*Rosallie's POV*
Ng makarating ako sa lobby ng dorm ay nakita ko agad sila Teresa at Tin na naguusap. Gaya ko suot narin nila ang mga uniform nila. Magkakapareho ang puting blazer na suot namin. Ganun din ang badge na nakakabit sa kaliwang dibdib namin na syang simbolo ng Academy. Kulay bronze iyon tanda naman ng level namin. Magkaiba naman ang kulay ng skirt at ribbon na nakapaikot sa collar namin. Dun mo naman mahahalata ang element namin.
"Teresa, Tin!" Tawag ko sa kanila. Lumingon naman sila sa akin at kinawayan ako palapit.
"Kamusta? Ano itsura ng Room mo?" Tanong sakin ni Tin.
"Parang katulad din ng sa inyo."
"Talaga? Nakita mo roomate mo?"
"Oo. Nakilala ko na siya." Sabi ko at napangiti ng maalala si Racquel. Nauna na siya sa House of Lumiere. May klase pa daw kasi siya kaya hihintayin nalang daw nya ko sa cafeteria ng school sa lunchbreak.
"Talaga? Ano itsura?"
"Mabait?"
Tanong nilang dalawa. Halatang excited silang makilala si Racky.
Oh diba! Close na kami agad ng roomate ko. May nickname na agad ako sa kanya eh. Hehe
"Kompleto na pala kayo." Sabi ni Mr Daniels ng makalapit saming tatlo. " Let's go. Itutour ko na kayo sa House nyo." Nakangiting sabi niya at nagpatiuna na siyang maglakad patungo sa building ng House of Lumiere. Medyo malapit lang naman iyon di gaya ng Adminiatrator's building na ilang metro pa ang layo.
Magkakasabay kaming naglakad nila Teresa at Tin. Umabreseta pa kami sa isat isa. Halatang kinakabahan din kami. Kaya ayan, kapit-bisig ang drama namin.
Habang papalapit kaming tatlo sa House namin ay papalakas naman ng papalakas ang t***k ng puso ko. Nagpapawis narin ang kamay ko.
At ng sa wakas ay makarating kami sa pinto ng House ay huminto at tumingin sa amin si Mr Daniels, Naamused siya ng makita ang itsura namin.
"Relax. Di naman kayo kakatayin ng mga schoolmate nyo." Sabi niya at binuksan ang malaking pinto. Bahagya pa lang ang pagkakabukas nun ng may marinig kaming nagsigawan.
"Ilag!" Sigaw ng sinuman sa loob.
Nashock kaming tatlo at nanigas sa pagkakatayo ng makitang may mabilis na bolang apoy na lumabas sa pinto at lumipad diretso sa amin.
Mabilis na humarang samin si Mr Daniels at nakita ko ng labasan siya ng puting liwanag kasabay ng pagtama ng bolang apoy sa invincible shield na ginawa nya.
Sumabog iyon ng malakas at gumawa ng malakas na ingay. Naramdaman ko rin ang matinding vibration nun sa hangin.
Halos sakluban din kami ng apoy ng sumabog yun. Mabuti nalang at parang bolang nakapalibot samin ang harang na ginawa ni Mr Daniels.
Nabalutan kami ng makapal na usok gawa ng pagsabog. Ng unti unting mawala ang usok ay nakita kong bukas na ang pinto ng House namin at maraming estudyante ang nasa labas at gulat na nakatingin samin.
Saka ko lang naisipang huminga ulit ng maramdaman kong nanakit ang dibdib ko. Ang tagal ko siguro napigil ang hininga ko kaya parang inaapoy ang dibdib ko. Humugot ako ng sunod sunod at malalalim na hininga.
Napansin kong ganun din sila Teresa at Tin. Parang habol nila ang hininga nila. Namumutla din ang mukha nila. At pupusta ko na ganun din ang kulay ng mukha ko.
Ng makabawi na ang baga ko sa kawalan ng hangin ay saka nagprocess ang utak ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na hawak nila Teresa at Tin sa braso ko. Halos bumaon ang kuko nila sakin.
Nakaramdam din ako ng panlalambot ng tuhod. Para kasing nawala ang dugo sa sistema ko at naipon yun sa puso ko sa sobrang takot.
Mabuti nalang at magkakapit bisig parin kaming tatlo. Nanghihiraman kami ng lakas at binabalanse namin ang isat isa. Kung hindi... malamang na sumalampak na kami kanina pa sa lupa.
Hayayay.... nakakahiyang yun ang first impression nila samin. Weaklings....
Eh sila naman may kasalan ahh!? Batuhin daw ba kami ng bolang apoy! Sinong di magugulat dun?! Sabi ni Mr Daniels di raw sila nangangatay! Yun pala ng tutusta lang!
"Sinong may gawa nun?!" Sigaw ni Mr Daniels. Feeling ko dumagundong ang buong Lumiere sa lakas ng pagkakasigaw niya. O baka kulang parin ng hangin ang utak ko kaya medyo exaggerated ako?.
Kagaya din pala sya ni Headmaster kung magalit. Nakakatakot! Tsk Tsk Tsk. Goodluck sa may kasalanan...
Parang red sea na nahawi ang mga estudyante. Naiwan sa gitna ang dalawang lalaki.
White shirt, white trouser, at white blazer ang suot nila. Ang kaibahan lang, ang isang lalaki ay may green at silver line sa lapel nya at ganun din sa dulo ng sleeves nya. Samantalang red at silver line ang nasa isa. Ang necktie nila ay kakulay ng linya sa suot nila. May silver badge din sila ng Academy sa left chest.
Silver... Advance level? Kaya ganun nalang kalakas ng ibinato nyang apoy samin? Eh pano pa ang nasa Elite level? Halimaw na?
"Gairu! Haru! Come here!" Pasigaw na utos ni Mr Daniels.
Mabilis naman na sumunod ang dalawa. Huminto sila sa harap ni Mr. Daniel.
"Explain yourselves. " Matigas na utos ni Mr. Daniels. Ang kapal ng tensyong bumabalot sa aming lahat. Wala ni isa ang gumagalaw sa pwesto sa takot na mabalingan ng galit ng Head of House namin.
"Sir.. Im sorry sir. Sinubukan ko lang po ang bagong technique na ginawa ko. Pero nagmisbehave iyon kaya kung saan saan napunta." Sabi ng lalaking halatang Fire User.
"Tatamaan po kasi ako kaya ginamit ko ang weapon ko para malihis iyon ng landas. Patatamain ko po sana sa pinto dahil wala namang tao dun. Sakto pong bumukas ang pinto at nandun kayo." Pangangatwiran ng Air user.
Weapon? Asan?! Wala naman akong makitang hawak nya ah.
Huminga ng malalim si Mr Daniels. Halatang nagpipigil ng galit.
"Hindi bat nasa Rules na bawal maglabas ng kapangyarihan pag nasa hallway? Gairu! Kailangan pa ba kitang ibalik sa Novice level para maunawaan mo yun?"
Halatang kinabahan yung Gairu.
Ang taray ng pangalan. Parang anime... siguro Japanese sila? Hmmm... Mukha nga.....
"Sir Im sorry! Di na po mauulit. Wag nyo po akong ibalik sa pagiging Novice... " pagmamakaawa ni Gairu.
Nanahimik saglit si Mr. Daniels. Baka pinagiisipan nya talaga kung ibabalik nya si Gairu sa level namin.
Pigil hiningang hintay naman ni Gairu ang desisyon ni Mr. Daniels.
"Fine. Pero magdededuct ako ng 100 point sa score mo" maya maya ay pasya ni Mr Daniels.
Nanlaki ang singkit na mata ni Gairu." 100 sir?" Di makapaniwalang tanong niya.
Mr Daniels give him a cold stare."Yes. 100. Or you will go back being a novice. Your choice."
Bumagsak ang balikat ni Gairu sa panlulumo. "100 points sir" he said defeated.
"And you Haru. Detention for three days ang 10 points deduction." Baling ni Mr Daniels sa Air user.
Tumango nalang ito at di na umalma.
"Go back to your rooms. All of you!" Maawtoridad na utos ni Mr. Daniels.
Mabilis na nagpulasan ang mga estuduante pabalik sa loob ng House namin. May ilan pa nga akong nakitang nagtutulakan para mabilis na makapasok.
Naiwan kaming tatlo at Mr. Daniels sa labas. Nakatalikod parin samin si Sir. Maya maya ay humarap sya sa amin. Kalmado na ulit.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong niya. Bumukas ang pagaalala sa mukha nya ng makita ang kalagayan naming tatlo.
Ang higpit pa kasi ng pagkakapit bisig namin. Medyo nanginginig ang katawan namin at namumutla ang mga mukha namin.
Dahan dahang tumango kami sa kanya bilang sagot.
"I'm sorry, hindi naman sila laging ganun. Mostly, behave naman sila .May pangilan ngilang insidente...... dahil nagaaral palang kayo ng control siguradong may kakawala at kakawalang kapangyarihan sa inyo. Ngayon lang nangyari ang ganito. Dont worry, once na matutunan niyo gumawa ng sarili nyong harang ay hindi na kayo matatakot sa ganung klaseng atake." Pangungumbinsi nya. Ngumiti pa sya para pakalmahin kami.
Hayyy... ayan nanaman ang ngiti ni sir. Ngiti pa lang ulam na. Hehe
Tumingin sya sa akin at naramdaman kong may lumabas sa kanyang kapangyarihan. Katulad na katulad iyon sa inilabas nya sa Headmaster's Office. Nanatili lang yon umiikot malapit sa amin. Pero hindi niyon sinubukang kumapit sa amin.
Sinalubong ko ang tingin nya. Mukhang binibigyan nya ko ng pagkakataong kilalanin ang intensyon nya. Marahan akong tumango sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.
Dahan dahang lumapit ang kapangyarihan nya sa amin, hanggang sa dumikit iyon sa mga balat namin. Parang inabsorb yun ng katawan namin at naramdaman kong unti unti kaming narelax. Bumabalik na rin sa dati ang lakas ko. At nagkakakulay na ang mukha ko.
Wow.... galing ng power ni Sir. Parang narecharge ulit kami eh.
Ng tuluyan na kaming nakabawi sa panghihina kanina ay nawala na rin ang kapangyarihan nyang bumabalot samin.
"Ayos na ba kayo ngayon?" Tanong ulit nya.
Sa pagkakataon ito ay nagawa na naming magsalita. "Yes sir." Chorus naming tatlo.
"Alright then, pumasok na tayo sa loob. I promise na wala na kayong maeencounter na ganun sa loob." He said.
Gaya kanina nagpatiuna siyang naglakad sa amin. Sumunod naman kaming tatlo. Ng makapasok kami sa loob ay agad nagsalita si Mr.Daniels.
"Sa nakikita nyo.... Ang House of Lumiere ay may pentagon like structure. Magkakadit ang limang building at sa gitna ay ang Circular Tower. One building for each element. Ang Aether class ay nasa Nortwest building, Earth class sa North east building , Water class sa Southeast building , Fire class sa South building , at Air class sa Southwest building. Ang tower sa gitna ay para sa mixed classes nyo. May mga brige din bawat floor na naguugnay sa mga building papunta sa Center tower. Yun ay para di na mahirapan ang mga estudyante from different floors pag may mixed class sila."
Wow! Tiningala ko ang kabuuan ng House namin. Ang ganda! At ang laki! Maging ang tower sa gitna ay sobrang laki! Grabe! Ibang level talaga. Parang parke din ang paligid ng tower. May mga benches dun na pwedeng pagtambayan at puno na pwedeng silungan. Ang pinto na pinasukan namin ay parte naman ng south building.
"Sa first floor ninyo makikita ang Cafeteria, Library, Clinic, at iba pa. Common ground ng mga estudyante ang first floor. Kaya malaya kayong makakapasok sa mga sinabi ko kahit saan pang building nakalagay iyon. Ang second floor ay para sa inyong Novice. Ang third floor para sa Advance at ang fourth floor sa Elite. Gaya ng rules sa dorm, bawal pumunta sa hindi mo floor. Ganun din ang pagpunta sa hindi mo building. Ang fifth at sixth floor naman ay para sa training rooms. Allowed din ang lahat ng estudyante sa mga floor nayun. Naintindihan nyo ba?"
Tumango tango kami.
"Marahil gutom na kayo. Oras na rin naman para pumunta kayo sa Cafeteria. Pakilabas ang Id bracelet niyo."
Itinaas namin ang mga kamay namin kung nasaan ang ID namin. Itinaas din ni Mr Daniels ang kamay niya at inilihis ang sleeve ng coat nya. May pinindot siya sa white bracelet na nandun at narinig naming sabay sabay tumunog at nagvibrate ang suot naming bracelert. Ang dating zero na nakalagay sa gitna, five hundred na ngayon!
"That would be your allowance for this month." Nakangiting sabi ni Mr Daniel.
Five hundred? As in five hundred pesos lang? Sa buong buwan? Hala! At balak pa ata kaming gutumin?!
Mukhang nakita naman ni Mr Daniels ang pagkadismaya namin kaya marahan syang tumawa.
"Iba ang value ng points dito kumpara sa currency nyo sa labas. Don't worry.. makikita nyo rin pagnasa cafeteria na kayo. This way..." naglakad na ulit siya kaya sumunod kami.
Nanatili lang kami sa first floor at tinahak namin ang Norteast building. May pailan ilan na din kaming estudyanteng nakita at lahat sila, magkakaiba man ng kulay ng uniform, ay pumamasok sa isang malaking pinto. Marahil ay iyon na ang sinasabing Cafeteria ni Mr Daniels. Ng malapit na kami doon ay may nakita akong isang babae na naghihintay sa labas ng pinto. Ngumiti siya ng makita rin ako at nagsimulang maglakad papunta sa amin. Kumawala ako sa pagkakaabriseta nila Teresa at sinalubong ang babae.
"Sallie. Buti naman dumating na kayo." Sabi nya.
"Racky. Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ko kay Racquel. Umiling naman siya bilang sagot.
"Hindi naman. Kararating ko lang din." Sabi nya at tiningnan ang mga kaibigan ko.
"Oo nga pala, sila Teresa at Christine. Mga kaibigan ko. Guys, si Racquel, aka Racky, roommate ko." Pakilala ko sa kanila.
"Nice to meet you" nakangiting bati nila Teresa at Tin. Aabutin sana nila ang kamay ni Racquel para kamayan pero biglang umatras si Racky. Kumunot ang noo nung dalawa at nagtatakang tiningnan nila si Racky.
"Nice to meet you too." Sabi ni Racky at bahagyang yumuko. "Pasensya na. Ang special ability ko kasi....is to inflict pain. kaya di ako basta humahawak kung kanikanino. Medyo unstable pa kasi ang ability ko. Sorry ulit."
Halatang nagulat ang mga kaibigan ko. Bahagya pang tinago ni Tin ang mga kamay sa likod niya palayo kay Racky. Alanganing ngumiti din sila.
"Ganun ba? Ok lang yun. No harm done." Sabi ni Teresa.
"Oo nga" pagsangayon naman ni Tin.
Medyo awkward na ang katahimikan pagkatapos. Buti nalang at nagsalita si Mr. Daniels.
"Tutal nandito na si Racquel, sa kanya ko nalang kayo iiwan para maglunch. Pwede nyo rin itour ang first floor. Pero pagdating ng alas tres ng hapon kailangang bumalik kayo sa pinto ng House. Ipapakilala ko sa inyo ang magiging Mentor nyo. " sabi samin ni Mr Daniels.
"Yes Sir" sagot namin.
Bumaling sya kay Racquel at nagbilin. "Ikaw na ang bahala sa kanila. Assist them. Mas maganda kung ipakikilala mo sila sa Roommate nila."
Tumango si Racky. "Yes sir. Ako na pong bahala." Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni Mr. Daniels.
"Tara na. Pasok na tayo" yaya ni Racky.
Kinakabahang sinundan namin sya papasok ng Cafeteria. Parang tipikal na Cafeteria lang ang itsura ng silid. Malawak yun at may mga pahabang mesa para sa mga estudyante. Pero parang nasa ekslusibong paaralan ang dating lalo na ang floor to ceiling glass window nila kung saan makikita ang isang napakagandang hardin sa labas.
Punong puno ang Cafeteria. Nagsama sama ang lahat ng estudyante from different buildings. May mga grupo na nanggaling sa iisang element. Meron naman na nanggaling sa iba't ibang element. Lahat sila masaya at maingay na nagkwekwentuhan.
Iginiya kami ni Racky sa pila ng mga pagkain. May pangilan ngilang nakatingin sa grupo namin habang naglalakad kami. Siguro napansin nilang bago kami sa Academy. Mas naging curious sila ng makitang kasama namin ang roommate ko.
Napansin ko rin na pinangingilagan si Racky ng mga estudyante. Kung todo iwas kasi sila sa daraanan niya. Takot siguro ang mga itong madikit sa kanya at masampolan ng ability niya.
Di ko pa naman nakikita in action ang ability ni Racky. Pero kung ang pagiwas sa kanya ng mga schoolmate namin ang pagbabasehan, malamang na matindi nga ang pain na ibinibigay nya.
Ng marating namin ang pila ay nakita namin ang menu. Tama nga si Mr Daniels. Iba ang value ng points dito. Ang isang simple at complete meal kasi ay four points lang ang halaga. Ang pinaka malaking points na nandun ay ten points. Parang pagkain sa isang five star hotel ang itsura.
Ng makarating kami sa cashier ay hiningi nila ang ID bracelet namin. Ng itaas namin iyon ay may idinikit sila na parang code reader sa mga supermarket. Tumunog ang bracelet namin at nakita naming nabawasan nga ang points na binigay samin kanina ni Mr Daniels. Taray! High Tech talaga! Ng matapos kaming lahat na magbayad ay saka kami naghanap ng mauupuan.
"Ang mga mesang nasa kanan at may gold lining sa linen ay para sa Elites, ang may silver ay sa Advance at ang may bronze ang pwede lang nating upuan." Paliwanag pa ni Racky.
Grabe naman ang school na to! Ang higpit pagdating sa hierarchy ng mga estudyante! Daig pa military school eh...
Napalabi ako ng makitang ang pwede lang namin maupuan ay bandang kaliwa ng silid. Sa kanan kasi ang mga Elites. Malapit sa glass window ang mesa nila kaya maganda ang view. Sa gitna naman ang mga Advance. Maganda rin ang pwesto nila kasi nakikita parin naman nila ang view sa labas. Samantalang kami.. dingding ang katabi... haissttt... ganyan talaga.....
Ng makaupo kami ay agad akong nakaramdam ng gutom. Kelan ba ko huling kumain? Kahapon pa ata yun ah. Nakita ko ring mabilis na kumain sila Teresa at Tin pagkaupo nila kaya maganang sinabayan ko rin sila.
Wala kaming imikan habang kumakain. Ganun kami pag gutom na gutom. Pagkain muna bago usap. Hehe
"Racky, allowed pala ang pets dito." Tanong ko maya maya kay Racky. May mga pusa, aso, ibon, at kung ano ano pa kong hayop na nakikita dito. Cafeteria /zoo ata to eh.
Tumingin sya sa akin at sinundan ang tingin ko. "Nope." Sagot nya at sumubo ng pagkain.
"Eh ano yang mga yan? Multo?" Turo ko pa sa mga hayop malapit samin.
"Spirits" sagot nya. Ang tipid naman sumagot ng isang to oh.
"Spirit? As in Element Spirits?" Tanong ko ng maalala ko ang sinabi ng Headmaster.
"Yup. Yan ang physical form nila." Sagot nya.
Napanganga ako sa kanya. Ganun din sila Tin at Teresa. Nakalimutan na namin ng pagkain sa harap namin at manghang tiningnan ang mga hayop sa paligid.
Lahat sila ang kucute! Tapos lagi nga silang nakadikit sa isang estudyante. Kinakausap pa sila ng mga may-ari sa kanila!
Ayyyiiieeee......Gusto ko nun!
Bumaling ako kay Racquel. "Eh asan ang Spirit mo?"
Tinaas niya ang kamay niya at ipinakita ang singsing nya. Wow diamond ring! Enganged na si Racky? Teka! Di naman yun tinatanong ko ah!
"Ayan ang Spirit ko. May kakayanan din kasi silang maging accessories kung gugustuhin nila."
Wow! Astig!
"Patingin ng animal form nya" excited na sabi ni Teresa. Excited din kaming tumingin ni Tin sa singsing nya.
Nagkibit balikat sya. "Hindii pwede. Tulog sya eh".
"Ganun? Sayang naman." Disappointed na sabi ko. Mukhang ganun din sila Teresa at Tin.
Ng matapos kami sa pagkain Ay napansin naming maraming estudyante na ang lumalabas sa Cafeteria. Ang iba mukha pang excited.
Ganun sila ka eager magaral sa school na to? Ayus ah...
"Saan sila pupunta?" Narinig kong tanong ni Tin.
"Sa field. May Party Duel kasi ngayon" walang ganang sagot ni Racky. Parang inaantok pa nga siyang makapangalumbaba sa mesa.
"Party Duel? Ano yun?" Tanong ko. Maging sila Teresa napatitig din sa kanya.
"Duwelo ng magkakagrupo" sagot naman ni Racky.
Nice! Parang tinagalog lang nya. Not in exact words. Pero halos ganun din ang meaning.
Bumuntong hininga sya ng makita ang naguguluhan paring ekspresyon namin.
"Tara sa labas. Panoorin nyo nalang." Sabi niya at tinatamad na tumayo.
Nagmamadali naman kaming sumunod sa kanya palabas ng Cafeteria. Dumiretso rin siya sa labas ng House namin at tumuloy tuloy sa pathway papunta ng Admimistrator's building.
May ilang estudyante rin kaming nakakasabay. Lahat sila mukhang excited sa magaganap.
Lumampas kami ng Administrator's building at tinungo ang malawak na field sa kaliwang bahagi ng Academy.
May ibang estudyante na rin akong nakita na galing sa kabilang House.
Ang cute ng uniform nila! All black sa mga lalake maliban sa nectie nila at line sa lapel ng blazer nila. Ganun din sa mga babae. Black ang blazer nila at ang palda at ribon nila ay kulay ng element nila. May parehong badges sila gaya namin. Karamihan bronze at Silver. Bihira ang Gold. Parang sa House din namin.. konti lang ang nakita kong Elites.
Namangha ako ng marating namin ang open field. Grabe! Ang dami palang estudyante ng Academy. Halos lahat ata sila nandito ah.. nandito din kaya sila Joie at Jeanine?
Ang mga taga Lumiere ay nakapwesto sa kanan at sa kaliwa naman ang taga Nacht. Bitbit din nila ang mga Spirit nila.
Cute! Parang stufftoy lang ang iba kung bitbitin.. hehe
Ng makarating kami sa umpukan ng mga estudyante ay halos di ko na makita ang field. Ang tatangkad kasi ng nasa harap ko! Ano ba yan!
Napalabi ako at tumingin kay Racky. Kumunot pa ang noo ko ng makitang nanatili lang sya sa lugar na malayo sa mga estudyante. Ayaw nya siguro makasakit ng hindi sinasadya.
Ng tumingin sya sa akin ay nakita ko syang umiling. Pagkatapos ay nagsimulang lumapit. Napatingin din sina Teresa at Tin sa kanya at kasama kong naghintay.
"Isigaw mo ang pangalan ko" tinatamad na utos nya sakin.
I frowned at her. "Ha?"
"Gusto mong makita ang field diba.? Then shout my name."
Naguluhan ako sa sinabi nya. Ano daw?
Nanatili akong tahimik na nakatingin sa kanya. Parang inaantok talaga sya sa pungay ng mga mata niya. Nakakain lang ganito na ang isang to..... kung ano ano ang iniisip.
"Isisigaw lang pala eh. Ako na." Prisinta ni Tin. She cleared her throat and shout as loud as she can. "Racquel!!!!!!!!!!!"
Natahimik ang buong field. Pagkatapos ay lahat sila napatingin sa gawi namin.
Dyahe!! Sin Tin talaga! kakahiya! Please ground. Open up and swallow me! Please... maalis lang sa tingin ng mga estudyante to.
Mukhang nahiya rin naman si Tin. Tumikhim sya at pasimpleng nagtago sa likod ni Teresa. Namumula naman sa hiya ang mukha ni Teresa. At pilit niyang hinihila si Tin paalis sa likod niya. Kung hindi lang ako nahihiya ngayon, matatawa ako sa kanila.
Lumipat ang tingin ng mga estudyante kay Racquel. Mukhang yun lang ang hinihintay niya at diretso siyang naglakad papunta sa harapan. Inabot pa nya ang kamay ko na kinagulat ng mga estudyanteng nakakita. Hinila nya ko papunta sa harap. Hinila ko naman si Teresa at hinila nya si Tin. Lahat ng estudyante mapaNovice man o Advance ay umiwas kay Racky. At dahil nasa likod nya kami damay kami sa pagiwas nila. Hahaha.
Ayos! Ganda kasama ni Racquel! Instant VIP.
Binitawan nya lang ang kamay ko ng nasa harapan na kami. Di naman umalma ang mga estudyante sa likod namin.
Ha! Takot lang nila kay Racky. Hehe! Love you na racky! Haha
Ng ibaling ko ang tingin ko sa field ay nakita kong may dalawang grupo ng estudyante sa gitna.
White and Black. Lumiere at Nacht. Tiglima bawat isa. Puro lalaki. Nakita ko rin sila Ms Hale at ibang kasama niya na nasa field. Lahat sila..... nakatingin samin. Naagaw siguro namin ang pansin nila sa ginawa ni Tin.
Kahiya talaga! Tin kasi eh!
Nakita kong nakangiting umiling si Ms Hale at mga kasama nya ng makita kami bago bumaling sa dalawang grupo sa gitna.
May sinasabi sya sa kanila at dahil masyado silang malayo samin ay hindi ko marinig ang ano mang pinaliliwanag nya.
"Sa House natin sila Tyrone Sy, Sean collins, Yael St James, Gairu Mikazucho, at Clyde Salcedo ang lalaban. Tatlo ang Elites at dalawa ang Advance." Paliwanag ni Racky. "Sa kabilang House naman, sila Kayden Fiore, Jared Pearson, Marvin Sinclair, Jeric fuentes at Flynn Hernandez. Three Elites, Two Advance."
Ahh.. mukha namang patas. Hehe.. at tingnan mo nga naman.. yung muntik nang tumusta samin kanina eh kasali pala. Siguro yung technique na sinasabi nya kanina para yun sa laban na to.
Isip ko at pagkatapos ay bigla akong kinabahan.
Eh ang lakas na nya kanina ah! Safe bang manood kami sa labanan nila? Baka matamaan lami ng power nila!
Tiningnan ko ang bawat grupo. Ilan sa kanila mukhang seryoso sa laban. Ang iba naman mukhang bored na. Nakita ko rin ang mga Element Spirit nila. May wolf, fox, eagle at kung ano ano pa ang nakadikit sa kanila.
Mukhang may tinawag si Ms Hale dahil may dalawang lumapit sa kanya sa gitna. Tig isa sa bawat House.
"Their leaders. Kaeden Fiore, Nacht at Tyrone Sy, Lumiere " bulong ni Racquel.
Pakapal ng pakapal ang tensyon naming nanunuod. Halatang kilala ang dalawa sa magkabilang House. May mga nagchicheer pa nga para sa kanila.
"Go Tyrone! Itayo mo ang bandila ng House natin!"
"Kaeden, my loves! Sunugin mo silang lahat!"
"Go House of Nacht!"
"Go House of Lumiere!"
"Kaeden! Defeat those weaklings!"
"Tyrone! Wala lang.... I love you!
Naiiling nalang ako sa kanila. Paano ba naman ....ang iba puro kalokohan ang isinisigaw. Pero kahit ganun. Ramdam mo ang tensyon sa pagitan ng dalawang House. Baka mamaya magaway to bigla ah!
Dumako ang tingin ko sa Leader ng Nacht. Ang gwapo niya! Hindi na nakapagtatakang ang dami niyang fans.
Naramdaman nya siguro ang lagkit ng pagkakatingin ko kaya tumingin sya sa gawi ko.
At ganun nalang ang pagkabog ng dibdib ko ng magtagpo ang mga mata namin. Napahugot din ako ng hininga.
Bumilis ang t***k ng puso ko at parang bumagal ang takbo ng oras sa paligid ko. Unti unti ring nawala ang mga tao sa tabi ko at parang napunta kami sa isang lugar na walang tao. Siya at ako lang. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya kahit anong gawin ko. At habang tumatagal ay palakas parin ng palakas ang t***k ng puso ko. Para na yung sasabog sa loob.
Anong ginagawa nya sakin?
He frowned at me for a moment. Pagkatapos ay sinuri nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa.
Hala! Ayos ba uniform?! Marumi ba? Oh my gosh! Ano ba to.....Aisshhh! Bakit ba ko kinakabahan sa kanya. At ano pakialam ko kung ano man tingin nya sa kin. Duh! Relax Sallie! Focus, alisin mo ang pagkakatitig mo sa kanya!
He keep staring at me. At ang intense ng mga mata nya. Parang tumatagos yun hanggang kaluluwa ko. Naramdaman kong pinanghihinaan narin ako ng tuhod hanggang sa siya na mismo ang umiwas ng tingin sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng maputol ang pagtititigan namin. Mukhang tinawag sya ni Ms Hale dahil nakita kong kinakausap na siya nito.
Nanumbalik ang maraming tao sa paligid namin at bumalik din sa dati ang oras. Pero patuloy parin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Kinakapos parin ako ng hininga.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Racquel. Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin.
"O-oo naman." Sagot ko at pilit pinabagal ang paghinga ko. Tumingin ako sa field ng makita kong bumalik na ang mga leader sa grupo nila. Mukhang magsisimula na ang laban.
Lumapit sila Ms Hale sa bawat kasali ng Duel. Nakita kong naglabas ng shield ang bawat isa sa kanila. Naglabas din ng liwanag sila Ms Hale at idinikit sa shield ng bawat isa. Parang rope of light ang idinikit nila at nakakonekta yun mismo kela Ms Hale. Maya maya pa ay naging invinsible na ang harang na ginawa ng mga kasali. Ganun din ang liwanag na nakadikit sa kanila.
"Shielding. Bawat kasali sa duel dapat maglabas ng ganun. Oras na mabasag ang shield mo. Tanggal at talo ka na sa laban. Ang ikinabit nila Ms Hale ang paraan nila para malaman kung nabasag na ba ang harang mo at maialis ka na nila sa battle field. Naturally dalawa ang shield na ginagawa. Ang outer shield ay kina-cast ng mga Aether user at ang inner shield ay ang nakita mo kanina." Paliwanag ni Racky. Buti nalang nandito sya. May taga paliwanag kami.
Lumapit samin sila Ms Hale at sabay sabay nilang itinaas ang mga kamay. May lumabas doong liwanag. Nagmerge ang mga liwanag nila at bumuo iyon ng malaking harang. Nasa loob ng harang na ginawa nila ang dalawang grupo.
Maya maya ay may lumabas na numero na gawa sa apoy sa taas ng battle field. Eto na.....
Five... four... three... two... one...
Parepareho silang nilabasan ng Flare. Nangibabaw ang puting liwanag na nanggaling sa magkalabang Aether User. Bumalot yon sa mga kakampi nila.
Yun siguro ang outer shield.
Sabay sabay silang kumilos. Nanlaki pa ang mga mata ko ng magbago ang anyo ng mga Element Spirit nila! May naging sword, bow, spear, at dagger.
Unang nagbato ng kapangyarihan si Gairu. Tama nga ko. Ganung ganun ang tumama samin kanina. Binato nya ng malaking bolang apoy ang mga taga Nacht.
Mabilis naman na kumalat ang kabilang grupo kaya nagawa nilang mailagan ang ibinato ni Gairu. Tumama iyon sa lupa at sumabog ng malakas.
Napahugot kami ng hininga ng makitang nag-iwan yun ng malaking crate sa lupa.
Anong.....?! Balak ba nyang patayin ang mga kalaban nya?!
Gumanti naman ang taga Nacht. Nakita kong itinurok ng isa sa kanila ang sword niya sa lupa. Gumawa iyon ng lindol na yumanig sa buong field. Napakapit pa ko kay Teresa para hindi matumba. Nakita kong may c***k na lumabas sa lupang pinagtarakan nya ng espada at mabilis na pumunta sa bahagi kung nasaan ang mga taga Lumiere. Umiwas ang mga taga House ko pero nabigla sila ng biglang may lumabas na malalaking spike sa lupa. Halos sabay sabay silang tumalon ng mataas. Pero nagawa paring madaplisan ng atake ng kabila ang isa samin, mabuti nalang at ginamit nya ang weapon nya para masangga ang lupa. Pero dahil sa ginawa niya ay hindi niya nakita ang sumunod na atake ng kalaban.
Napasigaw kami ng makitang tatamaan siya ng ball of wind galing sa kabilang House. Nasa ere palang sya kaya hindi nya magagawang iwasan ang atake ng kalaban.
Pigil hininga nalang naming hinintay ang pagtama nun sa katawan nya. Pero nabigla kaming lahat ng may pader na gawa sa yelo ang humarang sa harap nya at dun tumama ang bola ng hangin. Nabasag ang yelo kasabay ng pagsabog din ng atake ng kalaban.
Nakahinga kami ng maluwag ng ligtas syang makababa. Pagkatapos ay dinaluhan siya agad ng mga kasama nya.
"Whoa! Muntik na! Buti nalang nandyan si Tyrone." Sabi ng lalaki sa likod ko.
"Langya si Jared! Ngayon ko lang nakita ang Technique na yun ah! Halos sirain nya ang field eh." Sabi pa ng isa.
So Tyrone pala pangalan nung Leader namin. Sya rin ang gumawa ng wall of ice na nagligtas sa kasama nya kanina. At yung Jared ang gumawa ng lindol at halos sirain ang field.
Pareho silang may Gold line sa damit at Gold badge sa kaliwang dibdib. Elites.
Halimaw nga ang mga to! Kakatakot! pag sila siguro nakaharap ko magbibigti nalang ako. Tutal ganun din yun eh. Patay din ako sa kanila.
Tumigil ang pagatake ng magkabilang grupo. Pareho nilang pinagaaralan ng tahimik ang mga kalaban.
Tahimik din kaming nanonood sa kanila. Halos hindi na ko makahinga sa sobrang excitement.
Maya maya ay nagsama sama ang mga taga House of Nacht. Ginaya din ng House namin ang ginawa nila. Mukhang nasa attack mode ang Nacht at defense mode naman ang Lumiere.
Nanlaki ang mata ko ng maglabas ng malaking bola ng tubig ang isa sa mga kalaban. Ang laki nun! Sobra! Pagkatapos ay ibinato nya yun sa taga Lumiere.
Nagbato rin ng kapangyarihan si Tyrone. Maliit lang yun kumpara sa ibinato ng kalaban. Pero laking gulat ko ng tumama iyon sa bola ng tubig. Napahinto kasi ang ball of water sa pagkilos at nagyelo.
Magbubunyi na sana kaming mga taga House of Lumiere ng biglang may malaking apoy na tumama sa bolang yelo at sumabog iyon! Lumikha iyon ng makapal na mist at tinakpan nun ang loob ng harang na ginawa nila Ms Hale.
May ilang minuto kaming halos walang makita. Pilit kong inaaninag kung ano ang nangyayari sa loob,pero wala talaga akong makita sa kapal ng mist.
Lumipas pa ang ilang minuto bago unti unting nawala ang mist. At ganun na lang ang pagkagulat ko sa nakita ko. Natuptop ko ang bibig ko ng makitang naglalaban na ng one on one ang mga estudyante sa loob.
Marahil ay ginamit ng mga taga Nacht ang mist para guluhin at paghiwahiwalayin ang taga Lumiere. Para malabanan nila ito ng harapan.
Sword against sword, spear against spear at daggers against dagers ang labanan. Habang ang dalawang may bow ay pilit pinatatamaan ang isat isa.
Nakita ko si Tyrone na nakikipaglaban kay Kaeden. Bakas sa mukha niya ang pagod. At mukhang sinasamantala yun ni Kaeden.
Nagliyab ang espada ni Kaeden at sunod sunod nyang inatake si Tyrone. Pinilit naman makasabay ni Tyrone. Naglabas pa sya ng ice shield para sanggain ang ilang atake ni Kaeden. Pero masyadong malakas si Kaeden sa kanya. Nabasag ang ice shield na ginawa nya at napatumba sya ng mapatid sa nakausling bato sa likod nya.
Bumagsak sya sa lupa. Ginamit naman iyong momentum ni Kaeden. Itinaas nya ang espada nya at naglabas yun ng napakalaking apoy!
Halos hindi na ko humihinga ng ibaba nya ang kamay nya at atakihin si Tyrone. Agad na lumabas ang outer shield ni Tyrone pero madali lang yung nabasag ni Kaeden. Nakita ko ring lumabas ang inner shield ni Tyrone para protektahan sya. Ang akala ko ay mabilis ding mababasag yun ni Kaeden. Pero nanatiling buo ang shield ng tumama ang espada niya roon. Nilalabanan nun ang atake niya at iniligtas si Tyrone.
Nagdagdag ng kapangyarihan si Kaeden at dun ko nakitang nagkalamat ang shield ni Tyrone. Mababasag na yun!
"Kaeden enough!" Sigaw ni Ms Hale. "Tyrone is out!"
Itinigil naman ni Kaeden ang pagatake. Nawala ang apoy sa espada nya at binawi nya yun mula sa shield ni Tyrone. Dumiretso sya ng tayo. He looked down at Tyrone and said something.
Hindi ko narinig ang sinabi nya dahil sa inggay ng naglalaban paring mga kasama nila. Pagkatapos ay tinalikuran nya si Tyrone. Hinarap nya ang iba pang manlalaro.
Hindi na patas ang laban. Apat nalang sa House namin at lima pa sa kanila. Pero imbes na tulungan ni Kaeden ang mga kasama nya tahimik na nanood lang sya.
Mukha namang hindi na kailangan ng tulong ng mga kasama nya. Dahil unti unting bumagsak ang mga iba pang kasama ng House namin.
Ganun din ang ginawa ng mga taga House of Nacht. Inatake nila ang mga kasama ni Tyrone hanggang sa mabasag ang Outer at Inner shield nila.
Sa huli... House of Nacht ang tinanghal na panalo.
Nakabibinging hiyawan ang narinig namin mula sa lahat ng estudyante ng House of Nacht. Dismayado naman kaming mga taga House of Lumiere.
"Wooooohh! Galing mo Kaeden!"
"You're the best, Kaeden!"
"Jared! I Love you!"
"Marvin! Idol!"
Sila na masaya!..... hehe bitter lang? Eh kasi naman... kawawa naman sila Tyrone oh! Haissstt....
Nakita kong dinaluhan nila Ms Hale sila Tyrone pagkaalis ng harang. Siguro ay sinisigurado nila na wala talagang nasaktan.
Ng balingan ko ang victors ng House of Nacht ay halos lumundag ang puso ko palabas ng dibdib ko. Paano ba naman... si Kaeden... nakatingin sya sakin!
Oy teka! Wag pilengera.. baka di naman ako tinitingnan niya. Baka yung tao sa likod.
Lumingon pa ko para tingnan ang nasa likod ko. Puros lalaki. Suguro naman hindi iyon ang tinitingnan nya diba?
Pasimple ulit akong tumingin sa kanya. Nakita ko syang kausap na ng mga kasama nya. Kahit sila na ang nagwagi eh nanatiling tahimik at di ngumingiti ang mga kasama nya. Ganun din sya.
Napabaling ako kay Teresa ng hatakin nya ang kamay ko. "Halika na Sallie. Magaalastres na. Kailangan na nating bumalik sa House of Lumiere para makilala ang mentor natin. Bilis!"
Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Kaeden. Kausap na ito ng kasama ni Ms Hale. Napapaligiran narin siya ng mga taga House nya.
See you when I see you Kaeden. Bulong ko nalang sa isip.
Para namang narinig nya yun at lumingon sya. Pero bago pa ulit magtagpo ang mga mata namin ay mabilis akong tumalikod sa kanya at hinila na sila Teresa pabalik ng House of Lumiere.
_______________________