House of Lumiere Part 1

4563 Words
*Headmaster's POV* Hindi ko inalis ang pagkakatingin ko kay Rosallie hanggang sa tuluyan syang makalabas ng silid. Sumunod sa kanya sila Matt at Jason. Ng sumara ang pinto ay agad kong tinawag ang limang alumni na kasamang dumating ng mga bagong estudyante dito sa Academy. Di nagtagal ay nay kumatok sa pinto. Come in. Sabi ko sa isip. Bumukas iyon at pumasok sila Allison Hale, Daemon Moore, Christoffe James, Cassie Leigh at Adam Blake. Silang lima ang naatasan kong sumuri sa mga posibleng estudyante na nasa labas ng Academy. At sa pagkakataong ito, hindi sila umuwing bigo. "Headmaster." Sabay sabay nilang sabi at bahagyang yumuko. Magkakahilerang nakatayo sila ilang hakbang mula sa akin, I nod at them. "Please have a seat." Sabi ko at iminuwestra ang mga upuan sa harap ng aking mesa. Tahimik na sumunod sila sa utos ko. Naamused pa ko ng makita ang pagkakaayos ng upo nila. Mga taga House Lumiere sa kanan at House of Nacht sa kaliwa. Old habits never die. I bet na hindi rin nila napansin ang ginawa nila at unconscious ang pagpili nila ng taong tatabihan nila. Ang lakas parin ng loyalty nila sa mga Houses nila. At kahit Alumni na sila ay nananatili parin silang sumusunod sa oagkakahati ng Academy. "Headmaster? Ano po ang tingin ninyo? Ano po ang lagay nilang lima?" Tanong ni Allison na nakapagpabalik ng isip ko sa talagay pakay ng usapan. Ng dumating sila kanina ay inihatid nila at iniwang naghihintay ang mga bagong estudyante dito sa Office ko. Pagkatapos at pinuntahan nila ako sa kabilang silid na nagsisilbing Conference Room. Doon ay ay ikinuwento nila sa akin ang mga nangyari mula ng makita nila ang limang estudyante hanggang sa nangyari sa sasakyan habang nasa daan sila. Sumandal ako sa upuan ko at tiningnan siya. "Hindi ko nakita ang sinasabi mong simbolo kay Rosallie. Pero nakita ko kung paano nila hindi makontrol ang kapangyarihan nila." "Naramdaman din po naming lima ang kapangyarihan nila sa kabilang kwarto. Pero agad ding nawala iyun." Nagtatakang sabi ni Allison. Nagtanguan naman ang mga kasama niya. "Yun ay dahil nagawang pakalmahin ng kaunti ni Matt si Teresa... Bago ginamit ni Rosallie ang kapangyarihan nya para labanan naman si Matt." Sabi ko. Bumakas ang pagkagulat sa mga mukha nila. "Tsk tsk tsk. Silang dalawa na nanaman? Ano na naman ang ginawa nila?" Umiiling na sabi ni Adam. "It seems to me.... Na silang dalawa ang pinakaunstable sa ngayon. Kay Teresa..... Talagang expected na ang ganun. Fire User sya, kaya mas agressibo ang element niya. Maprovoke lang siya ay siguradong lalabas ang kapangyarihan niya. Ang hindi lang natin inexpect ay ang lakas niya. Tiyak na kailangan ng puspusang training para magkaroon sya ng complete control sa kapangyarihan niya." Nagtanguan silang lima bilang pagsangayon. "And for Rosallie.... Sa tingin ko ay kabaliktaran sya ni Teresa." Sabi ko at hinintay ang reaksyon nilang lima. Kumunot agad ang noo nila Cassie, Christoffe at Adam. Tahimik na tumingin lang sa akin Daemon, na para bang alam na niya ang sasabihin ko. Habang marahan namang tumango si Allison. "Anong ibog niyong sabihin, Headmaster?" Takang tanong ni Adam. "Sa tingin ko.. Mas may kontrol na sya sa Element niya kumpara kay Teresa. O di kaya..... Sa kanilang lima. Nakita ko kung paano nya gamitin ang ability niya ng hindi lumalabas ang natural Flare ng kapangyarihan niya. Mabilis niyang ginamit ang ability nya para protektahan ang mga kaibigan niya. Ang problema lang ay hindi niya kayang ichannel yun ng maigi kaya nahihirapan ang katawan niyang sumabay." "Hindi siya nilabasan ng Flare? Paano? Eh untrained siya?" Naguguluhang tanong ni Cassie. "Baka may kinalaman ang Element Spirit niya. Bahagyang gising na yun kaya siguro nagagabayan na sya nito. O di kaya mas nasanay na siyang manipulahin ang kapangyarihan niya ng hindi masyadong humihigop ng kapangyarihan sa link at gamitin lang ang reserve power sa life force niya. Lumalabas lang naman ang Flare kapag bukas ang pinto ng kapangyarihan natin at humihigop tayo ng lakas mula roon." Paliwanag ni Allison. Tumango tango ako sa sinabi niya. Posible ngang may kinalaman ang Spirit ni Rosallie sa antas ng kontrol niya. "Pero paramapigil si Mr Daniel sa paggamit ng kapangyarihan... Hindi ba dapat malakas ang reserved power ang kailangan? Limitado lang ang reserved power naming nasa apat na elemento, pero kayong mga Aether User, mas malaki iyon. Sapat na ba yun para malabanan niya si Mr. Daniels?" Nagdududang tanong ni Christoffe. "Bahagya lang naman ang laki ng reserved power namin kumpara sa inyo. At saka... Hindi naman intensyong saktan ni Mr. Daniels silang lima. Kaya mahinang kapangyarihan lang ang ginamit niya. Yun siguro ang dahilan kaya nagawang labanan ni Rosallie si Mr. Daniels." Pangangatwiran ni Allison. Mukhang hindi pa din kumbinsido ang apat. "At isa pa.... She's over protective sa mga kaibigan niya. Kaya ganun ang naging reaksyon niya." Dagdag pa niya. "Which is a good trait para sa mga katulad niyang Aether User. Tama ba ko?" Tanong ko sa kanya. "Yes, Headmaster." Nakangiting sagot niya. "To tell you honestly, sa nakita kong ginawa niya kanina. Halos maextinguish ang life force niya. Ni hindi niya naisip na humatak sa link. Nakafocus lang siya sa pagpapanatili ng shield na ginawa niya. Her instinct told her to protect her friends at all cost. Hindi niya inisip ang sarili niya. Yun ang sa tinginkong kailangan nating baguhin sa kanya. Kailangan niyang matutunang protektahan muna ang sarili niya bago ang ibang tao." Nawala ang ngiti ni Allison at bahagyang sumeryoso. "Yes, Headmaster." Pagsangayon nilang lima. "Then... I leave those five to all of you. Kayo ang magiging mentor nila hanggang hindi nagiging stable ang mga kapangyarihan nila. Daemon, ikaw kay Teresa. Christoffe, kay Joie. Cassie kay Jeanine, at Adam kay Christine." Sabi ko at bumaling kay Allison. "And I assume that Rosallie will be my charge?" Tanong ni Allison. Umiling ako. "No. Send Christian to teach her. May iba akong ipapagawa sayo. Pero sa nagyon, kailangan kong umalis sa Academy. Pagbalik ko... Saka tayo maguusap." Sabi ko. Tumango silang lima. Pagkatapos ay nagusap na kami sa ibang bagay na nasagap nila sa labas ng Academy. Maya maya ay tumayo na sila at nagpaalam. Napahinto si Allison at tumingin sa akin ng tawagin ko siya. "Nasa kabilang silid lang sila. Puntahan mo muna. Tingnan mo ang lagay ni Risallie. I want to make sure that she's ok before touring her around the Academy." "Yes, Headmaster." Sagot niya at lumabas na. Ng makalabas silang lahat ay tumayo ako at tinungo ang bintana. Natatanawan ko dun ang malawak na field na ginawang training ground ng mga estudyante. A symbol? Hindi kaya....... Napailing ako sa iniisip ko. Imposible. It's just a myth. At kahit kailan ay hindi pa yun napatunayan ng mga naunang Headmaster sa akin. Kaya paanong..... I sighed and looked at the students training on the ground. I need to know the truth, dahil kung totoo ang sinabi nila Allison. Then those five........ Lumingon ako sa watawat na sagisag ng Academy at pinakatitigan ang simbolong naroon. Then those five... Are the main reason why the Academy exist. ____________________________ *Someone's POV* Nahinto ako sa pagbabasa ng maramdaman ko ang presensya niya. Ngumiti ako at tumingi sa direksyong pinanggalingan nun. Finally! She's here! Ang tagal kong hinintay ang makita siya. Sa wakas..... Tumayo ako mula sa bench na inuupuan ko at nagsimulang maglakad patungo sa lugar kung nasaan siya. Nakarating ako sa pathway papunta sa dirm ng mga taga House of Lumiere. Of course! Yun ang magiging House niya. Inexpect ko na yun. Nang makita ko ang grupo nila na naglalakad papalapit ay mabilis akong nagtago sa likod ng puno at mga halaman. Bahagya akong sumilip para muli siyang tingnan. There she is! Lumaki ang pagkakangiti ko ng makita ko siya. Nakauniform siya ng ibang school. Katulad ng dalawang kasama niya. Ito ang unang beses na nakita ko ang talagang itsura niya. Pero hindi ko maipagkakamali sa iba ang presensya niya. Nagiisa lang iyon. At kahit pinapaligiran pa siya ng maraming Elemental ay makikilala at makikilala ko pa rin siya. Sa wakas.... Andito ka na. Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng pagdating nila. Siguradong alam narin yun ng iba. At alam kong magsisimula na ring kumilos ang mga ito. Sandali nalang.... Magsisimula na. Siguraduhin mong magiging malakas ka... Kung hindi, siguradong mawawala sayo ang lahat.hintayin mo ko. Magkakaharap na din tayo. Maya maya pa ay bigla siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa gawi ko. Mabilisakong nagkubli sa punong pinagtataguan ko. Inilabas ko rin ang Special ability ko para takpan ang presensya ko. Kung ganun, nararamdaman mo rin pala ako. Magaling...... Narinig kong tinawag siya ng Head of House niya. May ilang segundo rin bago ko narinig ang mga yabag nila na nagpatuloy sa pathway papuntang House of Lumiere. Ng makalagpas ang grupo nila sa punong pinagtataguan ko ay dahan dahan akongumalis at naglakad papalayo. Kailangan ko ng simulan ang plano ko. Dahil hindi magtatagal ay siguradong magugulo na ang tahimik na mundong ito. At magsisimula yun sayo....... _______________________________ *Rosallie's POV" Nagyon palang ay nalulungkot na ako. Paano ba naman, nahiwalay na sa amin sila Joie at Jeanine. Pagkatapos kasi kaminh kausapin ni Headmaster ay pinapunta muna niya kami nila Mr Daniels at Mr Pierce sa kabilang kwarto. Conference Room ata yun, may malaki at mahabang mesa kasi sa loob at mga upuan sa magkabilang panig niyon. May ilang minuto din kaming naghintay bago bumukas ang pinto at pumasok si Ms Hale. Sinuri niya ang lagay naming lima. Lalo na ko. Ang dami pa nga niyang tanong.... Kung nahihilo daw ba ko? I nahihirapang huminga? Ng makasigurado siyang ayos lang ang lagay namin ay binigyan nya na ng go signal ang mga Head of House para itour kami. At dahil iba ang House nila Joie at Jeanine, nahiwalay na sila sa amin. Naiiyak na nagyakapan pa kami. Ayaw kasi talaga naming maghiwalay pero ayaw din naman naming galitin si Headmaster. Nakakatakot kay siya..... Sa kaliwa ang House nila at sa kanan naman ang sa amin. Habnag naglalakad kami sa pathway papunta ng House namin ay nagpapaliwanag si Mr. Daniels. Kalagitnaan daw ng klase ngayon, kaya wala kaming makita ni isang estudyante sa paligid. Lahat daw kung hindi nasa training ground ay nasa loob daw ng House at nagaaral. Nasa kalagitnaan na siguro kami ng makaramdam ako ng pangingilabot. Nagtayuan ang mga balahibo kosa braso at sa likod ng leeg ko. Andun din ang pakiramdam na may nakatingin sa akin. Huminto ako at bumaling sa kanang parte ng pathway sa harapan namin. Gaya ng kabilang bahagi ay maraming puno at halaman ang naroon. Medyo madilim sa bandang loob niyon dahil sa kapal ng mga dahon na tumatakip sa liwanag ng araw. May nahagip akong anino sa likod ng isang puno di kalayuan. Pinakatitigan ko iyon. Pero hindi ko na nakita pang gumalaw ang kahit ano mang bagay na nandun. Namalikmata lang siguro ako. Nawala na rinbigla ang kakaibang pakiramdam ko kanina. Haiiissttt... Ang imagination ko na naman... Tsk tsk tsk Napatingin ako kay Mr. Daniels ng tawagin niya ang pangalan ko. Napahinto na rin pala siya sa paglalakad ng mapansing hindi ako nakasunod sa kanila. Tiningnan ko ulit ang lugar kung saan ko nakita ang anino. Pero wala na akong maramdaman dun. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sumunod kela Mr. Daniels. "Sya nga pala. Dadaan muna tayo sa dorm ninyo para makapagpalit kayo ng uniform. Pagkatapos nun ay saka tayo pupunta sa House of Lumiere," sabi sa amin ni Mr. Daniels. "Yes, Mr. Daniels." Sagot naman naming tatlo. Pagkaikot namin sa House of Lumiere ay nakita agad namin ang dorm namin. Mas maliit nga yun kumpara sa House pero magarbo parin ang desenyo. Parang mansyon lang! Ang astig! Three storey building lang yun. Di gaya ng mismong House na Six Storey ata ang taas. Double kasi ng dorm namin. Pagpasok namin sa loob ay napanganga kaming tatlo. Ang ganda kasi at ang laki ng lobby. Napakakintab ng marmol na sahig. At sa gitna nun ay ang simbolo ng Academy. May Grand Stairway sa harap papunta sa ikatlong palapag. Nang tumingala ako ay nakita ko na butas ang parte ng kisame. Ganun din sa ikalawang at ikatlong palapag. Peronatatakpan ng glass ceiling ang pinakatuktok. Kaya diretsong pumapasok amg sinag ng araw. Ng dumako ang mga mata ko sa ikatlong palapag ay may nakita akong isang lalaki na nakatanaw sa amin. Nakasandal siya sa railing, nakacross ang mga kamay niya sa dibdib at nakapihit ang ulo niya paharap sa amin. Gwapo, matangkad at mukhang suplado. Nakasuot sya ng pure white na uniforme. Ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay umalis siya sa pagkakasandal at lumakad palayo ng hagdan. Hmmm... Kala ko ba walang ibang estudyante nagyon dito? Eh sino yun? "Ladies, this way please." Tawag sami ni Mr.Daniels. Dinundan namin siya sa parang reception area. May naghihintay doon na isang babae. "This is Alice. Siya ang magiging Dorm Manager nyo. Kung may concern kayo sa Dorm ninyo, ay sa kanya kayo pupunta." Pakilala ni Mr Daniels sa babae. "Welcome sa Academy. At ganun din sa House of Lumiere." Nakangiti niyang bati sa amin. "Here... Para sa inyo ito." Sabi niya at Inabot ang maliliit na box sa amin. Bawat isa sa amin meron. "Open it." Nagtataka man ay sinunod namin siya. Sa loob ng box ay isang bracelet. May kakapalan iyon. Halos two inches din ata. Para syang digital clock. May nakikita kasing number sa gitna. At may maliliit na pindutan sa gilid. Kulay bronze yun pero may naka-engrave na puting linya. Parang baging na nakapaikot iyon sa bracelet. Ng tingnan ko ang laman ng box nila Teresa, nakita ko na parehas lang kami. Parehas din ng number na nakalagay dun. Zero. May oras ba na Zero? Ano to? Calculator? Kulay bronze din ang sa kanila, pero ang linyang nakapaikot sa bracelet nila ay kulay ng element nila. Pula kay Teresa at dilaw kay Christine. "Isuot nyo." Utos ni Mr. Daniels. Sumunod naman kami, at ng mailagay na namin ang bracelet sa mga kamay namin ay biglang naglock iyon. Sinubukan ko pang hila-hilahin iyon pero ayaw paring maalis. Napatingin kami kay Mr Daniels. "That bracelet will be your ID inside the Academy. Iyan din ang magrerecord ng mga score na makukuha niyo sa mga exams at activities. Ang score na nasa ID bracelet nyo ang magiging currency sa loob ng Academy. The higher the score, the higher your monthly allowance will be." "Huh? Eh paano po kung manatiling sero ang score namin?" Tanong ni Tin. "Di wala din kaming allowance?" Aba! At balak pa ata niyang ibagsak ang exams namin ha. Wala naman sigurong nakukuhang puro zero sa exam diba? "Dont worry, may regular allowance naman na binibigay each student. Pero depende yun sa level nyo. Nahahati kasi sa tatlong levelang mga estudyante dito. Ang Novice, Advance at Elite level. Sa ngayon, nasa Novice level kayo. Once maipasa niyo ang Acceleration Exam saka palang kayo pwedeng malipat ng level. Ang allowance ng mga nasa Novice level ay mababa lang. Sapat lang para sa pagkain ninyo sa isang buwan at ilang necessities. Ang nasa Advance level ay doble ang laki kesa sa Novice. At ang nasa Elite ay triple ang allowance na natatanggap. Idadagdag mula roon ang matatanggap niyong additional points mula sa mga exams ninyo." "Ahhh..." Nausal namin. Wala eh. Napatanga kami sa sinabi niya. "Ang unang buton naman sa kanan ng bracelet ninyo ay para sa Daily Announcement, dyan nakalagay ang activities ng buong Academy. Go on... Try it." Pinindot namin ang sinasabi nya at nagulat kaming tatlo ng may hologram na lumabas mula roon. Wow! High Tech! Isa yung hologram screen. At may mga nakasulat nga doon na schedule ng exams at kung ano ano pa. Sinubukan ko pamb pindutin iyon. At laking tuwa ko na parang touch screen lang na sinusundan ang pagswipe ko. Taray! "Ang ikalawang buton ay para sa standing nyo. Kung ialng exam, duels at activities ang naipanalo ninyo. Ang ang buto pn sa kaliwa ay oara sa messages ninyo. Puro taga House of Lumiere lang ang pwede nyong padalhan at tanggapan ng liham." Sayang... Hindi pwede sila Joie. Sinubukan kong pindutin ang buton na sinabi niya at nagbago nga ang hologram na nasa harap ko. Ang nakalagay sa standing ko ay zero sa lahay ng kategorya. Wala ring messages sa inbox ko. Ang astig talaga! "May tanong pa ba kayo sa bracelet ID nyo?" Lahat kami namamanghang umiling lang. "Kung wala na. Maari nyong isara ang hologram kung pipindutin nyo ang ikalawang buton sa kaliwa." Ginawa namin ang sinabi niya at nawala nga ang hologram sa harap namin. "Ang susunod ay ang floors ng dorm. Kayong Novice ay allowed lang sa first floor. Advance level ang nasa second floor at Elite level sa third floor. Uulitin ko. Bawal pumunta sa ibang floor. Nagkakaintindihan ba tayo?" Yes, Sir." Oh diba... Sa pagkamangha namin. Sir nalang anitawag namin kay Mr. Daniels. "Then, let's proceed to upyour uniforms. Alice...." Lumapit sa amin si Ms Alice at inabot ang mga paper bag. May uniform nga sa loob nun. Ilang pares din siguro. "That will be your uniform. Tatlong pares palang yan. Makukuha nyo ang natitira after two days." Inilabas namin ang laman ng paper bag para tingnan. Pare pareho naming nakuha ang puting blazer. Maydalawang line na parallel sa lining ng lapel. Ang unang line ay kulay ng elemento namin. Ang sa kin ay kulay Cream. Hindi nga naman makikita kung white din... Hehe. Ang ikalawang line ay bronze. Pare pareho kaming tatlo na may ganung kulay. "The first kine of your blazer represents your element. At ang ikalawa ay ang level nyo. Bronze sa Novice, Silver sa Advance at Gold sa Elites." Ahh.... Kaya pala..... Ang sumunodna nilabas namin ay ang palda. Maiksi iyon. Mga two inches above the knee rin siguro. Lahat chekered. Pero ang kulay ng skirt namin ay base parin sa element namin. Kaasar ha! Ganda ng kulay ng sa kanila. Pula kay Teresa at Brown kay Ton. Colorful. Samantalang ako...... Ayun.... Kulay Cream parin.. Hayyysss... May nakita rin kaming ribbon na kakulay ng palda namin. "Now. If you're done inspecting your uniform. I will escort you all to your respective rooms." Tumango kami at ibinalik ang mga unifirm sa paperbag namin. Sinundan namin si Mr. Daniels sa right wing ng first floor. May limang corridor doon (corridor A to E). Una naming hinatid si Tin. Sa Room E 10 sya. Pagkatapos ay si Teresa sa Room C3, wala ang mga roommates nila. Malamang daw nasa klase pa. Ng papunta na kami sa magiging room ko ay nakasalubong namin ang humihingal na si Ms Alice. "Mr. Daniels, I'm sorry. Pero mukhang di niya magagamit ang room na naassign nyo para sa kanya." He frowned at her. "Bakit? Anong problema?" "Nasira po kasi ang water pipes sa taas ng room nila. Tumatagas yun at binaha ang buong silid. Nasira ang kisame pati ang sahig. Pinapaayos ko na po ang sira pero aabutin pa daw ng dalawang lingo. Kailangan kasi nilang palitan ang lumang pipes, kisame at sahig. Kaya matatagalan sila." Bumuntong hininga si Mr Daniels. "What about her roommate? Nandun ang mga gamit niya diba?" "Nasabihan na po si Claire, at nakuha na din po niya ang mga gamit niya. Kung papayag daw po kayo, dun muna siya sa mga kaibigan niya sa Corridor D." "Alright. Doon muna siya habang ginagawa ang room nila. May iba pa bang bakanteng kwarto para kay Rosallie?" Nagaalangan na umiling si Ms Alice. "Under renovation pa rin po ang ibang room dahil sa nakaraang aksidente. Kaya wala na po tayong bakanteng silid ngayon." Hala ka! Wala daw? Eh saan ako matutulog? Sa hallway? Aaaaaayyyyyaaaawwww!!! Mukhang nagiisip naman si Mr. Daniels ng solusyon. Nakakunot parin kasi ang noo niya. "What about... Sa Room A12?" Halatang nagulat si Ms Alice sa sinabi ni Mr. Daniels. "S-sa R-room A-A12, Sir? Sigurado po kayo?" Tanong niya at nagaalalang tiningna ako. Huh? Anong meron? Binalingan ako ni Mr. Daniels. Pinasadahan din niya ko ng tingin. Pagkatapos ay tumango. "Yes, Ithink she can handle that. Isa pa dalawang linggo lang naman." Nagdududang tumingin ulit sa akin si Ms Alice bago hinarap si Mr. Daniels. "Kayo ang bahala, Sir....." Sabi niya at nagpaalam na. Sumunod ulit ako ng magsimulang maglakad si Mr. Daniels. "Sir? Ano po ang meron sa Room A12?" Tanong ko sa kanya. Naalala ko kasiang reaksyon ni Ms Alice kanina. "Actually, isa lang ang nakaassign sa room na yun. Masyado kasi siyang.... Unstable." Medyo nakakunot ang noong sagot ni Mr Daniels. "Po?!" Gulat na usal ko. Unstable daw? Eh unstable din ang lagay ng power ko diba? Paano pagnagsama pa kami? Edi rumble na.... "Don't worry. I think you can handle her." He reassure me with a smile. Naks! Gwapo ni Sir! Required ba sa lahat ng staff nila dito ang good looking? Hehe lahat kasi ang gwagwapo. Kahit mukhang estrikto. "Ano po ba ang power nya Sir?" Tanong ko ng makahuma ako sa ngiti ni Mr. Daniels. "Hmmm... She's Aether User like you. At ang Special Ability niya ay Pain. She can inflict pain to someone with or without touching them." "Po?!" usal ko ulit. Napalakas din ang boses ko sa pagkabigla sa sinabi niya. "Tapos isasama ninyo po ako sa kanya? Baka naman po saktan niya ko?" Amuse na tumingin siya sa akin. "I don't think so, Rosallie. Kung ang pagbabasihan ko ang nangyari sa Headmaster's Office kanina, sa tingin ko may natural barrier ka laban sa mga Special abilities ng mga kauri natin." "Paano niyo po nasabi yan?" "Hindi ka kasi nilabasan ng Flare kanina. Kaya siguradong reserved power mo lang ang ginamit mo. Inextend lang nito ang natural na kakayahan ng elemento mo." "Ano po yung Flare?" Naguguluhang tanong ko. "Yun ang pisikal na liwanag sa tuwing binubuksan mo ang pinto ng kapangyarihan mo." Naguguluhan man ay tumango na rin ako. "Parang Aura po?" Umiling siya. "Ang Aura ay liwanag na nanggagaling sa mood ng isang tao. Nagtataglay nun ang lahat ng tao sa mundo. Elemental man o hindi. Samantalang ang Flare ay nangagaling lang sa pinto ng kapangyarihan mo. Ibig sabihin tayong mga Elemental lang ang meron nun." "Ahhh... " ok gets ko na...... "Bukod dun... Ang ilan lang sa Aether User ang may kakayahang makakita ng Aura. Hindi kaya yun ng apat na elemento. Ang Flare naman ay kayang makita ng lahat ng Elemental. Aether man o himdi." "Ahh... Ok. So Special ability ko po ba ang barrier na sinasabi niyo?" Tanong ko pa. He shrugged his shoulder and looked at me. "Siguro. Itetest natin yan one of this days. Para makompirma ang Special Ability mo." "Okay po." Namagitan sa amin ang katahimikan pagkatapos. Wala na rin kasi akong maisip na itanong sa kanya. Hindi nagtagal ay huminto kami sa pintong may A12 sign. At hindi ko naiwasang mapalunok ng kumatok siya roon. Oh my gosh! Eto na.... Makikita ko na ang Roommate kong may nakakatakot na ability. Lord! Help me! Bahagyang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang babae sa loob. Maganda siya at matangkad. Mukha rin siyang anghel at mahiyain. "Mr. Daniels." Bati niya sa Head of House. Hindi siya lumabas o niluwagan man lang ang pagkakabukas ng pinto. Bagkus ay nanatili lang siyang nakaharang doon. "Racquel, open the door and let us in." Marahang utos ni Mr. Daniels. Sumunod naman yung Racquel. Umalis siya sa pinto at pumasok sa loob ng silid. Iginiya naman ako papasok ni Mr. Daniels. Maganda naman ang silid. Simple lang ang pagkakaayos. May dalawang kama sa kanan at malaking closet sa gitna nun. May dalawang desk sa kaliwa at sa pagitan nun ay maliit na bookshelf. May malaking bintana sa tapat ng pinto kung nasaan kami at may isa pang pinto tabi ng isang desk sa sulok. Banyo siguro.... Sa kabuuan, mukhang malinis at maaliwalas ang silid. Umupo si Racquel sa kamang malapit sa pinto. Tumingin siya sa akin at nahihiyang ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya. Mukha naman pala siyang mabait. Medyo nabawasan tuloy ang takot ko sa kanya. Huwag ko nga lang maalala ang ability niya..hehe "Racquel, this is Rosallie Tuazon. Bagong estudyante natin. Rosallie.. This is Racquel Tejada." Pakilala sa aming dalawa ni Mr. Daniels. Ayos ah! Parehas kami ng initials. "Hello. Nice to meet you." Sabi ko sabay offer ng kamay ko for a handshake. Buti nalang at hindi nanginginig ang kamay ko. Medyo natatakot parin kasi ako sa kanya. Wahhhh.... An kayang mangyayari pag-inabot niya ang kamay ko? Dapat kasi tinanguan ko nalang eh.... Matagal niyang tinitigan ang kamay ko. Kumunot din ang noo niya at nawala rin ang pagakakangiti niya.. Maya maya pa ay tumingin siya sa mga mata ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Wahhhh!!!, kinakabahan ako sa kanya!!!! "It's ok, Racquel. Go on..." Usag ni Mr. Daniels sa kanya. Halatang nagdadalawang isip pa rin si Racquel kung tatanggapin o hindi ang pakikipagkamay ko. Ibababa ko na sana ang kamay ko ng itaas niya ang kamay niya. Napigil ko ang hininga ko ng maglapat ang kamay namin. Hinintay kong atakihin ako ng sakit gaya ng sinabi ni Mr. Daniels. Pero lumipas ang ilang segundo at walang nangyari. Hoorrrraayyy!!!!! Di nga ako tinablan ng ability niya! Tama nga ang sinabi ni Mr. Daniels kanina. Napatingin ako sa mukha ni Racquel. Gulat siyang nakatingin sa mga kamay namin. Hinigpitan pa niya ng bahagya ang pagkakahawak sa akin. Ng wala paring mangyari ay tumingin siya sa akin. Nakita ko ng unti unting sumilay ang ngiti sa mukha niya. Halatang natuwa talaga siya. "Nice to meet you." Natutuwang sabi niya. Binitiwan niya ang kamay ko at tumingin kay Mr Daniels. "Magiging roommate ko na ba siya?" "Only for two weeks. Hanggat hindi pa ayos ang assigned room niya." Halatang nalungkot siya sa sinabi ni Mr Daniels. "Ganun po ba? Two weeks lang?" Bagsak ang balikat na tanong niya. Hindi ko matiis ang itsura niya. Nakakaawa kasi siya. Siguro nalulungkot siya mag-isa. Kawawa naman... Mukha pa naman siyang mabait.... Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Basta narinig ko nalang ang sarili ko na tinawag ang Head of House namin. "Mr. Daniels?" "Yes, Rosallie?" "Pwede po bang dito nalang ako maassign?" Hala! Anong sinasabi ko? Tama ba to? Kasi naman eh.... Nakakaawa talaga ang itsura niya. "Tutal ok naman po kaming dalawa. Wala naman din pong nangyaring.... Kakaiba." Nananantiyang dagdag ko. Mabilis na tumingin sa akin si Racquel. Abot sa mga mata niya ang pagkakangiti niya. Hopeful pa siyang tumingin kay Mr. Daniels. Pinakatitigan muna kami ni Mr. Daniels. Malamang ay tinitingnan niya kung seryoso talaga kami. Maya maya ay tumango siya. "Titingnan ko ang magagawa ko." Napalawak ang pagkakangiti naming dalawa ni Racquel. Ewan ko ba.. Ang gaan ng loob ko sa kanya. "Pero hindi pa yun sigurado. Hihingin ko pa ang syempre ang approval ni Headmaster." "Okay po." Magkasabay pa naming sabi ni Racquel. Nagkatinginan kami at sabay napahagikhik. Nice! Mukhang makakasundo ko talaga siya. Pagkatapos nun ay inutusan ako ni Mr. Daniels na magpalit na ng uniporme at pumunta sa lobby after thirty minutes. Dun nalang daw niya kami hihintayin nila Teresa. Itotour pa daw niya kami sa loob ng House namin. Ng makaalis siya ay agad akong pumasok ng banyo. Excited na rin kasi akong makita ang ibang estudyante at ang kabuuan ng House anmin. Sana lang ay mababait din silang lahat gaya ni Racquel. Sabi ko sa sarili at nagsimula ng magayos. ______________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD