Mr Daniels sa isa sa mga lalaking taga Nacht. Naka black uniform kasi sya. Black din ang buhok at mata nya.
"Hello po ulit." Bati ni Teresa.
Nagtatanong ang mata kong tingnan siya. Ulit?
"Siya yung kasa-kasama ko sa sasakyan na nagdala satin dito." Paliwanag nya.
Ahhhhh..
"Christine. This is your mentor , Adam Blake." Pakilala naman ni Mr Daniels sa isa pang taga Nacht. Black din ang buhok nya pero asul ang mga mata niya.
"Hello ulit sir"
Ulit? Sya din kasama ni Tin sa kotse?
Tanong ko sa isip. Ng bumaling ako kay Tin ay tumango siya bilang sagot.
Oooookay..
Tiningnan ko ang lalaki sa harap ko. Mukha siyang anghel. Ang gwapo! Gaya din nila Mr Daniels. Pero halatang good boy ang isang to.At .......mukhang familiar ang itsura nya. Nakita ko na ba sya? Hmmm.... blonde hair sya at blue eyes. San ko nga sya nakita?
"Rosallie sya si Christian Hale. Ang magiging mentor mo." Nginitian naman ako ni sir Christian. Grabe! Boy next door lang talaga ang itsura nya.. hehe at taga Lumiere sya. White kasi ang suot nya eh. Di gaya ng mentor ni Teresa at Tin.
Babatiin ko na sana sya ng may maalala. Hale? yun daw ang apelyido nya diba. Di kaya......
"Kaano-ano nyo po si Ms Allison Hale?" Tanong ko sa kanya.
Lumawak ang pagkakangiti nya. Lumabas din ang dimple sa right cheek nya. Hayayay.... gwapo ni sir! Hehe
"She's my sister. Twin sister to be exact." Sagot nya.
Wow! Kaya pala familiar ang mukha nya! Hawig na hawig nga siya ni Ms Allison. Parang sya lang ang male version ni Miss Hale. Hehe astig!
"Ganun po ba? Nice to meet you po." Bati ko sa kanya at nginitian sya.
Tinanguan naman nya ko ng bahagya. Nakangiti parin sya sakin. "I heard a lot about you from my sister. Kaya sa tingin ko kilala na rin kita." Sabi pa nya.
Medyo tumagilid ang pagkakangiti ko. Pano ba naman... wala kasi akong matandaang magandang ginawa ko ng kasama ko si Ms Hale. Lahat eh puro palpak. Lagi kasing nagmimisbehave ang kapangyarihan ko nun. Yun kaya nakwento ni Ms Hale kay sir Christian? Kakahiya naman... haiyyssttt....
"Nga pala. Bago nila kayo turuan. Kailangan nyo muna gisingin ang mga Element Spirit nyo. Para ganap din na magising ang kapangyarihan nyo." Sabi ni Mr Daniels na nakapagpalingon saming tatlo paharap sa kanya.
Seryoso na syang nakatingin samin. Ganun din sila Sir Christian.
"Alam kong nasabi na ito ni Headmaster. That you all need to undergo a certain test. Papasok kayo sa tinatawag naming Chamber of Trials. At ito ang gigising sa mga Element Spirit nyo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Pangalan pa nga lang ng Chamber mukhang pahirap na eh.. ano naman kaya naghihintay samin dun?
"Kelan po namin pagdadaanan ang test na sinasabi nyo?" Tanong ni Tin. Napansin kong lumapit sya bigla kay Teresa. Indikasyon na kinakabahan din siya gaya ko.
Hindi ihiniwalay ni Mr Daniels ang tingin nya samin ng sagutin nya ang tanong ni Tin.
"Actually. Nandito kaming apat para samahan kayo ngayon sa Admimiatrator's building. Nandoon ang Chamber of Trials at ngyong araw nyo dapat magising ang mga Spirit nyo."
Napasinghap kaming tatlo ng sabay sabay. Nanlaki din ang mata naming napatitig kay Mr Daniels.
Ngayon na?! Agad agad? Seroyoso?!
"Don't worry. Wala namang ibibigay ang Chamber of Trials ng ikapapahamak nyo. Lahat ng mangyayari sa loob ay para lang gisingin ang mga Spirit nyo." Sabi ni Sir Christian.
Dahan dahan kaming tumango. Ano pa nga bang magagawa namin. Ok na rin siguro. The sooner, the better... pagdadaanan at pagdadaanan naman namin ito eh.. Good luck nalang samin.
Sumunod kaming tatlo sa kanila ng magsimula silang maglakad papunta ng Administrator's building. Gaya dati, umabriseta kaming tatlo sa isat isa habang naglalakad. Wala eh.. nakasanayan talaga namin... hehe
Ng makarating sa Administrator's Building ay umakyat kami sa fifth floor kung nasaan ang Office ng mga Head. Pumunta kami sa kanang bahagi ng gusali. Huminto si Mr Daniels sa pinakadulong silid. Binuksan nya ang pinto at pinapasok kami.
Tumabi rin ang mga mentor namin sa gilid para padaanin kaming tatlo. Magkakapit bisig parin kasi kaming pumasok sa pinto.
Naaamused na ngumiti samin ang mga mentor namin at si Mr Daniels.
Bakit ba.... eh sa kinakabahan kami eh.. so kailangan namin ng support ng isat isa.. kaya bawal maghiwahiwalay. Hehe
Pagpasok namin sa loob ay nakita agad namin ang Head of House ng Nacht, isang babaeng taga Nacht at isang lalaking taga Lumiere. Mga kasama din sila sa sumundo samin noon sa dati naming school. At kasama nilang tatlo........ sila Joie at Jeanine!
"Joie! Jeanine!" Masayang sigaw naming tatlo nila Teresa. Kumawala kami sa pagkakaabriseta at patakbong pinuntahan ang mga kaibigan namin.
Tumakbo din sila Joie at Jeanine papunta samin. Nagtapo kami sa gitna ng silid at niyakap ang isat isa. Halos mangiyak ngiyak kaming lima. Sobrang miss namin ang isat isa kahit wala pang kalahating araw kaming magkakahiwalay.
Para kasing ang tagal na mula ng huli namin silang makita.
"Miss ko na kayo mga ming!" Emosyonal na sabi ni Joie.
"Oo nga! Kami nalang lagi ni Joie ang magkasama! Nakakamiss din pala kayong tatlo." Nakangiting biro pa ni Jeanine.
"Namiss din namin kayo!" Sabi naming tatlo nila Teresa at Tin.
"Sus... eh kung ano-ano na ngang kalokohan ang ginagawa nyo. Kabago bago gumagawa ng eksena sa field." Tukso ni Joie.
Nagtawanan kaming lima ng maalala ang ginawa ni Tin kanina. Nakita din pala nila Joie yun.
"Oo nga! Nakakahiya kayo! Sino yun? Di ako ayun ah! Promise! Di ako yun." Sabi ni Tin at pinainosente pa ang itsura. "Sabi ko naman kasi sa inyo Sallie, Tere, na wag sisigaw ng ganun kalakas. Hala... di nakinig. Tsk tsk tsk..." umiiling na sabi ni Tin.
Tingnan mo ang isang to. Isisi daw ba samin ni Teresa ang kabaliwan nya kanina. Loka talaga.
"Hoy Tin! Kung sinong unang pumutak, sya ang may gawa!" Sabi ni Teresa at tinuro pa si Tin.
Painosenteng bumaling sakin si Tin. "Hoy Sallie, wag ka kasing putak ng putak. Ayan tuloy nalalamang ikaw ang may gawa."sabi nya at tinapik tapik pa ko sa balikat.
Grabe ang isang ito, ayaw talaga umamin... hahaha
"Ewan ko sayo Tin. Humanap ka ng ibang kausap." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumisi sya sa akin at inilahad ang kamay."Penge piso. Hahanap ako. Tumatanggap naman si Jeanine ng piso eh."
Natawa kaming tatlo sa kanya. Umalma naman si Jeanine.
"Oy! Di ako cheap no! Sayo na piso mo."
Inosenteng humarap si Tin sa kanya. "Ayaw mo na ng piso? Naglevel up ka na? Sige limang piso nalang hihingin ko kay Sallie."
Bumanghalit uli kami ng tawa sa sinabi ni Tin. Puros kalokohan talaga ang isang ito.
Natigil lang kami sa pagtawa ng may malakas na tumikhim sa likod ko.
Lumingon ako at nakitang nakatingin samin ang dalawang Head of House namin at ang mga mentor namin. Ang iba sa kanila nakangisi. Ang iba naman ay halatang nageenjoy sa usapan naming lima. Kahit ang dalawang Head of House namin ay nakangiting nakaharap samin.
Nakalimutan kong present din pala sila sa room. Hehe nagenjoy akong kakulitan sila Joie eh.
"Im sorry kung puputulin ko ang masayang usapan nyo. Pero kailangan nyo ng pumasok sa Chamber of Trials." Paumanhin ni Mr Daniels at iminuwestra ang malaking pinto sa likuran niya.
Mas malaki ang pintong yun kesa sa pinasukan namin. Halos doble ang laki. Ngayon ko lang din napansing walang bintana sa silid. Ang mga lampara sa dingding lang ang nagbibigay ng liwanag. Wala ring kahit anong gamit sa loob. Tanging ang malaking pinto lang ang naroon.
Bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Tumahip ng malakas ang dibdib ko at bumilis ang paghinga ko.
Nakita kong ganun din ang reaksyon ng mga kaibigan ko. Lahat kami sumeryoso ng maalala ang dahilan ng pagpunta namin dito.
"Sige na. Pumasok na kayo sa loob. Maghihintay kaming lahat dito sa paglabas nyo." Marahang utos ni Mr Pierce.
Tumingin ako kay Sir Christian. Mentor ko sya diba? Baka may tips syang ibibigay sakin para sa kung ano mang test ang nasa loob. Pero ngumiti lang siya sa akin at di nagsalita.
Hala.... paano to? Kanya kanya talagang diskarte? Haisst......
Napalunok ako ng humakbang na kami palapit sa pinto. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Parang nanginginig narin ang tuhod ko.
Huminto kami at magkakahilerang tumayo isang hakbang mula sa pinto. Ako ang nasa gitna naming lima. Nasa kanan ko sila Teresa at Joie. Nasa kaliwa naman sila Tin at Jeanine.
Nilingon namin sa huling pagkakataon ang mga Head of House at mentor namin. They just noded and smiled at us.
Tiningnan ko isa isa ang mga kaibigan ko at pilit ko silang nginitian. Gumanti naman sila ng halatang pilit na ngiti din sa akin. Halos sabay sabay pa kaming pumihit paharap sa malaking pinto.
Dahan dahan namang bumukas iyon kahit wala naman nagbubukas nun. Sobrang dilim sa loob nun. Wala ka talagang makita.
Bumukas ang pagaalinlangan naming lima. Papasok ba talaga kami dyan? Nakakatakot! Ayaw ko pa naman sa madilim... ano ba yan.. di bale na nga.... magkakasama naman kami eh.
I took a deep breath and push my fears away. Its now or never...
Mukhang nakita ng mga kaibigan ko ang reaksyon ko kaya nawala din ang takot nila.
Hinarap namin ang madilim na silid at sabay sabay humakbang papasok.
________________________
*Teresa's POV*
Pagpasok na pagpasok namin sa loob ay biglang umihip ang malakas na hangin galing sa silid.
Napapikit ako at iniharang ang mga braso ko sa mukha ko para sanggain ang hangin.
Pero kung gano kabilis lumabas iyon ay ganun din kabilis iyong nawala.
Unti unti kong ibinaba ang mga braso ko at iminulat ang mga mata ko.
At ganun nalang ang gulat ko ng magiba na ang paligid ko at tumambad sakin ang mga abandonadong gusali. Napapalibutan din ng makapal na hamog ang buong lugar.
Tumingin ako sa kanan ko. Pati sa kaliwa ko. Dumoble ang takot na nararamdaman ko at nanlamig ang katawan ko ng makitang wala sa tabi ko ang mga kaibigan ko! Naiwan akong magisa! Sa gitna ng nakakatakot na lugar na to!
"Sallie?! Joie?! Tin?! Jeanine?! " malakas kong tawag sa kanila. Kinakabahang nilibot ko ng tingin ang paligid ko.
Mukhang abandonado talaga ang lugar na to ah! Nageecho pa ang boses ko eh! Katakot! Asan na ba kasi yung apat? At asan na ko? Sabay sabay naman kaming pumasok ah! Katabi ko pa nga si Sallie at Joie! Asan na sila?
Mangiyak ngiyak na ko habang naglalakad. Di ko talaga gusto ang lugar na to. Gusto ko ng lumabas!
May ilang minuto na siguro akong naglalakad sa walang katao taong kalsada ng may mapansin ako sa isang sulok ng gusali.
Tao! Isang lalake. Nakatalikod sya at mukhang may tinitingnan sa lapag.
Nabuhayan ako ng loob at patakbong nilapitan ang taong nakita ko.
"Excuse me po." Pasintabi ko."pwede pong magtanong?"
Nanatili syang nakatalikod sa akin at hindi kumikibo.
"Pano po ba lumabas sa lugar na to? Para po kasing paikot ikot lang ako eh." Tanong ko pa.
Hindi pa rin sya nagsasalita at nanatiling nakatalikod sa akin.
Kumunot ang noo ko. Baka di nya ko narinig? Binge siguro?
Inabot ko ang balikat nya at pinihit siya paharap sa akin.
"Kuya,tinatanong ko po kung....." nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang itsura nya. Mukha naman syang tao. Pero ang mga mata nya...... kulay pula.
Kinilabutan ako sa pagkakangisi nya sa akin. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan at parang tumigil ang puso ko sa pagtibok sa sobrang takot.
Pigil hiningang binawi ko ang kamay ko mula sa balikat nya at dahan dahan akong umatras habang nakatingin parin sa kanya.
He grinned at me. Lalo akong nangilabot ng halos mapunit ang labi nya sa lawak ng pagkakangiti niya!
Ayoko na talaga!! Ano ba tong napasukan ko?!
I step back.
He step forward.
I took another step backward.
He took another step forward.
Ngumisi sya ng malademonyo. Nanlaki ang mata ko ng makita kong itinaas nya ang kamay nya at may lumabas dung apoy.
He c****d his head sideward. Marahil pinagiisipan nya kung paano ako mas magandang sunugin.
Hindi ko na hinintay kung ano ang mapagdidisisyunan nya at kumaripas ba ako ng takbo.
I ran as fast as I can. Talo ko pa siguro ang mga runner sa track and field sa bilis ng takbo ko. Halos mapugto na nga ang hininga ko. Sobrang bilis pa ng t***k ng puso ko.
Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sinundan nya ko. Art bumilis pang lalo ang t***k ng puso ko sa nakita ko.
Wahhhhhh!!!!! Andun sya! Tumatakbo rin! Ayaw ko na!
Lumingon ulit ako at saktong nakita ko siyang naghagis ng bola ng apoy. Diretso yun sakin!
Tumalon ako sa kanan at bumagsak sa lupa. Kasabay nun ang malakas na pagsabog dala ng bolang binato nya. Gaya yun ng atake ni Gairu! O masahol pa. Mas malaking crate kasi ang iniwan nun sa lupa!
Kung tinamaan siguro ako nun......
A shiver run through my body. At kahit nananakit pa ang katawan ko sa pagkakabagsak kanina ay dali dali akong tumayo at muling tumakbo. Di kasi tumigil sa pagtakbo yung halimaw sa likod ko! Maabutan nya ko!
Nang tumingin ako sa harap ko ay may nakita akong isang babaeng nakatayo sa gitna ng kalsada. Nag-aabang sya sakin. At ang mga mata nya... kulay pula din! Nakangisi rin siya ng malademonyo.
Di ko na napigil ang sarili ko. Umagos ang luha ko sa sobrang takot.
Sinungaling! Wala daw gagawin ang chamber na ikapapahamak namin?! Eh ano to?! Papatayin ako ng dalawang to eh!
"Sallie! Joie! Tin! Jeanine! Please.... tulungan nyo ko!" Humahagulgol ma tawag ko.
Lumiko ako sa eskinitang nakita ko. Medyo makipot iyon kesa sa kalsadang pinanggalingan ko. Tuloy parin ako sa pagtakbo at pagiyak.
Lumabas ako mula sa eskinita at napunta sa isang intersection. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ang lalaking humahabol sakin sa harap ko. Pumihit ako sa kanan ko at may nakita akong isa pang lalaking may pulang mata. Ganun din sa kaliwa ko. Ng tumingin ako sa likod ko ay nakita ko ang babaeng naghihintay sakin kanina. Lahat sila nakangisi sa akin. Itinaas nila ang mga kamay nila at naglabas ng apoy.
"P-please... tama na..." umiiyak na pagmamakaawa ko.
Itinapat nila sa akin ang mga kamay nila at pinapunta sakin ang apoy nila. Pumaikot yun sa akin . Palaki ng palaki at palapit ng palapit. Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan na meron ako. Pero di ko iyon mapalabas mula sa loob ko. Naitakip ko sa mukha ko ang braso ko. Ramdam ko na ang init na nanggagaling sa apoy. Hindi magtatagal at susunugin ako nun ng buhay! Nagkanda ubo ubo narin ako dahil sa usok.
Please.... help me... please!! Sigaw ko sa isip ko.
Teresa.
Napadilat ako bigla ng may tumawag sakin. Boses lalaki iyon. Pamilyar din ang boses nya. Pilit kong inaninag ang labas ng apoy na nakapaikot sakin. Baka dumating sila Mr.Daniels para iligtas ako!
Pero wala akong nakitang ibang tao maliban sa apat na may pulang mata.
Teresa. Ulit pa nito. Sa pagkakataong iyon nahanap ko ang pinangagalingan ng tinig. Galing iyon sa loob ko.
Sino ka? Takot na tanong ko.
Wag kang matakot. Hindi ako kalaban. Kakampi mo ko. Hindi mo ba naaalala ang boses ko? Sa barko?
Pagkabanggit nya ng barko ay agad nakilala ng isip ko ang boses nya. Tama! Nakausap ko na sya dati. May pinahanap sya sa loob ko. Ang Link! At dun nanggaling ang ano mang kapangyarihang meron ako.
Ikaw?! Pakiusap! Tulungan mo ko. Hindi ko magamit ang kapanguarihan ko!
Hindi mo magagamit ng mag-isa ang kapangyarihan mo sa loob ng Chamber na to. Kailangan mo ko para lumabas ang kapangyarihan mo.
Kung ganun, tulungan mo ko!
Halos ilang dangkal nalang ang apoy mula sa katawan ko. Naninikip narin ang dibdib ko sa kapal ng usok. Napapaso na ang balat ko sa sobrang init.
Tawagin mo ko. Tawagin mo ang pangalan ko.
P-pangalan? anong pangalan mo?
Alam mo ang pangalan ko Teresa.
Tawagin mo ko at maliligtas ka dito.
Peste! Pagisipin pa daw ba ko! Mamatay na nga ako oh! Ano ba kasing pangalan nya?
Teresa! Tawagin mo ko. Tawagin mo ang pangalan ko.
Halos dumikit na sa akin ang apoy. Nasusunog na rin ang balat ko. Mamatay na ko!
Biglang lumitaw sa isip ko ang ilang alala ko ng normal pa ang buhay ko. Mukhang ito ang sinasabi nilang flashback ng buhay mo sa oras na mamatay ka na. Ha! Mukhang eto na nga ang katapusan ko.
Nakita ko ang mukha ng mga magulang ko...... Mama. Papa.
Ang mukha ng mga kapatid ko....... Kara. Cathy. Alex.
Ang mukha ng mga kaibigan ko..... Sallie. Jeanine. Tin. Joie.
At nangibabaw ang alaala ng nilalang na nagpakita sakin ng limang taon palang ako. Ang nilalang na inakala at tinuring kong imaginary friend........
Houjin.
Kasabay ng pagbanggit ko sa huling pangalan ay naramdaman kong nag-init ang katawan ko. Hindi yun ang init na nagmumula sa apoy na sumusunog sakin. Kundi sa loob ng katawan ko mismo.
Nakita kong nagliwanag ang kanang kamay ko. At sa likod ng palad ko ay may lumabas na simbolo. Naglabas iyon ng matinding pulang liwanag.
Mula roon ay lumabas ang napakalakas na apoy. Umikot yun sa katawan ko at itinulak palayo ang apoy na nanggaling sa mga nilalang na may pulang mata.
May pulang bola rin na lumabas sa harap ko. May nilalang sa loob na natutulog. It looks like a small fox. At sobrang mabalahibo. Nakapaikot pa ang katawan niya.
Nakita kong unti unting bumukas ang mga mata nya hanggang sa tuluyan iyong nagmulat. Kulay pula din ang mga mata nya ngunit hindi iyon nakakatakot gaya ng mga nilalang kanina.
Tinitigan niya ko at dahan dahan nyang inunat ang katawan niya. Nawala ang bolang nakapaikot sa kanya.
Sa wakas. Tinawag mo rin ang pangalan ko. Masaya kong makita ka ulit, Teresa. Sabi nya sa isip ko. Nananatili kasing hindi gumagalaw ang bibig niya. Ramdam ko rin ang kasiyahan nya.
Nawala ang takot na naramdaman ko kanina. Napanatag din ang loob ko ng makita ko siya.
Ngayon, iaalis na kita sa lugar na to. sabi nya at pinalakas pa ang apoy na ipo ipo na nanggaling sakin.
Tinalo nun ang apoy ng mga nilalang kanina. At nakita ko ng sunugin sila ng apoy na ng galing sakin.
Mabilis na umikot sakin ang apoy na ginawa namin ni Houjin. Hanggang sa takpan na nun ang paligid ko.
Puro apoy ang nakikita ko. At ang sigaw ng mga nasusunog na nilalang ang huling narinig ko.
_____________________________
*Jeanine's POV*
Ibinaba ko ang mga kamay ko ng mawala ang malakas na hangin. Iminulat ko rin ang mga mata ko at tiningnan ang paligid ko.
At ganun nalang ang pagsinghap ko ng makita ang paligid ko.
Hala! Asan ang mga kaibigan ko?! Bakit ako lang ang nandito?
At ang lugar na ito...... ang creepy! Puro lumang gusali at ang kapal ng hamog.
Diba ganito ang setting ang mga horror movies?! Naku..... sana naman wala ditong multo! Takot ako dun!
Naglakad ako sa nakakatakot na kalsada at sinubukang tawagin ang mga kaibigan ko.
"Tin?! Sallie?! Joie?! Teresa?!" Asan na kayo?! " sigaw ko.
Pero puro echo lang ang naririnig ko. Sobrang tahimik ng paligid. Ayaw ko ng ganito. Napaparanoid ako!
Ng makalampas ako ng intersection ay biglang nanlamig ang katawan ko. Tumayo din ang balahibo sa buong katawan ko. Pakiramdam ko may nakatingin sa likod ko.
Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumingon.
Sa gitna ng kalsada kung saan ako nanggaling ay may lalaking nakatayo. Marumi ang suot nyang damit. Parang pulubi.
Alam kong namumutla na ang mukha ko sa takot ng makita ko ang mata nya. Purong asul. Hindi yun mata ng tao. At makikita mo dun na ano man ang iniisip nya siguradong hindi yun mabuti. Nakangisi din siya na parang baliw.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng humakbang siya palapit sa akin.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Pumihit ako sa kanan para makaiwas sa kanya. Pero laking takot ko ng sundan nya ko. Bumilis din ang lakad nya kaya mas binilisan ko ang lakad ko.
Ng hindi ko na matiis ang takot ko ay tumakbo ako ng mabilis. Ng lingunin ko sya ay nakita kong tumatakbo narin sya at hinahabol ako!
Lalo ko pang binilisan ang takbo ko. Halos doble na rin ang t***k ng puso ko. Pinaghalong takot at pagod ang nararamdaman ko.
May nakita akong daan sa kaliwa. Nilingon ko ang humahabol sakin at nakita kong malapit na nya akong abutan!
Hindi na ko nag-isip. Lumiko ako agad sa kaliwa at bumangga sa isang pader. Napaupo pa ako sa lakas ng impact. Hinihingal na tiningala ko ang nabangga koat halos mawalan ako ng malay sa takot ng makitang hindi pader ang nabangga ko. Kundi isang lalaking katulad ng humahabol sa akin! asul din ang mga mata nya at nakangisi siya na malademonyo.
Please! Please! Please! Kung panaginip to sana magising nako! Ayoko na! Suko na ko!
Bigla akong hinatak patayo ng lalaki. Mahigpit nyang hinawakan ang mga kamay ko at s*******n akong hinihila.
"Bitiwan mo ko! Please! Pakawalan mo ko." Pagmamakaawa ko. Halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang takot ko.
Nanatili lang syang tahimik at nakangisi sakin ng abutan kami ng humahabol sakin kanina.
Binalot ako ng matinding takot ng hawakan ng isa pa ang isang kamay ko.
"No! Please.. bitiwan nyo ko! Sallie! Tin! Teresa! Joie! Tulong! Parang awa nyo na!" Umiiyak kong tawag sa kanila.
Pilit kong nilalabanan ang paghila nila sakin. Pero malalakas sila at dalawa pa silang nagtutulong na kumaladkad sakin.
Anong gagawin nila sakin?! Please tama na! Ayoko ko na! Suko na ko kung ano mang exam na to!
Binuksan nila ang pinto ng isang gusali at hinila ako papasok. Nangilabot ako ng makitang may dalawa pa sa loob ng abandonadong gusali kung saan nila ako dinala.
"Please... bitiwan nyo po ako." Pagmamakaawa ko. Gumaralgal na ang boses ko dahil sa pagiyak ko.
Nakangisi din ang dalawang naghihintay. Hinila nila ako paakyat ng isang hagdan. Nagpupumiglas pa din ako. Pero ang lalakas nila. Halos mabali na nga ang buto ko sa braso sa higpit ng hawak nila.
Ng makarating kami sa dulo ay nakita ko ang ibaba ng kinalagyan namin. May malaking tila aquarium sa baba. Eight feet ata ang taas nun.
Pilit nila akong hinihila sa dulo. Nanlaki ang mata ko ng maunawaan ang gusto nilang gawin. Ihuhulog nila ko sa Aquarium!
"P-please.. wag po..." muli kong pakiusap sa kanila.
Hindi nila ko pinakinggan at malakas akong tinulak pababa. Nagawa kong kumapit sa dulo kung saan nakatayo ang mga halimaw pero dahil sa kirot na nanggagaling sa braso ko ay napabitaw ako.
Bumulusok ako pababa. Halos mapugto ang hininga ko ng bumagsak ako sa ilalim ng Aquarium. Nanakit din ang katawan ko. At parang nabali ang kanang paa ko.
Hirap akong umupo at tiningala sila. Lahat silang apat ay nakatingin sakin mula sa itaas. Nakangisi parin sila ng tinapat nila sa akin ang mga palad nila at lumabas mula doon ang tubig.
Pupunuin nila ang Aquarium! Balak nila kong lunurin!
Mabilis na tumaas ang tubig sa loob ng Aquarium. Sumandal ako sa glass wall at sinubukang tumayo. Nagprotesta agad ang nabali kong paa. Halos magdilim din ang paningin ko sa sakit.
Hanggang tuhod ko na ang tubig. At hindi magtatagal ay lalampas yun sa akin. Sa lagay ng paa ko, hindi ako makakalangoy pataas. Yun ang ikamamatay ko!
Teka! Tubig! Yun ang Element ko diba! Baka magamit ko ang kapangyarihan ko!
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at nagfocus sa tubig na nasa paligid ko. Pero kahit ilang beses ko subukan ay nanatiling di gumagalaw ang tubig. Pataas lang yun ng pataas.
Narinig kong tumawa ang mga halimaw sa taas ko. Halatang nageenjoy pa sila sa ginagawang p**********p sakin.
Nasa baywang ko na ang tubig. Wala na rin akong lakas na tumayo. Napapagod na sumandal ako sa dingding ng Aquarium.
Eto na ba? Dito na ba ko mamamatay?
Alam kong bahagi lang ito ng Test sa Chamber of Trials. Pero ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan ko ay parang totoo. Kaya hindi ko magawang maniwala na hindi totoo ang lahat ng to.
Baka may nangyaring aberya? Kaya imbes na ilusyon eh naging totoo ang lahat ng nangyayari dito?
Naitakip ko sa mukha ko ang mga kamay ko at saka humagulgol.
Please! Tulungan nyo ko. Kahit sino! Pagmamakaawa ko.
Jeanine. Tawag ng isang lalaki sa pangalang ko.
Tinanggal ko ang kamay sa mukha ko at tiningnan ang paligid ko. Tumingala din ako. Pero walang ibang tao maliban sa nasa taas ko. Kung matatawag mo nga silang tao......
Jeanine. Tawag nya ulit sa isip ko.
Nahinto ako sa pagiyak at sinubukang magfocus sa tinig na naririnig ko.
Sino ka?
Ako ang Spirit Element mo. Tawagin mo ko. At iliigtas kita sa kinalalagyan mo.
P-paano?
Tawagin mo ang pangalan ko.
P-pangalan? Anong pangalan mo?
Kilala mo ko Jeanine. Dahil nagkausap na din tayo.
Ha?
Natatandaan ko na ng makausap ko sya noon sa Cruise. Kung saan nahulog kaming lima sa dagat. Sya ang sumagip sa amin. Pinaabot niya sa loob ko ang Link at pinagamit ang kapangyarihan nito para maligtas ang mga kaibigan ko.
Pero hindi ko alam ang pangalan mo nun..... sabi ko sa kanya.
Hindi yun ang unang pagkakataong nagkaharap tayo Jeanine. Alalahanin mo.
Lampas dibdib ko na ang tubig. Medyo nahihirapan narin akong huminga kaya hindi ko na magawang magisip ng maayos.
Saan ko ba sya unang nakilala? Tubig. Alam kong may kinalaman ang tubig sa una naming pagkikita... pero saan? At sino sya?
Nasa leeg ko na ang tubig. Tumitingala na ako para hindi abutin ng tubig ang ilong at bibig ko.
Pilit ko parin inaalala ang pangalan nya ng tuluyang abutin ng tubig ang ulo ko. Nakahigop pa ko ng hangin bago ako tuluyang lumubog sa tubig.
Jeanine! Sigaw niya sa isip ko.
Im sorry..... di ko maalala....
Napapikit ako at hinintay na maubos ang hangin sa katawan ko. Hindi ko rin naman kakayaning lumangoy. Nabale ang paa ko. At mabilis lang na mauubos ang hangin ko pag nagpilit ako.
Mama... papa... sayang hindi ko kayo nakita bago ko pumunta dito. Sana nayakap ko pa kayo ng mahigpit.....
Mga kapatid ko. Sana ay maging normal ang buhay niyo malayo sa ganito...
Tin, Sallie,Teresa, Joie... kung ganito din ang pinagdadaanan nyo sana hindi kayo magaya sakin... sana magtagumpay kayo at mabuhay...
Nanghihinang dumilat ako at nakita ko ang reflection ng mga ilaw sa taas mula sa ilalim ng tubig. Ang light rays sa tubig na umaabot sa kin.... may pinupukaw yun sa alala ko.
Pilit kong dinidilat ang mga mata ko sa kabila ng pagbibigat ng mga yon.
Ang light rays......
Parang naging susi yun at nabuksan ang ilang alaala ko.
Nung five ako.... sa lake malapit sa town house nila lolo... ang paglalaro ko sa tabi nun... ang pagkahulog ko dun... at ang nilalang na nagsagip sa akin. Pero sa alalang yun... iba ang anyo nya... pero natatandaan ko na ngayong ganun parin ang boses niya.....
Ang savior ko.....
...........Irvin.
Kasabay ng mahinang usal ko ng pangalan nya ay ang pagliliwanag ng dibdib ko. Naramdaman ko rin ang pagbabago ng galaw ng tubig. Parang gumalaw iyon paikot sa akin.
At bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman kong nabasag ang Aquarium na kinalalagyan ko.
Kumawala ang tubig sa paligid ko. Napaluhod pa ako sa sahig ng Aquarium. Naramdaman ko ring lumalabas ang tubig na nasa baga ko. Umubo ako at pinuno agad ng hangin ang baga ko.
Ng makakuha ako ng sapat na hangin ay itinaas ko ang ulo ko. Nasa harap ko ang isang bolang asul. Nasa loob nun ang isang mabalahibong nilalang. Unti unting dumilat iyon at tumingin sa akin. Inunat nito ang nakabilog na katawan at naglaho ang bolang nakabalot dito.
Jeanine.
Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. Siya nga yon.. naaalala ko na.
Irvin.
Ilalabas na kita dito.
Sabi nya at nakita kong pumaikot samin ang tubig. Nakita ko rin ang pagyeyelo ng mga halimaw sa taas, bago yun nabasag sa maliliit na piraso. Napapikit ako ng balutin kami ng tuluyan ng tubig.
___________________________